73 Isang Pagnanakaw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maririnig sa loob ng wasak-wasak na Wan-Ke Dream City ang isang tunog ng pagdagundong.

Isang ahas na may kapal ng baywang ng isang tao ay parang isang kidlat na sumugod papunta sa dalawang Indiyanong armado ng mga scimitar. Tumalon ang dalawang Indiyano ng may 'WHOOSH' na may taas na lima hanggang anim na metro bago kumapit sa isang window railing ng isang apartment building. Napakalakas na winasak ng buntot ng halimaw na ito ang isang puno sa gilid nito. Lumipad ang punong ito sa taas na 5 hanggang 6 meters bago ito gumawa ng isang 'KACHA' na tunog bago ito nahati sa dalawa at dumagundong sa pagbagsak nito sa lupa.

"Haha, sinusubukan mo bang patayin ako?" Sa mga oras na ito ay mabilis na tumatakbo si Luo Feng hawak ang isang shield sa kanyang isang kamay.

Wala sa sariling hinabol ng dalawang ulo ng twin headed black striped snake si Luo Feng!

Whoosh! Whoosh!

Sinwing niya ang kanyang isang braso at naglabasan ang dalawang throwing knives mula sa lalagyan nito. Magmumukha sa malayo na ginamit ni Luo Feng ang kanyang braso para ibato ang mga throwing knives pero sa totoo lang ay kinokontrol talaga ang mga ito ng kanyang spiritual force matapos niya itong ibato na nagbigay sa dalawang throwing knives na ito ng kahanga-hangang bilis. Hindi na gaanong maaninag ng mata ng kahit sino ang dalawang blurred na throwing knives habang lumilikha ito ng isang nanlalamig na ilaw papunta sa twin headed black striped snake!

"HISS~~" sumigaw ang twin headed black striped snake habang sinusubukan nitong umilag.

"Change!" makikita ang nanlalamig na tingin sa mga mata ni Luo Feng sa mga oras na ito.

Agad namang nagbago ang dalawang throwing knives ng kaunti papunta sa ibang direksyon. Dahil mas mabilis pa ang mga ito kaysa sa isang bala mula sa sniper ay walang makakapagsabi kung nagbago ba ito ng direksyon puwera na lang kung talagang magkaibang magkaiba ang direskyong pinuntahan nito.

"PUCHI!" "CHI!"

Ang isa sa dalawang throwing knives ay gumasgas sa kaliwang ulo ng ahas habang patuloy itong dumadaplis habang ang isa naman ay direktang tumama sa kaliwang ulo nito. Mula noong magsimula ang kanilang laban ay nagpakawala na si Luo Feng ng anim na throwing knives. Ang lahat ng mga ito ay ibinato niya papunta sa kaliwang ulo ng ahas. Kaya sa mga oras na ito ay punong puno na ng kagulat-gulat na sugat at nagdurugo na ito ng husto.

"HU!" Napakagaan ng katawan ni Luo Feng at ang sprinting speed niya ay talagang kagulat-gulat.

Sabik na sabik na sumigaw ang leader ng Indian group na may dala-dalang bo staff habang hinahabol nito ang ahas. Humahabol ito sa likod ni Luo Feng na para bang isang tumatakbong aso. Matapos ay sunod-sunod niyang pinagpapalo ng kanyang staff ang mga sugat sa kaliwang ulo nito. Hindi nagawang gamitin ng kalaban nilang ahas ang isa pa nitong ulo para salagin ang pagatake ng kalbong lalaki gamit ang kanyang staff, ang tanging nagawa lang nito ay ilagan sa abot ng kanyang makakaya ang mga atakeng papalapit sa kanya.

Alamin natin na kahit hindi ganoon kalakas ang isang staff at hindi ito kasing talim gaya ng isang spear…

Ang lahat ng lakas nito ay naiipon sa dulo ng staff sa tuwing tumatama ito sa kahit anong hampasin nito. Hindi gaanong kalakihan ang tip nito kaya maituturing na isang nakamamatay na sandata ang maliit na tip na iyon ng staff.

"Dalian mo Indian, ipagpatuloy mo lang iyan!" sigaw ni Gao Feng.

Ang dalawang mga alalay nito na gumagamit ng dalawang malalaking scimitar at shield ay sabay na umatake sa katawan ng twin headed black striped snake kasabay si Gao Feng. Una, kaya nilang mapigilan ito sa pagwasiwas nito sa kanyang buntot para atakihin si Luo Feng at ang Indian leader. At pangalawa ay gusto nilang atakihin ang napakalaking snake na ito na may kapal na 7 inches!

Ang weak point ng ahas na ito ay 7 inches. Ang 7 inches na ito ay isang abstract number siyempre; ang pinakapunto nito ay ang pagatake sa mga vital organs ng halimaw na ito.*

Note mula sa TL: Magrefer na lang kayo sa dulo para sa iba pang impormasyon tungkol dito.

Kahit na tiwalang tiwala ang ahas na ito sa kanyang depensa ay hindi pa rin nito hahayaan na tamaan ni Gao Feng at ng dalawa pa niyang mga kasama ang kanyang vital organs. Kaya ipinulupot niya ang kanyang buntot sa parteng kinaroroonan ng kanyang mga vital organs... habang nag-iisip ito ng paraan kung paano lalabanan sina Gao Feng at ang dalawa pa niyang mga kasama.

"Whoosh!"

Ang shield na hawak hawak ni Luo Feng ay apektado ng kanyang spiritual force at gamit ang kanyang inilagay na force sa kanyang paa ay intense itong lumipad papunta sa posisyon ng captain niyang si Gao Feng. Noong makalapit siya rito ay bumulong siya sa kanyang kapitan ng "Kapag nakalapit na kayo sa ahas mamaya, gamitin niyo ang hawak niyong hammer para hampasin ang kaliwang ulo ng ahas na ito!"

"Hehe naiintindihan ko," agad na naintindihan ni Gao Feng ang ibig sabihing iyon ni Luo Feng.

Talagang kakaiba at unpredictable ang mga galaw ni Luo Feng sa battlefield. Hindi siya kailanman lumapit sa ahas na iyon; dumepende lang siya sa kanyang bilis para ikot-ikutan ang ahas sa loob ng battlefield.

"YA!" biglang sumigaw ang Indian leader habang namumula ang mukha nito; patuloy na dumaloy ang dugo sa buong katawan nito hanggang umabot ito sa limit ng kanyang katawan. Sa loob ng isang sandali ay nagmukha siyang isang legendary buddhist arhat. Ang bo staff na kanyang hawak-hawak ay naging napakabilis at napakabangis habang sumusugod na para bang nagpapakamatay papunta sa twin headed black striped snake. Umabot na sa limit ang bo staff nito at sa loob lang ng isang saglit ay makikita ang dose dosenang anino na humahampas sa ahas!

BANG! BANG!

Ang dalawa sa dose dosena nitong anino ang humampas sa kanang ulo ng ahas na ito. Wala na itong magawa kundi ay manginig na para bang mahihimatay ito. At pagkatapos ay ang isang dagundong ang maririnig at makikita na ng lahat na bumagsak na pala ang kanang ulo ng ahas na ito sa lupa.

"HISS~" agad na nagpakawala ng isang katakot-takot na sigaw ang kaliwang ulo ng twin headed black striped snake at nagsimula na ring gumalaw ang napakalaki at napakalambot nitong katawan. Mabilis itong gumapang na parang gumagawa ng mga wave habang mabilis itong tumatakbo.

"Bilisan niyo!" sigaw ng kalbong leader ng tatlong Indian.

Sumigaw naman si Gao Feng na kanina pang nastuck sa ilalim ng ahas na ito, "Mamatay ka na!" Ginamit niya ang lahat ng kanyang lakas para hampasin ang ahas gamit ang kanyang heavy hammer na hawak hawak. Parang isang artillery shell na humampas ang kanyang hammer sa kaliwang ulo ng twin headed black striped snake. Agad naman itong umilag nang makita ang pag-atakeng iyon ni Gao Feng. Noong makita iyon ni Luo Feng ay ginamit niya ang kanyang spiritual force para pabilisin pa lalo ang hammer na hawak-hawak ni Gao Feng!

"PENG!"

Agad na nakailag ang kaliwang ulo ng twin headed black striped snake. Pero kahit na hindi nito direktang tinamaan ang ulo ng halimaw ay tumama naman ito sa leeg nito!

Gamit ang napakatinding lakas ni Gao Feng na sinuportahan ng spiritual force ni Luo Feng ay hindi na mapapantayan pa ang lakas ng impact ng hammer na ito. Ang tanging nagawa rin ng kaliwang ulo ng halimaw na ito ay nahihilong bumagsak sa lupa. Pero noong nagkaroon na muli ito ng malay hindi nagtagal ay tumayo itong muli!

Nagpakita ng isang ngiti si Luo Feng!

"PUCHI!" ang isang black knife ay agad na lumipad mula sa lupa at tumagos sa mukha ng kaliwang ulo ng halimaw, direktang papasok sa ulo nito!

Hindi na muling bumangon pa ang kaliwang ulo ng halimaw na ito.

"PU!" lumipad ang alloyed bo staff ng kalbong Indian leader na para bang isang kidlat papunta sa isang mata ng kanang ulo ng ahas na wumasak sa isang mata nito bago tumagos papasok sa ulo ng twin headed black striped snake! Wala nang buhay ang halimaw na ito pero nagpapatuloy pa rin sa paggalaw ang katawan nito. Ilang sandali pa ay bumagal na ito sa paggalaw hanggang sa tuluyan na itong tumigil!

"Haha!" Ang tanging nagawa na lang ng Indian leader ay malakas na tumawa sa nangyari.

"Napakaganda," masaya rin zi Gao Feng habang naglalakad siya para damputin ang kanyang hammer. Ngumiti rin si Luo Feng habang isa-isa niyang dinadampot ang kanyang throwing knives.

Mula noong una hanggang magtapos ang laban ay hindi naisip ng mga Indiyano na kinokontrol ng spiritual force ang kanilang mga sandata!

Lalo na noong last hit kung saan lumipad ang throwing knife ni Luo Feng mula sa lupa para saksakin ang bumangang ulo ng halimaw na iyon.

"Kaibigan," bati ng kalbong leader ng Indiyano kina Luo Feng at Gao Feng.

"Good!*"

Note mula sa TL: Sinabi niya ang salitang "good" sa Ingles.

"Hindi rin pangit ang ginawa niyo," tawa ni Luo Feng habang sinasabi niya ito. Masasabi niya na itinaya ng Indiyano ang kanyang buhay sa final move na iyon. At hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mukha ng kalbong Indiyano na ito habang nagmamaga ang mga ugat niya sa buong katawan.

"Kunin niyo ang kalahati habang amin naman ang kalahati!" sabi ng kalbong lalaki.

Tumuro si Luo Feng sa kaliwang ulo ng ahas at bahagyang ngumiti "Paghahatian din natin ang kaliskis nito."

Naramdaman ng bawat panig ang lakas ng isa't isa. Maging sa grupo man ito ni Luo Feng o sa grupo ng mga Indiyano. Nakasisiguro tayo na ang bawat isang panig ay mayroong nakatagong kasama na gumagamit ng heated weapon habang nakatingin sa kanila ngayon. Iyon at ang pagiging malakas ng parehong panig ang nakapagpaganda sa kani-kanilang mga mood. Matapos nito ay sinimulan na ni Luo Feng at Gao Feng ang pagdidissect sa kaliwang ulo ng twin headed black striped snake!

Habang ang mga Indiyano naman ay nagsimula na sa pagdidissect sa kanang ulo ng halimaw na ito.

"Napakabangis talaga ng blade na iyon," bulong ni Gao Feng.

Tumawa si Luo Feng habang kinukuha niya ang kanyang black throwing knife mula sa ulo ng ahas matapos niyang idissect ito. Walang duda na ang pag-atake niyang iyon ang pumatay sa kaliwang ulo ng ahas na iyon.

Nang biglang---

"Huh?"

Agad na tumingin sina Luo Feng at Gao Feng para tingnan ang mga aninong hugis tao na papalapit sa kanila. Maging ang mga mukha ng Indian squad ay biglang nangiba noong makita nila ito.

May siyam na fighter na hindi kalayuan na nagsimulang maglakad papalapit sa kanila; ang kulay ng karamihan sa kanila ay yellow. Noong nakita ng siyam na ito ang napakalaking ahas sa kanilang harapan ay agad nilang nalaman ang halaga nito—ilang bilyong Chinese dollars. At dahil dito ay agad na makikita sa isang tao ang pagkagahamang bumabalot sa mga puso nito.

"Umalis na kayo rito!" sigaw ng kalbong Indiyano sa paparating na fighters sa wikang Chinese.

"Sinong mag-aakala na makikita rin pala natin dito ang Tiger Fang Squad. Sigurado talaga akong matagal na kayong dumidikit sa amin," tiningnan ng maigi ni Gao Feng ang grupong papalapit sa kanyang harapan.

Tahimik namang tumingin si Luo Feng sa mga ito. Maliban sa anim na miyembro ng Tiger Fang Squad, makikita ang isang matandang beterano, isang malaki at maputi na maskuladong lalaki at isang batang fighter.

"Haha, talagang nakipagsanib puwersa pa kayo sa mga Indiyano ah. Hmmm… pero talagang napakadalang para sa inyo na makapatay ng isang halimaw gaya ng twin headed black striped snake." Nanlalamig na tawa ng captain ng Tiger Fang Squad, "Kung nag-iisip kayo ay maging praktikal kayo at umalis sa lugar na ito ng tahimik. Hahayaan kayo ng Thunderbolt Squad kung gagawin ninyo iyon. Pero kung hindi naman ay…. Hmmm, huwag niyo kaming sisisihin sa mga mangyayaring hindi maganda sa inyo. Oo nga pala, kasama namin si Senior Liu dito ngayon. Siya ang captain ng aming Thunderbolt Squad. Si Mr. Ka Long naman ang aming vice captain."

Si Senior Liu ang matandang beterano na iyon habang si Ka Long naman ang maputing maskulado na ito.

Nanlalamig ang tingin ni Luo Feng sa bawat isa sa kanila.

"Ito ang unang beses ko rito sa #003 city kaya akin ang halimaw na ito. Puwede na kayong makaalis," nakangiting sinabi ng batang fighter.

Ang matandang beterano at ang maputing matipunong lalaki ay nakatayo sa magkabilang gilid ng batang fighter habang tinitingnan nilang maigi ang grupo ni Luo Feng.

"Kung sino man ang magtangkang nakawin ang halimaw ko… ay mamamatay!" sabi ng kalbong leader ng Indian group. Makikita rin sa itsura ng dalawang kasama nitong may hawak na scimitar ang intensiyong pumatay. Sa tingin mo ba ay ganoon na lang kadali bang pumatay ng twin headed black striped snake? Una sa lahat, ang halimaw na ito ay napakahalaga dahil itinuturing na nila itong rare noon palang. Bukod pa riyan ang hirap na naranasan nila sa pagpatay nito.

Makikita rin sa mukha ni Gao Feng ang katakot-takot nitong tingin habang hawak-hawak ang kanyang hammer.

"Kung gusto niyong nakawin ito ay lumapit lang kayo," Tumapak si Luo Feng sa ulo ng ahas bago ito nanlalamig na tumawa at tumingin sa grupo sa kanyang harapan, "Kung kaya naming patayin ang twin headed black striped snake na ito, ang grupo niyo…. oo nga pala muntik ko nang makalimutan, nakatututok na pala sa inyo sa mga oras na ito ang sniper rifle ng kasamahan namin!"

"Nakatutok din sa inyo ang sniper rifle ng kasama namin!" nanlalamig na sinabi ng isa sa dalawang lalaki na armado ng scimitar sa kabilang grupo.

"Sniper?"

Ang karamihan sa siyam sa grupo ay hindi mapigilan ang kanilang mga sarili at nagsimulang tumingin sa mga nakapaligid na residential apartments pero wala silang nakita na ni isang anino sa mga ito kaya mas tumindi ang kanilang takot. Malinaw sa Tiger Fang Squad na si Chen Gu ang sniper ng Fire Hammer Squad. Pero hindi ba't nagdala rin ng sarili nilang professional snipers ang mga Indiyano?

----

Note mula sa TL (tungkol sa 7 inches part): Okay, para doon sa mga mambabasa na gusto ng iba pang impormasyon, ito ay isa talagang kasabihan: 打蛇打七寸 (kung gusto mong atakihin ang isang ahas ay atakihin mo ang 7 inches nito). Narinig ko na may tatlong variations din ang 3 inches, pero mayroong dalawang kahulugan ang kasabihang ito. Ang una, huwag mo aatakihin ang isang ahas kung mas maiksi ito sa 7 inches. Pangalawa, ang 7 inches ay ang perpektong lugar para atakihin ang isang ahas. Maaring magrefer na lang kayo sa mga picture sa internet tungkol dito.

avataravatar
Next chapter