47 Ang Tiger Fang Squad

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kuya!"

Iyon lang ang nagawa ni Luo Feng nang marinig niyang may sumagot sa kanyang tawag at tumatawang sinabi na: "Hindi ba busy ka sa panliligaw mo sa dalagang iyon Luo Hua? Paano kang nagkaroon ng oras na tawagan ako?"

"Hahaha…."

Isa isang nagsitawanan sila Chen Gu, Zhang Ke at ang iba pa nang marinig nila ang sinabi ni Luo Feng habang nagpapahinga sa rooftop ng isang hotel.

"Kahit na magkaasawa pa ako ay hindi kita makakalimutang tawagan kuya!" tawa ng nakababata niyang kapatid na nasa kabilang linya ng tawag, "Oo nga pala kuya may sasabihin ako sa iyo. Sinagot na ako ni Nan Kuya! Hahaha…napakagaling talaga ng kapatid mo hindi ba kuya?"

Tuwang tuwa na tumawa ang nakababatang kapatid ni Luo Feng na si Luo Hua.

Gaanong katagal na ba? Hindi pa siya naging ganitong kasaya sa buong buhay niya.

"Napakatindi talaga ng pagmamahal," isip ni Luo Feng sa kaniyang sarili, "Matagal na siyang nabaldado kaya alam kong dumaan siya sa napakatinding psychological pressure. Pero ngayon ay napakasaya na nito noong sagutin siya ng bago niyang girlfriend…" Masaya si Luo Feng para sa kanyang kapatid, agad itong tumawa at sinabing "Kailangan mo pa ring magsikap para makuha ang certificate na iyon!"

"Hindi natin dapat madaliin 'to kuya. Kailangan natin gawin ito ng dahan dahan" tawa ni Luo Hua.

"Oo nga Hua, kumusta na nga pala sina mama at papa?" tanong ni Luo Feng.

"Umalis sila para mag grocery kuya," sagot ni Luo Hua.

Tumango si Luo Feng….

Sa wakas ay nakakapag grocery na si mama sa hapon habang si papa naman ay nakakapagrelax na habang kasama si mama.

"Ayos lang ako kuya. Magiingat ka riyan sa labas ng city ah!" nagaalalang sabi ni Luo Hua.

"Huwag kang mag-alala Hua!"

Matapos ang tawag na iyon ay makikita ang isang napakataas na ngiti sa mukha ni Luo Feng.

"Ok, dahil tapos na si Luo Feng sa kanyang tawag, magsilapit kayo sa akin," tawag ni Gao Feng. Matapos ang isang sandali ay isa isang naglapitan sa kanya sina Luo Feng at ang iba pa niyang mga kasamahan, "Ngayong kakapasok pa lang natin sa city ay kumita na agad tayo nang malaki! Tulad ng dati, hahatiin natin ito base sa contribution ng bawat isa sa labang iyon!"

"Matapos natin manghuli ay babalik na tayo sa base para magresupply at para hati-hatiin na rin ang ating kinita," matapos nito ay biglang naging seryoso si Gao Feng at sinabing, "Pero pinapaalalahanan ko ang bawat isa sa inyo na mag-ingat! Ito ay isang area kung saan maraming nakatayong mga gusaling pinapaligiran ng napakaraming halimaw. Napakarami ring commander level na halimaw na makikita sa loob ng city na ito kaya huwag kayong magpadalos-dalos, kung hindi ay puwedeng malagay sa peligro ang buhay nating lahat. Maraming fighters na ang namatay noong nakaraang taon."

"Opo."

Seryosong tumango sina Chen Gu, Zhang Ke, Wei Ja brothers at Luo Feng.

Alam din ni Luo Feng na….

Ang pagsali sa army ay ang pinakaligtas na paraan para iahon ang kaniyang pamilya sa kahirapan. Dahil ang mortality rate ng bawat isang fighter na kagaya niya na pumapasok sa Forsaken Land ay sadyang napakataas!

"Alam kong pagod na pagod na ang lahat dahil sa nangyaring laban kani-kanina lang. Kaya binibigyan ko kayo ngayon ng oras para magpahinga. At katulad nang nakasanayan, sa gabi tayo magsisimulang maglakad papunta sa susunod nating pupuntahan. Magpahinga na kayo! Aalis tayo rito mamayang alas kuwatro ng hapon!" pasya ni Gao Feng.

"Opo!"

"Sa wakas, pwede na akong magpahinga!"

Ang ilan sa mga miyembro ng Fire Hammer Squad ay sumandal sa isang matibay na bagay gaya ng poste o pader habang ang iba naman ay humiga ng deretso para makapagpahinga.

���

Habang ang Fire Hammer Squad ay tagong-tago na nagpapahinga sa rooftop ng isang hotel, ang Tiger Fang Squad naman ay nakapasok na sa 0201 country level city. Ang anim sa kanila ay maingat na gumalaw papunta sa mga eskinita ng sira-sirang city. Ang mga pader sa ilang eskinita ay bumagsak na habang ang loob naman ng ibang eskinita ay nahaharangan ng mga bangkay ng mga patay na halimaw.

"Tigil!" itinaas ng payat na captain ang kanyang kamay at ang lahat ay nagsitigil sa kanilang paggalaw.

Mahinang sinabi ng captain ng Tiger Fang Squad: "Makinig kayo sa akin, mayroon lang tayong isang target ngayon—iyon ay ang sugatang silver moon wolf! Kaya hangga't maaari ay umiwas kayo sa ibang mga halimaw na nakatira sa loob ng city na ito! Kung kaya niyong magtago, magtago kayo, kung kaya niyong tumakbo, tumakbo kayo! Iwasan niyo ang makipaglaban sa kahit na anong mga halimaw dahil magkakaroon tayo ng malaking problema kapag may nasugatang isa sa atin bago pa man natin makaharap muli ang silver moon wolf na iyon!"

Seryoso namang tumango ang limang miyembro ng tiger fang squad.

Isa itong 'High level commander' na silver wolf kaya ang halaga ng pera na makukuha natin dito ay higit pa kaysa sa panghuhuli ng dose dosenang mga low level commander na mga halimaw."

"At kapag naabutan na natin ang silver wolf na ito, huwag na huwag niyo itong lalabanan ng harap-harapan! Sugatan na ang halimaw na ito kaya dalawa hanggang tatlong matitinding tama na lang ang kinakailangan para mamatay ito. Papaalalahanan ko kayo ulit na HUWAG NA HUWAG niyong lalabanan ng harap-harapan ang halimaw na ito dahil kapag sinubukan nating ibigay ang lahat at makipaglabang sa halimaw na ito ng harapan, nakasisiguro ako na mamatay ang dalawa sa atin!"

Ang lahat ay tumango habang makikita ang seryoso nitong mga itsura.

A high level commander level monster, and the king of the wolves: 'silver moon wolf'. Even when injured, if it stakes its life for revenge, it's possible that most of the tiger fang squad will get killed.

Ang isang high level commander na halimaw at ang hari ng mga wolves na 'silver moon wolf,' kahit na sugatan ito ay magagawa pa rin nitong itaya ang kanyang buhay para lang makaganti kaya posible na mamatay ang karamihan sa Tiger Fang Squad kung lalabanan nila ito ng harapan.

"Kailangan lang natin sugatan ito ng sugatan hanggang sa maubos ang dugo nito sa katawan na parang tinotorture!" tawa ng captain ng Tiger Fang Squad na may kasamang confidence, "Napakababa ng tiyansa na mapadpad sa isang country level area na ito ang isang wargod fighter squad. At maaaring mayroon lamang mangilan-ngilang mga squad sa loob ng city na ito kaya sigurado akong tayo ang pinakamalakas na team sa buong city kaya walang sinuman ang makakauna sa atin sa pagpatay sa halimaw na iyon!"

Pangkaraniwan na sa mga mas malakas na warlord level fighter team na pumunta sa urban level area. Dahil doon makikita ang mas malakas pang mga halimaw maging ang mga independent commander level na halimaw!

Halimbawa, mayroong rason kung bakit piniling manghuli ang Fire Hammer Squad sa country level area na ito. At ito ay dahil sa kasama nilang rookie na si Luo Feng!

Kung wala si Luo Feng ay siguro nasa isa nang urban level area ang Fire Hammer Squad at hindi sa isang country level area gaya nito.

"Paano po kung may isang fighter squad na magtangkang pumatay sa halimaw na hinahabol natin…?" tanong ng isang middle age na lalaki na bulag sa isang mata habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Relax ka lang"

Tawa ni Zhang Ze Hu sa isang tabi "Kahit na hindi natin idikit ang ating mga sarili sa hunter na iyon, ang karamihan sa mga fighter squads na makikita mo rito ay mga warrior level! Dahil malakas na para sa city na ito ang isang warlord level fighter squad. At kung susubukan naman nilang patayin ang silver moon wolf na iyon? Sinisiguro ko na walang matitira sa kanila ng buhay".

"Oo nga"

Tango ng kapitan ng tiger fang squad "Wala silang kakayahang nakawin ang silver moon wolf na iyon mula sa atin. At kung meron man….patayin niyo sila!"

"Opo!"

Tango ng lima pang miyembro ng tiger fang squad.

"Tara na" iwinagayway ng leader ng tiger fang squad ang kaniyang kamay at silang lahat ay mabilis at tahimik na umabante papunta sa kinaroroonan ng silver moon wolf.

Ang Forsaken Land ay hindi gaya ng isang headquarters!

Ang mga headquarters ay mga cities na pinapatakbo ng mga tao, na kung saan ay may umiiral na batas! Na mayroon ding gobyerno!

Pero sa Forsaken Land, ang mga halimaw ang naghahari sa lugar na ito. Dito nangyayari ang madidilim at madudugong kaso na kung saan ay nagpapatayan ang mga fighter squads para sa isang halimaw! Kadalasan ay kinukuha ng mas malakas na fighter squad ang napatay na halimaw ng mas mahinang fighter squad kaysa rito.

Napakaraming mga fighters ang namamatay sa Forsaken Land dahil sa mga halimaw. pero may mangilan ngilan ding mga fighters ang namamatay dahil sa kagagawan ng kapwa nila mga fighters.

����

Hatinggabi. Ang anim na mga miyembro ng fire hammer squad ay busog at nakapagpahinga na kaya nagsimula na silang tumingin muli sa kanilang mga binoculars para manghuli ng mga commander level na mga halimaw.

"Dalawa na ang nakita naming commander level na mga halimaw nitong nakalipas na dalawang oras" walang magawang sinabi ni Wei Tie "Pero ang bawat isa sa kanila ay napapaligiran ng napakaraming soldier level na mga halimaw! Mukhang mas maganda talagang manghuli sa mga urban area dahil maya't maya tayo nakakakita ng mga commander level na mga halimaw doon, at kung minsan ay nakakakita pa tayo ng mga horde leader level na mga halimaw… Ang karamihan sa mga regular level soldier na mga halimaw ay nakabantay sa mga horde level na mga halimaw at sa mga mas malalakas na mga commander level na mga halimaw sa mga urban area kaya marami sa mahihinang commander level na mga halimaw ay makikita mo roon nang nagiisa"

Pinaputukan ni Chen Gu ang nakita nilang dalawang commander level na mga halimaw gamit ang kaniyang sniper rifle nitong nakalipas na dalawang oras! Isang bala ang nagamit niya sa bawat isang commander level na halimaw na makita nila.

Pero hindi na siya sinuwerte sa pagkakataong ito.

Ang isa sa dalawang commander level monsters na binaril niya ay hindi tinablan ng bala habang ang isa naman ay nasugatan ng husto pero hindi namatay! Maliban pa diyan ang napakaraming mga soldier level na mga halimaw na kalapaligid sa mga ito.

"Ito ang pangit sa isang country level city. Kahit ang isang regular commander level na mga halimaw ay protektadong protektado ng mga mas mababa ritong mga soldier level na mga halimaw" buntong hininga ni Zhang Ke.

"Pero mas ligtas naman ang mga country level cities kaysa sa mga naglalakihang urban areas"

Tawa ni Gao Feng "Mayroon ka lamang isa hanggang dalawa na mga high level commander na mga halimaw na makikita sa kahit anong country level city. At ang lahat ng mga ito ay napapalibutan ng libo libong mga normal na halimaw kaya hinding hindi natin malalapitan ang mga ito. Kung paguusapan naman ang mga regular na mga horde ng mga halimaw, madali nating mauubos ang mga iyon kung gugustuhin natin! Hindi tayo matatakot kahit mapalibutan pa tayo ng iilang mga commander level na mga halimaw"

Ang mga urban area ay mayroong napakaraming bilang ng mga commander level na mga halimaw, kaya napakadali sa mga ito na palibutan ang buong grupo niyo.

"Huh?"

Sabi ni Luo Feng habang nakatingin sa kaniyang binoculars "Ito ba, Ito ba ay isang commander level na halimaw?"

Mga samping mga halimaw ang lumabas sa dulo ng kalyeng iyon, at ang lahat sa kanila ay mayroong mga spots at kamukha sila ng isang tigre, ang 'ocelot race' na napabibilang sa cat type monsters. Ang lahat ng mga ocelot na ito ay may malalaking mga katawan at ang isa sa kanila ay may dalawang buntot!

"Dalawang buntot? Commander level?" sabik na tanong ni Luo Feng sa kaniyang sarili.

Ang dalawang buntot sa ocelot race ay nangangahulugan bilang isang low level commander, tatlong buntot naman para sa isang medium level commander…, limang buntot sa isang low level horde leader, pitong buntot para sa isang high level horde leader at walong buntot naman para sa mga ocelot na lumampas na sa pagiging horde leader level at isa sa mga pinakamalalakas na nilalang sa buong lahi ng ocelot.

At sa lahat ng cat type na mga halimaw, ang Nine Lives Demon Cat (Nine Lives Cat King) na may siyam na buntot ang isa sa mga kinatatakutang mga halimaw sa buong mundo.

"Captain tingnan niyo po, isang commander level na ocelot!" sigaw ni Luo Feng.

"Isang ocelot?"

Sa loob ng isang sandal, ang lima ay mabilis na tumakbo papunta sa puwesto ni Luo Feng at tiningnan ang itinuturong ocelot nito gamit ang kanilang mga binoculars.

"Isa nga iyong ocelot! Mukhang tama nga ang impormasyon na ayaw ng mga ocelot ng malalaking grupo kaya mayroon lamang 16 na regular solder level na mga halimaw ang nakapaligid sa commander level ocelot na iyon" tawa ni Gao Feng "Guys, Humanda na kayo sa pakikipaglaban".

"16 na pangkaraniwang mga halimaw lang iyon kaya kaya ko na iyong magisa" tawa ni Chen Gu kaya ang iba pang mga miyembro ay makikitang relaxed.

"Tara na!"

Sa ilalim ng pamumuno ni Gao Feng, si Luo Feng at ang iba pa ay isa isang nagbabaan mula sa rooftop. Sa oras na ito ay hindi nila inunahan ng baril ang halimaw dahil kapag pumalya sila ay agad na tatakbo ang mga ito! Para sa isang commander level na halimaw na may kasamang isang dosenang mga soldier level na mga halimaw ay napakadalang sa isang napakaliit na country level city.

avataravatar
Next chapter