42 Ang Horned Boar

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ito ang una mong laban sa Forsaken Land kaya huwag kang papalpak Luo Feng. Ang mga halimaw dito ay mas malakas at mas nakakatakot kaysa sa mga halimaw na inaalagaan ng military," seryosong paalala ni Chen Gu. Tumawa naman si Luo Feng dahil alam nito na nag-aalala ang kuya niyang si Chen sa kanya. Mas malapit si Luo Feng kay Chen Gu at Zhang Ke kaysa sa ibang mga miyembro ng Fire Hammer Squad dahil pare-pareho silang nakatira sa Ming-Yue sector.

Pero hindi naman gaano sa captain nilang si Gao Feng at sa Wei Jia brothers…

Ito ay dahil na rin isa pa lang siyang rookie at hindi pa nila masyadong nakikilala ang isa't isa kaya nahihirapan pa siyang maging komportable.

"Kaya mo yan Luo Feng. Alam namin na nasa level na ng isang 'Advanced Warrior Fighter' ang pangangatawan mo kung ibabase namin ito sa bilis at reaction speed ng katawan mo ngayon. Malapit na ring marating ng lakas mo ang level na iyan kaya sa tingin ko ay madali mong mapapatay ang horned boar na iyan," ang Spear na si Zhang Ke ay kasurpresurpresang nagbigay ng suporta sa rookie fighter na si Luo Feng.

Habang ang tatlo pang miyembro ng Fire Hammer Squad ay nanood lang sa rookie na si Luo Feng.

[TSSSINNGG!]

Inilabas ni Luo Feng ang kanyang Ghost Blade. Ngumiti siya sa ibang mga miyembro ng Fire Hammer Squad habang dala-dala ang bitbit niyang Ghost Blade sa kanyang kanang kamay at ang shield naman sa kanyang kaliwang kamay "Captain, Kuya Chen, panoorin niyo ako kung paano ko kukunin ang sungay ng horned boar na iyon," habang sinasabi niya ito ay mabilis siyang tumakbo papunta sa halimaw.

Pinanood nilang lahat si Luo Feng.

"Captain, hindi ba masyadong harsh kung bibigyan niyo si Luo Feng ng isang Rank F horned boar para sa una niyang makakalabang halimaw?" hindi mapigilang tanong ni Chen Gu "Kahit na kinakailangan nating subukin ang lakas niya ay hindi ba dapat natin gawin iyon ng dahan dahan? Mas mabuti siguro kung kumuha tayo ng isang Rank G na halimaw."

"Oo nga, hindi natin puwedeng madaliin 'to," dagdag ni Zhang Ke.

"Walang problema sa naging desisyon ng captain," mahinang sagot ng nakakatandang Wei Jia brothers na si 'Wei Tie', "Hindi naman mas mahina ang pangangatawan ni Luo Feng kung ikukumpara sa halimaw na iyon. Kaya kahit na medyo mahirap ay magagawa pa rin niyang mapatay ang halimaw na iyan nang hindi masusugatan ng husto."

"Pero ito ang unang beses niya sa loob ng Forsaken Land," hindi kumbinsidong sagot ni Zhang Ke.

"Ano naman ngayon kung unang beses pa lang niya? Ayoko siyang maging pabigat sa atin. Sa tingin mo, paano tayo makakapanghuli ng mas malakas na halimaw kung mayroon tayong kasamang pabigat na katulad niya?" nakasimangot na sagot ni Wei Qing sa isang tabi.

Sa mga oras na ito---

Sa limang beteranong miyembro ng Fire Hammer Squad, sina Chen Gu at Zhang Ke ay malinaw na nasa panig ni Luo Feng, habang ang Wei Jia brothers naman ay nagdududa sa kanya.

"Tumigil na kayong lahat," utos ng captain nila na si Gao Feng.

Tumahimik sina Chen Gu at ang iba pang mga miyembro ng Fire Hammer Squad.

"Manood muna kayo, saka na lang kayo magsalita pagkatapos makipaglaban si Luo Feng sa horned boar na iyon," walang emosyon na sinabi ni Gao Feng.

���

Parang isang maliksing jaguar, tumakbo si Luo Feng papunta sa likuran ng isang nakabaliktad na kotse sa gitna ng highway. Mula roon ay tiningnan niya ang horned boar na hindi naman ganoong kalayo sa kanya. Ang bawat balahibo ng horned boar na iyon ay parang isang itim na karayom, habang ang sungay naman nito ay parang isang napakatalim na blade!

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, makikita ang nanlalamig na dulo ng napakatalim na sungay nito.

Kung ang iron fur boar na nakaharap niya sa fighter combat exam ay tulad ng isang mabigat at walang awang hummer, ang horned boar na ito naman ay isang maliksi at matapang na halimaw.

"Ito ang una kong laban kaya kailangan kong magpakitang gilas."

"Nakasali lang ako sa Fire Hammer Squad dahil sa dalawang malaking rason: ang una ay ang hiling ng Chief Instructor na si Zhu Ge, pero ang mas importante ay dahil sa tulong nina Kuya Chen at Kuya Zhang." Malinaw kay Luo Feng sa mga oras na ito ang isang bagay: talagang napakahirap para sa isang rookie na sumali sa isang elite fighter squad. Ito ay dahil patuloy pa rin siyang pinagdududahan ng captain nila na si Gao Feng at ng Wei Jia brothers kaya kinakailangan niyang patunayan ang sarili niya sa harapan nila sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa halimaw na ito!

Tinitigan ni Luo Feng ang horned boar na sa mga oras na ito ay naghahanap ng makakain.

Ang tatlong levels na H, G at F ay nagsisilbing titulo para sa isang low level soldier, medium level soldier at high level solder na halimaw. Malinaw na malinaw na ang horned boar na nasa harapan niya ay nalalapit na sa F level.

[HOWL~~HOWL~~]

Umungal ang horned boar habang nagobserba sa kanyang paligid gamit ang kanyang nakakakilabot na tingin.

"Nakita niya ako!" bumilis ang tibok ng puso ni Luo Feng at bigla itong natuwa.

[BOOM!] Tumalon ng malakas ang horned boar na papunta sa kanya na parang isang napakabilis na tangke. Malakas nitong binangga ang nakataob na hummer na nasa harap ni Luo Feng. Mabilis namang umilag at tumalon si Luo Feng na parang isang matsing.

[BOOM!] Makikitang tumilapon at nagpaikot ikot ang hummer ng ilang beses sa gitna ng highway. Ang hummer na ilang dekada nang nakataob sa highway ay agad na nahati matapos nitong tumilapon. Humiwalay din dito ang mga gulong nito at tumalsik sa iba't ibang mga direksyon bago ito gumulong ng sandali at bumagsak sa highway.

Matapos ang ilang sandali ay mabilis na sumugod si Luo Feng papunta sa horned boar.

"Mamamatay kang hayop ka!" sigaw ni Luo Feng.

Tila isang kidlat ang bilis ng kanyang pagsugod papunta sa kinatatayuan ng horned boar habang ang hawak hawak niyang Ghost Blade ay biglang kumislap papunta sa ulo ng horned boar. Mukhang wala nang oras para makailag ang horned boar na kababangga lang sa nakataob na hummer. Pero nung malapit na si Luo Feng dito ay biglang---

[XIU]

Isang itim na anino ang biglang lumabas na tatama sa ulo ni Luo Feng.

"Sobrang bilis!" Nabigla si Luo Feng. Sa pamamagitan ng pag-atras ng isang hakbang ay nagawa niyang ikutin ang kanyang katawan para ilagan ang itim na aninong iyon. Ang aninong iyon ay ang buntot ng horned boar na para bang isang bakal na latigo!

"Puff!" "Puff!"

Matapos nitong ibaba ang kanyang buntot ay napakabilis itong tumakbo papunta kay Luo Feng. Kitang kita ang napakagaspang nitong mga paa at ang malasandata nitong sungay na papunta kay Luo Feng.

"Bwisit, ang bilis talaga ng baboy ramo na ito!" Umatras muli si Luo Feng at itinaas ang kanyang shield para sanggain ang paparating na halimaw.

[BAM!]

Nagkabungguan ang shield ni Luo Feng at ang mga paa ng horned boar. Ginamit ni Luo Feng ang impact na ito para dumive pabalik sa sahig kung saan ay iginulong niya ang kanyang katawan para mabawas ang pwersang naramdaman niya na resulta ng pagsangga niya sa atake ng horned boar. Hinabol naman ng horned boar si Luo Feng habang nagmadaling tumago si Luo Feng sa likod ng isang sirang truck.

Dahil hinaharangan ng truck si Luo Feng, di naging epektibo ang atake ng horned boar.

…..

Matapos nilang mapanood ito ay napatango ang limang miyembro ng Fire Hammer Squad.

"Captain, napakaganda ng reflexes ni Luo Feng, hindi ba?" tumatawang tanong ni Chen Gu.

Ngumiti si Captain Gao Feng at tumango: "Magaling nga ang batang iyan. Akala ko ay mahihirapan siya sa pagharap sa horned boar sa unang laban niya! Hindi ko naisip na ganyang kabilis ang kanyang mga reflexes. Gayundin ang kanyang mga basic skills. Mahusay niyang nagawa ang pagsangga sa umaatakeng horned boar at ang kanyang mga galaw ay parang dumadaloy na tubig. Sa ngayon ay hindi pa siya nasusugatan sa sunod sunod na atake ng horned boar na iyon! Magaling!"

Lumuwag na rin ang pakiramdam ng Wei Jia brothers matapos nilang mapanood ito.

"Hoy Wei Tie, Wei Qing, may potensiyal si Luo Feng, hindi ba?" nakangiting tanong ni Zhang Ke sa Wei Jia brothers.

"Hindi pa tapos ang laban kaya hindi pa natin masasabi kung tama ka," nanlalamig na sinabi ni Wei Tie.

Patuloy nilang pinanood ang laban sa pagitan ni Luo Feng at ng horned boar.

….

Nagconcentrate ng husto si Luo Feng at nagisip sa kaniyang sarili: "Ang sama ng horned boar na ito; sinadya niyang magmukhang mahina para maisip ko na mahina talaga siya. Pero noong papalapit na ako ay bigla niyang ginamit ang kanyang buntot pang-atake, hindi nagtagal ay tumakbo rin ito papalapit sa akin at inatake ako gamit ang kanyang mga paa at ang kanyang napakatalas na sungay. Kasama ang napakabilis na pagtakbo para suwagin ako sa huli, ang lahat ng ito ay maituturing ko bilang isang nakakapatay na combo! Buti na lang at sinasanay ko na ang sarili ko sa Nine Stage Thunder Blade technique nitong mga nakaraang araw kaya mas kontrolado ko na ng husto ang lakas ng aking katawan!"

Nitong nakaraang buwan ay sinasanay niya ang sarili niya sa Nine Stage Thunder Blade technique.

At mukhang kinakailangang gumamit si Luo Feng ng kaunting spiritual force para makailag sa umaatakeng halimaw na iyon.

[ROAR~~] Umalulong ang horned boar, hindi ito bumangga sa truck ulit na parang isang mangmang, kundi tumalon ito sa tuktok ng truck at mabilis na sumugod papunta kay Luo Feng.

"Patay ka na ngayon sakin hayop ka!"

Napakalakas na sinipa ni Luo Feng ang gulong malapit sa kanya, at parang isang trebuchet, lumipad ito ng diretso patungo sa sumusugod na horned boar. Pero hindi nito napabagal ang papalapit na halimaw at sa halip ay ibinaba ng horned boar ng bahagya ang kaniyang ulo para salubungin ang paparating na gulong gamit ang kanyang sungay. Matapos ang ilang sandali ay tumama at nahati ang gulong sa dalawa ng napakatalim na sungay ng horned boar.

Mabilis na sumugod si Luo Feng papunta sa horned boar matapos sipain ang gulong.

[ROAR~~] Matapos nitong suwagin ang paparating na gulong ay inikot muli nito ang kanyang ulo papunta sa direksiyon ni Luo Feng.

"Mamatay ka na!"

Sa sandaling ito, gumawa si Luo Feng ng isang napakaliksing pagliko na parang isang paroparo at umilag ng kaunti hanggang sa makaalis ito sa direksyon ng sungay ng horned boar. At habang lumiliko ay ginamit ni Luo Feng ang hawak hawak niyang Ghost Blade na umatake ng mabilis sa halimaw gamit ang tulong ng rotational energy! Habang tumatagal ay lalo pang bumilis ang Ghost Blade hanggang sa….

"Puff!"

Parang isang kidlat, mabilis na tumama ang umiikot na blade sa ulo ng horned boar. Naramdaman ni Luo Feng ang tigas at tibay ng mga balahibo nito. Walang ordinaryong bala ang kayang makapatay dito.

Masariwa at mapulang dugo ang tumulo mula sa sugat at pagkatapos bumaon ng 5 cm ang kanyang Ghost Blade sa ulo ng halimaw ay tumigil na ito sa pagbaon.

[HOWL~~] Wala na sa sariling umalulong ang halimaw na ito nang bigla niyang ikutin ang kanyang ulo papunta sa direksiyon ni Luo Feng.

Mas naging nakakatakot ang sugatang horned boar na iyon!

…..

"Ano?!"

"Napakabilis ng technique na iyon!"

Punong puno ng pagkagulat ang mga mukha ng Wei Jia brothers.

"Kaya niyang iwasan ang sungay ng halimaw na iyon ng ganoong kabilis!" sabi ng nakakatandang Wei Jia brother na si 'Wei Tie', "Kamangha-mangha talaga. Nagawa pa niyang magmaniobra sa harap mismo ng sungay ng horned boar na iyon na para bang hindi siya natatakot na masuwag ng napakatalim na sungay nito! Napakahusay! Naging suwerte ba siya o sadyang may potensyal talaga ang batang iyan?"

Mukhang isang simpleng maniobra lang ang ginawa ni Luo Feng pero ipinakita nito ng buo ang kahanga-hanga niyang technique.

"Napakagaling!"

"Ang ganda," wala nang ibang nagawa sina Chen Gu at Zhang Ke kundi purihin si Luo Feng.

"May lakas 'tong batang ito," tawa ni Gao Feng, "Nagawa niya sa isang napakapanganib na sitwasyon na gumawa ng kamangha-manghang bagay na katulad noon. Bukod pa riyan ang pagtatagumpay niya sa maniobrang iyon. Kaya masasabi ko na hindi pangkaraniwan ang technique ng batang iyan! Napakaganda na ng kanyang timing pero…. Sadyang napakalakas lang talaga ng life force ng halimaw na iyon kaya hindi magiging madali sa kanya ang pagpatay ng una niyang halimaw."

Napangiti na lang ang limang miyembro ng Fire Hammer Squad kabilang na ang Wei Jia brothers.

At nagpatuloy sila sa panonood sa unang pakikipaglaban ni Luo Feng sa horned boar na iyon sa loob ng Forsaken Land!

avataravatar
Next chapter