IKAKASAL PA TAYO
"Hoy ikaw!" Napalingon ako nung tinawag na naman nya ako
Naglakad ako papalapit sa kanya.
"Ang ganda ba ng wedding dress? Bagay na bagay ba sa akin?" Tanong nya nung makalapit na ako sa kanya.
Tumango na lang ako bilang sagot.
"Kilala mo ba si Liam? Yung fiancee ko? Alam mo ba na sya yung pumili ng wedding dress na ito?" Magkwekwento na naman sya.
Tumango tango na lang ako ulit sa kanya habang nakikinig.
"Ikakasal kami sa simbahan kung saan kami nagkita." Malungkot sya habang nagkwekwento
"Bata pa lang kami noong una ko s'yang nakita sa simbahan. Kaya napagpasyahan namin na doon na lang ikasal. Ang romantic no? 10 years na kami ni Liam. Mula highschool hanggang magkaroon ako ng trabaho boyfriend ko na sya at ngayong ikakasal na kami sobrang saya ko."
Nakatingin pa rin sya sa akin habang nagkwekwento.
"Kilala mo ba si Liam? Yung fiancee ko? Alam mo ba na sya ang pumili ng wedding dress na ito?" Inulit na naman nya yung tanong nya kanina.
"I'm sorry Mira."
Di ko mapigilang maiyak habang nakatingin sa kanya na nakakulong sa apat na sulok ng puting kwarto dito sa mental Hospital.
"Ikaw ba si Liam? " Tanong nya sa akin habang umiiyak nya sya.
"Ikakasal pa kami e. Asan ba si Liam?"
Kasalanan ko. Kasalanan ko lahat kung bakit nandito sya ngayon. Di ko sya sinipot sa kasal namin. Nasaktan sya ng sobra at nagulat na lang kami ng nawala na sya sa sarili nya.
"Kilala mo ba si Liam? Yung fiancee ko? Alam mo ba na sya ang pumili ng wedding dress na ito?" Inulit na naman nya.
Masakit. Masakit makita na yung taong nagmahal sayo ng sobra ay ganto ang nangyari.
"I'm really sorry Mira" Yun na lang yata ang masasabi ko.
"Liam let's go" Narinig kong tinawag nya na ako. Ang dahilan kung bakit di ko pinakasalan si Mira.Mas pinili kong makasama ang Mama nya.