46 Ang Bangkay ng Halimaw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Zhang Ke, pumunta ka doon at kunin mo ang isa sa mga steel cases ni Chen Gu!" utos ni Gao Feng

"Opo Kapitan."

Mabilis na pumunta ang spear na si Zhang K papunta kay Chen Gu na sa kasalukyan ay nagdidisassemble ng ginamit niyang heavy sniper rifle. Matapos nito ay ibinalik niya ang wooden case na pinaglalagyan ng sniper rifle sa loob ng steel case bago ito iabot kay Zhang Ke. Matapos nito ay binuksan ni Chen Gu ang isa pa niyang steel case at kinuha ang isang napakalupit na machine gun at mga bala nitong isinabit niyang muli sa kaniyang katawan.

Wala nang magawa si Luo Feng kundi patunugin ang dila nito sa sobrang pagkamangha sa kaniyang mga nakikita.

Napakaepektibo ng mga heated weapons laban sa mga soldier level na mga halimaw. Halimbawa ay sa suwerteng pangyayaring naganap kung saan ay agad na tinamaan ang 'Bloodthirsty Tank' sa vital point nito. Dahil sa laki ng katawan nito at sa tigas ng bungo nito ay hindi ito maapektuhan kung tatama ang balang iyong sa napakalaking bahagi ng kaniyang katawan.

Kaya---

Mayroong napakakaunting spots na kung saan ay kaya mo itong mapatay sa pamamagitan ng isang tama lang ng bala or sandata. Ito ay gaya ng mata, ang parte sa ilalim na bahagi ng skullcap at ang parte sa likod ng tainga. Kaya kinakailangan mong maging asintado sa pagbaril. Dalawa ang kinakailangan mo para magtagumpay dito. Una ay ang husay mo sa paggamit ng heated weapons at ang pangalawa ay swerte. Kung naging maingat lang masyado ang bloodthirsty tank na iyon at nagiba ng direksyon, malaki ang tiyansa na pumalya ang balang galing sa baril ni Chen Gu.

"Halika na bumaba na tayo!"

Matapos ang utos na ito ni Gao Feng ay nagsimula nang magbabaan sa hagdanan hanggang sa makalabas ng blue sky sector.

����

Limang minute ang nakalilipas, makikitang nakapuwesto sa isang maliit na alley ang anim na miyembro ng fire hammer squad. Si Wei Tie naman na nakapuwesto sa unahan nila ay maingat na sumilip sa labas. Matapos nito ay lumingon siya sa kay Gao Feng at sinabing "Bumagsak na po ang bloodthirsty tank, wala na itong buhay captain"

"Napakagaling Old Chen" sabi ni Gao Feng habang nagbibigay ng thumbs up.

Tumawa naman si Chen Gu.

"Pero kapitan" pagpapatuloy ni Wei Tie "Mayroon pong daan daang mga halimaw ang nakapaligid sa bangkay ng bloodthirsty tank. Magkakaroon tayo ngayon ng problema sa pagkuha nito". Ito ang pinakanakakainis sa parte sa pagpatay sa isang commander level na halimaw mula sa malayo. Kahit na magtagumpay ka sa pagpatay dito, mahihirapan ka namang makuha ang mga importanteng materials sa katawan nito dahil sa dami ng mga halimaw na nakapaligid dito.

Pero----

Mas madali pa rin ang paraang ito kung tutuusin kaysa sa pagpatay sa isang commander level na halimaw sa gitna ng mga halimaw na nakapaligid dito.

"Gaya lang nang dati, ididistract ni Wei Tie at Wei Qing ang mga halimaw sa paligid nito. At kapag nadistract na nila ang mga ito ay oras na para sa atin na lumapit sa bangkay" utos ni Gao Feng habang lumilingon papunta kay Luo Feng.

Huminga nang malalim si Luo Feng sa mga oras na ito. Ang pagsugod sa daandaang mga halimaw ay ang pinakamahirap na gagawin niya mula noong pumasok siya sa Forsaken Land kasama ang fire hammer squad. Siyempre, ayon sa mga posts na nabasa niya, ang mga sitwasyong gaya nito ay isa sa mga pinakamadaling sitwasyon na kinakailangang pagdaanan ng isang fighter squad. Dahil mayroon siyang mga nabasang sitwasyon na higit na mas mahirap sa sitwasyong kinakaharap nila ngayon ng sampu hanggang daan daang beses.

"Luo Feng, samahan mo si Chen Gu rito. Ang misyon mo ngayon ay protektahan si Chen Gu kaya huwag na huwag mong hahayaan ang kahit isang halimaw na umatake sa kaniya" utos ni Gao Feng.

"Huwag ka pong magalala captain, sisiguraduhin ko pong walang makakalapit na kahit isang halimaw kay kuya Chen" tango ni Luo Feng.

"Magaling kung gayon, tara na!"

Utos ni Gao Feng.

WHOOSH! WHOOSH!

Dalawang itim na ilaw ang lumipad mula sa mga kamay ng Wei brothers na para bang isang kidlat. Lumipad ang mga ito nang ilang daang metro hanggang sa bumagsak sa gitsa ng daandaang grupo ng mga halimaw. Ang dalawang mga ilaw na ito ay dalawang ellipse-shaped black balls. Ang mga bolang ito ay mayroong isang red timer na nakakabit sa bawat isa sa mga ito.

Agad namang nagalisan ang mga halimaw nakapansin sa mga ito.

Beep! Beep!

"BOOM~~"

Napakabagsik na sumabog ang dalawang mga time bomb na ito. Makikita matapos ang pagsabog ang libo libong mga shrapnel na nagliliparan sa ibat ibang mga direksyon na nagresulta sa agad na pagtalsik ng dalawang duguang katawan ng mga halimaw na nasa tabi ng mga bombang ito. Kasabay nito ang pagpapakawala ng isang napakalaking smokescreen cloud na agad na kumalat sa lahat ng direksyon.

Kung paguusapan naman natin ang lakas ng mga ito, nagawa lamang nitong makapatay ng isang halimaw ng tiyamba at magiwan ng lima hanggang anim na mga sugatang halimaw na tinamaan nito. Ang karamihan ng mga halimaw na nasa paligid ng bangkay ay naapektuhan lamang ng napakalaking smoke screen na nanggaling sa dalawang bombang ito.

"SUGOD!" Sigaw ni Gao Feng.

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Sumabog din ang lahat ng lakas sa buong katawan ni Luo Feng habang hawak hawak niya ang kaniyang shield at ghost blade sa magkabila niyang mga kamay. Tumakbo siya ng mabilis at sinundan si Chen Gu. Hindi kapanipaniwala ang bilis ng anim na mga miyembro ng fire hammer squad. Ang bangkay ng commander level na halimaw ay may layonh 150 meters mula s kanilang puwesto pero nagawa nilang marating ito sa loob lang ng apat hanggang limang segundo.

Napabagal pa sila sa lagay na iyan dahil sa dami ng mga halimaw na nakapaligid sa bangkay ng commander level na bloodthirsty tank.

Mabilis na tumakbo si Captain Gao Feng na para bang isang kidlat at sumugod kasama ang iba pang mga miyembro ng fire hammer squad at habang hawak hawak ang isa sa dalawa niyang mga heavy hammers at sinimulan na niyang iswing ito. Ang dalawang tunog lang na maririnig ay "PENG!", "PENG!". Ang ulo ng dalawang soldier level na mga halimaw na tinamaan nito ay agad na sumabog. At kung ikukumpara ang lakas ng medium soldier level na halimaw na kaniyang tinamaan sa lakas niyang nalalapit na sa isang 'intermediate level warlord' fighter, siguradong alam na alam na ng lahat kung sino ang mananalo.

Sadyang napakalaki lang talaga ng diperensiya ng kanilang mga lakas!

Makikitang hawak hawak niya ang isa sa kaniyang mga heavy hammer sa isa niyang mga kamay habang ang dagger naman ay hawak hawak naman ng kabila niyang kamay. Sa loob lang ng halos isang sandali ay nakatayo na siya sa tabi ng bangkay ng 'bloodthirsty tank' nang mabilis niyang sinaksak ang dagger sa butas na ginawa ng bala sa may likuran ng tainga nito. Habang dinadissecti ni Gao Feng ang bangkay ng halimaw, ang lima pang natirang mga miyembro ng fire hammer squad ay nalalagay sa panganib.

"Bilisan mo at protektahan mong maigi si Old Chen, Luo Feng!" sabi ni Zhang Ke habang iwinawagayway niya ang hawak niyang spear.

Ang magkapatid na Wei Qing at Wei Tie naman ang pumoprotekta sa captain nilang si Gao Feng. At dahil sa sobrang tigas ng mga balat at laman nito ay matatagalan ang kahit na sino sa kanila na kunin ang importanteng material mula sa bangkay ng halimaw nito. Pero dahil sa hindi kahangahangang lakas ni Gao Feng, kalahating minute lang ang kinakailangan nila para makuha ito.

"HOWL~~"

"ROAR~~"

Nadiskubre na ng mga nakapaligid na mga halimaw na sinimulan na silang sugurin nina Luo Feng at ng iba. Ito ay para bang isang napakabigat na hummer na may bilis na 100 km/h na bumangga sa kanila.

"Umalis kayo rito!" sa pamamagitan ng dalawang napakaperpektong hakbang ay hinampas ni Luo Feng ng kaniyang shield ang papasugod nang horned boar sa kaniya habang umiilag sa matalim na sungay nito. Ito ay nagresulta sa pagkawala nito sa balanse na ikinabagsak nito sa lupa. At sa sobrang lakas ng pagbagsak nito ay makikita ang pag angat ng napakaraming alikabok mula sa sidewalk na pinagbagsakan nito.

Ang natatatanging bagay na nasa isip ni Luo Feng ay makasurvive ng kalahating minuto, hindi ang pumatay ng halimaw.

"XIU!" "XIU!"

Iwinagayway ni Zhang Ke ang kaniyang spear na nakapatay sa dalawang solder level na mga halimaw at nakapagpabagsak sa tatlo pang mga ito. Matapos nito ay pinalibutan siya ng tatlong umaalulong at galit na galit na mga halimaw bago nila sugurin si Zhang Ke ng sabay sabay. Tanging ang nagiisang spear lang nito ang kaniyang hawak hawa.

"Hindi ito maganda" Nagbago ang itsura ni Zhang Ke matapos nitong gamitin ang kaniyang spear.

"ROAR~~" ang iron fur boar na paparating ay may bilis na hindi bababa sa 50 m/s. Ang sukat ng katawan nito ay kagaya ng sa isang maliit na truck pero ang bilis nito ay pumapantay sa isang sports car. At bukod sa wala na siyang oras para salagin ito ay mayroong tatlo pang mga halimaw ang nakapalibot sa kaniya.

"Mukhang masusugatan na ako ng matindi sa pagkakataong ito" Nagngitngit ang kaniyang mga ngipin matapos niyang sabihin ito.

"PENG!"

Isang anino ang lumabas mula sa isang direksyon sa gilid ng papasugod na iron fur boar ang tumadyak rito. Mawawalan ng balanse sa kaniyang katawan ang sinumang gagawa ng technique na ito sa isang bagay na umaandar nang napaka bilis. Maging ang iron fur boar ay nawalan ng kontrol at bumagsak matapos itong malakas na sipain ng anono. Pero agad itong nakatayo sa loob lang ng ilang sandali.

"Diyan ka lang Kuya Zhang" sabi ni Luo Feng.

"Salamat Luo Feng!" tuwang tuwang sigaw ni Zhang Ke. Kung hindi lang dahil kay Luo Feng ay marahil nakapagtamo na siya ng matinding sugat. Matapos nito ay napagisip isip ni Zhang Ke na: "Isang talagang napakagandang idea kung pasasalihin namin ng tuluyan si Luo Feng sa fire hammer squad. Sobrang bilis at liksi ng mga hakbang nito".

"Napakahusay na technique bata" bati ni Chen Gu na nasa ilalim ng kaniyang proteksyon.

Makikita sa mga oras na ito ang daan daang mga halimaw na nakapaligid sa puwesto nila Luo Feng at ang laban sa pagitan ni Luo Feng at ang iilang dosenang mga halimaw ang nakapagattract sa mga kasama nito na umatake sa posisyon nila Luo Feng. Buti na lang ay nahaharangan sila ng napakakapal na smoke screen na agad na bumulag sa mga papalapit na mga halimaw kaya hindi rin nailabas ng karamihan dito ang kanilang mga tunay na lakas.

"Hindi na ito maganda captain, dalian niyo na po!"

Ang tanging nagawa na lang ni Wei Tie ay sumigaw.

Lalong pahirap nang pahirap ang sitwasyon ng fire hammer squad sa bawat lumilipas na mga segundo dahil lalong parami ng parami ang nakapaligid sa kanilang mga halimaw.

"Fire Chen Gu!" utos ng naka squat na si Gao Feng sa tabi ng bangkay ng bloodthirsty tank habang pinoprotektahan ng Wei Jia Brothers.

"Opo"

Binasa ni Chen Gu ang kaniyang mga labi at ngumiti na parang isang mamamatay tao. Umatras naman sina Luo Feng at Zhang Ke na kaninang nakapuwesto sa tabi ni Chen Gu. Noong pisilin na ni Chen Gu ang gatilyo "TU TU TU~~~" Nagsimulang kumislap ang dulo ng muzzle na para bang wala nang bukas. Ang bawat isang bala ng isinalang ni Chen Gu sa kaniyang machine gun ay ang napakamahal na armor piercing bullet na kayang tumagos sa mga soldier level na mga halimaw.

At maging sa mga commander level na mga halimaw ay nakapamiminsala ito.

"HOWL~"

Sa loob ng isang iglap, ang napakaraming bilang ng mga halimaw ay nagsimulang umalulong sa sobrang sakit dahil sa mga balang tumagos sa mga katawan nito. Mahahaba ang buhay ng mga ito kaya hindi sila agad agad na namatay. Sa pamamagitan lang ng pagbaril o paghiwa sa mga vital point lang ang tanging paraan para mabilis na mamatay ang mga halimaw na ito! Ang mga armor piercing bullet na na ginamit ni Chen Gu sa kaniyang machine gun ay mabilis na tumagos sa mga soldier level na mga halimaw. Hindi ito kalakasan kaya magkakaroon ito ng problema sa pagtagos sa bungo ng mga commander level na mga halimaw.

PENG! Ang cerebrospinal liquid mula sa isa sa mga halimaw ay nagsimulang lumabas.

PU! Bagsak ng isang halimaw na may dalawang butas sa kaniyang katawan.

"Hahaha….. mamatay na kayong lahat!" sabi ni Chen Gu na para bang galit na galit habang ng mga armor piercing bullet na gawa mula sa ke-luo alloy ay patuloy na lumalabas mula sa muzzle ng machine gun nito na nakapagpatigil sa pagsugod ng mga halimaw na nasa kaniyang harapan habang pinipigilan naman nila Luo Feng at Zhang Ke pang pagpasok ng mga halimaw sa kabilang bahagi ni Chen Gu.

Habang nagpapatuloy sa pagbaril si Chen Gu, agad na nalaman ng mga halimaw na nasa loob ng smoke screen ang direksyon ng kinaroroonan nila Luo Feng kaya agad na umikot at galit na galit na sumugod patungo sa direksyon ng mga ito.

Kapag nakikipaglaban sila sa isang herd ng mga halimaw, ang katumbas ni Chen kasama ng machinegun nito ay isang fighter sa sampung halimaw. Pero mayroon itong disadvantage. Ang disadvantage nito madali nitong matatawag ang pansin ng iba pang mga halimaw na malapit sa lugar.

"Tapos na, tara na"

Mahinang utos ni Gao Feng sa kanilang lahat matapos niyang makuha ang material sa katawan ng bloodthirsty tank. Nang marinig nila ito ay nakahinga na silang lahat ng maluwag.

WHOOSH! WHOOSH!

Nagsimula nang tumakas ang anim na miyembro ng fire hammer squad.

"RUMBLE~~" daan daang mga galit nag alit na mga halimaw ang nagsimulang humabol sa fire hammer squad. Sapat na ang isang halimaw para mapayanig ang inaapakan nitong lupa. Kaya noong hinahabol sila ng daang daang mga halimaw ay yumanig ng husto ang lupa na para bang may isang napakalakas na lindol ang nagaganap. Ang mga sira sirang mga bahay at mga apartment ay nagsimulang maugaan kasabay ng malakas na pagtunog ng mga ito.

"Nakakatakot pala talaga ang mga halimaw na iyon pag sabay sabay silang umatake" lingon ni Luo Feng habang nakatingin sa kanilang likuran. Sa sobrang galit ng mga halimaw na iyon ay nagtatalunan na ang mgaito maabot lang ang papatakas na fire hammer squad. kaya medyo naging katakot takot ang mga pangyayaring iyon.

"Tara rito"

Agad na pumasok sa isang alley ang mga miyembro ng fire hammer squad. Hindi kayang sabay na pumasok ang dalawang halimaw sa sobrang sikip ng alley na kanilang pinasukan. At dahil sa advantage na ito ay nagpatuloy silang pumasok sa makikitid na alleys sa magugusaling mga lugar hanggang sa makalayo sila sa mga humahabol sa kanilang mga halimaw.

�����

Kalahating oras ang nakalilipas.

Tahimik na umakyat si Luo Feng at ang mga kasama nito sa tuktok ng isang 18 stories na hotel.

"Hahaha, Magaling ang nagawa ng bawat isa sa atin sa misyong ito" tawa ng kapitan nilang si Gao Feng "Chen Gu, napakagaling ng pagbaril mo sa commander level na halimaw kanina, Luo Feng, napakagaling din ng ginawa mong pagligtas kay Zhang Ke. Oo, isa sa mga pinakamahirap mapatay na mga halimaw ang medium commander level na 'bloodthirsty tank' na ito. Kaya nakasisiguro ako na kikita tayo ng malaki rito. Hindi ko maisip na ganito ang kikitain natin sa unang araw pa lang ng misyon na ito! Nakikita ko na magtutuloy tuloy ito hanggang matapos ang buwan!

Si Luo Feng, Chen Gu at ang iba pa ay nagsimulang magsitawanan ng isa isa.

Nagulat si Luo Feng nang mapatingin ito sa kaniyang tactical communications watch: "May tumatawag sa akin?"

Hindi tutunog o magvavibrate ang tactical communications watch ng isang fighter kapag may tumatawag dito. Kinakailangan itong tingnan mismo ng fighter na may suot dito para lang malaman niya kung mayroong tumatawag sa kaniya.

"Number ito sa bahay ah" tawa ni Luo Feng at ibinigay niya ang isang voice command "Call Back!"

"Beep, beep, beep, beep....."

Tinawagan ng tactical communications watch ni Luo Feng at number nila sa bahay.

avataravatar
Next chapter