36 Ang Sobrang Mahal na mga Kagamitan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Masuwerte ako at sinasabi sa kontrata ko na puwede ko munang baliwalain ang contribution rank restriction" Naramdaman ni Luo Feng ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. 100 million Chinese dollars ito! Gamit ang perang ito ay madali niyang mabibili ang mga villa na pagaari ni Zhang Hao Bai.

Bukod pa riyan ang mahirap na pinanggalingan niya at ng kaniyang pamilya. Hindi niya maimagine ang naramdaman niya noong ipambayad niya ang buong 100 million para lang sa isang bagay!

"Mabuti na lang at hindi ko pera ito" ngiti ni Luo Feng.

Ngayong tapos na siyang bumili ng mga scroll. Ang sunod naman niyang bibilhin ay mga sandata, battle uniform, etc.

"Mayroon akong 20 million pambili sa mga ito. Pero susubukan kong tipirin ito hangga't maaari" binuksan ni Luo Feng ang listahan ng mga sandata at mabilis niyang nakita ang 2nd series 'Ghost Blade'.

Ghost blade 2nd series, Model A1--Price: 100 thousand Chinese dollars (full price), 50 thousand Chinese dollars (half price requirement: 1 star contribution rank)

Ghost blade 2nd series, Model A2--Price: 500 thousand Chinese dollars (full price), 250 thousand Chinese dollars (half price requirement: 1 star contribution rank)

...

...2nd series, Model A5--Price: 6 million Chinese dollars (full price), 3 million Chinese dollars (half price requirement: 1 star contribution rank)

...

Tiningnan ni Luo Feng nang maigi ang mga description ng bawat model at wala na itong magawa kung hindi ay sumimangot "Napakabilis ng paglakas ng katawan ko ngayon. Kaya sigurado ako na hindi katagalan ay maaabot ko na ang pangangatawan ng isang advanced level warrior sa loob lang ng maikling panahon. Siguro ay dapat na akong bumili ng maganda gandang sandata ngayon"

Kung isa lang siyang pangkaraniwang intermediate level warrior…

Ay puwede siyang bumili ng A2 or A3 model. Kailangan mo lamang magdonate ng 10,000 dollars para sa isang contribution point!

Ang isang contribution point ay para mapagkumpara ang mga fighters sa sarili mong Dojo at ang mga fighters na nasal abas ng iyong Dojo. Mayroong isang internal network ang Dojo of Limits na tinatawag nilang Home of Limits 'Internet Market', pero mayroon din silang actual fighter market kung saan bumibili ng gamit ang mga fighters na hindi kasali sa kanilang dojo. Pero ang pinagkaiba nito ay wala silang discount at kinakailangan nilang bayaran ang buong presyo ng mga gamit na ito!

"Sa bilis ng paglakas ng aking katawan ay kailangan ko sigurong bumili ng isang A5 or A6 model ng ghost blade" tango ni Luo Feng , "pero kinakailangan mo munang magkaroon ng one star contribution rank bago mo mabili ang mga ito!"

"Ang katumbas ng one star rank ay 10 thousand contribution points!"

Inignore ng system ang contribution rank restriction noong unang beses siyang bumili ng scroll dito. Pero ang offer na ito ay applicable lamang sa unang gamit na bibilhin mo sa internal network.

Pero wala ng ganito pa kagandang deal sa pagbili niya ng kaniyang sandata, battle uniform, etc.

"Ang isang A6 model ng Ghost blade ay nagkakahalaga ng 20 million. Ang A5 model naman ay nagkakahalaga ng 6 million" napailing nalang si Luo Feng nang makita niya ito. Ang A5 model ay kayang pumatay ng mga 'medium-level commander' na mga halimaw nang hindi nasisira habang ang A6 model naman ay kayang pumatay ng mga 'high-level commander' na mga halimaw nang hindi nasisira.

Hindi uubra sa bilis ng kaniyang paglakas ang mga mababang model ng sandata.

"Bilhin ang mga ito ng full price? Napakamahal" iling ni Luo Feng.

"Tingnan na muna natin ang mga shields"

Binuksan at tiningnang maigi ni Luo Feng ang webpage na naglalaman ng mga shields. Napansin niya na ang presyo ng mga shields ay sadyang mas mababa kaysa sa presyo ng mga blades. Ang isang B5 model na kayang sumalag sa isang 'medium level commander' na mga halimaw nang hindi nasisira ay nagkakahalaga ng 3 million Chinese dollars kung full price mo itong bibilhin at 1.5 million kung mayroon kang level 4 contribution rank. Pero kinakailangan din nito ng contribution rank na 1 star bago mo ito mabili ng full price!

"Bag naman"

Kung titira ka sa kagubatan at makikipaglaban sa mga halimaw, kinakailangan mo ring bumili ng isang magandang klase ng bag. Kailangan isa ito sa mga pinakamagagandang bag para hindi agad ito masira at hindi rin dapat ito nagiging sagabal sa paggalaw ng mga fighter lalo na kapag nakikipaglaban ito sa mga halimaw.

"Ang pinakamurang bag ay nangangailangan lamang ng isang contribution point. At ang mas maganda ng kaunti rito ay nagkakahalaga ng 10 thousand dollars" nakangiting sabi ni Luo Feng.

"Ang isang tactical communication watch na may GPS, phone, orasan at iba pang mga features ay nagkakahalaga ng 10 thousand dollars lamang" Sa totoo lang ay hindi sapat ang mga features nito sa presyo nito sa internal network dahil ang isang phone na may kaparehong features sa relong ito ay nagkakahalaga lamang ng daan daang dolyares. Ang tanging rason lang kung bakit ito nagmahal nang ganito ay ang napakamahal na materyales na ginamit sa paggawa nito.

Habang nakikipaglaban sa isang monster, may mga oras na maaaring sumabit ang mga kuko nito sa relong suot ng isang fighter! Kaya kinakailangan ng isang napakatibay na relo para hindi ito basta bastang masira habang nakikipaglaban ang fighter sa isang halimaw, kaya paano ito magiging mura kung ganoon?

"Natingnan ko na ang blade, shield, relo at ang bag. Mayroon na lang isang bagay ang natitira… ang battle uniform na kasama ang boots" Matagal nang narinig ni Luo Feng na ang battle uniform ang pinakamahal na gamit ng isang fighter! Dahil bukod sa napakatibay na mga materyales nito na kayang sumalag sa atake ng isang fighter ay komportable at hindi sagabal ang mga ito sa pagilag ng isang fighter.

Binuksan ito ni Luo Feng at nakita niya na...

"Sh*t"

"Napakamahal!"

Natuliro si Luo Feng sa mga nakita niya "Kahit ang isang D5 edition battle uniform na may kasama nang mga bracers at boots sa set na kayang salagin ang atake ng isang medium-level commander ay nagkakahalaga ng 18 million Chinese dollars at 9 million Chinese dollars half price. Ang D6 naman ay nagkakahalaga ng 80 million dollars full price. "Alam ko naman na mahal talaga ang mga battle uniform pero hindi ko akalain na mas mahal ng tatlong beses ang 5th series battle uniform kaysa sa blade na nasa kaparehong series nito!

Ngayon sa calculations….

Kung gagamit ako ng 5th series sa kanilang lahat—ang buong battle uniform set ay nagkakahalaga ng 18 million, ang ghost blade naman ay nagkakahalaga ng 6 million at ang shield ay 3 million, ang total nito sa kabuohan ay 27 million dollars! At kung mayroon akong one star contribution rank, ang kakailanganin ko na lamang ay 13.5 million dollars.

Walang wala ang presyo ng parehing tactical communications watch at bag sa mga presyo ng battle uniform!

"Gusto ko ring bumili ng ilang mga throwing knives na puwede kong kontrolin gamit ang aking spiritual force! Sapat na siguro ang 6 hanggang 10 sa mga iyon" binuksan ni Luo Feng ang throwing knives page. Ang mga throwing knives ay maliliit na bagay lamang kung tutuosin. Magagaan at maliliit ang mga ito kaya natural na mas mura ang mga ito kaysa sa isang ghost blade.

Ang isang 5th series throwing knife ay nagkakahalaga lamang ng 50 thousand Chinese dollars full price kada isa.

Ang 6th series naman ay nagkakahalaga ng 300 thousand Chinese dollars full price kada isa.

Ang 7th series naman ay nagkakagalaga ng tumatagingting na 3 million Chinese dollars full price at 1.5 million sa mga fighter na may 2 star contribution rank kada isa, 10x ang inilaki ng presyo nito sa 6th series throwing knife!

"Mabilis na lumalakas ang spiritual force ko at kung magpapatuloy ito ay kinakailangan ko sigurong bumili ng 7th series throwing knife, pero ang kada isang piraso nito ay nagkakahalaga ng 3 million at ang half price nito ay nangangailangan ng 2 star contribution rank! Kung bibili man ako ng 5 hanggang 6 na mga ito ay nagkakahalaga na ito ng higit sa 10 million dollars!"

"Paano ko mabibili ang mga ito?"

"Kulang na kulang pala talaga ang perang ito para sa akin" naisip ni Luo Feng noong una na sobra sobra na ang 20 million dollars para sa kaniya hanggang sa makita niya kung gaano kamahal ang mga kinakailangan niyang mga gamit.

Ang hindi niya alam ay tama lang ang mga presyo nito base sa mga kaya nitong gawin!

Ang isang horde leader level na halimaw ay hindi kayang patayin maging ng isang guided missile! Hindi mo maiisip kung gaano kaganda dapat ang mga materyales ng isang throwing knife para tumagos sa katawan nito! Kaya risonable na ang presyong 3 million sa bawat isang knife na kayang tumagos sa katawan nito.

...

Kapag gumagastos ng pera ang mga fighters para bumili ng kanilang mga gamit ay kailangan nilang gumastos ng napakalaki. Mababawi naman ito agad dahil maaari silang kumita sa napakalaking halaga kapag nagsimula na silang pumatay ng mga halimaw.

Ang malungkot dito ay hindi pa nagsisimula si Luo Feng na lumabas ng siyudad para pumatay ng mga halimaw.

��������

Alas diyes ng umaga kinabukasan.

Isang lalaki ang kumatok sa harap ng bakuran ng villa ni Luo Feng sa Ming-Yue sector.

"Ito na po ang inorder ninyong scroll Mr. Luo Feng. Tanging ang fingerprint niyo lang po ang makakapagbukas niyan"

Tinanggap ni Luo Feng ang selyadong alloy box at sinimulang ilagay ang kaniyang fingerprint sa itaas nito. "[BEEP!] Fingerprint test passed" sabi ng isang boses na kagaya sa isang robot bago bumukas ang selyadong box. Mayroon itong laman na isang libro na may 1cm na kapal. Mayroon din itong kasamang dalawang discs na kasama ng libro sa loob ng box.

"Nine Stage Thunder Blade" Kita ni Luo Feng sa apat na salitang nakalagay sa cover ng libro.

"Subukan po ninyong buksan ito Mr. Luo Feng. Pumirma po kayo kapag nakumpirma niyo na po na ito talaga ang inorder ninyo" nakangiting sabi ng delivery boy habang buong paghanga itong nakatingin kay Luo Feng.

Nine stage Thunder Blade!

Kahit na ang isang pangkaraniwang fighter ay hindi kayang bumili nito.

"Sigurado po kayo na alam ninyo ang mga terms and conditions sa paggamit ng librong ito Mr. Luo Feng?" ngiti ng delivery boy "Ayon sa aming rules ay kailangan ko muling banggitin ang lahat ng ito sa inyo

….. Ang pagaari ng scroll na ito ay mapupunta sa gumawa ng scroll na ito, Ang Nine Stage Thunder Blade ay kinopyright ng Thunder God. Ang mga taong bumili nito ay mayroon lamang karapatang aralin ito, at hindi ituro ito sa iba. Mahigpit ding ipinagbabawal ang ilegal na pagkopya rito, pagbebenta at pribadong pagtuturo sa mga nilalaman nito ng taong bumili ng scroll na ito. Kung sino man ang mahuhuling lumabag dito ay huhulihin ng pinagsanib na puwersa ng Dojo of Limits, Thunder Dojo, Underground Alliance at Gobyerno!"

Tumango si Luo Feng bilang pag sangayon sa mga rule. Ito ay dahil matagal na niyang alam ang mga ito.

Matapos niyang makumpirma ito ay umalis na ang delivery boy.

"Ang isang scroll na ito na may kasamang dalawang discs ay nagkakahalaga ng 100 million Chinese dollars" namamanghang sabi ni Luo Feng na nakatayo sa kaniyang hardin "Mukhang ang gumawa ng scroll na ito ang kikita ng husto rito. Halimbawa, kapag bumili ang mga tao ng Nine Stage Thunder Blade ng Thunder God, ang Thunder God ang kikita ng husto sa kanilang lahat" Matapos niyang magcompute ng sandali ay madali niyang nalaman kung magkano ang kinikita ng Thunder God sa pagbebenta ng bawat isang scroll na ito.

Pero… wala gaanong halaga ang pera para sa Thunder God na gumawa ng 'Thunder Dojo'.

����������

Noong papasok na si Luo Feng sa kaniyang tirahan dala dala ang kaniyang scroll, may isang boses ang maririnig na tumawag sa kaniya "Luo Feng"

Lumingon si Luo Feng at nakita niya na ang taong tumatawag sa kaniya ay ang punongguro ng Dojo of Lumits na si 'Wu Tong'.

"Uncle Wu" Tumatawang sagot ni Luo Feng.

"Nakita ko ang delivery guy na pumunta sa iyo noong naroon ako sa headquarters, may binili ka ba?" Tumatawang sabi ni Wu Tong.

"Opo" tango ni Luo Feng.

"Nine Stage Thunder Blade?" Nagulat ng husto si Wu Tong nang makita niya ang apat na salitang nakalagay sa dala dalang gamit ni Luo Feng. "Kaya mong makabili ng napakamahal na scroll gaya nito?" Ang mga scroll ay mahigpit na kinokontrol ng lahat ng mga malalaking powers sa buong mundo.

"Hindi naman sa akin nanggaling ang perang ipinambili ko nito kaya ayos lang" tumatawang sinabi ni Luo Feng "Pero nalaman ko rin na wala na akong gaanong pera para makabili ng Blade, battle uniforms etc na pagkamahal mahal"

"Oo nga pala, pumunta ako rito Luo Feng dahil may sasabihin ako sa iyo" tumatawang sabi ng punongguro na si 'Wu Tong'"Hindi ba mayroong isang batang lalaki na nagtangka sa iyo noon na nagngangalang Zhang Hao Bai?"

Nanginig bigla si Luo Feng nang marinig niya ito, Zhang Hao Bai? Wala pa siyang pagkakataon na balikan ito mula noong lumabas siya sa kulungan.

"Opo, kumuha siya ng tao para balian ako ng mga braso at binti noon" tango ni Luo Feng.

"Ganito kasi iyon. Ang uncle ni Zhang Hao Bai na si 'Zhang Ze Hu' ay isang fighter mula sa Thunder Dojo. Pumunta siya sa chief instructor ng Thunder Dojo dito sa Yang Zhou city para maayos ang gusot na ito. Gusto niyang pribado na ayusin ito sa pagitan niyong dalawa Luo Feng" tawa ng punongguro na si 'Wu Tong'"Hindi ba't wala ka ng masyadong pera panggastos Luo Feng? Ito na ang pagkakataon mo para kumite nang malaki, gamitin mo ang pagkakataong ito para makakuha ng maraming pera pambili mo ng iyong mga gamit!"

avataravatar
Next chapter