71 Ang Pagkita ng Pera na Mas Mabilis pa Kaysa sa Isang Money Printer

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagsikat ng araw paglipas ng gabing iyon.

Tumayo si Luo Feng sa balkonahe ng 12th floor. Nanginig maging ang kaluluwa nito nang dumikit sa kanyang mukha ang napakalamig na hangin dahil sa winter.

"Mga nasa 5 to 6 degrees below 0 siguro ang temperatura ngayon," tawa ni Luo Feng.

"Napakalamig nga."

Tumingin si Luo Feng sa ibaba ng balkonahe at nakita niya ang isang halimaw na naghahanap ng makakain, "Napakarami ko nang nakikitang halimaw ng ganito pa lang kaaga! Tingnan niyo doon oh! Mayroon na akong nakikitang 12 na halimaw at tatlo sa mga ito ay mga commander level! Kampo nga talaga ng napakaraming halimaw ang #003 city na ito."

Natawa si Gao Feng nang marinig niya ito.

Walang duda na napakalaki ng impluwensya ng isang commander level na halimaw sa isang regular na city dahil napakarami ang hawak nitong soldier level na halimaw! Maging sa city kung saan nagsanay si Luo Feng ay nakikita niya ang daan daan hanggang libo libong soldier level na halimaw na nakabantay dito!

Sa isang city ay mas marami ang magiging hawak na soldier level monsters ng isang commander level na halimaw kung kakaunti lang ang bilang nila sa lugar na iyon!

Pero sa #003 city, maging sa labas pa lang nito ay mayroon lang tatlong kasamang soldier level monsters ang isang commander level na halimaw. Kung minsan pa nga ay wala pa itong mga kasama. Naging leader ang mga ito ng wala man lang ni isang mga tagasunod.

"Lahat ng nakikita mo ay mga mahihinang commanders na walang kahit anong tagasunod! Pero ibahin mo ito sa mga malalakas na commanders at maging sa mga horde leaders na may libo libong mga tagasunod!" lumingon si Gao Feng at tumingin sa kanyang mga kasama, "Gumising na kayong lahat! Oras na para manghuli tayo ng mga halimaw sa baba natin!"

"Halina't kumita na tayo mga kapatid!" hindi mapigilang tawa ni Chen Gu sa kanyang mga kasama.

"Punong puno ng oportunidad ang #003 city na ito dahil kalat ang mga commander level na halimaw kung saan saan!" kumislap ang mga mata ng magkapatid na Wei Jia brothers.

Napakapanganib talaga sa #003 city!

Pero katambal ng tiyansang ito ang panganib dahil napakarami ang bilang ng malalakas na halimaw na nakatira rito kaya kung wala kang gaanong potensyal ay madali kang mamamatay. Maging ang mga malalakas na fighter ay namamatay dito kung mapapalibutan sila ng horde ng halimaw… pero! Ang mga commanders dito ay wala gaanong mga tagasunod kaya napakadaling manghuli ng commander level na halimaw sa lugar na ito!

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Pumuwesto si Luo Feng sa bungad habang iniiscan niya ang mga sulok na kanilang dadaanan gamit ang kanyang spiritual force. Matapos nito ay iwinagayway niya na ang kanyang kamay at sinabing, "Wala tayong magiging problema dahil wala akong nakitang kahit anong halimaw sa layong 20 meter radius."

Madalas na nagtatago ang mga halimaw sa mga sulok na ito para mangambush ng mga fighters o maghanap ng mga makakain! Kaya napakalaking tulong ng spiritual force ni Luo Feng para makita ang mga nagtatagong halimaw na ito.

"Napakasarap talagang magkaroon ng kasama na spirit reader," ngumiti si Chen Gu.

"Ingatan niyo ang mga sarili niyo at huwag kayong gagawa ng kahit na anong ingay dahil napakasensitive ng mga tainga ng halimaw," tumitig si Gao Feng kay Chen Gu. Agad naman itong tumahimik matapos makita ang titig ng kanilang captain.

Si Luo Feng ang nasa unahan ng kanilang squad, habang nasa likuran naman ang captain nilang si Gao Feng.

Ang magkapatid na Wei Jia brothers ay nakapuwesto sa magkabilang gilid habang pinoprotektahan nila sa gitna si Chen Gu!

"Hm?" napatingin si Luo Feng sa tatlong horned boars na 100 meters ang layo mula sa kanila. Ang isa sa mga horned boars na ito ay napakalaki at mayroong itim na sungay kaysa sa pangkaraniwang gray na sungay ng mga kasama nito. Maging ang mga balahibo nito ay kulay itim kaya madali niya itong nakilala bilang isang—low level commander!

"Ito nga iyon."

Tahimik na sinabi ni Luo Feng, "Ako na ang bahala sa horned boar na iyon sa harapan natin. Bantayan niyong maigi ang paligid natin."

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Sumugod paharap si Luo Feng habang kumalat naman sa kanyang paligid ang apat pang mga miyembro ng squad niya. Nagmasid sila ng maigi kung mayroon bang mga commander level na halimaw o mayroon bang fighters na manggugulo sa kanila.

"HOWL~~" nakita ng commander level horned boar na iyon ang fighter na si Luo Feng na papasugod sa kanya kaya nagsimula na itong umalulong bago tumakbo na may bilis na 100 m/s o 360 km/h. Sumugod ito ng direkta papunta kay Luo Feng! Sapat na ang laki ng katawan nito para humati ng isang truck sa isang banggaan lang.

Hinawakan ni Luo Feng ang kanyang ghost blade at nagpatuloy sa kanyang regular na bilis na 60 to 70 m/s.

Hindi nagtagal ay nagsagupaan ang dalawang ito!

Agad na bumilis si Luo Feng at sa loob lang ng isang hakbang ay accurate niyang nailagan ang halimaw na may layong 1 cm. Habang ginagawa niya ito ay itinaas niya naman ang blade na kanyang hawak! Dumoble ang bilis ng kanyang blade na nakapagpablur sa itsura nito hanggang sa naging isa na lang itong guhit ng ilaw!

Ang nanlalamig na liwanag mula sa blade ay parang isang thunderbolt at mabilis itong humiwa sa leeg ng sumusugod na horned boar. Ang liwanag na nanggagaling sa blade ay parang isang ambon mula sa isang panaginip na nawala sa loob lang ng isang saglit!

Ang unang success ng blade technique—Thunderbolt!

PUCHI! PUCHI!

Ang dalawang simpleng slashes mula sa ghost blade ni Luo Feng ay agad na humiwa sa leeg ng dalawang papasugod na soldier level horned boars.

"RUMBLE~~" nagpatuloy sa pagtakbo ang walang buhay na commander level na halimaw ng may layong 10 meters bago ito bumagsak ng tuluyan na nagresulta sa pagdagundong ng lupa. Matapos nito ay nagslide pa ang bangkay nito ng ilang dosenang metro ang layo bago tumama sa isang malaking puno na may ilang dosenang taon na ang tanda. Napayanig ang punong ito nang tumama rito ang walang buhay na katawan ng commander level horned boar.

"Hmm, magaling, napatay mo ang isang commander level na halimaw gamit lang ang iyong blade technique," nagtipon-tipon sina Chen Gu at ang iba pa sa paligid ng bangkay ng napatay na commander level monster.

"Malaki nga ang inimprove mo," masaya rin si Gao Feng ng makita niya ito. Naglakad siya papunta sa bangkay ng halimaw upang idissect ito.

"Ang technique kong ito na sinamahan ng aking blade technique at napakaraming experience ang nakapagpadali sa akin sa pagpatay ng low level commander na halimaw na iyon," manghang mangha si Luo Feng sa sarili niya. Dahil nakapatay siya ng 10,000 na halimaw ay nagawa ni Luo Feng na maging kalmado sa pakikipaglaban sa mga halimaw na ito na nagresulta sa pagiging perpekto ng paggawa niya sa kanyang blade technique at ng kanyang technique.

Ang paggamit lang ng napakaliit na porsyento ng iyong lakas na agad na tumapos sa buhay ng iyong kalaban!

"Ok tapos na ako sa pagdidissect," nakangiting sinabi ni Gao Feng, "Tingnan natin kung makahuli tayo ng marami-raming commander level na halimaw ngayong araw".

"Tara na at humanap na tayo ng susunod nating mahuhuli," nakangiting isinambit ni Luo Feng.

Mataas ang morale ng buong Fire Hammer Squad sa mga oras na ito.

Noong marealize nila na marami silang mahuhuling halimaw sa loob ng #003 city at nagsimula na sila sa pakikipaglaban ay naisip bigla ni Luo Feng na…. Wow, hindi pala sila nanghuhuli ng halimaw sa lugar na ito. Sila ay nagiimprenta ng pera sa bawat halimaw na mapatay nila! Maging ang isang money printer ay hindi mapapantayan ang kinikita ni Luo Feng at ng mga kasama niya sa mga oras na ito!

Ang mga materials mula sa isang low level commander ay nagkakahalaga ng 5 million to 15 million Chinese dollars.

Ang mga materyales naman mula sa isang medium level commander ay nagkakahalaga ng 10 million hanggang 100 million Chinese dollars.

At ang mga materyales naman mula sa isang high level commander ay nagkakahalaga ng 50 million hanggang 600 to 700 million Chinese dollars.

Mayroon din siyempreng mga exceptions sa mga ito gaya ng isang napakadalang na halimaw o hindi kaya isang high level commander na nalalapit na sa pagiging horde leader level. Natural na mas mahal ang makukuhang presyo sa mga materyales mula rito. Pero ang karamihan sa mga halimaw ay nabibilang sa price range na nasa itaas.

Nakapatay ang Fire Hammer Squad ng 10 commander level na halimaw kada araw! Ang karamihan sa mga ito siyempre ay mga low level commanders lang! Pero ang perang kikitain nila mula sa mga ito ay talagang kagulat-gulat!

Matapos nila manghuli ng 10 days ay nakapatay sina Luo Feng at ang iba pa ng 92 na low level commanders at 3 medium level commanders. Ang presyong kikitain nila mula sa mga ito ay aabot na sa isang bilyon! Dahil sampung araw na silang nakikipaglaban ng husto ay natural lang kila Luo Feng at sa kanyang mga kasama na makaramdam ng pagkapagod kaya naglaan sila ng isang araw para magpahinga. Matapos nito ay nagpatuloy sila sa panghuhuli ng mga halimaw at oh… mukhang nabawasan na rin pala ang dami ng halimaw sa lugar na ito ng husto.

Sa ikalabing-limang araw ng kanilang panghuhuli.

Nagpapahinga sa 12th floor ng 18 story apartment building sina Luo Feng at ang iba pang mga miyembro ng Fire Hammer Squad.

"Hindi na ako gaanong nakakakita ng mga low level commanders na malapit sa atin ngayon," Nawawalan ng pag-asang sinabi ni Chen Gu.

"Hindi niyan tayo matutulungan dahil napakarami na ng napatay nating mga halimaw nitong nakaraan lang," tawa ni Gao Feng, "Pero hindi mo kailangang magmadali dahil pumupunta ang mga halimaw dito ng grupo-grupo… kaya kung ieestimate ko ay dadami muli ang bilang ng mga halimaw na iyan sa loob ng 10 days! Ang dapat na lang muna nating gawin ay protektahan ang mga sarili natin dito dahil pamilyar na tayo sa lugar na ito ngayon"

Maging si Luo Feng ay tumango nang marinig niya ito.

Kahit na napakalaki ng lugar na ito ay mabilis pa rin nilang namemorize ito nitong mga nakaraang araw.

"Mukhang wala paring tatalo sa #003 city sa pagkita ng napakaraming pera," hindi mapigilang pagkamangha ni Wei Tie.

Kahit na sina Luo Feng at Gao Feng ang gumagawa ng karamihan sa mga trabaho sa panghuhuli ay nakikinabang pa rin ang iba pang mga miyembro nito na sina Wei Tie, Wei Qing at Chen Gu. Dahil matapos nilang paghatihatiin ang pera ay makakakuha pa rin ang bawat isa sa kanila ng 100 million! Noong una ay nanghuhuli lang sila sa mga maliliit na cities kung saan ay napakakaunti lang ng bilang ng mga commander level na halimaw. Kaya hindi halos umabot ang kita nina Wei Qing at Wei Tie ng 100 million sa isang taon. Pero nalampasan na nila ito sa loob lang ng 15 days.

Siyempre---

Kung gaano man kalaki ang kitain nila dito ay dahil lang napakataas din ng panganib sa lugar na ito! Sa loob ng ilang araw na ito ay nakaengkwentro sina Luo Feng at ang kanyang mga kasama ng pagatake mula sa mga lumilipad na halimaw. Mabuti na lang at nakapagtago sila sa isang bahay habang nakadepende rin sila sa spiritual force ni Luo Feng na kumokontrol sa mga throwing knives niya para takutin ang mga halimaw na iyon.

"Napakalaki na ba ng pera mo? Kulang pa iyan kung tutuusin," tawa ni Gao Feng "Normal na para sa isang spirit reader na kumita ng bilyon bilyon kada taon. At ang tanging rason kung bakit naririto pa rin tayo ngayon ay dahil sa kasama nating si Luo Feng."

"Haha," hindi mapigilang matawa ang mga kasama nilang sina Chen Gu, Wei Qing at Wei Tie.

"Huwag ka pong magsalita ng ganyan captain. Kung hindi dahil sa tulong niyo ay hindi magiging ganito kadali ang pagpatay ko sa mga halimaw na ito," nagsasabi ng totoo si Luo Feng nang sabihin niya ito. Dahil napakahirap para sa isang tao na ilaan ang atensyon niya sa kanyang paligid. Ang ibang squads pa nga ay naglalaan ng tatlong miyembro para pagmasdan ang kanilang paligid at tanggalin ang mga nagtatangkang maging banta sa kanilang fighter squad.

At dahil lang sa tulong ng isang 'intermediate warlord' na kagaya ni Gao Feng kaya nagiging mataas ang efficiency ni Luo Feng sa panghuhuli ng halimaw.

Relax na relax na nagusap-usap sina Luo Feng at ang mga kasama niya pero hindi nila hinahayaang lumakas ang kanilang mga boses habang nakikipagusap.

"Huh?" tumingin si Chen Gu sa ibaba gamit ang laser aimer ng kanyang heavy sniper rifle at agad nitong sinabi na "Oy, may isang malaking halimaw dito!"

"Ano?" agad na pumunta sina Luo Feng at ang iba pa niyang mga kasama sa puwesto ni Chen Gu at tiningnan ang halimaw gamit ang kani-kanilang mga binoculars.

Tiningnan ng maigi ni Luo Feng ang halimaw na iyon….

Sa isang apartment building na nababalot ng mga gumagapang na halaman di kalayuan sa kanila ay nakita nila ang isang napakalaking ahas na may habang 20 meters at kasing kapal ng baywang ng isang pangkaraniwang tao. Nababalot ang katawan nito ng black stripes at pakapal ito ng pakapal habang tinitingnan nila ito papunta sa kanyang ulo.

Ang dulo ng napakalaking ahas na ito ay nahahati sa dalawang ulo na hugis tatsulok, ang bawat isa sa mga ulo nito ay mayroong parang bukol sa kani-kanilang mga noo.

"Peste, isa ba itong 'black striped' na snake type monster na mayroong nakamamatay na lason?" mahinang mura ni Gao Feng, "At ito ay isang mutated snake type monster na 'twin headed black striped snake' na mayroong tumutubong sungay at papunta na sa pagiging isang dragon."

Huminga ng malalim si Luo Feng habang nakatingin sa halimaw na iyon.

Isang mutated black striped snake na malapit na maging isang dragon?

Hindi basta basta nilalabanan ang halimaw na ito!

avataravatar
Next chapter