48 Gawin Mo Na!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sinundan ni Luo Feng ang limang beteranong miyembro ng Fire Hammer Squad habang tahimik silang umakyat sa pader papunta sa isang bahay sa gilid ng kalsada. Halos lahat ng mga pader sa paligid ng bahay na ito ay bumigay na at natatabunan na ng mga tumubong halaman at ang sementadong daanan naman ay natatabunan na ng mga damo na matagal na panahon na ang nakalilipas.

"Nasa harapan na natin ang matabang tupa," lumusot si Wei Tie mula sa isang puwang ng bumigay na pader at matapos noon ay tiningnan niya agad ang kalsada sa harapan niya. "Mukhang suwerte tayo ngayon ah. Relax na relax na naghahanap ng makakain yung ocelot."

Tumingin din si Luo Feng sa labas sa pamamagitan ng isang maliit na puwang sa bumigay na pader.

Mga 50 meters ang layo ng commander level na ocelot na ito mula sa puwesto ng Fire Hammer Squad.

"Tandaan niyo guys."

Mahinang sabi ni Gao Feng, "Ang unang misyon niyo ay patayin ang mga regular na ocelots habang ako naman ang bahala sa commander level ocelot na iyon. Isang low level commander ang ocelot na iyan kaya kaya kong labanan iyon ng mag-isa. Tapos, tandaan mo Chen Gu na huwag na huwag mong gagamitin ang hawak mong machine gun. Huwag kang magpapaputok hangga't talagang kinakailangan…. Dahil kapag sinimulan mo nang magpaputok ay kinakailangan na nating umatras sa laban."

"Okay po."

Seryosong tango nila Luo Feng at ng iba pa niyang mga kasama.

Madaling nakakaagaw ng pansin sa mga halimaw ang putok ng baril. Hindi malalaman ng mga halimaw ang posisyon ng fighter na nagpaputok ng baril kung ang fighter ay nakapuwesto sa isang rooftop. Pero kung nasa ibaba naman ang fighter ay madaling malalaman ng mga halimaw ang posisyon kung saan nagpaputok ng baril ang fighter at matapos ang ilang sandali ay asahan na lang ang pagdating ng napakaraming halimaw na nakarinig sa putok ng iyong baril.

Noong nakaraan kung saan kinuha ng Fire Hammer Squad ang material mula sa bangkay ng 'bloodthirsty tank', ang lahat ng mga halimaw ay nagtakbuhan palayo noong magsimulang magpaputok si Chen Gu dahil nagpapaputok ito mula sa loob ng isang napakakapal na smoke screen, kung saan hindi nakikita ng mga halimaw kung ano ang nasa paligid nila.

"Ok, ngayon ay bibilisan na natin ang pagpatay sa halimaw! Tara na!" kaway ni Gao Feng.

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Anim na anino ang sabay-sabay na lumabas mula sa gilid ng kalsada, kasama na rin si Chen Gu na may hawak hawak na maikling dagger sa kanyang kanang kamay habang ang kanyang machine gun ay bitbit niya sa kanyang kaliwang kamay.

Anim na mga tao, na para bang anim na blurred pictures, ay sabay sabay na sumugod sa grupo ng mga ocelots.

"ROAR~~" agad na nagsitayuan ang mga balahibo ng commander ocelot na may dalawang buntot habang umaangil sa sobrang galit. Ang 16 na regular na ocelots ay isa isa na ring magsiangilan. Nagpatuloy sa pag-echo ang kanilang mga angil hanggang sa umabot ang tunog nito sa magkabilang-dulo ng kalye kasabay ng pagpapayanig sa kalangitan sa taas nito. Ang bawat isa sa mga naglalakasang mga ocelots ay isa-isang sumugod sa bawat taong nakikita ng kanilang mga mata.

"Mamatay ka na!"

"Mamatay kang hayop ka!"

Pinanood ni Luo Feng ang lumilipad na ocelot habang mabilis itong papalapit sa kanya na parang isang kidlat. Matapos nito ay humakbang siya ng isang metro sa kanyang gilid at hinanda ang kanyang hawak hawak na Ghost Blade. Agad namang yumuko ang paparating na ocelot para protektahan ang lalamunan nito gamit ang kanyang baba nang makita niya ang naghahandang si Luo Feng!

"CHI!"

Tinabas ng Ghost Blade ni Luo Feng ang balahibo sa baba ng paparating na ocelot hanggang sa bumaon ito ng may lalim na 1/2cm sa jawbone ng nagwawalang halimaw.

"Napakabilis ng reaksyon ng mga ocelot na ito, mas mabilis pa ito kaysa sa lion mastiff na nakalaban namin noong nakaraan," nang makatapak si Luo Feng sa lupa ay agad niyang nalanghap ang amoy dugong hininga mula sa nakabukas na bunganga ng isa pang paparating na ocelot. Nakahanda na itong kagatin ng buo si Luo Feng. Agad naman siyang umatras ng isang hakbang at direktang ginamit ang kaniyang shield at blade para sanggain at saksakin ito!

Napakaperpektong dumulas ang Ghost Blade ni Luo Feng sa kanyang shield na agad na humiwa sa baba ng paparating na ocelot.

Matapos nito ay gigil na gigil na hinugot ni Luo Feng ang nakabaon niyang blade at humakbang paatras.

"Pu~~~" malakas ang talsik ng dugo mula sa hiwang ito. Hindi nagtagal ay nagpagewang-gewang ang ocelot ng tatlong beses bago umalulong at tuluyang bumagsak sa lupa.

"Sa likod niyo!"

May biglang sumigaw!

[BLAG]

Biglang tinamaan ang magkalapit na Wei Jia brothers sa kanilang likod at agad silang tumilapon sa ere. Ang buong katawan ni Wei Tie ay humampas sa isang pader sa gilid ng kalsada. Matapos niyang mapahiga sa lupa ay dumura si Wei Tie ng napakaraming dugo mula sa kanyang bibig.

"ROAR~~" angil ng commander ocelot na bumangga sa magkapatid na sina Wei Tie at Wei Qing, na ngayo'y nasa harap ni Luo Feng.

"Napakabilis ng halimaw na ito!" nagulat ng husto si Luo Feng at agad na humakbang patagilid kaya ito nakaiwas sa paparating na commander ocelot.

"Muntikan na talaga!"

Malinaw na hindi pa ganoong kabilis ang kanyang pag-ilag kaya noong nakita niya ang papalapit na claws ng commander ocelot na handa nang kumalmot sa kanya ay agad siyang gumamit ng spiritual force para makaiwas sa pag-atake ng commander ocelot. Bumilis ng kaunti ang kanyang sidestep at nagasgas lang ng kaunti ang kanyang balat sa claws ng commander ocelot.

"CHI!"

Ginamit ni Luo Feng ang pagkakataong ito para magpakawala ng isang uppercut! [CHI!] Ilang saglit pa ay tumama ang kanyang blade sa mga kamay ng commander ocelot. Pero sa kasamaang palad ay hindi magawa ng kanyang Ghost Blade na pumutol ng ni isang balahibo mula sa mga kamay ng twin tailed commander ocelot.

"Talagang nakakatakot ang bilis at depensa ng isang commander level na halimaw!" gulat na gulat na sinabi ni Luo Feng.

"PUCHI!" Tunog ng nagcrack na semento sa sobrang lakas ng pagbagsak dito ng mga matatalim na claws ng twin tailed commander ocelot.

"Bwisit ka!!!" sabi ng captain nilang si Gao Feng habang napakabilis nitong tumakbo at bumangga sa commander level ocelot na malapit nang umatake sa walang magawang Luo Feng. Ilang miyembro ng Fire Hammer Squad din ang nasugatan dahil sa kanyang kapabayaan kani-kanina lang. Matapos nito ay inihampas niya ang dalawa niyang mga naglalakihang na heavy hammer na mabilis na umikot sa kanyang kamay na para bang elisi mula sa isang windmill. Matapos nito ay agad na lumingon at sumugod ang commander ocelot sa captain nilang si Gao Feng na para bang isang napakalaking truck.

"PENG" "PENG"

Klarong klaro ang tunog mula sa nagbabanggaang mga hammer ni captain Gao Feng at mga kuko ng commander ocelot.

Parehong gumewang-gewang sina Gao Feng at ang kalaban nitong ocelot nang gamitin ni Gao Feng ang kaliwang paa nito para atakihin muli ang twin tailed ocelot. Hindi na gusto ni Gao Feng na atakihin ng ocelot ang mga kasamahan nito! Matapos nito ay napansin niya ang napilay na isang paa ng commander ocelot.

Makikita na lumalabas na ang lamang ni Gao Feng sa paghaharap nilang iyon ng commander ocelot!

RUMBLE~~ Nagpatuloy ang kanyang mga hammer sa pag-atake sa halimaw!

…..

Sa isang rooftop ng isang 6 story residential building na may layong 500 metro mula sa kinaroroonan ng Fire Hammer Squad, makikita ang anim na miyembro ng Tiger Fang Squad na naghahanap gamit ang kanilang mga binoculars.

"Mukhang napakarami ng mga halimaw sa paligid kaya mukhang imposible na hindi tayo makagambala ng iba pang mga halimaw sa layo ng sampung milya habang unti unti nating pinapatay ang sugatang hunter na iyon," sabi ng lalaking bulag sa isang mata habang nakasimangot. Napasimangot din ang payat nilang captain nang marinig niya ito. Pero bigla niyang nakita ang nakikipaglabang Fire Hammer Squad na hindi kalayuan sa puwesto nila.

"Iyon ang Fire Hammer Squad!" sabi ng captain ng Tiger Fang Squad habang itinataas niya ang kanyang mga kilay, "Pumunta rin sila sa country level city na ito?"

"Dito sila malamang pumunta dahil kasama nila ang rookie nilang miyembro na si Luo Feng," sabi ng lalaking bulag sa isang mata, "Sigurado ako na ang lalaking may hawak ng twin hammers na iyon ay ang kanilang captain na si Gao Feng. Ang lakas ni Gao Feng, kaya niyang makipaglaban ang isang low level commander na halimaw ng hindi natatalo. Narinig ko na umabot na raw ang lakas niya sa lebel ng isang intermediate warlord, kulang na lang daw siya ng bilis kaya hindi pa siya makakatungtong sa lebel na iyon. Mukhang totoo nga ang sabi sabing iyon base sa nakikita ko ngayon."

Kumislap ang mga mata ni Zhang Ze Hu na may bitbit na isang napakalaking machete sa kaniyang likuran. Agad niyang kinuha ang kaniyang binoculars at buong ligayang sinabi na, "Iyon nga ang Fire Hammer Squad kasama ang kutong lupang iyon na si Luo Feng. Mukhang maganda ang pinapakita niya roon ah!" Isang katakot takot na ilaw ang dumaan sa mga mata ni Zhang Ze Hu.

"Napagastos ako ng 100 million dollars dahil sa kutong lupang iyon captqin!" sabi ni Zhang Ze Hu "Sulitin na natin ang pagkakataong ito para patayin ang hayop na batang iyan!" Napakalaking halaga ng 100 million para kay Zhang Ze Hu. At dahil isa lang siyang advanced warrior level, aabutin siya ng dalawang taon bago makapagipon ng 100 million dollars na ginamit niya para protektahan ang kanyang pamangkin na nasa security agency ngayon.

"Patayin siya?"

Ang ibang miyembro ng squad ay nasurpresa sa narinig nila kay Zhang Ze Hu.

Napasimangot naman ang captain ng Tiger Fang Squad nang bigla nitong natatawang sinabi na, "Magandang ideya iyan! Xiao, Dong, gamitin niyo ang mga sniper rifle niyo para patayin ang dalawang mahahalagang miyembro ng Fire Hammer Squad. Matapos noon ay agad kayong magpaputok sa dalawang magkaibang horde ng mga halimaw na malapit sa kanila! May kalayuan tayo sa kanila kaya hindi malalaman ng mga halimaw kung saan nanggaling ang mga balang tumama sa kanila.

"Hindi ganoong katalino ang mga regular na halimaw kaya tanging ang mga taong makikitta nito ang aatakihin nito kahit na tinamaan ito ng kahit anong bagay!"

Nanlalamig na tumawa ang captain ng Tiger Fang Squad at sinabi, "Sa oras na tamaan ng mga bala ang dalawang grupo ng mga halimaw na iyon ay agad itong aatakihin ang Fire Hammer Squad! Hindi magtatagal, ang napakalawak na patayan na iyon ay makakakuha na rin ng atensiyon mula sa mga halimaw galing sa mga ibang areas ng city at kapag nangyari ang lahat na iyan ay madali na tayong makakatakbo ng walang kahirap hirap sa baba!"

Nanatiling tahimik ang iba pang mga miyembro ng Tiger Fang Squad.

Hindi dahil sa hindi pa sila nakakapatay ng mga kapwa fighters noon. Ginagawa lang nila ito para magnakaw ng mga material mula sa bangkay ng mga halimaw. Pero sa kasong ito ng paghihiganti…

"Asintahin at patayin mo ang Luo Feng na iyon gamit ang isang bala para makahinga na rin ng maluwag ang kapatid ko," gigil na gigil na sabi ni Zhang Ze Hu.

"Gawin niyo na!" utos ng captain ng Yiger Fang Squad.

"Opo captain."

Hindi na nagpatagal ang dalawang miyembro ng Tiger Fang Squad na gumagamit ng heated weapon. Dahil sa tagal na nilang panghuhuli sa Forsaken Land, marami na silang experience sa pagpatay ng mga halimaw at kapwa fighter.

"Hmph hmph, Luo Feng!" tumayo si Zhang Ze Hu sa dulo ng rooftop habang pinapanood niya ang Fire Hammer Squad na nagtagumpay sa pagpatay sa twin tailed ocelot na iyon. Nagpakita ito ng nanlalamig na ngiti at sinabing, "Walang hiya ka at pinagastos mo akong bata ka kaya magbabayad ka! Magsisi ka na lang sa impiyerno bata! Hahahaha!"

At ang dalawang sniper rifles ay makikitang nakalatag na makalipas ang ilang sandali.

Gumamit ang dalawang miyembrong may gamit ng sniper rifle ng isang espesyal at napakalakas na armor piercing round. Matapos nito ay sinimulan na nilang gumawa ng kalkulasyon habang inaadjust ang kanilang aim, elevation at iba pa. Matapos nito ay tumango na sila sa kanilang captain. Hudyat na handa na silang magpaputok.

"HU!" utos ng captain ng Tiger Fang Squad.

Magkasunod na pinisil ng dalawang miyembro ang gatilyo ng kanilang mga baril!

"PENG!"

"PENG!"

Mabilis na nauna ang dalawang bala kaysa sa mga tunog ng mga ito habang mabilis na papunta sa Fire Hammer Squad na kasalukuyang kumukuha ng material mula sa bangkay ng twin tailed commander ocelot. Dahil mas mabilis ang mga balang ito ng ilang beses kaysa sa speed of sound ay hindi ito mapapansin ng mga target nito bago pa man ito tumama sa kanila!

avataravatar
Next chapter