56 Ang Kanilang Pagbalik sa City at Ang Background ni Xu Xin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Pero tandaan niyo na si Luo Feng lang ang gumawa ng lahat ng trabaho mula sa paghanap, pagpatay, pagdissect at pagbalik ng mga materials mula sa silver moon wolf. Ginawa niya ang lahat na ito ng mag-isa," tumawa si Gao Feng "Kaya si Luo Feng ay makakatanggap ng 80% mula sa kabuohang kinita ng grupo sa pagpatay ng silver moon wolf. Maghahati-hati naman tayo sa natitirang 20% ng naging kita." Ito ay isa pang panuntunan sa mga fighter squads.

Na kahit na isang tao lang ang gumawa ng lahat ng trabaho ay kinakailangan niya pa ring magbigay ng kahit kaunti sa mga iba pang miyembro ng fighter squad na kanyang kinabibilangan.

Karaniwan na kapag ang isang miyembro ng fighter squad ang nakagawa ng karamihan sa mga trabaho ay maaaring makakuha ng hanggang 60% sa kabuohang kinita. Pero si Luo Feng ang gumawa ng lahat ng trabaho kaya maaari siyang makakuha ng hanggang 80% sa kabuohang kinita mula sa halimaw na pinatay niya.

"Ngayon pa lang ay nalampasan na ng kinita mo ang kinita ko nitong 10 taon na nakalilipas," di mapigilan ni Chen Gu na mapasigaw, "Mas mabuti kung ililibre mo kaming lahat mamayang gabi!"

"Oo, dapat lang! Ubusin ang pera ng mayamang ito!" dinagdag nina Wei Tie at Wei Qing.

Maging si Zhang Ze Hu ng Tiger Fang Squad ay kumikita lang ng 100 million mula sa dalawang taon ng kanyang matiyagang panghuhuli. Ang two years na iyon ang pinakamasagana na panahon para kay Zhang Ze Hu. Pero bago siya nakakakita ng ganyang kadami ay kumikita lang siya ng maliit na halaga taon-taon. Sa madaling salita, kung susumahin ang lahat ng kinita ni Zhang Ze Hu sa buong buhay niya bilang isang fighter, kumita lang siya ng mga 300 hanggang 400 million.

Pero si Luo Feng naman...ang isang pagkakataon na tulad nito ay ang naging dahilan kung bakit siya yumaman!

Pero hindi kaya ng kahit sino na pumatay ng isang 'hunter'. Kaya malinaw na kayang kumita ni Luo Feng ng napakalaki dahil sa kanyang lakas. Ang lakas ay ang ikinabubuhay ng mga fighters kaya makikita mo na ang mga pinakamayayamang fighters ay ang mga fighters na nagtatanglay ng kakaibang lebel ng lakas.

"Siyempre naman, bakit naman ako tatangi? Ililibre ko kayong lahat sa HR alliance market," natawa si Luo Feng sa mga sinabi nila.

"Hahatihatiin ko muna yung perang kinita natin bago ko ipadala sa mga accounts niyo," sinabi ito ni Gao Feng habang tumatawa. Sa harapan ng mga kanyang miyembro, isa-isa niyang tinransfer ang pera sa mga bank accounts ng bawat miyembro ng squad. Alam ng bawat isa sa kanila ang kani-kanilang mga username at password sa kanilang mga public accounts kaya karaniwan na lang na pinaghahati-hati nila agad ang kanilang kinita matapos nila itong makuha.

Sa kinahapunan ng araw na iyon ay sumakay silang lahat sa train pabalik sa city.

"Paparating na ang tren sa istasyon na ito. Pinapaalalahanan ang mga bababang pasahero na hawakan na ang inyong mga gamit," maririnig ang isang recorded na boses sa lahat ng bagon ng tren. Ilang saglit pa ay maririnig ang isang 'hua' sound at matapos nito ay nagbukasan na ang lahat ng pintuan ng tren.

"Tara!"

Si Gao Feng, Luo Feng, Zhang Ke, Chen Gu at ang Wei Jia Brothers ay nagbabaan na sa tren na kanilang sinasakyan.

"Anraming tao," bumaba si Luo Feng mula sa tren at nakita niya ang napakaraming bilang ng mga turista sa loob ng train station. Makikita ang halos magsiksikang mga taong ito na naghihintay sa kanilang sasakyang tren sa likod ng isang salamin sa loob ng train station. Ang isang main city sa loob ng isang headquarter city ay may populasyon na higit 100 million na katao kaya maiimagine ng kahit sino kung gaano kabuhay ang atmosphtere sa loob ng isang train station doon!

Tinatawag itong popularity, nag-iinit na popularity!

"Mga kapatid, pasalamatan niyo ang mga sandata niyo dahil nakabalik na naman tayo sa city na ito ng buhay!" nagpasalamat si Gao Feng.

"Nakabalik na rin tayo sa wakas."

"Nakabalik na sa isang siyudad na punung-puno ng tao."

Gulat na gulat rin sa kanyang looban si Luo Feng. Kahit na pitong araw lang sila namalagi sa Forsaken Land ay malinaw na malinaw na sa kanyang isipan ang mga abandonadong city na kanilang nadaanan pati na rin ang country level city na kanilang napuntahan. Sira-sira ang mga ito at hindi mo akalaing dati itong tirahan ng mga tao. Bukod pa rito ang napakaraming halimaw na nakatira rito kaya kinakailangan nila Luo Feng na palaging maging alerto sa kanilang bawat kilos sa loob ng mga siyudad sa Forsaken Land.

Tanging ang mga headquarter cities lang ang mga ligtas na lugar para tirhan ng mga tao! Sa mga lugar na ito lang makikita ang buhay na buhay na sibilisasyon!

"Headquarter cities, ang huling tirahan para sa sangkatauhan," isang ideya ang lumabas mula sa puso ni Luo Feng, "Ang sangkatauhan ay ang pinakadahilan kung bakit nagpapatuloy sa pakikipaglaban ang mga fighters sa Forsaken Land mula noong Grand Nirvana Period! Gaya ko na kayang makapatay ng mga soldier level na halimaw at maging ang mga low level commander na halimaw. Hindi gaya ng mga pangkaraniwang tao na hindi kayang tumapat sa isang commander level na halimaw kahit armado na ng malalakas na sandata."

Bakit ba binibigyan ng mga bansa ang mga fighters ng special rights?

Bakit ba ineenganyo ng buong mundo na manghuli ang mga fighters ng mga halimaw?

Ito ay dahil mas magiging ligtas ang mga tinitirhan nilang cities kung magpapatuloy ang mga fighters sa panghuhuli ng mga halimaw.

"Hello, late na siguro ako makakauwi mamayang gabi," nakangiti si Zhang Ke habang sumasagot sa kausap niya sa kabilang linya habang hawak-hawak ang kanyang cellphone, "Oo, magiging magkasama na tayo sa napakahabang panahon kaya gagawin ko ang lahat para makabawi sa nagiisang asawa ko maging sa mga anak natin!" Sinong magaakalang makakangiti ng ganoong kalaki ang isang lalaking nawalan ng braso kamakailan lang.

Sa loob-looban ng bawat fighter na lumalakad sa gitna ng buhay at kamatayan ay ang pag-aalala sa kani-kanilang pamilya habang nakikipaglaban sa mga halimaw sa Forsaken Land.

Maging si Luo Feng ay tumawag sa kanyang tahanan.

"Feng!"

Hindi napanatag ang mga mata ni Luo Feng nang marinig niya ang pamilyar na boses sa kabilang linya, matapos ang ilang sandali nang pakikinig ay sumagot siya rito ng, "Late na siguro akong makakauwi diyan ma kaya huwag niyo na po akong antayin para sa hapunan."

"Mamayang gabi?" maririnig ang saya sa boses ng kanyang ina, "Sige anak, magkasama ang papa at kapatid mo sa labas, sasabihan ko sila na antayin ang tawag mo."

"Hindi na kailangan ma, uuwi naman po ako mamaya," naramdaman ni Luo Feng ang pagmamahal na binibigay ng kanyang pamilya nang sabihin niya ito.

Ito ang kanyang tahanan, ang lugar na pinoprotektahan ni Luo Feng.

"Sumakay ka na sa special fighter-only car ng HR alliance Luo Feng," utos ni Gao Feng. Ang iba niyang mga kasama ay isa-isa nang nagsialisan.

"Papunta na ako."

Ibinaba na ni Luo Feng ang kanyang cellphone at agad na sumabay sa mga paalis niyang mga kasama. Dumaan ang kanilang sasakyan sa isang daanan para lang sa mga fighters. Sa dulo ng daanang ito matatagpuan ang isang maliit na area kung saan makikita ang mga special cars mula sa Dojo of Limits, Thunder Dojo, HR alliance at maging ang mangilan-ngilang sasakyan mula sa underground alliances na naghihintay sa kani-kanilang fighters.

Naghiyawan ang mga driver ng sasakyan noong makita nila si Luo Feng kasama ng iba pang mga miyembro ng Fire Hammer Squad na bumaba sa kanilang sinasakyang kotse.

"Tara, doon tayo sa alliance market," direktang pumunta si Gao Feng at ang iba pang mga miyembro ng Fire Hammer Squad sa sasakyan ng alliance market.

"Ok!"

Inistart, nilock at pinaandar na ng kanilang driver ang isang malaki at kumportableng SUV matapos nilang makasakay dito.

Sa loob ng sasakyan.

"Malapit na tayo sa alliance market Luo Feng," tumawa si Chen Gu habang nakatingin ito kay Luo Feng, "Tingnan mo agad kung nandoon pa yung kausap mong Xu Xin bago pa tayo pumasok sa Forsaken Land. At ngayong nakabalik ka na ay puwedeng puwede mo na sigurong ligawan ang magandang binibining iyon!"

"Loko loko ka talaga," sinermunan ni Gao Feng si Chen Gu habang tumatawa at tumingin kay Luo Feng, "Paalala ko lang sa'yo Luo Feng, batang bata pa lang ang Xu Xin na iyon noong magsimula siyang maging bar manager ng lobby sa HR alliance market. Baka may background yung babaeng iyon kaya mag-ingat ka."

Tumango naman si Luo Feng nang marinig niya ang sinabi ni Gao Feng.

Naramdaman niya rin ito noon. Dahil noong magkaklase pa lang sila noong high school ay wala siyang nakitang kakaiba kay Xu Xin. Pero nagbago ang lahat noong mag-usap na sila sa bar sa lobby ng alliance market. Ang dating mahiyaing Xu Xin ay biglang kuminang na parang isang bituin.

"Pinag-uusapan niyo ba si Lady Xu Xin?" surpresang tanong ng kanilang driver.

"Kilala mo si Xu Xin?" napatingin si Luo Feng sa kanilang driver.

"Siyempre naman," tumawa ang driver, "Palagi kaming pumupunta sa alliance market kaya alam na alam namin ang tungkol kay Lady Xu Xin. Sinasabi ko sa iyo na kahit hindi siya ang pinakamagandang babae na nakita ko…. Hehehe, ang sinumang maging asawa niya ay magkakaroon ng napakakumportableng buhay."

Nagbago ng bahagya ang mukha ni Gao Feng, "Huwag mong sabihin na mula siya sa Xu Family, ang isa sa 12 na maiimpluwensiyang pamilya ng alliance sa bansang ito."

"Tama ka nga, galing siya sa Xu Family. Naririnig ko nga na isa ang Xu family sa mga pamilyang may pinakamatataas na estado sa buong bansa," sabi ng driver habang itinatango ang kanyang ulo.

Nabigla rin si Luo Feng nang marinig niya ito.

Binubuo ang alliance ng mga makapangyarihan at napakayaman na pamilyang may ari ng mga korporasyon galing sa America, Europe, at iba pa. Puwede nating sabihin na sama-sama nilang binuo ang HR alliance. Sama-sama nilang kinokontrol ang ekonomiya sa buong mundo kaya wala nang magawa ang mga gobyerno kundi makipagkasundo sa kanila.

At—

Bukod sa siyam na pinakamalaking pamilya na nakapuwesto sa itaas ng alliance ay mayroon ding dose-dosenang pamilya na nasa rank 1 ng alliance maliban sa mga korporasyon.

Ang bawat isa sa mga pamilya na ito ay mayroong hindi kapanipaniwalang yaman at kamangha-manghang kapangyarihan at impluwensiya.

"Jusko, sobra sobra na iyon para sa isang background," napatingin si Chen Gu sa mga kalsada, "Alam ko na mayroong apelyidong Xu ang babaeng iyon pero hindi ko inaakalang nanggaling siya sa makapangyarihang Xu Family. Luo Feng, hindi ka matutulungan ng kuya mo sa pagkuha sa babaeng Xu Xin na iyon, mahirap talaga."

"Mahirap nga siyang abutin pero ok naman ang Luo Feng natin ah," aniya ni Gao Feng.

Nagsimulang tumawa sina Chen Gu, Wei Tie, Wei Qing at Zhang Ke.

Para sa kanila, si Luo Feng ay isang spirit reader na magiging mas katakot-takot ang kanyang lakas sa hinaharap.

"Old Fang."

Nagsalita si Gao Feng sa kanyang cellphone "Oo, ako ito. Siyempre naman ay mayroon kaming magandang materyales para sa iyo. Bakit naman kita tatawagan kung hindi diba? Sigurado akong lalagpas ang presyo nito sa 100 million. Sige, walang problema," matapos niyang ibaba ang tawag ay tiningnan niya ang bawat miyembro ng Fire Hammer Squad sa mata, "Sinabi ko na kay old Fang. Aakyat agad tayo pagdating natin sa alliance market."

"Sige," Tumango si Luo Feng at ang iba pang miyembro ng Fire Hammer Squad.

Ilang sandali ang nakalipas–

Dumaan na ang kanilang special car sa security line ng mga sundalo at dirediretsong umabante papunta sa gate ng alliance market. Matapos nito ay huminto ang sasakyan sa harap ng lobby kung saan nagbabaan ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad.

"Hinihintay na po kayo ng manager sa taas Mr. Gao Feng," ngumiti ang isang magandang babae na may maiksing buhok, maliit na tainga at may propesyonal na itsura.

"Okay."

Hindi na gaanong nagsalita ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad at direkta nang pumasok sa lobby.

Makikita sa loob ng eleganteng lobby ang mangilan-ngilang mga fighters na nagkukwentuhan sa bar. Nang tingnan ni Luo Feng ang bar ay sinabi nitong, "Wala siya rito?" Matapos nito ay narealize niya na ngayon ang simula ng pasukan sa college. Maging ang mga pangkaraniwang estudyante sa mga regular na kolehiyo ay sumasailalim sa military training bago magsimiulang tumuntong ng college.

At ang araw ngayon ay isang weekday kaya normal lang na wala rito ngayon si Xu Xin.

"DING!"

Bumukas ang mga pintuan ng elevator at pagkatapos ay sumakay ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad dito.

"BEEP!" pinindot ng babaeng nakatayo sa harapan ng elevator ang numerong '21'. Matapos nito ay idinikit niya ang kaniyang mata sa isang detector. "BEEP, pass, welcome Lady Liu."

"Hinihintay po kayo ni Manager Fang sa 21st floor," ngumiti ang babae.

Tumango si Luo Feng at ang iba pang miyembro ng Fire Hammer Squad.

Mabilis na umakyat ang elevator at hindi ito tumigil hanggang makarating sila sa 21st floor. Matapos ang ilang sandali ay…"DING", nagsibukas ang mga pintuan ng elevator. Nakarating na sila sa 21st floor.

avataravatar
Next chapter