74 Solo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pangkaraniwan na kayang maging isang banta ang isang heavy sniper rifle sa mga low level commander na halimaw. Pero iba pa rin ang mga halimaw at ang mga tao hanggang sa panahong ito. Sadyang napakalakas nga ng tao pero sadyang napakahina naman ng depensa ng balat nito kung ikukumpara sa balat at kaliskis ng mga halimaw. Ito rin ang idahilan kung bakit kinakailangan ng mga fighter na magsuot ng kani-kanilang mga battle uniform.

Kung hindi man mapatay ng isang bala mula sa sniper rifle ang isang intermediate level warlord fighter ay magtatamo naman ito ng matinding sugat.

Pero ang isang sniper rifle ay hindi gaanong banta sa isang advanced level warlord fighter at para sa isang wargod? Walang kahit na anong banta ang kahit na anong sniper rifle sa buong mundo sa isang wargod fighter.

"Mukhang pinoprotektahan ng matandang beterano at ng maputing matipunong lalaki ang batang fighter kaya siya ang pinakaimportanteng miyembro ng kanilang squad," tiningnan ng maigi ni Luo Feng ang mga miyembro ng Thunderbolt Squad. Ang ibang miyembro ng Thunderbolt Squad ay nagakyatan sa iba't ibang residential apartments para mahanap ang mga sniper ng dalawang grupo. At ang iba sa kanila ay nagtitinginan habang ginagawa ito.

Katahimikan.

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang lahat ng mga miyembro ng Indian squad, Thunderbolt Squad at maging sina Luo Feng at Gao Feng.

"Senior Liu," tumingin ang captain ng Tiger Fang Squad sa walang emosyon na nakakalbong beterano. Agad naman siyang tiningnan ng beterano habang ito ay nakasimangot at nang makita niya ito ay agad siyang tumahimik sa kanyang puwesto. Matapos nito ay bumulong ang nakakalbong beterano sa tainga ng batang fighter, "Nagpunta po kayo rito upang magsanay hindi po ba young master? Kung gayon ay kinakailangan niyo pong harapin ang mga halimaw ng personal."

Tumingin ang batang fighter sa beterano at pagkatapos ay lumingon naman ito sa maputing maskulado. Maging ang maputing maskulado ay tumango nang tingnan ito ng batang fighter.

"Sige, tara na!" ang tanging naiutos ng batang fighter.

Seryoso siyang binabalaan ng kanyang ama---

Na kinakailangan niyang makinig sa dalawa niyang bodyguards pagpasok nila sa Forsaken Land.

Kahit na kinokonsidera nila na ang leader ng squad na iyon ay ang matandang beterano, ang batang fighter pa rin na iyon ang leader nilang lahat. At ngayong nag-utos na ang batang fighter ay wala nang nagawa maging ang Tiger Fang Squad kundi tumingin ng may halong pagkadismaya kina Luo Feng at Gao Feng. Maging si Zhang Ze Hu ay napamura sa loob-looban nito, "Masuwerte ka ngayong kutong lupa ka!" Ni hindi man lang sinubukang itago ni Zhang Ze Hu ang sama ng loob nito kay Luo Feng.

Malinaw na malinaw na maging halos magkalaban na ang mga miyembro ng Tiger Fang Squad at Fire Hammer Squad.

Sa loob lang ng ilang saglit ay napakabilis na umalis ang siyam na miyembro ng Thunderbolt Squad.

Napakalaki ng nasasakupan ng Wan-Ke Dream City kaya nagpatuloy sa pagpasok sa kaloob-loobang bahagi ng maliit na sector na ito ang mga miyembro ng Thunderbolt Squad.

"Pan Ya," sumimangot na sinabi ng matandang beterano habang naglalakad sila sa loob ng maliit na sector.

"Senior Liu," lumapit at yumuko ang captain ng Tiger Fang Squad sa matandang beterano.

Mahinang sinabi sa kanya ng matandang beterano na nagngangalang Liu na, "Dahil tinanggap ng Tiger Fang Squad ang misyon na ito ay dapat niyo lang malaman na ang pinakaunang iisipin niyo sa lahat ay ang kaligtasan ng young master! Alam ko na isa talagang kayamanan ang twin headed black striped snake na iyon pero walang wala ito kung ikukumpara mo sa kaligtasan ng young master. Dahil hindi lang ako kundi pati kayo ay hindi makakaligtas sa kamatayan kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa young master!"

Nanigas ang captain ng Tiger Fang Squad at tumango pagkatapos ng ilang saglit, "Naiintindihan ko po."

"Maganda hangga't naiintindihan mo ang aking mga sinasabi," nanlalamig na sinabi ng matandang beterano na nagngangalang Liu,"Ilang saglit pa ay makakarating na tayo sa abandonado at sira-sirang JJ liquor chain store. Sa area na iyon magsisimula ang young master sa pagpatay ng mga halimaw. Kung gusto niyong magnakaw ng huli ng ibang mga fighters ay gawin niyo ito ng mag-isa! Huwag na huwag niyong idadamay ang young master sa mga kalokohan niyo."

"Naiintindihan ko po."

Galit na galit na nagmura ang captain ng Tiger Fang Squad sa kanyang loob habang masunuring sumasagot sa matandang beterano.

Mayroon bang mahinang fighter squad na makikita sa loob ng #003 city? Kung hindi lang dahil sa dalawang 'advanced level warlords', ang matandang beteranong nagngangalang Liu at ang maputing maskulado ay walang kahit na anong kakayanan ang Tiger Fang Squad na magnakaw ng mga huli ng ibang fighter squad.

Tumango ng bahagya ang captain ng Tiger Fang Squad at sinabing: "Naiintindihan ko na nagawang pumasok ang Fire Hammer Squad sa #003 city kaya alam ko na nagimprove na ang lakas nila."

"Hindi na natin puwedeng patagalin pa ito captain. Lalo na ang Luo Feng na iyon na naging isang fighter kumakailan lang. Narinig ko na isa na siyang beginner level warlord ngayon," nagmamadaling sinabi ni Zhang Ze Hu. Si Zhang Ze Hu ang miyembro nilang may pinakamalaking galit kay Luo Feng.

"Mayroon ngang kagulat-gulat na potensyal ang batang iyon."

Mahinang sinabi ng captain ng Tiger Fang Squad, "Kung hahayaan lang natin ang ating mga kalaban ay palaki ng palaki ang magiging banta ng mga ito sa atin! At dahil nakita na rin natin sila ngayon sa loob ng Forsaken Land ay iisip ako ng paraan para direktang patayin silang lahat sa mga susunod na araw! Kung hindi ay... gagamitin ko ang aking pera para humingi ng tulong kay Senior Liu at sa isa pang senior."

Nagpatuloy sa pagdidissect ng higanteng halimaw na ahas sina Luo Feng, Gao Feng at ang grupo ng mga Indiyano habang nakatayo sa damuhang nangangamoy dugo. Bukod sa mga poison sacs, kinuha rin nila ang iba pang mga mahahalagang parte nito gaya ng bladder. Siyempre ay kailangan din nila balatan ito dahil napakamahal ng halaga ng balat ng twin headed black striped snake sa market.

"Kalahati!"

"Kalahati!"

Mabilis na pinaghatian ng Indian group at grupo ni Luo Feng ang mga malalaking material mula sa ahas.

"Kahanga-hanga talaga ang balat ng ahas na ito, gaano pa man ito katigas o katibay," hindi maiwasang sabihin ni Gao Feng habang hinahawakan ang balat ng ahas, "Napakaimportante ng mga balat na ito sa paggawa ng mga battle uniform ng fighters!" ang pinakamahalagang imbensiyon ng tao—ang Ke Luo alloy ay gawa sa iba't ibang materyales mula sa mga halimaw.

Siyempre ay hindi mawawala ang 'Blue Gold' metal na matatagpuan lang sa buwan sa paggawa ng Ke Luo Alloy! Pinapatibay ng Ke Luo alloy ang mga battle uniforms na sinusuot ng mga fighters na nakikipaglaban sa mga malalakas na halimaw bukod sa paggamit din nito sa paggawa ng mga sandatang may hindi mapapantayang talim! Maging ang ibang heated weapons ay lumalakas ng husto kapag ginamitan na ng Ke Luo alloy.

"Makipagcooperate, magaling!" pilit na sinabi ng Indian leader kina Luo Feng at Gao Feng sa wikang Chinese.

"Haha, magaling," tawa rin ni Gao Feng.

Binuhat na nila Luo Feng at Gao Feng ang kani-kanilang mga bag na punong-puno ng materyales at umakyat sa taas. Napakalaki kung tutuosin ang balat mula sa ahas pero napakanipis naman nito kaya hindi man lang mapuno ng kalahating bahagi ng balat na nakuha nila sa malaking ahas na iyon ang isang bag. At ang mga bag din na dinadala ng mga fighter ay puwedeng mabanat kaya maaaring iadjust ng mga fighter ang magiging sukat nito.

Umaabot ang laki nito sa sukat ng isang pangkaraniwang tao. Pero hindi mo kakailanganin ang ganoon kalaking sukat para lang sa balat ng nahuli nilang ahas.

Sinalubong sila ng kasiyahan noong makabalik na sila sa 12th floor ng residential building. Mabilis silang nakabalik dito mula sa puwesto ng napatay nilang ahas.

"Napakainit! Napakainit na welcome!" sinasadyang sigaw ni Wei Tie.

"Maligayang pagbabalik mula sa labanan! captain at Luo Feng," sinasadya ring sinabi ni Chen Gu. Siyempre ay masaya silang lahat dahil bumalik sina Luo Feng at Gao Feng ng matagumpay at dahil dito ay makakatanggap din sila ng pera sa nahuli nitong halimaw.

Pero hindi naging masaya ang itsura ni Gao Feng habang sinasabing, "Nakita niyo naman ang mga miyembro ng Tiger Fang Squad kanina hindi ba?"

"Nakita namin," agad ding bumagsak ang mga mukha nina Chen Gu, Wei Tie at Wei Qing. Nagngitngit sa galit maging ang miyembro nilang si Chen Gu, "Gustong gusto ko nang paputukan sila kanina para makapagganti man lang ako para kay Old Zhang!" Si Chen Gu ang pinakamalapit kay Zhang Ke sa Fire Hammer Squad bukod kay Luo Feng dahil pareho silang nagmula sa Ming-Yue sector.

Sabay sila sa mga napakapanganib na oras maging sa pag-uwi ng ligtas sa city noon.

Higit pa sa magkapatid ang turing nila sa isa't isa nitong mga nakaraang taon! Pero alam ni Chen Gu na hindi niya puwedeng paputukan ang mga ito. At kahit makapatay man siya ng isa ay agad namang magrereact ang mga ito…. At kapag nangyari ito ay wala nang balikan.

"Nasaan na ngayon ang Tiger Fang Squad Chen Gu?" tanong ni Luo Feng.

"Pinapanood namin sila mula nang magkita kayo sa ibaba."

Pumunta si Wei Qing at tumingin sa kanyang binoculars sa isang bintana sa hilagang bahagi ng tinutuluyan nilang apartment. "Nakalabas na ang grupo nila sa Dream City sector at papunta sa east sa kalsadang iyon!"

Whoosh! Whoosh!

Agad na nagpunta sina Luo Feng at ang iba pa sa puwesto ni Wei Tie. Nauna si Luo Feng na tumingin sa kanyang binoculars at tumingin sa ibaba. Totoo nga… na naglalakad ang siyam na miyembro ng Thunderbolt Squad sa kalyeng iyon ilang milya ang layo mula sa puwesto nila. Mabuti na lang at mataas ang building na napili nila Luo Feng at ng iba pa niyang mga kasama, ang pinakamatangkad na building sa hilagang bahagi ng sector. Maliliit lang ang mga building sa hilagang bahagi nito kaya madali nilang nakita ang area sa kanilang harapan.

"Captain, Kuya Chen," sabi ni Luo Feng.

"Huh?" ang lahat ng miyembro ng Fire Hammer Squad ay napatingin kay Luo Feng.

Hindi maiwasan ni Luo Feng na isara ng mahigpit ang kanyang mga kamao habang nagngingitngit sa galit ang kanyang mga ngipin, "Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa ng mga hayop na iyan kay Kuya Zhang. Pinangako ko sa sarili ko noon…. na kapag nagkrus muli ang landas namin ng Tiger Fang Squad ay tatapusin ko na sila!"

"Anong point mo rito Luo Feng?" nasusurpresang tanong ni Gao Feng.

"Palihim ko silang susundan at hahanap ako ng magandang pagkakataon para patayin ang lahat ng miyembro ng Tiger Fang Squad! At dahil handa rin silang ubusin tayo ay kinakailangan natin silang unahan!" Hinding hindi malilimutan ni Luo Feng ang dalawang bala na iyon mula sa mga sniper ng Tiger Fang Squad. Nailagan niya ang isa sa mga ito gamit ang kanyang spiritual force.

Pero ang isa ay pumutol sa braso ng kanyang Kuya Zhang!

"Sasama ako sa iyo Luo Feng. Kinakailangan nating ipaghiganti si Zhang Ke," gigil na gigil na sinabi ni Chen Gu.

"Mas maigi kung lalakad akong mag-isa Kuya Chen," mahinang sinabi ni Luo Feng "Dahil kayang kaya kong makailag sa isang wargod sa paraan ng paglilipad gamit ang aking spiritual force!"

Isa itong dahilan kung bakit talagang katakot takot ang mga spirit readers!

Dahil maging ang mga mahihinang spirit readers ay mayroong kakayanan na wala ang kahit isang wargod fighter na daan-daang beses na mas malakas kaysa sa kanila! Ang mga fighters lang na nakalampas sa pagiging wargod ang mayroong kakayanang makalipad bukod sa mga spirit readers.

"Tama si Luo Feng Chen Gu. Magiging pasakit ka lang sa kanya," utos ni Gao Feng.

Nanggigil lalo si Chen Gu nang marinig niya ito. Hindi dahil sa pangit na pagkakasabi ng kanilang captain sa kanya pero dahil alam niya na sinabi ito ng kanilang captain ay para sa ikabubuti niya.

"At kung gusto man nating tapusin ang Tiger Fang Squad ay hindi ba't ganun din ang nararamdaman nila sa atin?" sabi ni Gao Feng, "Mula noong pangyayaring iyon nitong nakaraan ay sigurado akong humahanap din sila ng tamang pagkakataon na ubusin tayo sa Forsaken Land at ngayong nakita na nila tayo ay sigurado akong hindi magtatagal ay gagawa na sila ng aksyon."

Nasurpresa ang lahat ng iba pang miyembro ng Fire Hammer Squad noong marinig nila ito.

Talaga ngang…

Sa ganitong klaseng paraan sinosolve ng Tiger Fang Squad ang kanilang mga problema kaya hindi na sila magtataka kung matagal nang pinaplano ng Tiger Fang Squad ang kanilang katapusan.

"Marami-rami na rin ang nahuli nating halimaw ngayon kaya halos mapuno na ang ating mga bag. Kaya mauuna na kaming bumalik sa resupplying base," sabi ni Gao Feng at matapos nito ay tumingin siya kay Luo Feng, "Dahil isa kang spirit reader Luo Feng ay walang nakakaalam kung ilang beses kang mas mabilis kaysa sa amin sa pagtakas pero kinakailangan mo pa ring mag-ingat ng husto ah."

Tumango si Luo Feng.

Habang nag-uusap sila ay nakatingin pa rin sila sa kani-kanilang mga binoculars habang inoobserbahan kung saan papunta ang Thunderbolt Squad.

"Pumasok sila sa JJ liquor chain store," sabik na sabik na sinabi ni Chen Gu, "Mukhang iyon ang magiging temporary base nila."

"Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa, tara na!" malinaw na sinabi ni Gao Feng.

Tumayo rin si Luo Feng at nakita ang pag-alis ng kanilang captain kasama ng iba pa nilang mga kasamahan.

Ito na ang border papasok sa city kaya nakita ni Luo Feng ang captain at ang iba pa na papunta sa highway na may layong 2 to 3 miles mula sa kanya pabalik sa resupplying base. Wala nang gaanong halimaw paglabas nila ng #003 city section kaya hindi kapanipaniwalang may mangyayari pang masama sa Fire Hammer Squad habang tinatahak ang highway pabalik sa resupplying base dahil na rin sa laki ng inilakas ng mga ito.

"Mag-ingat ka Luo Feng," tingin ni Gao Feng at ng iba pang miyembro ng Fire Hammer Squad kay Luo Feng.

Sa mga oras na ito ay gagawin ni Luo Feng ang trabaho ng Fire Hammer Squad ng mag-isa.

"Huwag kayong mag-alala captain, sisiguraduhin kong walang makakauwi na ni isang miyembro ng Tiger Fang Squad nang buhay!" tawa ni Luo Feng. Matapos nito ay naging isa na lang siyang anino at dahan-dahang nawala habang papasok sa city na napapalibutan ng napakaraming building.

avataravatar
Next chapter