PRANK GONE WRONG
Birthday ngayon ng kaibigan namin at naisipan namin na iprank sya at kahapon pa namin sya di pinapansin para sa plano naming magkakaibigan.
"Nakaready na ba ang lahat? Yung cake na inorder natin nandyan na ba?" tanong ng isa naming kaibigan na s'yang nag-aasikaso ng mga pagkain para mamaya.
"Nakaready na lahat. Yung plano na lang para kay Leyn." sagot ko habang iniimagine na ang mangyayari mamaya.
Ang plano kasi namin ay a-absent kami sa trabaho at di namin papansinin si leyn before ng birthday nya. Tatawagan namin sya mamaya para sabihing nasunog ang bahay nila at naiwan sa loob ang 3 years old nya na kapatid.
"Papunta na daw si leyn." sabi ng kaibigan namin na s'yang naka-assign para Tawagan sya.
"mga 5-10 mins. Siguro ay nandito na yun.Iready nyo na ang confetti."
Excited kaming lahat at nakapwesto na rin kami hawak ang balloons at flowers para sa kanya. Ang boyfriend naman nya ay nasa gitna namin bitbit ang cake.
20 minutes na ang lumilipas pero wala pa ring dumadating na leyn.
" Baka na traffic lang guys" sabi ng pinsan nya habang panay ang silip sa bintana nila upang tingnan Kung dumating na si leyn.
2 oras. Kabado na kaming lahat. Tinawagan na rin namin ang mga ka trabaho nya pero sabi kanina pa nakaalis. Tinatawagan namin sya pero walang nasagot.
Kriiing....
"Si leyn tumatawag!" narinig naming sigaw ni Bea na kapatid ni leyn.
"leyn! Nasaan ka na-" naputol ang sinasabi ni Bea nng Ibang tao ang nagsalita.nakaloud speaker ang cellphone nya kaya naririnig naming lahat ang sinasabi.
"Pasensya na po pero ako po si Mel. Nagkaroon po ng aksidente dito sa intersection at kasama po si leyn and unfortunately po dead on arrival po sya." Walang ni isang nakapagsalita sa amin.
Narinig na lang namin ang pag-iyak ng mama ni leyn at mga hikbi ng kanyang boyfriend. Di namin to inaasahan. Gusto lang talaga namin na surpresahin sya pero mukhang kami ang nasurpresa.