57 Ang Presyo at Ang Kasiyahan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakita nila nang nakalabas na sila ng elevator ang isang napakalaking resting lounge. Ang isang resting lounge na gaya noon ay may sukat na 300 hanggang 400 square meters. Makikita sa loob nito ang ilang mga bar sofas na kinauupuan ng mangilan-ngilang tao na naghihintay kay Manager Feng. Pero ang nakita nila ay…. Isang squad ng mga fighters na hindi na kinakailangang maghintay pa. Direktang lumakad ang mga ito papasok sa opisina ni Manager Fang.

"Hinihintay na po kayo sa loob ni Manager Fang, pasok na po kayo," sinamahan ni Lady Liu sina Luo Feng at ang iba pa papasok sa opisina ni Manager Feng.

Nang makapasok sila sa opisina, napatingin-tingin si Luo Feng sa paligid. Dito niya nakita ang mga kumikinang na ornaments at ang sahig na gawa sa napakatibay na salamin. Sa ilalim naman ng matibay na salaming ito ay ang isang ilog na mayroong mga isda. Makikita ng sinumang tumayo sa salaming sahig na ito ang mga isdang lumalangoy sa kanilang ilalim.

"Napakaengrande naman," sambit ni Luo Feng sa kanyang sarili.

"Mukhang malaki-laki ang nahuli niyo ngayon Gao Feng," nagsimulang magsalita ang isang kalbong lalaki na may mabilog na mukha matapos nitong tumayo sa kanyang kinauupuhan habang tumatawa na naglalakad papunta kina Gao Feng,"Halika, maupo kayo rito."

Umupo ang grupo sa magkaharap na sofa sa gilid ng opisina.

"Ano ang ipapakita mo sa akin ngayon Gao Feng?" tumawa ang matandang lalaking may mabilog na mukha, "Tingnan natin kung maganda nga ba."

"Papalawakin ko ang isipan mo ngayon Old Feng," tumawa si Gao Feng, "Alam kong nakakita ka na ng mga mamahaling materyales pero sinisiguro ko na hindi ka pa nakakakita ng ganito. Ilabas mo na Luo Feng."

"Ano?" nandilat ang mga mata ni Manager Fang sa sobrang gulat.

Natawa si Luo Feng noong makita niya ang mukha ni Manager Fang nang ilabas niya ang napaka rare na balahibo ng silver moon wolf mula sa kanyang backpack na nakalagay sa gilid ng kanyang mga paa. Matapos nito ay inilatag niya ito sa sahig na parang isang flat na silver moon wolf. Mararamdaman ng kahit sinong tumingin dito ang kakilakilabot na bangis ng silver moon wolf.

"Hunter!" Napatayo sa sobrang gulat si Manager Fang.

"Sus ginoo," sa sobrang gulat ni Manager Fang ay napasalita ito sa kinalakihan nitong diyalekto. "Tama nga ang sinasabi mo sa akin kanina Old Gao. Sa laki nito ay masasabi ko na isa itong high level commander. At sa hindi kapanipaniwalang bilis nito, kahit na ang isang taong katutungtong lang sa wargod level ay magkakaroon ng problema sa pagpatay nito."

Talagang nakakagulat ang bilis ng isang silver moon wolf. Kaya nitong abutin ang speed of sound kahit na malubha na itong nasugatan! Maiisip naman ng kahit sino kung gaano ito kabilis kung wala itong kahit na anong sugat!

"Hm hm, mukhang kumpleto nga ang balahibong ito," sinabi ni Manager Fang habang iniinspect niya ng maigi ang balahibo, "Mukhang hiniwa ang balahibong ito sa kanyang sugat. Pero…. walang duda na kumpleto nga ito." Kumislap ang mga mata ni Manager Fang dahil ang balahibo ng silver moon wolf ay isa sa mga pinakamahal na materyales sa paggawa ng damit sa buong mundo.

At kahit na mayroon pa itong iba pang puwedeng paggamitan, mas pinipili ng mga kilalang tao sa buong mundo na bumili ng mga damit gawa sa balahibong ito na may napakataas na presyo.

"Sandali lang," mabilis na tumakbo si Manager Fang sa kanyang office desk.

At kinuha niya doon ang isang nakalock na safe na dinala niya pabalik sa balahibo ng silver moon wolf.

"Hindi niyo na kailangan pang patagalin ito Gao Feng. Ilabas niyo na ang iba pang mga materyales na kinuha niyo mula sa hunter," tumatawang hinimok ni Manager Fang si Gao Feng. Kasabay nito ay binuksan niya ang nakalock na safe kung saan nakalagay ang isang napakasensitibong device. Makikita ang pagilaw ng isang pulang ilaw sa taas ng device na ito matapos itong buksan ni Manager Fang.

Isa-isang nilabas ni Luo Feng ang mga materyales mula sa napatay niyang silver moon wolf.

Ang espesyal na mga mata, claws, pangil at buto mula sa mga paa nito...

"Isang kumpletong koleksyon mula sa isang hunter..."

Napuno ng liwanag ang mga mata ni Manager Fang habang patuloy sa pag-ilaw ng pula ang device na idinidikit niya sa balahibo ng silver moon wolf. Matapos nito ay iniscan niya rin ang mga mata, claws, pangil…. Nagpakita ng isang number sa maliit nitong screen ang device na kanyang hawak-hawak. Makikitang seryoso ang itsura ni Manager Fang nang tingnan niya ang numerong nakalagay sa device kasabay ito ng pagtatype niya ng information sa isang virtual keyboard na nakadikit sa device. Pagkalipas ng ilang sandali---

"Hm."

"Galing nga ang mga materyales na ito sa iisang hunter. At ang hunter na ito ay walang duda na isang high level commander!" noong matapos itong sabihin ni Manager Fang ay tumawa si Gao Feng sa isang tabi at sinabing "Isa itong high level commander na malapit na maging isang horde leader level na halimaw!"

Mayroong mga malalaking pagkakaiba kahit na sa kategorya ng mga high level commander na halimaw.

Ang mga halimaw na katutungtong lang sa high level commander at ang mga high level commander na nalalapit na sa pagiging horde leader ay mayroong malaking pagkakaiba sa lakas. Kaya natural na malaki rin ang pagkakaiba ng presyo ng mga materyales na manggagaling sa mga ito.

"Hehehe, siyempre naman, hindi ko iyan matatago sa inyo guys," tumawa si Manager Fang. "Sige, name your price."

embro ng Fire Hammer Squad sa isa't isa at ang tingin ni Gao Feng kay Luo Feng ang nagsignal dito.

Tumawa si Luo Feng habang sinasabi na, "Ano po sa tingin niyo ang nararapat na presyo nito?" Napakaraming presyo ang posible para sa isang hunter sa 'Home of Limits' internet market. Malinaw kay Luo Feng na mas mababang presyo ang iaalok ng dojo of limits sa kanila dahil may kapalit naman itong malaking contribution points para sa kanila.

Para sa HR alliance market naman, ang pangkaraniwang presyo ng high level commander na mga halimaw ay naglalaro sa 50 million to 500 million.

At dahil na pangkaraniwang malakas, madalang at tinaguriang king of the wolves ang isang hunter, natural lang na lumampas ang presyo nito sa normal price limit.

"Ganito na lang, dahil maganda naman ang kalidad ng mga materyales na ito. Inoofferan kita ng 600 million Chinese dollars para sa lahat ng ito!" sabi ni manager Fang matapos nitong huminga nang malalim.

Napakadalang para sa kaniya ang pagbili ng mga materyales sa ganito kalaking halaga.

Sa ganitong presyo naglalaro ang mga materyales na nanggaling sa samg low level horde leader na mga halimaw.

Napagusapan na nina Gao Feng, Luo Feng at ng iba pang mga miyembro ang magiging presyo ng mga materyales bago pa sila dumating dito. Nabasa rin ni Luo Feng sa Fighter discussion boards na mayroong nagbenta ng isang 'medium level commander' hunter sa halagang 50 million earth dollars sa South America.

Ang 50 million earth dollars ay katumbas ng 175 million Chinese dollars.

Kung mabebenta sa ganito kalaking halaga ang isang medium level commander, natural na higit na mag mataas ang magiging halaga ng isang hunter na nalalapit na sa pagiging isang horde leader level na halimaw.

"Masyadong mababa ang presyo mo Old Fang" nakasimangot na sinabi ni Gao Feng "Ang isang medium commander level na hunter ay nagkakahalaga na ng 175 million Chinese dollars sa South America. Ayos na sa amin ang 900 million to 1 billion Chinese dollars."

"Huwag mo akong pinaglololoko Gao Feng. Hindi aabot ang presyo nito sa 900 million to 1 billion" pilit na tawa ni manager Fang.

Natawa si Luo Feng noong makita niya ito.

Sa totoo lang ay nalaman na ng buong squad na maibebenta nila ang hunter na ito sa halagang 700 to 800 million habang naguusap usap papunta sa HR alliance market. Tinatakot lang ng kapitan nilang si Gao Feng si manager Fang noong sabihin niya ito.

"Nawalan ng braso ang kasama naming dahil sa silver moon wolf na iyan" sabi ni Gao Feng habang makikita ang masama niyang itsura "Hindi na ako magsasalita pa…. 800 million Chinese dollars! Kung papayag ka ay magkakaroon tayo ng deal. Kung hindi naman ay mapipilitan akong maghanap ng ibang bibili nito. Kung hindi lang dahil sa tagal ng pinagsamahan natin ay humanap na muna ako ng ibang taong interesado rito bago pumunta sa iyo".

Tiningnan ni Manager Fang si Zhang Ke at walang duda na….

Nawalan nga ng braso si Zhang Ke.

"Mukhang hindi ito kayang bayaran ni manager Fang ah. Tara na mga kasama" Tumayo na si Gao Feng habang sinisimulan ni Luo Feng na iligpit ang mga materyales mula sa silver moon wolf.

"750 million, huling tawad" nakasimangot na sinabi ni manager Fang.

Pero hindi ito sinagot ni Gao Feng at ilang sandali pa ay natapos na si Luo Feng sa pagliligpit ng mga materyales.

"Tara na" at nagsimula nang maglakad palabas ni Gao Feng kasunod ng kaniyang mga kasama.

"Napakataas na ng 750 million para sa mga materyales na iyan Gao Feng" buntong hininga ni manager Fang. Noong makita niyang palabas na sina Gao Feng at ang kaniyang mga kasama ay sumigaw ito ng "Bumalik kayo rito bibilhin ko na ang mga iyan sa presyong sinabi niyo!"

Nagtinginan sina Luo Feng, Gao Feng, Chen Gu at ang iba pa sa pintuan at nagsimulang magsingiti.

Mayroong ilang dosenang mga manager ang bumibili ng mga materyales mula sa mga halimaw sa HR alliance market. Mayroong sistema ang HR alliance market na kung tawagin ay elimination system. Sa madaling salita, kung sinong manager ang may pinakamababang output every year ay matatanggal sa kaniyang posisyon. Siyempre pagkatapos nito ay agad silang papalitan ng bagong tao sa binakante nilang posisyon. Kaya mataas masyado ang pressure na bumabalot sa kanila taon taon.

Kaya inaalam ng bawat manager kung paano makakabili ng mga materyales mula sa mga halimaw sa mga fighters.

Sa loob ng opisina.

"Masyado nang malulupit ang mga fighters ngayon" sabi ni manager Fang habang tinatapos ang kanilang transaksyon, pero matapos nito ay nagpasalamat din siya sa kanila "Ang bawat manager mula sa bawat sector ay nakikipagkompitensiya sa isa't isa sa pagbili ng mga materyales mula sa mga fighters. At habang palinaw ng palinaw ang mga presyo sa kanila ay pababa naman ng pababa ang aming kinikita. At habang nakikita ang mga kagaya niyo na kumikita ng 800 million sa isang iglap lang ang naguudyok sa akin na manghuli na lang din ng mga halimaw sa forsaken land. Pero sa kasamaang palad, anong magagawa ng isang buto butong gaya ko laban sa isang solder level na halimaw".

Habang sinasabi niya iyon ay inaayon na niya ang mga transaction sa bawat account.

"Sigurado akong nalampasan mo na ang mga yaman at ari arian mo sa tinagal tagal mo nang naging middleman" tawa ni Gao Feng.

"Suwertehan lang iyon. Minsan ay nakakakuha ako ng mahahalagang bagay gaya nito kaya kumikita ako ng malaki" ngiti ni manager Fang.

Tumawa naman si Gao Feng at sinabing "Sa tingin ko ay kikita ka ng eight digits sa materyales na ito"

"Hindi naman aabot ng ganoon kalaki" iling ni manager Fang "Okay, tapos na. Naitransfer ko na ang 800 million Chinese dollars sa account ng inyong fighter squad".

Agad na napansin ni Gao Feng at ng vice captain na si Chen Gu ang notice mula sa kanikanilang mga tactical communications watch na nagsasabing nakatanggap ang kanilang account ng 800 million Chinese dollars.

"Napakasarap sa pakiramdam Old Fang" tawa ni Gao Feng.

"Kaya mas mabuting unahin niyo pa rin ako sa susunod" tawa ni manager Fang "Ang lahat ng mga manager na kagaya ko ay nasa ilalim ng isang malaking pressure. Mapapadali sana ang bagay bagay sa akin kung magiging regional director lang ako ng isang sector sa isang headquarter city".

"Oo nga" tango ni Gao Feng "Pero napakahirap ding makipaglaban sa napakalalakas na mga halimaw. Kaya nga kailangan pang maputulan ng braso ng kasama ko para lang mapatay ang halimaw na iyon".

"Ah oo nga, Kailangan pang maputol ng braso niya…" buntong hininga ni manager Fang "Pero may naririnig akong isang treasure na nakakapagpatubo muli ng naputol na braso ng isang tao. Pero ang presyo nito ay napakataas kaya hindi ito kayang bilhin ng isang pangkaraniwang fighter"

"Mapatubong muli ang nawala mong braso?" naguguluhang isip ni Luo Feng.

Noong magsimula siyang maging isang fighter ay naghanap hanap si Luo Feng ng isang espesyal na gamot na may kakayahang gawin ito sa internet market. Pero hindi siya makahanap ng isang gamot na kayang makapagpabalik ng naputol mong braso o binti. Kaya lagi na lamang pumapasok sa isip ni Luo Feng na…. walang ganoong klase ng gamot.

"Mayroong ganoong gamot?" gulat na gulat na tanong ni Gao Feng.

"Ano po ang gamot na iyon manager Fang? Kaya rin ba noong magpatubo ng binti?" sabik na tanong ni Luo Feng.

Wow.

Matagal nang nabaldado ng kaniyang kapatid. Kaya handa siyang gawin ang lahat kung mayroon lang na kahit isang tiyansa na kayang makapagpatayo sa kaniyang kapatid.

"Mayroon at tinatawag nila iyon bilang ang legendary 'Elixir of Life'. Bukod sa braso at binti ay kaya rin nitong patubuin ang ibabang bahagi ng iyong katawan kung sakaling maputol man ito" sabi ni manager Fang. "Pero ang existence nito ay mas madalang pa sa isang horde leader—dahil gawa ito sa kaluluwa ng hindi matalo talong emperor level monster na pinangalanang 'Earth Dragon'. Mayroon lamang iilang mga earth dragon ang nakakalat sa buong mundo. Kaya ang Elixir of Life ay mabibili sa napakalaking halaga! At dahil sa sobrang dalang nito ay hindi mo ito makikita sa mga internet markets. Maging ang aming alliance ay walang stock ng espesyal na gamot na ito. Kung matatandaan ko, ang presyo ng bawat isang gamot na gaya noon ay umaabot sa 30 billion, at hindi mo ito makikita sa kahit na anong mga market".

"30 billion kada isa? At walang market na nagbebenta nito?" nagsimulang tumibok ng napakabilis ang puso ni Luo Feng.

Noong naiisip niya ang kaniyang kapatid na nakaupo sa kaniyang wheelchair habang tahimik na nakatingin sa tanawin sa labas ay wala nang iba pang nagawa si Luo Feng kundi isara ng mahigpit ang kaniyang mga kamao at sabihing "Kahit na anong mangyari... ay papatayuin kong muli ang aking kapatid! Sinisiguro ko iyan sa sarili ko!!!".

avataravatar
Next chapter