webnovel

5: This is really something, huh?

Tatlong araw na ang lumilipas pero walang France na nagparamdam sa akin. Kahit text, hindi niya nirereplyan. Hindi ko siya matawagan tapos nagdeactivate siya ng account niya da Facebook.

What's happening, France?

Hindi ko alam kung ano 'yung iisipin ko o kung dapat ba talaga akong mag-alala. He never done this before, which makes me anxious. Kahit ma tinatanong ko 'yung mga kaibigan niya, hindi rin daw nila alam na hindi na pala nagpaparamdam sa akin si France. I don't know if they're just saying that para hindi ko na sila kulitin or talagang hindi nila alam.

Psh, I don't have time for this yet I can't really focus on my studies. Anyway, I should focus first. Finals na bukas. Jusko!

"Ano? Hindi pa rin ba nagpaparamdam?" Tanong sa akin ni Mhel. Nandito kami ngayon sa quadrangle, exact place kung saan ko nakita si France nung gabing 'yon.

"Hindi naman ako aware na ganitong space pala 'yung ibibigay ko sa kanya. Psh." Bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig pa rin yata ni Mhel.

"Space? Anong sinasabi mo riyan?" Tanong niya.

"Actually, nakita ko siya nung nakaraan dito sa quadrangle. Gabi na no'n and he's talking to someone."

"Ano?!" Napatayo pa siya sa sobrang gulat. Hindi ko kinuwento kahit kanino na nakita ko siya kasi hindi ko rin naman alam kung anong meron nung araw na 'yon.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi?!" Sigaw niya na parang buong school yata 'yung tinatanong niya.

"Sino 'yung kausap niya?! Babae ba?! Anong pinag-uusapan nila?! May ginagawa pa ba silang iba maliban sa pag-uusap?! Ano?! Sagutin mo ako!" Sunod-sunod na tanong niya.

"Psh, paano kita sasagutin eh ayaw mong tumigil sa katatanong." Pilosoping sagot ko sa kanya. At aba, nakatanggap pa ako ng batok mula sa kanya!

Kinuwento ko sa kanya 'yung nakita ko nung gabi na 'yon at mukhang hindi siya satisfied sa ginawa ko.

"You know what? Ang shunga mo." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. What the?!

"Kung ako 'yun girl, nilapitan ko na. May karapatan ka naman ah! Girlfriend ka! Tapos nagsinungaling pa sa'yo?! Ay malamang, kung ako talaga 'yan?! Baka umaapoy na ako sa galit!" Giit niya.

"I'm not you. Duh." Tinarayan niya ako at kulang na lang ay makita niya 'yung sarili niyang utak sa sobrang pag-ikot ng mata niya.

"What the hell is wrong with France? Bakit niya 'to ginagawa?" Tanong ni Mhel. The hell Mhel. Kung alam ko lang, edi sana hindi na ako nafufrustrate rito.

"Ayan din ang tanong ko sa sarili ko. But, he's not even answering my texts and calls. How am I supposed to know?" Frustrated kong sabi.

Isang malalim na buntong-hininga na lang ang ginawa namin ni Mhel, sign that we can't do anything but to think of possibilities endlessly.

I really miss him. Bakit niya ako tinotorture nang ganito? Wala naman akong ginawa ah?

"Anyway, can you go with me tonight?" Tanong ni Mhel. Hmm? Saan na naman 'to pupunta?

"I'm invited on a debut. I have two invitations at pwede naman daw magsama na lang ako ng kaibigan." Sabi niya habang nagbabasa.

"Saan naman 'yan?" Tanong ko. Wala akong balak sumama dahil mas gugustuhin ko pang magreview pero parang may tumutulak sa akin na sumama.

"Montes' residence. Katabing subdivision ng residence niyo. Malapit ka lang naman do'n kaya sumama ka na." Montes? Familiar pero hindi ko alam kung saan ko narinig 'yon.

"Sino ang debutant?" Tanong ko ulit.

"I dunno. Hindi ko pa siya namemeet sa personal eh." Seriously? Pupunta siya debut na hindi kilala ang debutant? Wow!

"Bakit hindi mo kilala? Paano ka nainvite do'n kung hindi mo kilala?" Tanong ko.

"Tanong naman 'to nang tanong! Ano?! Sasama ka ba o hindi?!" Mhel and her temper! Psh! Masama na bang magtanong?! Pero, she has a point. Sasama ba ako?

"I was invited by her brother, okay?! Blockmate ko 'yun and we kinda close to each other so, I guess, that's why he invited me." Paliwanag niya. Oww, so, blockmate.. wait!

"Ikaw?! May close na lalaki?! How come?! Forever na ba?!" Usisa ko sa kanya. Knowing Mhel, she rather talk to a wall than talking to boys. And, now, they're close?!

"Oo. Bakit? Masama na bang makipag-komunikasyon para sa ikauunlad ng bansa? At, hello?! Anong forever pinagsasasabi mo riyan?!" I can hear her being defensive at her answer so I become more curious about her real relationship with that guy.

"Knowing you, ayaw mo sa lalaki!" Sabi ko. Bigla siya nag-iwas ng tingin sa akin and from that, I can tell that there's something else. Ha! Lokohin mo na lahat, huwag lang ako, Mhel! Hahaha!

"It just happened, okay?! Don't bother asking more questions. Naiinis ako sa'yo ang dami mong tanong!" Palusot niya. Lol! Umiiwas sa topic! Haha!

"Malamang! Sasama ako kaya may karapatan akong magtanong! Duh!" Napatingin siya bigla sa akin with amusement in her eyes. Problema nito?

"Sasama ka?! Ow wow! That's a miracle, Lhan! Knowing you, you hate parties!" Excited niyang sambit.

"You wanna know the reason? I'm curious about your 'blockmate' so I wanna come. Hmmm, I really smell something fishy here." Tinignan niya ako ng masama. Kulang na lang ay magkaroon siya ng laser sa mata at malulusaw na ako.

"Manahimik ka nga! Parang ayaw na tuloy kitang isama! Aish! Bakit ko ba kasi nabanggit 'yon?! Argh!" Medyo pabulong na 'yung sinabi niya nung dulo kaya hindi ko gaanong narinig. Bubulong-bulong pa? Hahaha! Huli ka balbon! You never got anxious like this before. Now, I know that this is something! Haha!

Kinulit-kulit ko pa siya sa mga tanong ko habang nagdadrive siya papunta sa residence building namin. Haha! Mamatay ka sa katatanong ko!

"Ano ba?! Ang sarap ibunggo nitong sasakyan tapos ikaw lang titilapon palabas ng kotse! Ang dami mong tanong!" Now, she's irritated! Haha! Got you!

"Masama na bang magtanong?!?! Ha?!?! Syempre, humans can't help but to feed their curiosity! Duh!" I never got this kind of chance where I'm the one who's teasing her. Palaging siya 'yung nambabadtrip sa akin so, today, ako naman!

"Hindi mo na ako ihahatid sa taas? Marami pa akong itatanong eh." Mapang-asar na tanong ko sa kanya.

"Umakyat ka mag-isa mo!" Sabi niya at sinara na ang bintana ng kotse niya. Kinatok ko ulit ito.

"Wait! Anong oras mamaya?!" Binuksan niya lang ito kaunti at nagsalita, "8pm! Psh!" Muntik pa akong mahagip ng kotse niya dahil pinaandar na niya ito agad!

Haha! I can guess that she's really pissed. Knowing her temper, feeling ko confused din siya sa nararamdaman niya. Nako! Nako! Dalaga na ang kaibigan ko, naiinlove na! Hahaha!

Thirty minutes before the time she said she'll going to fetch me up, pumunta na agad siya sa unit ko.

"Sabi na eh. You're too plain! Pupunta ka ro'n nang nakaganyan lang?!" Nakapameywang na tanong niya.

"Anong mali sa suot ko? Bakit? Ako ba 'yung debutant para bonggahan ko?" at nakatikim na naman ako ng isang malupit na batok. Wow, naalog na naman utak kong wala naman talaga.

Pumunta siya sa closet ko at nagkalkal ng damit. Kinuha niya 'yung black dress ko na off-shoulder at ipinasuot 'yon sa akin. Shiz, I'm not used to this kind of clothing. Speaking of which, I remember this dress. It's a gift from France. Hays.

Ang kaninang nakatali na buhok ko ay inilugay niya at ginawang wavy ang dulo. Inayusan niya rin ako sa mukha. Mayroon akong mga gamit pangmake-up pero bibihira ko lang itong gamitin. Karamihan nga sa mga ito ay galing din mismo kay Mhel.

Inayos niya ang kilay ko at nilagyan ng kaunting eye shadow. Lalagyan niya pa sana ako ng false eye lashes ngunit tumanggi ako. Mabigat sa mata, kaya ayaw kong nagsusuot no'n. Nilagyan niya rin ako ng cheek tint at pinalitan ang shade ng lipstick ko. Wow, pwede na magmake-up artist ah?

"Where's your lenses?" Tanong niya.

"Wait. Don't tell me, pagsusuotin mo pa ako no'n?"

"Malamang! You can't be wearing your specs with that make-up! Duh!" Sabi niya at nagkalkal sa lagayan ko ng make-up.

"Here! Suotin mo dali!" Sinunod ko na lang ang sinasabi niya dahil ayaw kong mabatukan na naman.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Woah, ang laki ng pinagbago. Mas naging presentable ako tignan. Black and brown ang tema ko ngayon, huh? I mean it, mukha akong kontrabida ngayon sa isang palabas.

Mabuti na lang at hindi pa nagsisimula ang party nung dumating kami ni Mhel sa venue. Malaki ang bahay na ito, actually, hindi na siya bahay. Mansion na ito kung maituturing. Gray and other pastel colors ang tema ng party pero katulad namin ni Mhel, marami rin ang naka-black dress.

Halatang mayayaman ang bisita. Mapapansin mo sa kanilang mga galaw at kasuotan. Ngayon, naiintindihan ko na si Mhel kung bakit hindi siya pumayag kanina sa suot ko.

"Mhel, nakakahiya naman. Hindi ko kilala 'yung mga tao." Kalabit ko kay Mhel.

"Same, sis. Don't worry. Some of my blockmates will arrive later." Sabi niya. Tumitingin-tingin siya sa paligid namin na parang may hinahanap at medyo balisa ang kanyang mukha. Tatanungin ko sana siya kung bakit pero may lumapit na lalaki sa amin.

"You're here. I thought you guys will not come." Medyo alangan nitong sabi kay Mhel. Who is this guy?

And, wait. Did he just say, "you guys"? So it means, inaasahan niya rin ang pagdating ko?

"Y-yeah... I thought that we should come. Wala namang masama, right?" Tanong niya rin sa lalaki. Teka nga. Bakit ba ganiyan sila mag-usap? Don't tell me... Ito 'yung guy na sinasabi ni Mhel na nag-invite sa kanya? OMG!

"Ehem!" Kunwaring ubo ko para maagaw ang atensyon nilang dalawa. Parehas silang balisa na ewan. Haha! I knew it! Something's going on between these two!

"A-ahh! Lhan, meet Ivan. Siya 'yung nag-invite sa akin and Ivan, this is Lhan." Nagkamayan kaming dalawa. Ni hindi siya makatingin sa akin at napakamot pa ito sa kanyang ulo. Haha! Cute!

"Nice to meet you. I've heard a lot about you." Sabi ni Ivan habang nakatingin sa sahig.

"Woah. So, what's your relationship with Mhel?" Deretsong tanong ko sa kanya. Kung naikukuwento ako ni Mhel sa kanya, it means that Mhel's comfortable telling stories with him. Tsk tsk. This one's interesting!

Napaubo pa 'yung dalawa na para bang hindi nila inaasahan 'yung tanong ko. Sus! Kunware pa kayo!

Siniko ako ni Mhel at bumulong, "Stop your. nonsense, Lhan! Pauwiin na kaya kita?!" gigil niyang sambit.

Sakto namang may tumawag kay Ivan kaya umalis na ito sa table namin. Tsk! Sayang! Hindi ko tuloy siya natanong!

The party's starting at nakapatay na 'yung ibang ilaw maliban sa spotlight. May mini-stage sa gitna ng garden nila at may nakasulat na, 'a decade and eight'. Maya-maya pa ay nagsalita na ang emcee para tawagin ang debutant. Lahat naman kami ay nagpalakpakan para sa pag-welcome sa kanya.

Galing siya sa loob ng mansion, sa second floor nito. Nilagyan nila ng hagdan paderetso sa may mini-stage. Nakita kong unang lumabas si Ivan, he must be her sister's escort.

Pero, nagulat ako nung itinapat na sa kanila ang spotlight. I was wrong. The escort is...

France.

Anong ginagawa niya rito? I mean, bakit dito ko pa siya makikita tapos escort pa siya ng iba?

At lalo akong nagulat noong lumabas na ang debutant. It's Irish.

'Yung babaeng kasama ni France nung huli ko siyang nakita. What's happening here?

"W-woah! Ha ha! A-ang ganda naman ng k-kapatid ni Ivan!" hindi ko alam pero bakit parang ang awkward ng compliment ni Mhel patungkol kay Irish. Something was off pero hindi ko na lang ito pinansin. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng lugar na pwede kong makita si France, bakit sa debut pa ng iba? At ang malala, bakit escort pa? Escort pa siya nung ex-girlfriend niya.

"Mhel." tawag ko sa kanya. Napatingin naman ito sa akin.

"I w-want to go home. This night's over for me." sabi ko at tatayo na sana ako para lumabas pero pinigilan niya ako. I just want to run away. Ayaw kong malaman 'yung katotohanan dahil sa mga naiisip kong posibilidad ngayon.

"We're here, Lhan. Tatakbo ka pa ba? This is your chance to know the truth." seryosong sambit niya habang hawak ako sa braso at napayuko na lang ito matapos magsalita.

"The truth?" tanong ko sa kanya. I know, someting was off since she invited me here and that lead me into another conclusion. Yet, I don't want to believe in it.

"Sorry, Lhan." sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Bakit ka nagsosorry?" tanong ko sa kanya. Magsasalita na sana siya kaso biglang may nagsalita sa stage.

"Thank you all for being here to witness my coming-of-age celebration." simpleng salita ni Irish at nagpalakpakan lahat. She's wearing a long black dress and that's unusual yet beautiful. It highlights her beautiful body and emphasizes her height. She's really beautiful, indeed. I'm not even aware that she's younger than us 'cause she's much more mature than me. The man standing beside her was smiling beautifully, admiring her . Wow, France. I've never seen you smile like that to me. Nakaka-inggit ha. Sabagay, sino ba namang hindi mag-aadmire sa ganyang kagandang dalaga? Even me, I was stunned at her beauty when I saw her at the parking lot. Yet, my situation right now is not right to admire her. More of, I envy her. Imagine, he make my man smile with full of admiration when he didn't even look at me like that. Well, I thought before but right now, I realized that it is not.

"Grabe, bagay na bagay silang dalawa." narinig ko mula sa katabing table namin. Yes, they really fit at each other. Para silang god and goddess na nakatayo sa harapan namin ngayon at sobrang nagliliwanag dahil sa kagandahang taglay nila. Wow self, nakakabitter ka naman. Imbes na magalit ka dahil bagay silang dalawa, you even admire them? Don't you pity yourself? Shiz.

This is really something, huh?