72 Ang Twin Headed Black Striped Snake

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Isang black striped snake na malapit na maging dragon; sigurado akong isa na itong high level commander na nalalapit na sa pagiging horde leader level!" mahinang sinabi ni Gao Feng habang makikita sa mukha nito ang seryoso niyang itsura, "At dahil isa tong mutated snake ay mas malakas ng ilang beses ang lason nito kaysa sa mga ordinaryong black striped snake! Mayroon din itong dalawang venom sacs at ang mga sacs na ito ay dumodoble sa dami ng lason na mayroon ang isang non-mutated black striped snake."

"Sa madaling salita—"

"Ang halaga ng isang twin headed black striped snake ay apat na beses na mas mataas kaysa sa isang black striped snake na nasa kapareho nitong level! Ang isang black striped snake na malapit ng maging isang dragon ay nagkakahalaga ng 400 million kaya ang twin headed black striped snake na ito ay nagkakahalaga ng 1.6 billion! Pumapantay na ang presyo nito sa presyo ng isang low level horde leader na halimaw," matapos itong sabihin ni Gao Feng ay bumilis bigla ang tibok ng puso ng bawat isa sa kanila….. ilan daang commander level na halimaw na rin ang napatay nila nitong mga nakaraang araw.

Pero ang lahat ng ito ay hindi man lang lumapit sa halaga ng twin headed black striped snake na iyon! Makikita naman na ang pagpatay ng mga mas malalakas na halimaw ay magbibigay sa iyo ng mas maraming pera.

"Siyempre, ang twin headed black striped snake na ito ay napakapanganib dahil kapag natamaan ka ng lason nito ay tiyak na hindi ka na mabubuhay kahit na ano pang gawin mo!" mahinang sinabi ni Gao Feng "At mayroon itong dalawang utak kaya puwedeng umatake ang dalawang ulo nito ng sabay."

"Gagawin ba natin ito?" tumingin si Gao Feng sa mga miyembro ng squad at sa huli ay tumingin kay Luo Feng.

Tahimik ang lahat habang nakatingin ang bawat isa sa kanila kay Luo Feng.

Si Luo Feng ang nag-iisang tao na dapat na gumawa ng desisyong ito para sa kanila!

Napakalaki ng kikitain nila sa pagpatay sa isang twin headed black striped snake na ito! Pero katambal naman nito ang panganib na maaaring maging dahilan ng kamatayan ng kanilang squad.

"Go lang!"

Nanggigigil na sinabi ni Luo Feng, "Ikaw po ba captain?" Hindi mahuhulaan ng kalaban ang kanyang pag-ilag dahil sa kanyang spiritual force!

"Tulungan mo na lang ako kapag nagkaroon ako ng problema mamaya," nanggigigil na sinabi ni Gao Feng, "Nararapat lang sa mga fighters na lumakad sa gitna ng buhay at kamatayan. Ibigay mo sa akin ang shield mo Wei Tie."

"Heto po captain."

Hindi nagdalawang-isip na ibigay ni Wei Tie ang kanyang shield kay Gao Feng. Ibinaba naman nito ang isa sa kanyang hammers sa lupa. Hinawakan niya sa kanyang kaliwang kamay ang shield ni Wei Tie habang hawak-hawak niya naman sa kanyang kanang kamay ang kanyang hammer. Natawa siya sa kanyang sarili at sinabing, "Sa buong buhay ko ay napakadalang na gumamit ako ng isang shield sa pakikipaglaban. Pero talagang napakapanganib ng twin headed black striped snake na ito kaya ikakatakot ko ng sobra kung hindi ako gagamit ng shield sa pagharap ko rito."

"Captain, aatake ako mula sa malayo habang umaatake ka naman malapit sa ahas na iyon," tahimik na sinabi ni Luo Feng, "Kung may mangyayari man sa inyong hindi maganda ay gagamitin ko ang aking spiritual force sa hawak hawak niyong shield at hammer para maiiwas kayo sa pagatakeng iyon."

"Understood," tumango si Gao Feng.

Tumingin si Luo Feng sa tatlo at sinabing, "Bababa ako kasama si captain, maiwan muna kayong tatlo rito sa taas. Oo nga pala Kuya Chen, gamitin mo ang iyong sniper rifle... at siguraduhin mo na walang sinuman ang makakapagtake advantage sa atin na nakawin ang halimaw na ito!"

"Huwag kang mag-alala at magpapatuloy ako sa pagtutok sa baba ninyo," mahinang tawa ni Chen Gu "Sabihan mo lang ako kung gusto mo akong magpaputok."

"Okay."

Gamit ang kani-kanilang mga tactical communications watch ay nakokontak ng mga squad members ang isa't isa sa kahit anong oras.

"Tara na captain," mabilis na bumaba sina Luo Feng at Gao Feng sa hagdanan. Walang magagawa sina Chen Gu at Wei Jia brothers sa isang halimaw na ganoong kalakas.

Noong makababa n sina Luo Feng at Gao Feng ay ginamit nila ang kanilang mga memorya para dumaan sa isang sira-sira at mabatong daan papunta sa kinaroroonan ng twin headed black striped snake.

"BOOM!"

"HISS~" isang nakabibinging hiss mula sa ahas ang kanilang narinig, hindi pa man sila nakalalapit sa puwesto nito.

Nagpalitan ng tingin sina Luo Feng at Gao Feng at sabay na nagvibrate ang kanilang tactical communications watch. Yumuko si Luo Feng at nakita niya ang isang linya ng salita sa kanyang tactical communications watch—"May tatlong tao na biglang nagpakita at kasalukuyang nakikipaglaban sa twin headed black striped snake na target natin."

Natanggap rin ni Gao Feng ang balita at tahimik na sinabing, "Hindi ko naisip na may iba pang grupo na makakauna sa atin. Pero tingnan pa rin natin ang laban nila."

"Tara," tango ni Luo Feng.

Mabilis na lumapit ang dalawa at agad na nakarating sa isang sulok ng isang residential apartment. Tiningnan ni Luo Feng mula rito ang tatlong lalaking kasalukuyang nakikipaglaban sa twin headed black striped snake isang dosenang metro ang layo sa kanila. Ang mga lalaki ay mukhang galing sa Western or Southern Asia. May pagkakulot ang mga buhok nito at ang kanilang mga balat ay may pagkaitim.

Ang kalbong lalaki naman na mukhang leader ng tatlong ito ay may hawak na isang dark, golden bo staff na may habang tatlong metro.

Ang staff na kanyang hawak ay parang isang lumalangoy na dragon. Sa bawat pag hiss ng isa sa dalawang ulo ng twin headed black snake na ito habang papunta sa kanya ay mas mabilis itong nahahampas ng golden bo staff ng kalbong lalaki bago pa man ito makalapit sa kanya. Kahit na hindi niya man matamaan ang ulo nito ay tiyak na tatamaan naman nito ang katawan ng ahas. At minsan ay tumatama ang 'point' ng staff na ito sa ulo ng twin headed black striped snake na nagreresulta sa paghihiss nito dahil sa sobrang galit!

Ang dalawa naman nitong mga kasama ay parehong may hawak na rectangular shield sa kanilang isang kamay at isang napakalaking scimitar sa kabila nilang kamay. Magkadikit ang dalawang ito at sabay na umaatake bilang isang team; talagang kahanga-hanga ang coordination ng dalawang ito sa isa't isa habang sinusubukang tamaan ang napakalaking ahas na halimaw.

"PENG!"

Ang kinakalawang na fitness machines na pumuno sa sector na ito matagal na panahon na ang lumipas ay nagsibukasan dahil sa wumawagayway na buntot ng twin headed black striped snake at mabilis namang umaatras ang kalbong lalaki upang maiwasan ang mga ito. Umikot ang hawak-hawak niyang bo staff at gumawa ng isang whirlwind na sumangga sa lahat ng scrap metal na ibinato ng halimaw habang patuloy na umaatras ang taong may hawak ng staff na ito.

"Ang ganda ng bo staff technique," hindi maiwasang sabihin ni Gao Feng ng tahimik, "Ang kalbong lalaki na ito siguro ay isang advanced level warlord habang ang dalawa namang kasama niya ay mga medium level warlords."

Tumango si Luo Feng.

Sinubukan ng kalbong lalaking ito na tapatan ng harapan ang twin headed black striped snake kaya napakadaling sabihin na isa siyang malakas na fighter.

"SI SI~~"

Galit na galit na ang twin headed black snake na kalaban ng tatlong lalaking ito. Sapat na ang mga nanlalamig nitong mata para panginigin ka hanggang sa iyong mga buto. Paulit-ulit itong ngumanganga sa bawat pag-atake nito. Sa ilalim naman ng malaking ahas na ito ay ang mga mabilis at paulit-ulit na umaatakeng fighter na nagsimula ng mag-usap-usap habang nakikipaglaban. Matapos nilang marinig ang pag-uusap ng tatlong ito ay madaling nalaman nila Luo Feng at Gao Feng na ang mga ito ay—mga Indiyano!

Matapos ang laban ay makikitang duguan ang isang ulo ng twin headed black striped snake. Nahampas ito ng husto ng hawak-hawak na bo staff ng kalbong lalaki! Pero malinaw na hindi ito sapat para mapatay ang halimaw na iyon.

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Mabilis na pumunta ang tatlong Indiyano patungo sa puwesto nina Luo Feng at Gao Feng.

"Sumali kayo rito kung kaya niyo," sabi ng kalbong lalaki sa kanila ng Chinese. Sa mga oras na ito ay nagpatuloy sa paghihiss ang twin headed black snake habang patuloy ito sa pagsugod sa kanila.

Nanlalamig na tumawa sina Luo Feng at Gao Feng at hindi na nagsalita pa habang mabilis na umilag sa kanilang tabi. Alam nila na hindi dapat sugurin ng basta basta ang twin headed black striped snake. Hindi maiwasan ng leader ng mga Indiyano na mapamura habang binabato niya ang hawak-hawak niyang staff sa twin headed black striped snake.

"Ngayon na."

Kinuha ni Luo Feng ang kanyang black throwing knife habang umiilag sa halimaw at ito ang kanyang 9th series throwing knife! Binato niya ito ng kasimbilis ng isang kidlat!

Lumikha ang throwing knife ng isang nanlalamig na ilaw habang papunta sa kaliwang ulo ng twin headed black striped snake. Bilang isang halimaw na malapit na maging isang dragon ay napakatalino ng kaharap nilang ahas na ito. Kaya noong makita nito na bumato ang isang walang kakuwenta-kuwentang tao sa kanya ng isang throwing knife ay mabilis itong umilag. Napakabilis talagang mag-isip ang utak ng isang ahas!

Sa sobrang bilis ng kaliwang ulo ng twin headed black snake na ito ay nagblur ito sa paningin ng mga fighter na nakakakita rito.

"Ginamit niya ang talino niya para labanan ang kanyang sarili," nanlalamig na tawa ni Luo Feng, "Magbago ka!"

Sinadya niyang ibato ang kanyang throwing knife para maisip ng twin headed black snake na gumagamit siya ng mga nakatagong sandata. Gamit ang common sense nito ay hindi kayang magbago ng direction ang mga throwing knives sa ere. Pero sa kasamaang palad…. ay hindi isang hidden weapons expert si Luo Feng. Mas malakas ito ng ilang daang beses kaysa sa isang hidden weapons expert.

Noong mayroon na lang isang metro ang layo sa pagitan ng throwing knife at ng isang ulo ng twin headed black striped snake ay agad na nagbago ng direksyon ang paparating na throwing knife. Papunta na ngayon ang ibinato niyang throwing knife sa isa sa mga mata ng kaliwang ulo ng twin headed black striped snake.

"HISS~" Naghiss ang twin headed black striped snake na ito sa sobrang galit at sa napakaikling sandaling iyon ay gumawa muli ang kanyang kaliwang ulo ng isang umiilag na galaw.

Alam naman natin na ang bilis ng throwing knife ni Luo Feng ay mas mabilis ng ilang beses kaysa sa speed of sound at mas mabilis pa kaysa sa isang bala mula sa sniper rifle!

May distansiya ito na isang metro at mas mabilis ng ilang beses kaysa sa speed of sound, wala pa sa isang thousandth of a second!

At dahil napakabilis ng throwing knife na ito ay hindi nakasisiguro si Luo Feng kung naadjust niya ba ito ng 1 meter or 1.5 meters. Dahil sa sobrang bilis nito ay maaaring nakarating na ito ng higit sa 10 meters sa loob lang ng isang saglit. Kaya kahit na napakabilis ng magiging reaction ni Luo Feng ay maaari niya na lang baguhin ang direksyon nito ng isang beses!

At sa loob ng napakaiksing oras na iyon ay hindi lang nakapagreact ang twin headed black striped snake, nagawa rin nitong umilag! At dahil na siyempre sa napakaiksing oras na ito ay umilag din ang twin headed black snake sa ilalim ng napakatinding circumstances.

"PU!" tumama ang throwing knife sa bunganga ng twin headed black striped snake at nagpakita ng isang gap bago hiwain ang napakatigas na kaliskis ng halimaw na iyon.

CHI CHI~~

Nag-iwan lang ito ng isang puting marka bago ito direktang malaglag papunta sa lupa.

"Talagang nakakatakot ang depensa niya," gulat na gulat na sinabi ni Luo Feng sa kanyang sarili, "Kamangha-mangha ang kakayanan niyang umilag dahil nagawa pa rin nitong magbago ng direksyon kahit napakalapit na rito ng ibinato kong knife! Magiging problema nga ang halimaw na ito!" Nalaman ni Luo Feng na magiging mahirap na mag-isang patumbahin ang twin headed black striped snake na ito.

"HISS~" agad na lumingon ang dalawang ulo ng twin headed black striped snake papunta sa direksyon ni Luo Feng. Nagkaroon ng malaking punit ang bunganga ng kaliwang ulo nito habang patuloy na tumutulo ang dugo nitong kulay berde.

Malakas na tumawa ang kalbong lalaki at habang umaatras ito ay sumigaw ito gamit ang awkward nitong Chinese language, "Team up, split half?" ang kanyang mga mata ay nakatingin kay Luo Feng.

Agad namang nagpalitan ng tingin sina Luo Feng at Gao Feng.

"Sige" sabi ni Luo Feng.

"OK!" maging si Gao Feng ay sinadyang gumawa ng isang gesture.

Agad na gumawa ng isang desisyon na lumaban bilang isang team ang tatlong Indiyano at ang Fire Hammer Squad na kinabibilangan nina Luo Feng at Gao Feng. Nakilala ni Luo Feng at Gao Feng ang lakas ng kalbong lalaking ito habang ang throwing knives naman ni Luo Feng ang kumilala sa lakas nila sa tatlong Indiyano! Sa pamamagitan laman ng lakas ka makakakita ng respeto at atensyon mula sa ibang fighters!

At sa labas ng Wan-Ke Dream City ay may isang fighter squad na may siyam na miyembro na dahan-dahang umaabante papasok. Ang siyam na ito ay mga miyembro ng Tiger Fang Squad.

"Hm? Hindi ba iyon ay isang tunog mula sa ahas, at isang napakalakas na uri siguro iyon ng ahas ah."

Sabi ng isa sa siyam na miyembro ng squad, isang beteranong may buhok na kulay puti.

avataravatar
Next chapter