WALA KAYONG ALAM
Hawak ko ang makapal na lubid na nakakabit sa kisame.Nakapatong ako sa isang upuan kung saan isang galaw ko lang ay maaaring maging dahilan ng aking kamatayan.Inalagay ko na sa aking leeg ang lubid na maaaring magtapos ng aking paghihirap.
"Ang bobo mo na nga sa school hanggang bahay ba naman tatanga tanga ka din"
"Walang kwentang anak"
"Patapon na ang buhay n'yan"
"Mabubuntis din ng maaga kagaya ng Nanay nya yan"
"Di naman gagraduate yan kasi bobo"
"Bakit ba kasi nabuhay ka pa?"
Habang inaalala ang mga masasakit nilang salita ay kasabay nito ang pagkawala ng upuan sa aking paa kung kaya ramdam na ramdam ko na ang pagkawala ng aking hininga.
Mga masasakit at maling salita katumbas ng isang buhay na pinagsisihan nila.Buhay na hindi ko alam na ganito pala kasaklap. Buhay na unti-unti rin naman akong sinasaktan at pinapatay.