34 Ang Dahilan ng Pagsakit ng Ulo ni Luo Feng

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Uminom ng tea si Luo Feng sa loob ng tahimik ng video room na iyon. Pero ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa napakalaking screen sa dingding ng video recording room: "20 million Chinese dollars? Dumating nga ang perang ipinangako ng dojo of limits sa akin" Makikita ang isang row ng mga pindutan sa itaas na bahagi ng webpage.

Ang isa sa mga button ay paulit ulit na nagfaflast at may sinasabi na "You have two new messages"

Magaang pinindot ni Luo Feng ang touch screen ng wireless keyboard para buksan ang mga bago niyang mga messages.

[HUA!]

Bumukas ang unang message at lumabas ang isang video message sa screen.

"Hello Mr. Luo Feng" sabi ng isang middle aged na lalaking nakasuot ng black suit na makikita sa video sa screen ng video room. Ngumiti siya at sinabing "Ako ng apala ang assistant ni Chief Zhu Ge. Siguado akong sa mga oras na ito ay nakita mo na ang 20 million na pinangako sa iyo ni Chief Zhu Ge. Ito ay para mabili mo ang iyong blade, agility at technique scrolls. Puwede mong mabili ang mga iyon sa sa internal network nang libre hangga't hindi ito lumalagpas sa 100 million. Kapag nabili mo na ang mga ito, ang internal network na ang bahalang magtransfer ng perang pambayad sa Dojo of Limits. Pero kung lalagpas naman ang mga ito sa 100 million, kayo na po ang sasagot sa sosobrang amount dito. Narito rin ako sa ngalan ng Chief para icongratulate ang pagtatagumpay ni Mr. Luo Feng sa fighter combat exam"

Nagtapos na ang video matapos niyang magsalita.

"Kasisimula ko palang pero maganda na ang nagiging trato ng Dojo of Limits sa akin" at binuksan ni Luo Feng ang pangalawang video message.

Ang pangalawang message ay naglalaman din ng video.

"Hello sa iginagalang na bagong fighter ng Dojo of Limits na si 'Luo Feng'. Galing nga pala ako sa Dojo of Limits at winewelcome kita sa napakalaki nating pamilya na ito" nakangiting sabi ng babaeng may mabait na itsura "Ito ang unang beses na makapasok ka sa internal network ng Dojo of Limits—Home of Limits! Hayaan mo akong ipaliwanag sa iyo kung ano ang iba't ibang gamit ng Home of Limits" 

"Ang una dito ay puwede kang bumili ng iba't ibang mga sandata, techniques, agility scrolls at offensive scrolls gaya ng blade scrolls, spear scrolls, sword scrolls, etc. Mayroon ding mga heated weapons , transportation tools, protective gears, communication systems, special bombs, special medicines, genetic medicines... Mayroon ding available dito na iilang mga rare ingredients at mga treasures. At hangga't mayroon kang pera pambili sa mga ito, puwede mong mabili kahit ang lahat ng mga ito.

"Darating ang gamit na inorder mo sa loob ng 24 oras matapos mong magbayad sa website."

"Sa pamamagitan ng Limit Home, puwede ka ring magpaturo sa isang warlord o kahit na sa isang wargod fighter gamit sa pamamagitan ng site na ito. Pero mayroon kaukulang bayad ang serbisyong ibibigay nila sa iyo"

Ngumiti ang babae sa video at sinabing "Kung mayroon ka nang sapat na contribution points, ang presyo ng lahat ng mga gamit na nabanggit ko kanina ay puwedeng mangalahati!"

Nagulat si Luo Feng matapos niyang marinig ito.

Kalahati?

Hangga't mayroon siyang sapat na contribution points, ang isang gamit na nagkakahalaga ng 100 million ay puwede niyang mabili ng 50 million? Napakarami ng lugar na puwedeng paggamitan ng mga contribution points na ito. Pero sa ngayon ay wala pa siyang kahit isang contribution points.

"Maraming puwedeng paggamitan ang contribution points. Bukod sa pagbili ng kahit anong mga gamit, maaring dumating ka sa punto na maaari mong tawagin ang special forces ng Dojo of Limits" ngumiti ang babae sa video at sinabing "Habang pataas ng pataas ang iyong contribution points ay mas marami ang puwede mong gawin sa mga ito, mas maraming benepisyo na rin ang iyong matatanggap kasama ng mataas na awtoridad sa ating Dojo of Limits"

"May dalawang paraan para makakuha ng contribution points"

"Ang una ay puwede kang magbenta sa Dojo of Limits ng mga importanteng mga materyales galing sa napapatay mong mga halimaw sa labas ng city! Puwede kang kumita ng pera at contribution points sa paraang ito"

"At ang pangalawa ay puwede kang magdonate sa Dojo of Limits. Sa laki ng iyong idodonate nakabase ang laki ng contribution points na matatanggap mo. Ang rate ngayon ay….. 10,000 chinese dollars ay may katumbas na 1 contribution point! Mayroon ding minimum donation na 10 million Chinese dollars sa donation system na ito. At ang pinakamataas na puwedeng idonate ng isang fighter ay umaabot sa 100 billion Chinese dollars. Sa madaling salita ay puwede kang makakuha ng hanggang sa 10 million contribution points sa pamamagitan ng donation system"

Napahinga na lang ng malalim si Luo Feng matapos niyang marinig ito.

What the H*ll?

Mayroong limit na 100 billion sa pagdodonate? At pag lumampas ka na rito ay hindi na sila tatanggap ng kahit 1 dollar mula sa iyo? Mukhang ang 100 billion ay halos kabuohang yaman na ng pinakamayamang tao sa China. Ayon sa Forbes ranking sa pinakamayamang tao sa mundo. Ang pinakamayamang tao ay may yaman lamang na 120 billion American dollars na katumbas ng 420 billion Chinese dollars.

Nirarank lang siyempre ng Forbes ang mga taong kilala dahil sa kanilang yaman. Pero may iilan ding mga malalaking pamilyang may ipong higit na mas malaki kaysa sa pinakamayayamang tao sa mundo. Pero ito na ang kabuohang yaman ng buo nilang pamilya.

"Pinapaalalahanan po kita Mr. Luo Feng na ang pinakamagandang paraan para makakuha ng contribution points ay ang pagpatay ng mga halimaw. Dahil bukod sa mga contribution points na makukuha mo ay maaari ka ring kumite ng pera" nakangiting sabi ng babae sa video "Hindi porke mayroon ka ng malaking perang panimula ay bibili ka na ng kung ano anong mga gamit at contribution points. Puwede mong bisitahin ang fighter discussion database para magkaroon ng kaunting kaalaman sa mga bagay na kinakailangan ng isang fighter. Matutulungan ka nito para makapili ng mga bibilhin mong mga scroll o sandata sa internal network"

"Wala na akong iba pang sasabihin kundi ay sana ay maabot mo ang pinakatuktok ng mga fighters sa napakalaking pamilyang ito ng Dojo of Limits Mr. Luo Feng"

Nagbow ang babae sa video matapos niyang magsalita bago matapos ang video.

Hindi makapagsalita si Luo Feng matapos niyang mapanood at makinig sa mga videong iyon….

Talagang napakaraming gamit ng internal network na 'Home of Limits'. Ang bagay na nakapagbigay interes kay Luo Feng ay ang paggamit mo ng sarili mong pera para maturuan ng isang warlord o maging isang wargod level fighter ng one on one sa pamamagitan ng internet.

�������

Kahit na mayroon na siyang 20 million Chinese dollars ay hindi nagmadali na bumili ng kahit na anong gamit o sandata si Luo Feng. Sinanay niya muna ang kaniyang sarili sa paggamit ng Home of Limits internal network. Napakaraming gamit ng Home of Limits website kabilang ang mga boards na ito: pagkuha ng mga misyon, pagpost ng mga misyong nais mong ipagawa sa iba, pakikipagchat, training at pagdodonate.

Pero may dalawang malalaking boards na nakapangbigay interes kay Luo Feng. Ito ay ang 'Fighter discussions' at 'internet market' boards.

Makikita sa loob ng internet market ang lahat ng uri ng Dao Yin technique scrolls, agility scrolls, blade scrolls, mga heated weapons, mga chilled weapons, mga genetic medicines, ang Luo Wan Xiang* etc. Sa madaling salita, ang internet market ay isang lugar kung saan ay puwede mong gastusin ang naipon mong pera para makabili ng mga kapakipakinabang na mga bagay.

*Note mula sa TL: Hindi ko alam kung anong meaning ng salitang ito. Maaaring nakaligtaan ko ito noong nakaraang chapter o iiintroduce ito ng author sa mga susunod na kabanata.

"Fighter discussions"

Pinindot ni Luo Feng ang board at nakita niya ang isang thread na may pangalang "Basic Fighter Knowledge Database". Nakalagay sa thread na ito na walang reply ang napakaraming impormasyon na kakailanganin ng isang baguhang fighter.

"Spirit reader, spirit reader....."

Nagpatuloy sa pagsscroll si Luo Feng sa page sa paghahanap ng kahit na anong introduction para sa mga spirit readers, nang sa wakas-

"Huh? Ito ba ay"

Nakita ni Luo Feng ang isang section "A basic sketch on spirit readers"

"Mga kapatid, hindi lingid sa kaalaman ko na kakaunti lang ang kaalaman ng karamihan sa inyo tungkol sa mga spirit readers kaya ngayon ay bibigyan ko kayo ng isang basic introduction tungkol sa mga ito" Natawa si Luo Feng matapos niyang basahin ang unang sentence sa section. Malinaw na ngayon sa kaniya na ang mga impormasyon na makikita sa fighter database na ito ay nanggaling lamang sa iba't ibang mga fighters kaya hindi ito masyadong pormal.

"Ang mga spirit readers ay ang pinakakinatatakutang grupo ng mga fighters"

"Una, hindi masasanay ang sarili mo para maging isang spirit reader. Ang bawat spirit reader ay natural na gifted at lumalabas ang kapangyarihan nilang ito sa pamamagitan lamang ng kanilang mga sarili!" ang pananalitang ginamit sa post na iyon ay mag pagka casual "Bago lumabas ang tunay nilang kakayahan ay kapantay lamang sila ng isang pangkaraniwang fighter. Pero pagkatapos nitong lumabas sa kanilang sarili….. wala nang kahit sinong pangkaraniwang fighter ang makakapantay sa kanila!"

"At bakit sila ganito?"

"Dahil una, mayroong dalawang klase ng mga spirit readers. Ang isang uri ay may kapangyarihan ng telekinesis. Sa madaling salita ay kaya nilang kontrolin ang kahit na anong bagay gaya ng isang karayon o isang blade para gumawa ng mga long ranged na mga atake! Ang mga bagay na kinokontol ng telekinesis ay higit na mag malakas kaysa sa mga bala galing sa isang heavy sniper rifle. Ang mga bala mula sa sniper rifle ay tumatama ng diretso mula sa pinanggalingan nito. Pero para sa mga bagay na kinokontrol ng mga spirit readers, malaya nilang napapagalaw ang mga ito saan man nila gustuhin pero nakadepende rin dito ang pinsala ng mga ito.

"Halimbawa, may mga limits sa pinsalang kayang gawin ng mga bala mula sa isang machine gun o isang heavy sniper rifle. Ang isang top grade sniper rifle ay magkakaroon ng problema sa pagpatay sa isang basic level commander. Pero ang lakas ng isang karayom o blade na kinokontrol ng isang spirit reader ay nakadepende base sa spiritual force nito! Maraming mga spirit readers ang kayang makapatay ng mga horde leaders*"

*Note mula sa TL: Kung nakakalimutan niyo na ang sinabi sa ch10 vol 2, ang mga halimaw ay nahahati sa tatlong mga ranks: ang mga sundalo, commanders at horde leaders.

"At bukod sa uri ng mga spirit readers na gumagamit ng telekinesis, ang pangalawang uri ng mga spirit reader ay gumagamit ng kanilang mga spiritual force sa pagatake!"

"Mas misterioso ang uring ito ng mga spirit readers. Direkta silang aatake sa kaluluwa ng mga halimaw. Kapag nagtagumpay sila ay mamamatay na lang bigla ang halimaw nang walang kahit anong bakas ng dugo o sugat sa kanilang mga katawan! Pero sadyang napakahirap atakihin sa isang kaluluwa, kaya naririnig ko na napakadalang ng mga spirit readers na gumagamit ng 'Spiritual Attack' technique.

"Maliban sa 'Telekinesis' at 'Spiritual attacker' na mga spirit readers ay may iba pang mga spirit readers na may mas marami pang alam na mga techniques. Pero wala akong masyadong alam tungkol sa mga iyon"

Binasa at inintindi ni Luo Feng ang bawat salita ng walang mintis.

"Pero may isang bagay akong kinaiingitan sa mga spirit readers, ito ang kanilang growth rate! Natural na mayroong napakalakas na spiritual force ang mga spirit readers. Kaya nga lang hindi ito kayang ihandle ng kanilang mga katawan hanggang sa lumakas ito ng lumakas at dumating sa puntong kaya na nitong ihandle ang spiritual force na tinatanglay ng taong ito. Sa puntong ito, magsisimula ang pagpapakita ng spiritual force sa katawan at isip ng taong ito!"

"At kapag mas malakas ang katawan ng isang spiritual reader ay mas maraming spiritual force din ang kaya nitong ihandle!"

"Ang mga fighter levels ng isang warrior ay (beginner, intermediate at advanced), warlord (beginner, intermediate, advanced, at wargod (beginner, intermediate, advanced) 9 na magkakaibang levels sumatutal! Ang may dalawang level ang pagitan ng body fitness level ng isang spiritual reader sa kanilang spiritual force. Halimbawa, kung sang isang spirit reader ay may pangangatawan ng isang beginner warrior, ang spiritual force nito ay katumbas na ng sa isang advanced warrior! At kung ang pangangatawan naman ng isang spirit reader ay katumbas ng isang intermediate warrior, ang spiritual force naman nito ay katumbas na ng beginner warlord….."

"Napakabilis ng mga growth rate ng mga spirit readers!"

"Sadyang napakalakas ng spiritual force ng isang spiritual reader kaya kadalasan ay natutulog lang ito sa kanilang subconsciousness! At habang lumalakas ang kanilang katawan ay lalong magpapakita ang natutulog nitong spiritual foce…. Kaya ko nasabi kanina na habang lumalakas ang iyong katawan ay mas malakas din ang tatanglayin mong spiritual force…. Hanggang umabot sa isang araw kung saan tuluyan nang naipakita ng spiritual force ang kaniyang sarili sa spirit reader. Ito na ang oras kung saan magsisimula nang bumagal ang growth rate ng isang spirit reader"

Noong mabasa niya ang parteng ito ay wala nang ibang magawa si Luo Feng kundi magdalawang isip.

Kaya pala…..

Habang lumalakas ang spirit reader ay unti unti ring nagpapakita ang natutulog nitong spiritual force hanggang umabot sa puntong naipakita na nito ang kaniyang buong sarili sa spirit reader. Tanging ang malakas na pangangatawan lang ang kayang humandle sa napakalakas na spiritual force na ito!

"So ang potensyal pala ng isang spirit reader ay nakadepende sa spiritual force na tinatanglay nito"

"Minsan ang natutulog na spiritual force ay nahuhubog bilang isang liquid substance o hindi kaya half liquid, half solid substance. Pero may mga pagkakataon ding nahuhubog ito bilang isang solid substance!

"Ayon sa mga alamat, napakalakas ng isang spiritual force kung kaya nitong hubugin ang kanyang sarili para maging solid substance! Sila ang may mga pinakamalalakas na potensyal sa lahat ng mga spirit readers. At habang lumalakas ang kanilang pangangatawan ay lalong lumalabas ang solid nito spiritual force na makakapagpalakas sa kanila ng todo todo"

"Hanggang sa isang araw na kung saan magtatapos ang kanilang rapid growth period sa pagkatunaw sa pagiging solid substance ng kanilang spiritual force!"

Pinigilan ni Luo Feng ang kaniyang pagkasabik at nagpatuloy sa pagbabasa hanggang matapos ang buong section.

Matapos nito ay nagpatuloy siya sa paghahanaps a database hanggang sa makahanap pa siya ng dalawa pang mga introduction sa mga spirit readers.

"Ang mga nakalagay dito ay kapareho lang noong nauna kong nabasa kaya totoo siguro ang sinasabi sa mga thread na ito" tumatangong sabi ni Luo Feng "Kung gayon…. Ang dark golden ball sa aking consciousness ay ang aking buong spiritual foce sa solid form! Napakasuwerte ko pa at nakaligtas ako sa paglabas nito sa akin"

Manghang mangha si Luo Feng.

Ayon sa kaniyang mga nabasang mga introduction, kapag lumabas ang spiritual force ng spirit reader sa kaniyang sarili ay sasabog ito sa kaniyang subconsciousness. At kung papalya ito ay puwede itong magresulta sa pagkawala sa kaniyang sarili, pagiging baldado, o hindi kaya ay pagkamatay dahil sa kakulangan ng dugo.

"Ngayon alam ko na kung bakit nakakaramdam ako ng sakit ng ulo araw araw noong bata ako. Dumating din sa punto na nalalagay pa ako sa pagiging coma" isip ni Luo Feng "Mukhang hindi pa kaya ng katawan ko noon na ihandle ang tanglay kong spiritual force kaya nagresulta ito sa napakatinding pananakit ng ulo! At ngayong malaki na ang pinagbago ng aking pangangatawan, naging madalan na ang pananakit ng aking ulo hanggang sa nawala na ito ng tuluyan"

Nawala ang pananakit ng ulo niya noong lumabas ang tanglay niyang spiritual force sa kaniyang sarili.

"Hindi ako makapaniwala na ang dark golden ball na iyon ay ang solid form ng aking spiritual force"

"Gaano kaya kalakas ang nasa loob ng spiritual force ko na iyon?" tanong ni Luo Feng sa kaniyang sarili.

avataravatar
Next chapter