44 Ang Key Position

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tahimik na nakapasok sa mabahay na bahagi ng 0201 country level city ang fire hammer squad.

"Luo Feng, ang dinaanan nating highway sa loob ng tatlong araw ay nabibilang sa tinatawag nilang abandonadong mga lugar" mahinang siabi ni Chen Gu kay Luo Feng habang sila ay naglalakad "Ang karamihan sa mga halimaw ay nakatira sa mga siyudad at mga lungsod na dating tinitirhan ng mga tao! Ang mga lugar gaya ng mga county at mga rural areas ay napakapanganib na mga lugar!"

"Naiintindihan ko po Kuya Chen" tango ni Luo Feng.

Nabasa na rin ni Luo Feng ang tungkol sa pamumuhay ng mga halimaw sa Forsaken Land sa mga post sa fighter discussion board ng Home of Limits.

Sa napakatagal na giyera sa gitna ng mga halimaw at sangkatauhan, natuklasan ng mga halimaw na kung maninirahan sila sa mga areas na kung saan ay walang nakatayong gusali gaya ng sakahan at iba pa ay madali silang mapapatay ng army at mga fighters sa pamamagitan ng mga long range weapons gaya ng 'heavy sniper rifles' at missiles dahil wala silang panangga sa mga ito!

Pero makikita sa mga city ang napakaraming mga matataas na gusali gaya ng mga skyscrapers.

At hangga't nagtatago sila sa mga urban areas kagaya nito ay madali silang makapagtatago sa mga tao at fighter na gustong pumatay sa kanila! At kung tatangkain man ng mga tao na pumasok sa city ay madali nila itong matatalo dahil kinakailangan nilang makipaglaban sa mga kalsadang napapalibutan ng mga gusaling puwedeng akyatan ng mga halimaw. Ang mga urban areas gaya ng isang city ay isang perpektong lugar para tirhan ng mga halimaw!

"Ang pangkaraniwang target ng fire hammer squad ay isang commander level na halimaw! Pero…" mahinang paalala ni Chen Gu "Kasing talino ng isang tao ang isang commander level na halimaw. At kaya rin nitong pasunurin ng napakaraming mga soldier level monster sa paligid nito. Kaya natural na ang bawat isang commander level na halimaw ay napapalibutan ng hindi mabilang na dami ng mga soldier level na mga halimaw. Kaya napakahirap talaga na makapatay ng isang commander level na halimaw"

Tumangi si Luo Feng nang marinig niya ito.

Hindi lang lakas ang malaking pinagkaiba ng isang solder at commander level na mga halimaw, malaki rin ang pinagkaiba ng talino ng mga ito!

Para maprotektahan ang kanilang mga sarili, karaniwan na napapalibutan ang isang commander level na halimaw ng napakaraming bilang ng mga soldier level na mga halimaw hindi gaya ng mga sobrang lakas na mga halimaw na mas pinipiling mapagisa.

"Magingat kayo! Mayroon akong nakitang isang pugad ng mga steel clad sa dadaanan natin" biglang sinabi ng kanilang kapitan na si Gao Feng "Ang pinuno ng mga steel clad bull na ito ay paniguradong isang high level commander na halimaw dahil napakarami ng mga nakikita kong mga steel clad bulls sa pugad na ito. Tara! Ikutin natin ang mga ito! Huwag ka munang magpapaputok Chen Gu. Tandaan niyong lahat, patayin niyo agad ang isang steel clad bull kapag nakita nito kayo. Huwag na huwag niyong hahayaan na tawagin nito ang mga kasamahan niya".

"Opo kapitan"

Ang lahat ng limang miyembro ay tumango.

Hindi gaya ng mga abandonadong mga lugar sa labas, ang mga siyudad at ang iba pang dating lugar na tinitirhan ng mga tao ay ang pinakamapanganib na mga lugar sa loob ng Forsaken Land.

Maingat na naglakad ang anim na miyembro ng fire hammer squad papasok sa isang napakakipot na daanan.

"Tigil" sabi ng isang miyembro ng Wei Jia brothers na si Wei Tie na nakapuwesto sa kanilang unahan habang itnataas nito ang kaniyang kamay. Tiningnan niya ng maigi ang nilalang na nakita niya sa kaniyang harapan. Nakita niya ang isang napakalaking iron fur boar na pinagpipiyestahan ng dalawang mastiff tiger hindi kalayuan sa kanilang puwesto. Nang biglang itinaas ng isang mastiff tiger ang kaniyang ulo at tumingin sa fire hammer squad hindi kalayuan, matapos nito ay naging maingat lalo ang mga halimaw na ito.

"Umikot uli tayo, huwag kayong gagawa ng kahit ano" bulong ni Gao Feng sa iba pang mga miyembro ng Fire Hammer Squad.

Noong una ay relax na relax silang naglalakad sa isang abandonadong highway dahil puwedeng puwede nilang patayin ano mang oras ang kahit anong halimaw ang nakita nilang pakalat kalat sa daan. Pero biglang nagiba ang sitwasyon pagpasok nila sa isang city.

…..

Matapos na maingat na gumawa ng panibagong daan, Umikot ng halos sampung beses at pumatay ng waling regular soldier na mga halimaw sa isang kisapmata ay nakarating na rin sina Luo Feng at ang fire hammer squad sa kanilang unang destinasyon, ang isang maliit na sector sa loob ng 0201 country level city na pinangalanang 'Blue Sky Sector'. Ang rason kung bakit ito ang unang destinasyon ng fire hammer squad ay dahil sa tatlong residential apartments na may taas na 21 stories ang matatagpuan dito.

"Halina sa tuktok"

"Magiingat kayong lahat! Hindi natin alam kung anong klase ng halimaw ang nagtatago sa loob ng gusalin iyan"

"Huwag kayong gumawa ng masyadong ingay"

Ang anim na miyembro ng fire hammer squad ay dahan dahang umakyat sa hagdanan ng gusali.

"Howl~~~" isang napakababang alulong ang narinig nila sa loob ng building na nagpasimangot sa anim na miyembro ng fire hammer squad. Sanabi ng nasa unahan ng team na si Wei Tie na "Sigurado akong nasa taas ang halimaw na iyon kaya magiingat kayo sa mga galaw niyo". Hinanda ng lahat ang kanilang mga sandata na kanilang hawak hawak para sa pagatake habang si Chen Gu naman na gumagamit ng heated weapon ay pinagitnaan ng buong squad para maprotektahan ito.

Umabante sila ng paisa isang hakbang paakyat sa gusali.

"Huh?" Nakita ni Luo Feng ang isang napakalaking lion mastiff na may dalawang metro ang laki ang biglang lumabas mula sa isang sulok. Sobrang haba ng mga balahibo nito at nagmukha itong isang napakalaking military SUV. At noong makita sila nito ay agad itong umaluluong. Humalo sa hangin ang hininga nito na nangangamoy dugo.

Tinalon ng lion mastiff na paakyat na fire hammer squad ng buong lakas.

WHOOSH! WHOOSH!

Sabay na gumalaw ang magkapatid na sina Wei Tie at Wei Qing. Gamit ang shield sa kaliwa nilang kamay at ang scimitar sa kabila, sumugod ng sabay ang dalawang magkapatid at kinaskas ang napakalaking katawan ng lion mastiff. At habang mabilis na kumakaskas ang kanilang mga shield sa katawan nito ay binunot nila ang kanilang mga scimitars at gumuhit ng pakurbang linya na tumagos sa hanggang sa buto ng halimaw.

Gumamit ang magkapatid na Wei Tie at Wei Qing ng magkaparehong technique!

Nagresulta ito sa paghiwalay ng dalawa nitong mga kamay sa harapan ng katawan nito. Matapos nito ay biglang lumabas si Zhang Ke mula sa likod ng magkapatid na Wei Tie at Wei Qing at sumugod papunta sa kaawa awang halimaw. ang kaniyang alloy spear ay lumikha ng malakas na tunog noong isaksak niya ito sa ulo ng halimaw.

PU-CHI! Ang spear ay agad na tumagos sa mata ng lion mastiff at lumabas sa kabilang bahagi ng ulo nito!

"ROAR~~" walang kamuwang muwang na humakbang ng dalawang beses ang sugatang lion mastiff bago ito bumagsak sa sahig.

Ang cooperasyon sa pagitan nila Wei Qing, Wei Tie at Zhang Ke ay talagang kahanga hanga! Ang unang dalawa ang pumutol sa dalawang paa nito sa unahan na nagresulta sa pagkawala ng balanse nito habang ang isa naman ay biglang lumabas para tapusin ang halimaw na iyon sa isang saksak lang! Sa sobrang galing ni Zhang Ke sa paggamit ng spear ay nagawa niyang tamaan ng halimaw na iyon.

…..

Habang umaakyat sa hagdanan ang fire hammer squad ay nakaengkwentro ito ng tatlong mga halimaw, swerte na ito kung tutuusin. At isa mga ito ang umatake mula sa baba ng gusali. Sa mga sandaling ito, si Luo Feng at si Gao Feng ang nakapuwesto sa likurang bahagi ng team kaya walang kaduda duda na si Luo Feng ang malinis na pumatay sa G level na halimaw na iyon.

����

Matapos lumabas ng fire hammer squad sa hagdanan ng gusali ay nakarating na ang mga ito sa rooftop ng 21 story residential apartment na pinasok nila.

"Isarado niyong maigi ang pinto papunta sa hagdanan, Higpitan niyo ng pagkakasara!" utos ni Gao Feng "pigilan niyo ang kahit na sinong halimaw na makaakyat sa rooftop."

"Opo".

Papunta sina Luo Feng at Zhang Ke para isara ang steel doors papunta sa hagdanan ng gusali nang makita nila ang isang mahabang bakal na ginamit nilang panglock sa steel door.

"Phew, makakapagrelax na rin tayo kahit papaano ngayon" isang napakadalang na ngiti ang makikita sa mukha ni Zhang Ke. Umupo ito sa roof top at inilabas ang baon niyang high carb na pagkain at ang baon niyang tubig.

"Nagdala naman siguro tayong lahat ng binoculars hindi ba?" sabi ni Gao Feng "gamitin niyo ang mga binoculars niyo para humanap ng isang commander level na halimaw! Tatandaan niyo na huwag niyong ialalabas ng husto ang mga katawan niyo kung ayaw niyong makita tayo ng commander level na halimaw na hinahanap natin. Napakalaking problema para sa atin niyan" Pero makikitang napakasafe sa rooftop na kinalalagyan nila.

Ang resideltial apartment ay may taas na 21 stories kaya hindi makakayanan ng karamihan sa mga halimaw na akyatin ito mula sa labas.

Kahit ang isang commander level na halimaw ay nagutos sa mga hawak nitong mga halimaw na akyatin sila doon para patayin, gaano nga ba kalapad ang hagdanang aakyatin nila? Kaya hindi ganoon kataas ang panganib sa lugar na iyon. At kung sakaling magkaroon sila ng problema ay madali itong makakatakas.

"Simulan niyo nang maghanap ng isang commander level na halimaw"

"Guys, oras na para maghanap ng mga halimaw."

Inilabas din ni Luo Feng ang kaniyang binoculars sa kaniyang bag kasama ang iba pang supporting tools gaya ng screws at iba pa. Kadalasang dinala ito ng lahat dahil magaan lamang ang mga ito.

Nagsquat siya sa gilid ng rooftop at nagsimulang tumingin sa kalsada. Doon ay nakita niya ang iba't ibang uri ng mga halimaw na nakakalat sa ibaba. "Ang mga halimaw dito ay may sampu hanggang daang daang bilang ng mga halimaw". At nakita niya sa isa sa mga kalye ang daan daang mga halimaw na magkakasabay na naglalakad patungo sa isang direksyon.

Kahit ang isang warlord level fighter ay may napakaliit na tiyansa na makatakas ng buhay mula daan daang mga pangkaraniwang halimaw na ito.

"Ang lahat po ng mga ito ay mga soldier level na mga halimaw kapitan"

"Wala rin akong nakikitang kahit anong commander level na mga halimaw sa puwesto ko"

Lahat ng limang miyembro kabilang ang captain ay sabay sabay na naghahanap ng isang commander level na halimaw gamit ang kanikanilang mga binoculars. At sa pamamagitan lamang ng pagpuwesto sa ganito kataas na lugar ka lang makakakita ng malayo. Gaya sa tuktok ng 21 story residential apartment na ito kung saan ay mas malayo ang puwede mong makita gamit ang iyong mga binoculars, dahil dito ay makakakita ka rin ng mas maraming mga halimaw.

"KA!" bukas ng isang steel case. Ang tanging miyembro ng fire hammer squad na hindi gumagamit ng binocular ay si Chen Gu na nagbukas ng isang steel case. Maliban sa dala niyang napakaraming bala at isang machine gun, ay may dala dala rin itiong rectangular shaped na wooden case na nakalagay sa loob ng isa pa niyang steel case. Makikita sa loob ng wooden case na ito ang iilang mga mechanical parts na mabilis na inassemble ni Chen Gu.

Ilang sandali ang nakalipas--

Isang silverish gray na heavy sniper rifle na may habang dalawang metro ang nabuo kasabay ng optical aimer device at iba pang mga bagay na kinakailangan nito.

Naglagay si Chen Gu ng sampung espesyal na mga bala sa clip ng kaniyang heavy sniper rifle.

"Sabihan mo ako kapitan kapag nakahanap na kayo ng isang commander level monster" sabi ni Chen Gu.

"Walang problema, kaya magpahinga ka muna diyan habang naghahanap kami ng isang commander level na halimaw para sa iyo" tangi ni Gao Feng kasabay ng pagbibigay niya ng utos sa iba pang mga miyembro ng squad "Huwag na huwag niyong lalagpasan ang kahit na anong halimaw na makita niyo". Ito ang pinakamadaling paraan para manghuli ng isang commander level na halimaw sa loob ng city dahil napakalayo ng puwede mong makita kapag pumuwesto ko sa isang mataas na lugar.

Ito rin ay sampu hanggang isang daang beses na mas mabilis kaysa sa paghahanap sa isang commander level na halimaw gamit ang mga kalye bukod pa riyan ang pagiging mas ligtas nito.

Nagpatuloy ang limang miyembro ng fire hammer squad sa pagtingin sa kanilang mga binoculars para maghanap ng isang commander level na halimaw habang ipinikit naman ni Chen Gu ang kaniyang mga mata at nagsimulang matulog habang hawak hawak ang kaniyang heavy sniper rifle.

avataravatar
Next chapter