43 Kahanga-hangang Progress

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

PA! PA!

Nagpatuloy ang pagtalsik ng dugo sa napakakapal na balat sa leeg ng horned boar na ito na tumulo sa nababalot ng alikabok na highway. Makikita mo sa mga mata ng horned boar ang pagkawala nito sa kanyang sarili, at habang umaalulong ng napakalalim ay galit na galit itong sumugod muli papunta kay Luo Feng ng paulit-ulit na parang isang kidlat. Ang mga paa, sungay at buntot nito ay sunod-sunod at paulit-ulit na umaatake kay Luo Feng.

"Matapos nitong masugatan sa ulo ay mawawalan ito ng husto ng bilis sa pagikot." Mabilis na umilag ni Luo Feng.

Sinanay niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa pitong H level na halimaw ng sabay sabay sa kanyang fighter combat exam. Kahit na ang sabay-sabay na atake ng pitong H level na halimaw na iyon ay mas madali kaysa sa isang F level na horned boar ay hindi nalalayo ang lakas nito.

WHOOSH!

Hindi umatras si Luo Feng sa pagatake ng horned boar. Sa napakabilis na pag-ilag nito ay naiwasan niya ng 3cm ang napakatalim na sungay nito. Pero nagsilbi bilang isang barrier ang 3cm na layong ito kaya hindi nito matamaan si Luo Feng.

"Humanda ka!"

Mabilis na bumulusok pababa ang Ghost Blade na hawak hawak ni Luo Feng! Sa sobrang bilis nito ay nagpakawala ito ng isang nakabibinging tunog, at ang horned boar ay agad na umalulong sa sobrang galit. Ginamit niya ang natitira pa niyang lakas sa kanyang apat na paa para subukang ilagan ang napakabilis na blade ni Luo Feng….. Pero sa sobrang bilis ng Ghost Blade na hawak ni Luo Feng ay hindi na nito nagawang makailag pa. At ang tanging tunog na maririnig mo na lang ay ang tunog ng blade na tumatagos sa laman ng halimaw na ito.

CHI---

At isa pang hiwa ang kanyang nagawa sa halimaw na ito. At kahit na hindi ito magkasing lugar sa hiwang ginawa niya kanina ay umabot naman sa 8cm ang lalim nito!

"Hmph, dahil sa mga tinamong sugat nito ay hindi na niya mailabas ang 100% na lakas niya para maiwasan ang atake ko. Sa susunod kong atake, sigurado ako na mas mahina na ang depensa nito sa kanyang leeg," Matapos niyang tamaan muli ang leeg nito ay agad siyang umatras para umiwas sa galit na galit nitong counter attack. Matapos nitong umatake ay pinalapit muli ni Luo Feng ang distansiya sa halimaw na iyon!

[ROAR~~ ROAR~~] Nagpakawala ang horned boar ng isang galit na galit na angil.

"Ito na!"

Gumewang si Luo Feng ng tatlong beses para makalikha ng isang ilusyon sa harapan ng halimaw, pagkatapos noon ay inilagan niya ulit ang pagatake nito. Ang hindi alam ng halimaw na iyon, ang kasunod pala ng mabibilis na tapak na iyon ni Luo Feng ay ang napakatalim nitong Ghost Blade!"

"PU-CHI"

Sa una ay napakahirap hiwain ang napakakapal na balat ng horned boar, pero matapos nitong mahiwa nang may lalim na 12cm ay mabilis na lumambot ito at pagkatapos niyang mahiwa ang two thirds ng leeg ng halimaw na iyon ay agad niyang binunot ang kanyang blade at mabilis na umatras!

Tumagas ang dugo ng halimaw na parang isang fountain na nanggagaling sa napakalalim na sugat na iyon!

[Ao~~~]Napakatinis na pagsigaw ang nanggaling mula sa horned boar. Matapos nito ay nanginig ang buong katawan ng halimaw bago ito magsimulang pumadyak nang pagkalakas-lakas. Makikita ang pagkawasak ng aspalto sa ilalim nito sa sobrang lakas ng pagpadyak nito sa lupa. Matapos nito ay bigla nitong tumakbo papunta sa iba't ibang direksyon bago bumangga sa railing sa gilid ng highway. Sa sobrang lakas ng impact ay nawasak ang railing ng highway. Matapos nito ay nalaglag ang katawan ng halimaw sa ibabang bahagi sa gilid ng highway.

Hindi nagtagal ay humina nang humina ang ingay na nagmumula sa halimaw hanggang sa tumigil ito.

Tumayo si Luo Feng sa gilid ng sirang highway railing habang nakatingin sa halos pugot na bangkay ng horned boar na nahulog sa gilid ng highway. Nang malapit nang masimot ang balde-baldeng dugo mula sa katawan ng halimaw na ito ay mabilis na humina hanggang sa tumigil ang pagtalsik nito.

.

"Patay na!" Tumalon si Luo Feng pababa at sa pamamagitan ng kanyang Ghost Blade ay pinutol niya ang sungay nito.

Ang pinakaimportanteng bagay sa katawan ng isang horned boar ay ang nagiisang sungay nito!

����

Nakahinga na nang maluwag ang limang miyembro ng Fire Hammer Squad na nanonood sa pagpatay ni Luo Feng sa halimaw na iyon.

"Hindi ka normal!"

"Isa kang halimaw!"

Ang anim na salita na ito ay nanggaling mula sa magkapatid na Wei Jia brothers.

"Kumusta ang performance niya? Mukhang hindi ako nagkamali sa pagrekomenda hahaha!" pagmamalaki ni Chen Gu. Kung sasabihin natin na nasurpresa ang limang ito kani-kanina lang, ngayon ay makikita ang matinding pagkagulat sa mga natigilan nitong mga mukha.

"Mahusay talaga," ang tanging nasabi ni Zhang Ke.

Tiningnan ng kanilang captain na si Gao Feng si Luo Feng habang pinuputol nito ang sungay ng halimaw: "Paanong naging ganito kaganda ang technique ng batang iyan kahit angat na angat sa kanya ang horned boar sa bilis? Pero ang sunod-sunod niyang pag-ilag ay napakagaan at napakaperpekto. Para itong isang ulap o isang umaagos na ilog! At kung kaya niyang gawin ito ng ilang daang libong beses ay masasabi ko na ang aking nasaksihan ay isa nang Ru-Wei class!"

"18 years old pa lang siya pero kung isa na siyang Ru-Wei class ay nararapat lang na ipadala siya sa world headquarters dojo para sumailalim sa isang special training!" Ang tanging nasabi ng nakakatandang Wei Jia brother na si Wei Tie.

Ang Ru-Wei class…..

Ay isang perpektong pag-ilag na kung saan ay ginagamitan lang ito ng napakaliit na porsiyento ng lakas hangga't maaari para maiwasan ang paparating na atake! Napakahirap na uri ng pag-ilag na ito at kaya lang itong gawin ng isa o dalawang beses ng isang normal na fighter. Pero kung kaya mong gawing ito ng ilang daan o ilang libong beses, ang ibig sabihin niyan ay isa kang tunay na Ru-Wei class!

"Nakakuha tayo ng isang agimat!" ngiti ni Gao Feng.

Ang nakababatang kapatid na si 'Wei Qing' ay kagulat-gulat na tumango rin, "Hm, matapos ng ilan pang pagsasanay, ang ating Fire Hammer Squad ay magkakaroon ng isang napakalakas na miyembro muli!"

"Tuturuan namin siya ni Wei Qing," sabi ni Wei Tie.

Tumawa sina Chen Gu at Zhang Ke nang marinig nila ito. Bilang mga beterano na ilang beses nang umapak at naglakad sa gitna ng buhay at kamatayan, malinaw sa kanila ang bagay na mayroong kahanga-hangang pangangatawan ang ilan sa mga natatanging henyong fighter pero kung darating na ang mga ito sa sitwasyon kung saan kinakailangan nilang makipaglaban sa isang halimaw ay hindi na nila kayang ilabas kahit ang 10% ng kabuohan nilang lakas. Dahil dito, pangkaraniwan nang bumababa ang tingin nina Chen Gu at Zhang Ke sa mga henyong ito.

Ang isang tunay na propesyonal ay kailangang sumalang sa hindi mabilang-bilang na labanan!

At nang makita nila na kaya itong gawin ni Luo Feng sa una nitong pakikipaglaban, malinaw na para sa kanila na isa itong napakalakas na fighter.

"Captain," tumakbo si Luo Feng papunta sa kanilang captain "Ang sungay po na ito…"

"Ikaw ang pumatay ng halimaw na iyan kaya nararapat lang na mapasayo ang sungay na iyan," sagot ni Gao Feng.

Tumango si Luo Feng at tinanggap ito.

Hindi gaanong kalaki ang halaga ng katawan ng isang soldier level na halimaw, dahil ang lahat ng mga ito ay kayang mapatay ng heated weapons…. Kahit ang isang beginner warrior na may magandang shooting technique at isang machine gun ay madaling makakapatay ng napakaraming mga soldier level na mga halimaw. Kaya wala gaanong halaga ang mga ito!

"Kung ibebenta mo ito sa dojo ay maaari kang kumita ng 3,000 Chinese dollars at kaunting contribution points. Kung ibebenta mo naman ito sa underground alliance ay maaari kang kumita ng 5,000 Chinese dollars," tawa ni Chen Gu.

Ang material* lang sa katawan ng halimaw ang nagkakahalaga ng pera.

Note mula sa TL: ang material na tinutukoy dito ay ang mga importanteng bahagi ng katawan ng isang halimaw. Halimbawa na rito ang sungay, buntot, ngipin at iba pa.

At ang isang importanteng material sa isang "commander level" na halimaw ay nagkakahalaga ng napakaraming pera!

"Ayon sa ipinakita mo ngayon Luo Feng ay muntik ka nang bumagsak," nakangusong sabi ng isang miyembro ng Wei Jia brothers na si 'Wei Tie'.

"Kuya Tie?" Tingin ni Luo Feng "Gabayan niyo po ako Kuya Tie."

"Maganda ang basics mo pero mababa ang efficiency ng mga galaw mo," nanlalamig na sinabi ni Wei Tie, "Hintay ka lang ng kaunti at pakikitaan kita kung paano ako pumatay ng isang F level na halimaw."

…...

Ang halimaw na napatay ni Luo Feng ay isang horned boar na nalalapit na sa F level. Matapos nilang umalis ay mabilis silang nakaenkwentro ng isang F rank sa cat family na 'Ocelot monster'. Mayroong stripes ang ocelot at kasing lakas ito ng isang toro. Napakalaki ng inilakas at ibinilis nito kung ikukumpara sa isang horned boar sa larangan ng liksi at bangis.

"Panoorin mo ako," nanlalamig na sinabi ni Wei Tie.

WHOOSH!

Hawak hawak niya ang kanyang shield sa kaliwang kamay at ang scimitar sa kanyang kanang kamay. Mabilis niyang sinugod ng diretso ang Ocelot!

"Si Kuya Tie ay nasa advanced warrior class, kaya ang kanyang fitness level ay halos pareho na sa pangangatawan ng F level ocelot na ito," pinanood niya ito ng maigi. Naobserbahan niya na hindi sinubukang umilag ni Wei Tie at direktang sumugod sa sumusugod ding ocelot. At nang malapit nang bumangga ang ocelot na ito kay Wei Tie ay…

Biglang gumalaw ang kanyang katawan ng patagilid habang ang kanyang shield ay bumangga sa isang anggulo ng paparating na Ocelot.

Ang pagbangga sa anggulong ito ay ang nagresulta sa pagkawala ng balanse ng paparating ng ocelot, at nagresulta rin ito sa pagtagilid ng halimaw na ito.

"PU-CHI!"

Isang nakakakilabot na ilaw ang gumuhit sa harap ng kanyang shield. Kumislap ito papunta sa nakalitaw na lalamunan ng ocelot dahil sa kawalan ng balanse. Matapos ang ilang sandali ay tumalsik ang napakaraming dugo na parang isang fountain mula sa katawan ng halimaw. Agad namang umatras ng mabilis si Wei Tie nang makita niya ito. Nanlalamig niyang tiningnan ang umaalulong na ocelot hanggang sa maputulan na ito ng hininga.

Pinuntahan ni Wei Tie ang bangkay ng ocelot, hiniwa ang buntot nito at kinuha ang isang malatransparent na tendon mula rito. Matapos nito ay inilagay niya ito sa kanyang bag at naglakad pabalik kela Luo Feng.

"Nakita mo iyon? Walang wala ang technique ko kung ikukumpara ko sa iyo maging ang lakas ng katawan ko. Pero nagawa ko pa rin itong patayin sa isang atake lang."

Bumagsak si Luo Feng sa sobrang pagkagulat sa kanyang nakita.

Sa isang kisapmata ay mabilis na natapos ang labang iyon. Malayong malayo ito sa kanyang naexperience kani-kanina lang na kung saan kinailangan niya pang umilag ng maraming beses at paulit-ulit na atakihin ang leeg ng horned boar na iton bago ito mamatay. Ang nakalaban niya ring horned boar ay mas mahina ng husto kaysa sa ocelot monster na iyon.

"Pagisipan mo ng maigi," hindi na ipinaliwanag ni Wei Tie ang mga nangyari at hinayaan niyang isipin ito ni Luo Feng sa kanyang sarili.

Gulat na gulat si Luo Feng noong mga panahong iyon.

Ang bilis at lakas ni Wei Tie ay katulad lamang ng isang regular na fighter pero nagawa pa rin niyang maipakita ang isang kahanga-hangang resulta!

"Ang pinakaepektibong paraan sa pagpatay sa isang halimaw ay ang pagatake sa mga weak points nito!" seryosong sinabi ng nakababatang miyembro ng Wei Jia brothers na si Wei Qing, "Ang pangkaraniwang weak points ng mga mammals ay ang kanilang mga mata, lalamunan at bibig. Ang isang weak point rin nito ay matatagpuan sa kanilang tiyan sa ilalim na bahagi ng kanilang katawan pero mas mahirap itong atakihin… may isa pang weak point dito, ang kanilang leeg na inaatake mo kanina!"

Tumango si Luo Feng, alam niya ang lahat ng tungkol dito. Pero sadyang napakabilis lang talaga gumalaw ng mga halimaw kaya napakahirap kung susubukan mong saksakin ang kanilang mga mata! Para sa isang horned boar at ocelot na madalas na yumuyuko, ang paghiwa sa kanilang lalamunan ay napakahirap rin. Lalo na ang pagsaksak sa kanilang mga tiyan na nasa ilalim na bahagi ng kanilang katawan. Kaya ang paghiwa sa leeg ang pinakamadaling weakpoint na pwede mong atakihin.

"Hindi ka magkakaroon ng maraming pagkakataon na atakihin ang mga weak points ng mga halimaw. Hindi mga bobo ang mga ito kaya sigurado akong poprotektahan nila ang mga ito sa lahat ng oras."

"Pero kung hindi ganoong karami ang iyong mga pagkakataon, edi gumawa ka ng pagkakataon!"

"Isang halimbawa rito ay ang pagtama ng aking kapatid sa isang anggulo ng ocelot gamit ang kanyang shield na nagresulta sa pagkawala nito sa balanse. Ang paraang ito ang nagbigay sa kanya ng napakabilis na pagkakataon kung saan hiniwa niya ang lalamunan nito mula sa ilalim ng kanyang shield na naging dahilan sa mabilis nitong kamatayan," nanlalamig na sinabi ni Wei Qing, "Ito ang huling atake na ginawa ng aking kapatid at nagmula ito sa ilalim ng kanyang shield kaya hindi na nakapagreact ang halimaw na iyon!"

Tumango si Luo Feng.

"Tandaan mo na kailangan mong matutunan kung paano mong gagamitin ang mga strong points mo," sabi ni Wei Qing, "Kailangan mo itong gamitin ng malinis at ng maayos! Napakahusay ng technique na ipinakita mo pero hindi mo kinakailangang ipakita iyon sa bawat oras na papatay ka ng halimaw. Mag-isip ka at hanapin mo ang pinakamadaling paraan para mapatay ang halimaw na iyon."

"Naiintindihan ko po," tango ni Luo Feng.

Nagpakita naman si Wei Qing ng isang madalang na ngiti.

"Tara na," tawa ni Gao Feng habang kumakaway sa mga ito.

…..

Gusto ng Fire Hammer Squad na maging isang kapakipakinabang na miyembro si Luo Feng sa hinaharap kaya sinasanay nila ito ng maigi. Habang nasa daan, nagsasalitan ang magkapatid na sina Wei Qing at Wei Tie sa pagpatay ng mga halimaw at kung minsan ay hinahayaan rin nila si Luo Feng na pumatay ng mga ito. Tinuruan nila ito gamit ang kanilang mga salita at techniques, hinayaan din nilang masanay si Luo Feng sa pakikipaglaban sa mga halimaw sa Forsaken Land. At dahil dito ay nakikita nila ang kahanga-hangang improvement ni Luo Feng sa paggamit nito ng kanyang lakas at technique.

Kahit ang warlord level na si Gao Feng ay minsang nakikipaglaban sa mga halimaw habang nagtuturo kay Luo Feng.

Ang alam ni Luo Feng noon ay kinakailangan mong ilabas ang lahat ng lakas ng iyong katawan para makapatay ng isang halimaw. At noong nakipaglaban siya sa horned boar noong nakaraan, ang kanyang kahangahangang mga pag-ilag ay walang saysay! Dahil dito ay dahan dahang naging mabagsik, direkta at epektibo ang kanyang atake!

Tatlong araw ang nakalilipas.

Pagsikat ng araw sa sira-sirang city ring road, ang anim na miyembro ng Fire Hammer Squad ay matiyagang naglakad.

"Mayroon akong nakikita na dalawang F level mastiff lions, ikaw na ang bahala diyan Luo Feng. Go!" utos ng captain nilang si Gao Feng.

"Opo captain!"

Tumawa at ngumiti si Luo Feng habang papunta sa dalawang mastiff lion.

"HOWL~~" "HOWL~~" umangil ang dalawang mastiff lions habang nakatingin ang uhaw na uhaw nitong mga mata sa paparating na Luo Feng. Wala silang pakialam sa taong ito hanggang sa mga sandali na kung saan ay sobrang lapit na ng mga ito sa isa't isa. Sa mga sandaling ito ay nakita nila ang isang ngiti mula sa mukha ni Luo Feng.

WHOOSH!

Sa loob lang ng ilang saglit ay lalo pang bumilis si Luo Feng! Dito na nagsimulang magtayuan ang mga balahibo ng dalawang halimaw na iyon.

Hindi nagtagal ay sobrang lapit na niya sa mga ito. Ang apat na abnormal na hakbang na ginawa niya ay mula sa Nine Stage Thunder Blade technique na 'Flowing Light.' Ipinain niya ang kanyang sarili sa mga claw ng mga mastiff lion at sa isang ukot lang ng kanyang katawan ay nailagan niya ang mga ito. At habang gumagalaw ang mga katawan ng mga halimaw na ito papunta sa isa't isa ay mabilis namang humiwa ang Ghost Blade na hawak hawak ni Luo Feng!

PU! Eksaktong tumama sa lalamunan ng halimaw ang hiwang ginawa ng Ghost Blade ni Luo Feng.

Sumugod si Luo Feng sa kanyang harapan at lumingon sa isa pang mastiff lion.

"HOWL~~" nang makita ng isa pang mastiff lion ang pagsirit ng dugo mula sa kanyang kasamahan ay umalulong ito at mabilis na tumakbo palayo.

Napangiti ang nanonood na si Chen Gu, Gao Feng at ang iba pang mga miyembro ng Fire Hammer Squad.

Kahit na kakaunti pa lang ang experience ni Luo Feng kaysa sa mga beteranong Wei Jia brothers, hindi na nalalayo ang kakayanan niya sa maging sa matanda o sa nakababatang kapatid ng Wei Jia family dahil sa kahanga-hanga niyang technique.

"Tara na Luo Feng! Bilisan na nating pumasok sa lungsod bago pa makabalik ang nakatakas na mastiff lion kasama ang iba pa nilang mga kasama rito," tawa ni Chen Gu. Tumatawa naman si Luo Feng na bumalik sa kanilang grupo. At sa wakas ay nakarating na ang Fire Hammer Squad sa kanilang destinasyon, ang 0201 country level city.

avataravatar
Next chapter