37 Ang Pakikipagnegosasyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumigil ang pagtibok ng puso ni Luo Feng ng isang saglit nang marinig niya ito.

Sa fighter discussion board sa 'Home of Limits', marami siyang nakitang mga thread tungkil sa paghihiganti ng mga fighters. Isang halimbawa na rito sa China kung saan ang mga fighter sa 6 na mga major headquarters ay nasa ilalim ng kontrol ng gobyerno para managot sa batas! Pero kapag nakalabas na sila ng siyudad at pumasok sa area nang mga halimaw ay wala nang mga batas na umiiral sa kahit na sino sa kanila.

Iyong ay isang lugar kung saan naglalaban ang mga halimaw at mga fighters, ang lugar na walang batas! Ang lugar kung saan ang isang fighter ay nakatayo sa gitna ng buhay at kamatayan kaya pangkaraniwan na rito ang mga kaso kung saan nakikipagpatayan ang mga fighter sa isa't isa sa mga lugar na ito.

Ayaw itong mangyari at makita ng lahat ng malalaking mga dojo, ng gobyerno at iba pa.

Kayamanan ng sangkatauhan ang mga fighters!

Sila ang natatanging mga nilalang na kayang makipaglaban sa mga halimaw kaya ayaw nilang magkaroon ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan. Kaya itinatag ang 'Internal Negotiations' na umaayos sa hindi pagkakasundo ng mga fighters. Ang mga tao ay may hinanakit sa isa't isa, sige pagusapan natin ito sa harap ng mesa para matapos na ito. Isa iyong kasabihan kung wala nang paraan para mapagayos pa ang mga ito.

"Baguhan ka pa lang Luo Feng sa pagiging isang fighter kaya maganda na huwag kang gumawa ng kahit na anong kaaway." Nakangiting sinabi ng punongguro na si Wu Tong "Nangangailangan ka rin naman ng perang panimula hindi ba?"

"Sige"

Tumango si Luo Feng. Kung maayos naman nila ito ay bahala na "Hindi ko basta basta mapapalampas ang ginawang ito ni Zhang Hao Bai! Kung mahina lang ako ay malamang wala na akong mga braso at binti na gagamitin sa pakikipaglaban"

"Pero siyempre" tango ni Wu Tong habang sinasabi na "Kung hindi natin hahayaan silang duguan ay maaari nilang isipin na natatakot ang Dojo of Limits sa kanila"

"Magkano ang dapat kong hingin sa kanila Uncle Wu?" tanong ni Luo Feng. Hindi niya alam ang patakaran sa pakikipagnegosasyon kaya minabuti niyang humingi na muna ng payo sa mga nakakaalam nito.

Matapos niyang magisip ng ilang sandali, sinabi ni Wu Tong na "Kung isang regular na tao lamang ang nagtangka sa iyo, hindi ka na dapat lumagpas pa sa 50 million Chinese dollars! Pero isa kang elite member ng Dojo of Limits Luo Feng kaya hindi ka rin pupuwedeng humingi ng mababang halaga. Hindi bababa sa 10 million Chinese dollars! Pumili ka ng numero sa gitna 10 hanggang 50 million Chinese dollars"

"Sige po" tumango si Luo Feng at pinagisipan ang kaniyang mga pagpipilian.

"Kung pumapayag ka na sa pakikipagusap ay sasabihan ko na sila na pumunta mamayang gabi para makipagkita sa atin" tumatawang sabi ni Wu Tong.

"Sige, maraming salamat po Uncle Wu" tawa ni Luo Feng habang siya ay tumatango.

���

Pumasok muna si Luo Feng sa kanilang tahanan para itago ang bagong bili niyang Nine Stage Thunder Blade scroll at pagkatapos nito ay naglogon ulit siya sa internal network na 'Home of Limits' para subukang tumihing at kumalap ng impormasyon tungkol sa pribadong pakikipagnegosasyon ng mga fighters.

"Oh…. Ganito pala iyon"

"Nakabase rin ang hihingin mong pera sa reputasyon mo bilang isang fighter"

Tuloy tuloy na nagbasa ng iba't ibang mga thread si Luo Feng hanggang magkaroon siya ng idea at magsimulang maramdaman kung ano ang maaaring mangyari mamaya sa pakikipagnegosasyon niya sa uncle ni Zhang Hao Bai.

"Oras na para kumain Feng" tawag ng nanay niyang si Gong Xin Lan mula sa baba ng kanilang bahay.

"Bababa na po ma"

Agad na pinatay ni Luo Feng ang computer at bumaba sa hagdanan para kumain.

Nakita niya sa sala sa 1st floor ng kanilang bahay ang kaniyang nanay at tatay na may dalang mga plato at mangkok habang nagluluto ang kanilang kasambahay.

"Nasaan na po si Luo Hua?" nagtatakang tanong ni Luo Feng. "Hindi pa po ba siya nakakabalik?". Sa ngayon ay mayroon silang dalawang kasambahay na humigit kumulang 40 years old ang tanda. Ang isa sa kanila ay kinuha para bantayan at alagaan si Luo Hua, dahil mas makakaluwag ito para kay Luo Feng. At para makalabas na rin ito ng mas matagal sa kanilang bahay.

"Nasa Lotus Flower lake park ang kapatid mo Luo Feng. Tumawag siya ngayon ngayon lang para sabihing pauwi na siya" nakangiting sabi ng tatay nilang si Luo Hong Guo.

"Paanong nangyaring gustong gusto na ni Hua na tumambay sa parke nitong mga nakaraang araw?" tanong ni Luo Feng.

Mahinhing tumawa ang ina nila na si Gong Xin Lan at sinabing "May girlfriend na kasi ang kapatid mo Feng"

"Girlfriend?" surpresang tanong ni Luo Feng. Kahit na marami na rin ang may kapansanang tao sa panahong ito, halimbawa na riyan ang mga sundalong nagiging baldado sa pakikipaglaban sa mga halimaw…. Pero kaya pa rin naman ng mga taong may kapansanan na magkaroon ng karelasyon, magpakasal at magkaroon ng mga anak, pero wala kakalipas pa lang ng isang buwan mula noong lumipat sila sa villa na ito.

Sa loob ng maikling panahon ay mayroon na siyang nakarelasyon?

"Huwag kang makinig sa nanay mo Feng. Nagpapalipas lang ng oras ang iyong kapatid kasama ang isang babae, wala pa sila sa puntong iyon" tumatawang sinabi ni Luo Hong Guo.

"Ano naman ngayon, mabuti na kung magkakaroon siya ng isang karelasyon" tuwang tuwa si Luo Feng sa kaloob looban niya. Kahit na anong maging resulta ng relasyon na iyon ay magiging karanasan niya sa kaniyang buhay. Maganda ang mga karanasang iyon para sa kaniya.

���

Sa sky garden sector ng Yi-An* region sa Yang Zhou city.

*Note mula sa TL: Kung matatandaan ninyo na mula sa vol. 1 ch. 14~15, ay nagkamali ako at isinulat ang Zhi-An sector bilang lugar kung saan matatagpuan ang sky garden sector imbes na Yi-An, Pasensiya na kayo sa aking naging pagkakamali)

"Uncle" tingin ni Zhang Hao Bai sa kaniyang uncle na si Zhang Ze Hu. Punong puno ng takot at nerbiyos si Zhang Hao Bai nitong mga nakaraang araw. Mas natatakot siya na baka mayroong dumating na tao mula sa security agency para dukutin siya.

"Hangga't kaya nating itago si Hao Bai ay ayos lang kahit dumaan tayo sa ganito katinding problema Hu" Wala nang magawa si Zhang Ze Long kundi sabihin ito.

"Huwag kang magalala kuya!" Napakalaki at napakatipunong tao ni Zhang Ze Hu na nagbigay sa kanila ng feeling na hindi ito natatalo maliban sa pagiging isang mabagsik na halimaw. Ngumiti si Zhang Ze Hu upang ipakita ang malasnow nitong ngipin sa puti "Ang napakaliit na kunehong si Luo Feng na iyon ay isa lang baguhang fighter! Wala na siyang ibang nagawa kundi pumatay ng mga pinakamahinang halimaw na pinalaki ng military para sa kanila, kaya dapat niyang malaman ang patakaran! Ang mga taong hindi dapat gumagawa ng gulo ay gumawa ng gulo…. Hmph, at dapat niyang malaman na ang pagbangga sa Mountain Tiger* ay parang paghiling na rin ng iyong kamatayan!"

*Note mula sa TL: Ito talaga ang kaniyang nickname na mababangit muli sa mga susunod na chapter.

Nakahinga ng maluwag sina Zhang Ze Long at Zhang Hao Bai noong makita nila kung gaano kataas ang tiwala sa sarili ni Zhang Ze Hu.

"Ako na ang bahala rito, osiya, aalis na ako"

Matapos kumaway ay umalis na si Zhang Ze Hu.

Nakaparada sa labas ang isang napakabigat na six-wheeled, remodeled hummer. Mayroong tao sa loob nito na kumakaway rin at nakangiting sumigaw na: "Handa ka na ba kuya Hu?"

"Oo naman, tara na at daanan natin ang matandang Li bago tayo dumeretso sa Dojo of Limits" sumakay si Zhang Ze Hu sa sasakyan at kumaway habang sinasabi niya ito.

"ALRIGHT!"

Nagpakawala ang hummer ng mahina at matigas na ingay habang mabilis na umaandar paalis sa sky garden sector.

Kinagabihan, makikita sa lobby sa 2nd floor ng Limit Hall ng Ming Yue sector sa Yang Zhou city ang grupo ni Luo Feng.

"Pagkakataon nga naman Feng. Ang uncle Kong at kuya Chen mo ay nandito ngayon" sabi ni Wu Tong habang tumatawa ito ng malakas. Binati rin ni Luo Feng ang dalawang tao sa tabi ni Wu Tong. Ang isa sa kanila ay talagang napakapaya at mayroong peklat na mukhang humati sa kaniyang mukha sa dalawa. Kikilabutan ang kahit na sino sa pagtingin pa lang sa taong ito.

Ang isang lalaki naman ay isang napakatipunong lalaki na may mukhang masiyahin. Makikita mo ang pagiging masiyahin nito sa pagtingin mo lamang sa kaniyang mukha.

"Kuya Chen, Uncle Kong" sigaw ni Luo Feng.

Hindi pangkaraniwang tao ang dalawang taong ito. Mayroong tatlong warlord level fighters sa Limit Hall na ito sa Yang-Zhou city. Ito ay ang punonggurong si Wu Tong, 'Fire Cannon' Chen Gu at 'Hawk Blade' Kong Quan. Matagal nang nagretiro si Wu tong sa panghuhuli ng mga halimaw, habang ang 'Fire Cannon' na si Chen Gu at ang 'Hawk Blade' na si Kong Quan naman ay madalas na lumalabas sa siyudad para manghuli ng mga halimaw.

Ang dalawang taong ito ang mga leading figures ng mga fighters sa Ming-Yue sector.

"Alam na namin ang nangyari Feng kaya papanig kami sa iyo ngayon kaya huwag kang magalala!" Tawa ng Fire Cannon na si Chen Gu, "Kahit na gaano kaarogante ang mga fighter galing sa Thunder Dojo ay hindi niya tayo puwedeng malimaliitin"

"Oo nga" sabi ng Hawk Blade na si Kong Quan matapos nitong tumango nang mahina.

Matapos ang ilang sandali-

Nagsimula nang magsiupuan sa kani kanilang mga puwesto ang mga tao mula sa Dojo of Limits at mga tao mula sa Thunder Dojo. Mayroong hindi bababa sa 20 katao sa panig ng Dojo of Limits habang mayroon lang na walong tao mayroon ang panig ng Thunder Dojo.

"Wu Tong, inaamin ko na kasalanan nga ng pamangkin ni Hu ang mga pangyayaring iyon" sabi ng isang malaki at matipunong lalaki habang tumatawa ng malakas habang sinasabing "Pero ang pamangkin niyang iyon ay isang napakaliit na bata lamang? Wala pa siyang kamuang muang sa mga nangyayari sa paligid niya, bukod pa riyan, isa lamang siyang ordinaryong tao, ni hindi nga siya isang fighter hindi ba? Kaya hindi na natin dapag pagusapan pa ang mga ganitong bagay"

"Huwag kang magsalita ng mga walang kwentang bagay sa harap naming ngayon matandang Li" Tawa ni Wu Tong habang iniiling nito ang kaniyang ulo "Kahit na hindi kami gaanong sigurado sa kasong ito ay pumunta pa rin kayo rito para makipagnegosasyon hindi ba? Magsalita ka naman Mountain Tiger"

Si Zhang Ze Hu ay kilala bilang "Mountain Tiger" ng mga fighters, gumagamit siya ng isang napakalaking two handed machete*.

*Note mula sa TL: ang unang dalawang characters sa machete ay 開山 at ang kaniyang palaayaw ay 開山虎. Dahil mayroong mountain sa kaniyang palaayaw ay minabuti ko na lang na tawagin siya bilang Mountain Tiger. (Pero ngayon ay alam niyo na kung saan nanggaling ang kaniyang palaayaw)

"Punoong gurong Wu" ngiti ni Zhang Ze Hu habang nakatingin kay Luo Feng "Dahil diyan, bakit hindi natin pangpaliwanagin si little Luo sa para sa kasong ito. Paano nga ba tayo magkakaayos ayon sa kagustuhan mo munting Luo?"

"Manahimik ka"

Pigil ng 'Hawk Blade' na si Kong Quan, "Isang malapit ng kapatid namin sa Dojo of Limits si Luo Feng, Munting Luo? Karapat dapat din naman siyang tawagin sa sarili niyang pangalan"

Nagpanic si Zhang Ze Hu nang marinig niya ito, isang walang awang fighter ang 'Hawk Blade' na si Kong Quan sa lahat ng mga fighter, kaya maging si Zhang Ze Hu ay umiiwas na galitin ito.

"Mr. Zhang Ze Hu" ngiti ni Luo Feng habang tumatayo ito "pinili ng mga kapatid ko na tumayo para sa akin sa kasong ito kaya nagkaroon ako ng kaunting pagkapahiya sa aking sarili. Pero para sa akin…. Hmph, ang pagtatangkang ni Zhang Hao Bai na baliin ang mga braso at paa ko ay isang napakaliit na bagay para sa akin, pero nagawa niya ring bugbugin ang aking ama at iyon ay hinding hindi ko mapapalampas!"

Sigaw ni Luo Feng habang nakatitig ng masama kay Zhang Ze Hu.

Gulat na gulat si Zhang Ze Hu habang ang mga fighters mula sa Dojo of Limits ay tumatawa ng malakas. Ang 'Mountain Tiger' na si Zhang Ze Hu ay isang senior fighter at isa ring advanced warrior, isang hakbang na lang ay magiging isa na siyang warlord level fighter. Ang pagtitig ni Luo Feng sa kaniya ng masama habang sumisigaw ang nakapagpaintindi sa mga fighters sa panig ng Dojo of Limits kung gaano ito katapang!

"Hmph, Ano ang gusto mong mangyari Luo Feng? Magsalita ka!" Hindi ito nagustuhan ni Zhang Ze Hu at namula ang kaniyang mukha sa sobrang galit.

Ang galit na si Zhang Ze Hu? Wala talaga siyang pakialam doon. Kung paguusapan lamang ang pangangatawan ni Luo Feng ngayon na sadyang napakataas na para sa isang intermediate warrior, kaya nalalapit na siya sa pagiging isang 'advanced warrior level fighter'. At kung isasama pa ang spiritual force nito ay maaaring kapantay na niya ang isang 'beginner warlord' level fighter.

"Isang salita, 50 million Chinese dollars. At ako na si Luo Feng ay igagalang ka ng buong puso at maaari na nating sabihing tapos ang kasong ito" ngiti ni Luo Feng.

"Mayroon ka nga talagang napakalaking bibig bata ka, 50 million!?" titig ni Zhang Ze Hu.

"Napakataas ng halagang iyan" simangot ng chief instructor ng Thunder Dojo na si Li.

Ngumiti lamang si Luo Feng at hindi na nagsalita pa.

"Hindi naman ganoon kalaki ang hinihingi ni Luo Feng" ngiti ng punongguro ng Dojo of Limits na si Wu Tong.

"Bibigyan kita ng halaga Luo Feng, 5 million! Bibigyan kita ng 5 million at tatapusin natin ang kasong ito para masabi nating nirerespeto mo ako. Kung hindi ay ikunsidera mo nang hindi mo na ako iginalang!" Tingin ni Zhang Ze Hu kay Luo Feng.

5 million?

Napasimangot ang mga fighter sa panig ng Dojo of Limits. Hinding hindi ito sasapat kahit sa pagrespeto sa 'Fire Cannon' na si Chen Gu at ang 'Hawk Blade' na si Kong Quan. Wala kang nirerespeto sa kahit na sino sa kanila kung papaya ka sa ganito kababang halaga!

"Kung hindi ay hindi na kina iginagalan?" titig ni Luo Feng "Heto rin ang sasabihin ko sa iyo Zhang Ze Hu, 50 million, walang kulang ni isang dolyar at kung hindi ay maghanda ka nang iharap ang pamangkin mo sa security agency!"

avataravatar
Next chapter