35 Bibilhin Ko Ba o Hindi?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagpunta sa iba't ibang thread si Luo Feng sa fighter discussion board gaya ng "50 frequently asked questions on hunting monsters". "Basic wilderness survival knowledge", "How to avoid angering horde leader level monsters", "28 ways to escape"….. at iba pa. Ang pagbabasa sa mga iyon ang nagbigay ng napakaraming kaalaman kay Luo Feng. Dahil din sa mga ito ay naintindihan niya ang hirap ng pagiging isang fighter! Napakataas ng kalagayan ng mga fighters sa lipunan, pero kinakailangan nila palaging ilagay ang buhay nila sa alanganin!

"Oo nga may mga point ang mga thread na ito"

"Technique at attack scrolls maging ang mga Dao Yin techniques. Ang tatlong mga scroll na ito ang pinakaimportante sa isang fighter! Ang Dao Yin technique ang magsasabi kung gaano kataas ang kanilang inilakas habang ang mga technique at attack scrolls ang nagsasabi kung gaano kalakas ang kanilang combat strength" binasa ni Luo Feng ang thread at sumang ayon. Ang tatlong mga scrolls na ito ang pinakaimportante para sa isang fighter.

Ito tatlong bagay na dapat mong unang bilhin!

"Kaya pala bibigay ng Dojo of Limits ng mga ito sa akin hangga't hindi ito nagkakahalaga ng higit sa 100 million" alam ni Luo Feng na gusto ng Dojo of Limits na lumakas ang kanilang mga fighters.

"Tingnan ko nga ang mga binebenta sa internet market"

Pinindot ni Luo Feng ang touch screen ng wireless keyboard at pumasok sa webpage ng internet market board.

Sa ilang saglit pa ay naglabasan ang lahat ng klase ng mga gamit sa napakalaking screen sa dingding ng video room. Pinindot ni Luo Feng ang 'scroll'—matapos pindutin ang 'attack type' nang tatlong beses, matapos nito ay biglang nagbalas ang screen ng pictures ng mga scrolls, kanilang mga pangalan at ang kanilang mga presyo.

��Destroyer����Type: Spear. Rating: Legendary. Price: 100 billion Chinese dollars (full price), 50 billion Chinese dollars (half price requirement: 4 star contribution rank)

��Nine Stage Thunder Blade����Type: Blade. Rating: Legendary. Price: 100 billion Chinese dollars (full price), 50 billion Chinese dollars (half price requirement: 4 star contribution rank)

...

��Phantom Blade secrets����Type: Blade. Rating: SS. Price: 10 billion Chinese dollars (full price), 5 billion Chinese dollars (half price requirement: 3 star contribution rank)

...

��Mist Sword����Type: Blade. Rating: S. Price: 3 billion Chinese dollars (full price), 1.5 billion Chinese dollars (half price requirement: 3 star contribution rank)

...

...

Nanlaki ang mga mata ni Luo Feng nang makita niya ito.

"Woooow, binebenta nila kahit ang spear technique ng pinakamalakas na fighter na si (Hong), Destroyer? At itong Nine Stage Thunder Blade na technique ng pangalawa sa pinakamalakas na fighter na si 'Thunder Lord'?" Agad na namangha si Luo Feng sa itaas na bahagi pa lang ng page na kung saan ang mga spear at blade techniques na nakalagay ay may rating na legendary. Pero ang mga presyo rin nito ang lalong nakapagpadilat ng kaniyang mga mata.

Ang bawat isa sa mga ito ay nagkakahalaga ng 100 billion?

At ang nangangalahating presyo ng 50 billion kung mayroon kang contribution rank na 4 stars?

"Ang katumbas ba ng 4 star contribution rank ay 10 million contribution points?" Napakalinaw para kay Luo Feng ang ibig sabihin ng mga contribution ranks.

Ang 10 thousand contribution points ay katumbas ng 1 star.

Ang 100 thousand contribution points ay katumbas ng 2 starts.

Ang 1 million contribution points ay katumbas ng 3 stars.

At ang 10 million contribution points ay katumbas ng 4 stars.

Kapag naabot mo ang 50 million contribution points ay makukuha mo na ang titulong 5 star rank! Napakaimposibleng marating ang 5 star rank; ang hirap para makamit ito ay sadyang malapit na sa imposible.

"Destroyer, ang pangalan ng pinakamalakas na attack technique sa buong mundo" pinindot ni Luo Feng ang Destroyer at naging curious sa introduction nito at dahil ito ang pinakamalakas na spear attack sa buong mundo, nanaisin ng kahit na sinong fighter na tingnan ang overview nito.

"Huh?" Tingin ni Luo Feng.

Mayroon pang ibang mga presyo na nakalagay sa loob ng webpage ng "Destroyer" scroll.

Destroyer All six levels--Price: 100 billion Chinese dollars (full price), 50 billion Chinese dollars (half price requirement: 4 star contribution rank)

Destroyer First five levels--Price: 40 billion Chinese Dollars (full price), 20 billion Chinese dollars (half price requirement: 4 star contribution rank)

Destroyer FIrst four levels--Price: 15 billion Chinese dollars (full price), 7.5 billion Chinese dollars (half price requirement: 3 star contribution rank)

...

Destroyer First level--Price: 200 million Chinese dollars (full price), 100 million Chinese dollars (half price requirement: 1 star contribution rank)

"Ano? Puwede mo ring bilhin ito per part?" Isip ni Luo Feng sa sa isang saglit. Sinong ba namang tao ang may kayang bilhin ang ultimate spear technique gaya ng Destroyer ng buo? Napakamahal ng scroll na ito! At kahit na bilhin mo ito ng buo ay kinakailangan mo pa ring magsimula sa unang level. At ilang mga fighters nga naman ang kaya itong sanayin hanggang sa 6th level?

Sa tingin ko, ang karamihan sa mga fighters na bumili ng Destroyer ay nastuck na sa unang level nito sa kanilang buong buhay. Dahil diyan ay hinding hindi na nila masisimulang magsanay sa pangalawang level nito.

"Ang ultimate scroll na ito… walang duda na ito ang pinakamalakas na attack technique ng isang fighter" Titig ni Luo Feng sa introduction "Hindi ako makapaniwalang isang package na ang spear technique na ito. Kung bibilhin mo ito ay parang bumili ka na rin ng isang technique scroll at isang attack scroll" inggit na inggit na sinabi ni Luo Feng.

At ang mas nakakalungkot pa riyan, siya ay nagsasanay sa isang blade.

At hindi niya rin kaya ang napakamahal na presyo nito noong sa una palang.

"Ang Nine Stage Thunder Blade, gaya ng Destroyer ay isa ring ultimate scroll" Agad na binuksan ni Luo Feng ang webpage ng Nine Stage Thunder Blade. Kung tiningnan ni Luo Feng ang Destroyer scroll dahil sa curiosity nito ay ibahin mo ang Nine Stage Thunder Blade, dahil tiningnan niya ito nang may kasamang pagasa at pagnanais na makuha ito!

Ang "Nine Stage Thunder Blade" ang scroll na ninanais ng kahit na sinong fighter na nagsasanay gamit ang kanilang mga blade!

"Huh?" Tiningnan ni Luo Feng ang description nito.

Sinasabi sa description nito na ang Nine Stage Thunder Blade daw ay ang pinakamahirap na araling blade technique sa buong mundo at kahit na tinatawag ito bilang isang blade technique, may kasama rin itong agility at isang Dao Yin technique! Kaya ang rason kung bakit napakahirap aralin ng Nine Stage Thunder Blade ay dahil nangangailangan ito ng napakaraming lakas, napakabilis na reflex etc. galing sa iyong katawan.

"Ang blade technique na ito ay may kasama ring agility at isang Dao Yin Technique?" Tuwang tuwang sabi ni Luo Feng.

Kung hindi ito gaanong mahal ay bibilhin niya ito!

Tiningnang maigi ni Luo Feng ang presyo nito--

Nine Stage Thunder Blade All nine stages--Price: 100 billion Chinese dollars (full price), 50 billion Chinese dollars (half price requirement: four star contribution rank)

Nine Stage Thunder Blade First eight stages--Price: 50 billion Chinese dollars (full price), 25 billion Chinese Dollars (half price requirement: four star contribution rank)

...

Nine Stage Thunder Blade First five stages--Price: 2 billion Chinese dollars (full price), 1 billion Chinese dollars (half price requirement: 3 star contribution rank

Nine Stage Thunder Blade First four stages--Price: 500 million Chinese dollars (full price), 250 million Chinese dollars (half price requirement: two star contribution rank)

Nine Stage Thunder Blade First three stages--Price: 200 million Chinese dollars (full price), 100 million Chinese dollars (half price requirement: two star contribution rank)

Nine Stage Thunder Blade First two stages--Price: 100 million Chinese dollars (full price), 50 million Chinese dollars (half price requirement: two star contribution rank)

Nine Stage Thunder Blade First stage--Price: 50 million Chinese dollars (full price), 25 million Chinese dollars (half price requirement: two star contribution rank)

Noong nakita niya ang mga presyo nto ay malinaw na sa kaniya na mayroong 9 stages ang Nine Stage Thunder Blade at mas mura ito ng kaunti kaysa sa Destroyer.

"Huh?" Taas ng kilay ni Luo Feng. Nakita niya sa ilalim ng website ang isang paalalang may mga letrang kulay pula 'Nine Stage Thunder Blade is an ultimate blade technique and is extremely hard to learn and begin. There are tons of fighters all over the planet who have tried to learn this technique but couldn't even get into the first stage. When picking this technique, please be careful!'

Nagdalawang isip si Luo Feng noong makita niya ang paalalang ito.

Napakahirap ngang aralin ng technique na ito. Pero napakalakas naman nito kung matatapos ko itong sanayin.

Bibilhin ko ba ito o hindi?

May kamahalan din ang technique na ito!

…..

Sa screen sa loob ng madilim na video room nakalagay ang introduction ng Nine Stage Thunder Blade. Makikita rin dito ang tahimik na nakaupong si Luo Feng na halatang nagiisip. Hindi magiging madali kung pipiliin niyang bilhin ang Nine Stage Thunder Blade! Napakamahal ng presyo ng technique na ito maging sa isang fighter.

"Kung magsasanay man ako ay sasanayin ko na ang sarili ko sa pinakamaganda at pinakamahal na paraan at technique na kaya ko!" nagngitngit ang kaniyang mga ngipin at kumislap ang kaniyang mga mata "Hindi ako naniniwalang hindi ko matututunan ito!"

Mula noong bata pa lang siya ay sinasanay na niya ng husto ang kaniyang sarili.

"Isa akong spirit reader at ang spiritual force ko sa aking subconsciousness ay nahubog bilang sa pagiging isang dark, golden ball! Kaya magiging mas matagal ang mabilis na paglakas ng aking katawan. Kaya hindi ako naniniwalang hindi ko matututunan ang Nine Stage Thunder Blade" Mayroong paniniwala si Luo Feng na kagaya ng paniniwalang itinuturo ng mga guro sa Dojo of Limits sa kanilang mga estudyante – hanapin at lampasan ninyo ang inyong mga limits!

Mayroon ding isang kasabihan na—'Ang isang fighter na hindi nagnanais na maging isang pinakamalakas na fighter sa buong mundo ay hindi isang qualified fighter!'

"Alam kong matututunan ko ang Nine Stage Thunder Blade technique na ito" huminga ng malalim si Luo Feng at pinindot ang display.

"Please confirm whether or not you want to purchase the first three stages of the ��Nine Stage Thunder Blade��, you need to pay 100 million Chinese dollars!" Sabi ng isang paalala na lumabas sa malaking screen. At dahil unang beses pa lang ni Luo Feng sa kaniyang pagbili ng gamit sa internal network ay maaari niyang huwang pansinin ang contribution rank requirement para sa half price deal.

"Confirm!"pindot ni Luo Feng.

"Please confirm your identity via fingerprint to confirm again" sabi ng isang reminder na lumabas sa screen.

Inilagay ni Luo Feng ang kaniyang daliri sa fingerprint scanner ng wireless keyboard.

[BEEP!]

"Identity confirmed"

"Purchase successful!"

"Discount successful!"

"The first three stages of the Nine Stage Thunder Blade will arrive at Mr. Luo Feng's home within 24 hours" sabi ng isang notice mula sa screen.

Note mula sa TL: Palagi kong binabago ang mga pangalan ng mga scroll dahil palagi kong nakakalimutan kung ano nga ba ang dapat kong ilagay sa mga ito (kaya sa chapter na ito ay sinabi kong technique, attack at Dai Yin technique). Mula ngayon ay sasabihin ko na lang ang word na agility instead of technique (ang attack at Dao Yin technique ay mananatili sa dati nilang mga pangalan). Humihingi ako ng patawad sa kalituhang idinulot nito sa inyo.

avataravatar
Next chapter