webnovel

3: Déjà vu

The sweet becomes more sweeter. Sabi nila, nawawala raw ang interest ng isang lalaki sa isang babae once na sinagot na siya nito. In short, some of them only wants the excitement on the chase phase. Nakaka-challenge nga naman na mapasagot ang isang babae, diba?

But, France is different. Kung sweet at caring siya sa akin nung nanliligaw pa lang siya, mas naging sweet siya sa akin ngayon. There are no dull days. Lahat masaya at nakaka-excite. Alam mo 'yun? 'Yung gigising ka nang masaya kasi alam mong may maghihintay sa iyo. This kind of happiness is on a different level. Ang gaan-gaan sa pakiramdam. Feeling ko nasa alapaap ako o nasa isang paraiso. Nakakapanibago.

"Guys, pasahan na raw ng final draft ng research next week!" sigaw ng presidente namin. Halo-halo ang naging reaksyon namin dahil alam naman naming lahat na halos wala pa kami sa kalahati ng research paper namin.

"Sino nagsabi?" tanong ni Claire, ang isa sa running for latin honor namin. "Narinig ko lang sa kabilang section. Sinabi na raw sa president nila." sagot naman ni Aubrey, ang presidente namin.

"Kung totoo nga na sinabi na sa kanila ni Ma'am Faye, edi sana, sinabi na rin sa'yo, Pres!" sigaw ng isa kong kaklase. "Oo nga! Baka fake news naman 'yan ha?" sabi naman nung isa. Marami pa silang binanggit na scenario para lang mapakalma nila ang sarili nila. Kahit ako naman ay kinakabahan dahil hindi ko alam kung paano namin matatapos ang research namin.

May umiyak pa na kaklase ko. Balita ko ay siya lang ang kumikilos sa grupo nila tapos may part-time job pa siya. Grabe talaga si Ma'am Faye! Pasabog!

Samu't saring reklamo pa rin ang naririnig ko sa apat na dingding ng kwarto. Kahit itong mga ka-grupo ko ay hindi na rin alam kung paano pagkakasyahin ang oras sa susunod na linggo. Paparating na naman kasi ang hell week kaya sabay-sabay na ang submission ng mga requirements.

Natahimik naman ang lahat nung biglang pumasok si Ma'am Faye sa room namin. Nagulat ang iba at ang iba naman ay ma-dramang napaupo pa. "Okay class, I guess, you heard it right?" panimula niya. Confirm! Malamang, next week na nga talaga ang pasahan!

"I have no choice but to set the date of submission next week. Graduation is just around the corner so I need to pass your grades first. Remember, isa ako sa mga coordinator ng graduation ng seniors niyo kaya I have no choice." banggit niya. Ang kaninang mga nanlulumo ay lalong nanlumo pa sa narinig kay Ma'am. Wala na rin siyang ibang sinabi at umalis na ito ng room. Saglit lang ang katahimikan at nagsimula na naman ang ingay.

"Bakit kailangang tayo pa 'yung mag-adjust?! Jusko, last last week lang siya nagpa-title defense tapos tayo ngayon 'yung maiipit?!" reklamo ni Claire. Sumang-ayon naman kaming lahat.

"Kasalanan ba natin na malapit na ang graduation? Bakit parang tayo 'yung nagdudusa?" reklamo naman nung isa. Marami pa silang nabanggit na reklamo at lahat sila ay may point.

"Ang pagrereklamo ay parang ipinagbabawal na droga. Hindi mo alam, naaadik ka na pala." Biglang may nagsalita sa pintuan kaya lahat kami ay napatingin doon.

"Sir James!" sigaw ng ilang kaklase ko. Isa siya sa mga professor namin na napakaraming turo at aral sa buhay. Sabagay, field of Philosophy kasi hawak niya.

"Guys, you shouldn't be here complaining with all of your might. Kung ginamit niyo na lang sana ang oras na ito para simulan na ang dapat simulan, edi sana may progreso na kayo ngayon." sabi niya ulit. This time, umupo siya sa desk sa harapan. That's his habit, ang pag-upo sa desk lalo na kapag discussion.

He's one of our favorite professor. Napaka-considerate niya sa mga estudyante niya. Sino ba namang hindi mapapalapit sa gano'n?

"Ma'am Faye dismissed you already, right?" Tumango naman kaming lahat bilang sagot sa tanong niya.

"Then you should go. Magsimula na kayong gumawa. But, here's my piece of advice to you, guys." tumayo na ulit siya at pinagpagan ang kayang inupuan.

"Huwag niyong gawing habit ang pagrereklamo. Nakakasama ito. Hindi niyo namamalayan na sa bawat pagkakamaling napupuna niyo at pagrereklamo rito, ay nauubusan kayo ng oras. Imbes na gumawa kayo ng paraan para maitama o masolusyunan ang mali, ay nandito kayo at nagrereklamo. Hindi masama ang pagrerekalmo basta't sasabayan mo ng gawa kasama ng iyong katawan. Huwag mong hayaang bibig lang ang gagana sa iyo. Paganahin mo rin ang katawan mo." literal na napanganga kaming lahat sa sinabi niya. He's right. It became our habit. Ang pagrereklamo pero hindi rin naman kami kumikilos. Wow, Sir James is something. Waaah! Goosebumps!

Realizing Sir James' wisdom, lahat kami ay umalis na ng room at pumunta sa kanya-kanyang destinasyon.

I texted France na hindi ako makasasabay sa kanya since kailangan naming pumunta sa bahay ng kaklase namin para ituloy 'yung research. We're going to tabulate the data so, we need each other para mabilis matapos.

From: France

Got it. Anna's house right? Gonna fetch you up later. Just text me, okay?

He replied. May klase pa sila ah? Paano kaya 'to nakapag-reply sa akin? Psh. Pasaway talaga.

Time has passed and we almost finished our chapter 3. Kailangan na lang namin ng reference para sa mga results namin and such. Ahh! What a productive day!

I was about to call France when he called me. "Hello? I was about to call you. Tapos na kami." paunang salita ko. "Wow, that's great baby! But, I can't fetch you up today. Something came up." simpleng paliwanag niya. Hindi na ako nagtanong pa at hinayaan ko na lang. Ito lang naman 'yung pagkakataon na hindi niya ulit ako masusundo kaya it's a no big deal.

"Lhan! Samahan mo naman ako sa school. Kailangan ko kasing ibalik 'yung mga books na hiniram ko last week." paki-usap ni Paul, isa sa mga kagrupo ko. Kasama niya rin kasi akong nanghiram ng libro nung nakaraan. Hindi ako nagdalawang-isip na samahan siya since hindi naman ako masusundo ni France.

Sobrang traffic papunta sa school kaya ang halos isang oras kaming naipit sa traffic jam. "Paano 'yan? I guess the library's closed by now. It's past six already." sabi ko kay Paul. He's the one who's driving kaya siguro hindi niya rin napansin 'yung oras.

"It's okay. Naka-usap ko naman 'yung librarian and she said that she'll wait for us. Pinaki-usapan ko na kasi mahirap na magka-record kapag hindi naibalik 'yung book sa tamang oras." he said. Kaya pala hindi siya nagpapanic kahit na sobrang traffic.

Nag-uusap pa 'yung librarian at si Paul kaya nagpaalam ako na lalabas muna ako saglit. Waaah! Ang ganda talaga ng ambiance dito sa school kapag gabi.

Napagdesisyunan kong magpunta muna sa quadrangle. Maganda kapag gabi roon. May mga nakapalibot na puno ro'n na may katabing benches. May minimal lights din kaya pwedeng-pwedeng tambayan ng mga nai-stress sa buhay. Kidding aside, feeling ko 'yun talaga 'yung purpose no'n. Hahaha!

May nakita akong isang lalaking naka-upo sa isang bench na malapit sa kinatatayuan ko. Medyo lumapit pa ako and I realized that it's France.

Lalapit sana ako kaso may lumapit ding babae sa kanya. I can't see her clearly dahil naka-side view siya kaya lumapit pa ulit ako. Hind ko alam kung bakit pero bigla na lang akong napatago sa likod ng isa sa mga puno dahil lumingon-lingon silang dalawa. Wow, reflexes ko na ba ang pagtatago?

Hindi ko alam pero parang familiar itong scene na ito. IT seems like it happened not too long ago...

Ahh! The day I saw France and...

"Irish?" I mumbled.

I can't be wrong. Kahit na isang beses ko lang siyang nakita, alam ko na agad 'yung features niya. Plus, medyo napaharap niya sa liwanag kaya I'm sure na it's her.

Wait, I don't want to be overracting but, don't tell me?

Don't tell me na ang 'something came up' na dahilan ni France ay si Irish...na naman?

Mayroong nagtutulak sa akin na makinig sa usapan nila pero nanaig pa rin 'yung thought na kailangan kong bigyan ng privacy si France. I'm sure na he'll tell it to me tomorrow so I should just give him the space he will be needing. I can't be spying here just because I'm curious. I trust France and that's enough.

To: France

I was about to go home. Paul will send me home. How about you?

Yes, I texted him. I can see from here na nabasa na niya ito. I thought that he will just ignore my text but he's typing.

From: France

I'm home. Just doing some paper works. Matulog ng maaga, okay? Gonna fetch you up tomorrow. I love you.

They're still talking. Siguro kung hindi ko sila nakita ngayon dito sa school, kikiligin pa ako sa text niya.

But, why do you have to lie, France?

What for?

"Hey Lhan! What're you doing there?!" sigaw ni Paul kaya hinila ko kaagad siya. Baka marinig siya ni France. I don't want him to know that I'm here. Baka isipin niyang sinusundan ko siya at wala akong tiwala sa kanya. I can't risk for now.

"Sinong tinitignan mo ro'n?" Tanong ni Paul.

"Wala, some cats. They're cute kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na panuorin sila." palusot ko.

"Cats? Pero wala naman akong--"

"Tara na! Hayaan mo na 'yung mga pusa. They need space." hinila ko na siya papuntang parking lot.

"Eh? Why do cats needs space tho?" naweweirdo-han niyang tanong sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at sumakay na sa kotse niya.

I shouldn't be feeling like this, but, why do I felt like I was being cheated? Ghad, this is insane.

Déjá vu, huh?