58 Ang Mga Plano sa Hinaharap

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pero, alam ni Luo Feng sa kanyang sarili kung gaano kahirap kumita ng 30 billion!

Ang pinakamahinang horde leader na halimaw ay nagkakahalaga ng 500 million to 1 billion Chinese dollars. Kahit na mag-isa mo itong hulihin at makapatay ng sampung horde leaders kada taon ay kikita ka lang mula sa mga ito ng 5 to 6 billion. Bukod pa riyan ay mahirap para sa isang wargod level na fighter na makapatay ng horde leader na halimaw.

Ang isang pangkaraniwang wargod level fighter ay kumikita lang ng 5 to 6 billion kada taon.

At kahit kumita ka pa ng ganyang kalaki kada taon, kinakailangan mo pa ring mag-ipon ng 6 o 7 na taon.

Bukod pa rito, isa pa sa mga problemang kinakaharap niya ay hindi pa siya isang wargod level fighter para kumita ng ganyang kalaki taon-taon. Sinuwerte lang siya noong makaengkuwentro sila ng isang sugatang 'hunter'. At napakaimposible naman para sa kahit na sino na suwertehin ng ganito sa bawat oras na manghuli sila sa Forsaken Land.

"Kahit na napakahirap makaipagpon ng 30 billion Chinese dollars ay hindi pa rin ito imposible sa natutulog na potensiyal ng aking spiritual force."

"Pero ang pagpatay sa isang earth dragon," tumawa na lang si Luo Feng sa kaniyang sarili.

Ang isang horde leader pa nga lang ay sadya nang kinakatakutan ng mga regular na fighters, maging ang mga kapwa nito halimaw dahil sa hindi mapantayang lakas ng mga ito.

Pero mayroon pang isang level ng mga halimaw na mas malakas pa kaysa sa kinakatakutang mga horde leader na halimaw, ito ay ang Emperor level na halimaw na nagtatanglay ng hindi kapanipaniwalang lakas! Bukod sa mga halimaw, may mga tao ring nakalagpas sa pagiging wargod level fighters. Halimbawa na rito ang pinakamalakas na fighter na si 'Hong' at ang pangalawang pinakamalakas na fighter na si 'Thunder God' na may mga lakas na parehong lumagpas sa lakas ng isang wargod level na fighter. Pero ang mga kasong kagaya nito ay napakadalang sa mga fighters!

Ang pagpatay sa isang earth dragon?

Kahit na ang mga pinakamalakas na fighters ay hindi nakakasiguro sa kanilang mga sarili na kaya nilang mapatay ang isa sa mga halimaw na ito.

"Hahaha, elixir of life ba kamo? Captain, bigyan niyo na lang ako ng kaunting pera para makabili ng elixir of life kung may isa man sa inyong makakapantay sa lakas ng pinakamalakas na fighter na si 'Hong'," natawa si Zhang Ke. Natawa na lang rin ang mga ibang miyembro ng Fire Hammer Squad. Maabot ba kamo ang lakas ni 'Hong'?

Ang isang fighter na may lakas na papantay sa pinakamalakas na fighter na si 'Hong' ay kayang kumalaban sa buong army ng isang bansa ng mag-isa. Maliit nga lang para sa mga fighters na kagaya nito ang 30 billion. Pero gaanong karaming fighters nga lang ba sa mundo ang nakakaabot sa ganitong level?

"Tara, kain na tayo guys!" tumawa si Gao Feng.

Matapos nito ay makikita ang buong Fire Hammer Squad na nakapaligid sa isang laptop sa gilid ng isang malaking lamesang punung-puno ng iba't ibang pagkain sa isang restaurant sa 3rd floor ng HR alliance market. Mabilis na inidcan ng captain nilang si Gao Feng ang kanyang daliri, tinype ang tatlong one-time passwords at naglogin sa shared account ng Fire Hammer Squad.

"800 million Chinese dollars. Gaya ng napagkasunduan natin kanina, dahil ginawa ni Luo Feng ang lahat ng trabaho ay makukuha niya ang 80% sa kabuohang kinita natin sa hunter. Ang tayo naman ay maghahati sa natirang 20%. Wala namang reklamo yung iba?" tumngin si Gao Feng sa mga kasamahan niya.

Tumango ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad at tumawa naman si Luo Feng.

Ang mga iba't ibang fighter squads ay mayroon ding mga iba't ibang rules. Iilan sa mga fighter squads ay may mga rules na nanghihikayat sa mga miyembro nito na makipagkumpetensiya sa isa't isa, habang ang rules naman ng iba ay nag-eencourage ng pagkakaisa.

"Si Luo Feng ay makakakuha ng 640 million habang ang bawat isa naman sa atin ay makakakuha ng tig 32 million," mabilis na tinransfer ni Gao Feng ang pera sa kani-kanilang mga account.

"BEEP!"

"Transaction successful."

Matapos nito ay isa-isang nagappear ang mga notifications sa screen ng laptop. Tiningnan naman ni Luo Feng ang kanyang tactical communications watch at doon niya nakita na tumaas ang balance ng kanyang account ng 640 million.

"Ililibre tayo ngayon ni Luo Feng!" sumigaw si Gao Feng habang tumatawa.

"Oo nga, kailangan tayong ilibre ng mayamang 'to," sinabi ni Chen Gu na parang hindi nakukuntento, "Grabe, sa isang iglap lang ay nalagpasan mo na ang lahat ng kinita ko mula noong nagsimula ako sa pagiging fighter. Nakakainggit kang bata ka."

Sumaya ng husto ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad sa mga oras na iyon habang nag-uusap sila ng walang tigil at nagiinom na parang wala nang bukas.

Ito ay dahil naiaalis nila ang kanilang mga buhay sa panganib sa tuwing lumalabas sila ng Forsaken Land, ang lugar kung saan nakalagay sa alanganin ang buhay ng bawat isa sa kanila. Kinakailangan nilang mag-ingat sa lahat ng mga oras kaya hindi magawa ng kahit sinong magrelax lalo na sa loob ng mga siyudad na kung saan nakatira halos lahat ng halimaw.

"Inuman na!"

"Halika rito at mag-inuman tayo!"

"Napakasarap talaga sa pakiramdam. Old Zhang, magkasama na tayo ng halos sampung taon sa squad na ito. Sino ba namang makapagsasabi kung ilang beses mo na akong iniligtas sa pakikipaglaban kaya wala ka nang kailangang sabihin pa. Heto uminom ka, cheers!"

Kung gaanong kalaki ang kinalungkot ng mga tao sa lamesang iyon ang pagreretiro ni Zhang Ke ay siyang kinataas naman ng pag-asa ng mga ito sa bago nilang miyembro, ang spirit reader na si Luo Feng. Napakakomplikado ang nararamdaman ng bawat isa sa kanila kaya nagsaya na lang sila noong mga oras na iyon sa pagkain at sa pag-inom ng alak hanggang 9pm, ang oras kung saan nakahanap sila ng mapagpapahingahang kuwarto sa loob ng isang malapit na teahouse.

Makikita sa harap ng bawat isa sa kanila sa loob ng kuwartong iyon ang isang tasa ng tsaa.

"Magiging isa nang guro ang kasama nating si Zhang Ke sa dojo," sinabi ni Gao Feng sa kanyang mga kasamahan, "Kaya magiging lima na lang tayong magkakasama sa Fire Hammer Squad! Ako, si Luo Feng, si Chen Gu, Wei Tie, at si Wei Qing! At dahil isang spirit reader si Luo Feng ay sigurado ako na hindi magtatagal ay malalampasan na rin niya ang lakas ko kaya magiging maganda ang kinabukasan niya."

Walang kahit na sino sa kanila ang hindi natutuwa sa kamangha-manghang lakas ng kasamahan nilang si Luo Feng.

Kapag may isang malakas na fighter sa isang squad ay nangangahulugan na magiging mataas rin ang survivability rate ng isang squad! Kasama na rito ang paglaki sa kanilang mga kinikita sa bawat pasok nila sa Forsaken Land dahil magiging mas madali na sa kanila ang panghuhuli ng mga halimaw!

Isang halimbawa na rito ang pagkakapatay ni Luo Feng sa isang sugatang hunter na naengkwentro nila bago sila bumalik sa resupplying base. Kung hindi mapapatay ng isang malakas na fighter kagaya ni Luo Feng ang hunter na iyon ay hindi na sana tumaas ng husto ang kita ng Fire Hammer Squad ng 32 million. Kahit na makuha man ni Luo Feng ang karamihan sa kabuohang presyo ng hunter ay nakatanggap pa rin naman sila ng porsiyento kahit wala silang itinulong sa pagpatay ng halimaw na iyon.

"Pero alam naman nating lahat na sa ating lima, si Luo Feng ang pinakamalakas kaya sana ay hindi tayo maging pasanin para sa kanya!" sabi ni Gao Feng.

Nagbago ng bahagya ang mga mukha nina Wei Qing at Wei Tie.

Dahil silang dalawa ay mga 'advanced level warrior fighters', alam nilang magiging pasakit sila sa kanilang pinakamalakas na fighter na si Luo Feng.

"Captain, isa pa lang po akong rookie," ito na lang ang tanging nasabi ni Luo Feng.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin ko Luo Feng" ngumiti ng bahagya si Gao Feng, "Wei Tie, Wei Qing, huwag niyo na ring isipin masyado ang mga sinabi ko…. Ang ibig kong sabihin dito ay ito na ang tamang panahon para sa ating squad para itaas ang ating goal sa panghuhuli ng mga halimaw sa mga susunod nating pagpasok sa Forsaken Land! Kaya ang unang goal ng Fire Hammer Squad sa ngayon ay maattain ng lahat ng miyembro ang level na di bababa sa warlord level!"

"Pero captain..." di mapigilan ni Wei Tie na magsalita, "Malayo-layo pa kami ng kapatid ko sa pagiging isang warlord level fighter."

"Alam ko iyon."

Tumawa si Gao Feng ng may buong pagtitiwala sa kanyang sarili, "Mayroon akong isang ideya para diyan kaya sabihin niyo sa akin kung ano naiisip niyo."

Tumango si Luo Feng habang nakikinig ito, nakinig din sina Wei Tie, Wei Qing at Chen Gu.

"Bibili kayo ng tig-iisang grade A genetic medicine," sabi ni Gao Feng "Sa ganoong paraan ay mabilis kayong magiging isang 'low level warlord level' na fighter Wei Tie at Wei Qing. Malaki rin ang ibibilis at ilalakas mo sa genetic medicine na iyan Chen Gu."

Bahagyang sumimangot si Luo Feng nang marinig niya ito.

Mayroong dalawang mainstream na genetic medicines na mabibili sa market: ito ay ang grade A at grade B genetic medicines. Ang grade B genetic medicines ay para sa mga regular na tao. Ito ang magpapalakas at magpapabilis sa kanilang mga katawan upang maging isang fighter! Pero ang mga taong dumepende sa pampalakas na ito para maging isang fighter ay maaaring maging isang regular na fighter lang sa hinaharap.

Ang mga grade A genetic medicines naman ay para sa mga fighters. Kaya nilang lumakas at bumilis ng ilang beses kaysa sa kanilang orihinal na lakas at bilis matapos inumin ang genetic medicine na ito! Pero siyempre, hindi na malakas ang epekto ng genetic medicine na ito kung sobrang lakas at bilis na ng iyong pangangatawan.

Pero ang presyo ng isang grade A genetic medicine ay umaabot sa 720 million Chinese dollars at may half price na 360 million Chinese dollars sa kanilang dojo!

"Captain, sa ilang taon ko na po nanghuhuli ng mga halimaw, aabot lang sa 430 million ang pera ko kung idadagdag niyo pa yung kinita natin ngayon," napasimangot si Wei Tie habang nagpatuloy sa pagsalita, "Sa nakikita ko sa aking rate of growth, ang pagiging isang low level warlord lang ang kaya ng pangangatawan ko. Kaya hindi ko na alam kung magkano pa ang matitira sa akin sa panahong magretiro ako kung gagastos ako ng ganyang kalaking halaga para sa pagpapalakas."

Kinakailangan ng bawat tao na pag-isipan ang kanilang mga haharapin.

Hindi ganoong kadali kumita ng pera. Sa tagal ng kanyang panghuhuli ay nakapagipon lang siya ng 430 million. Kaya hindi ba nangangahulugang ang paggastos ng 360 million para sa genetic medicine na iyon ay ang paggastos na rin ng halos lahat ng kanyang kinita bilang isang fighter para sa gamot na iyon?

"Captain, gumagamit ako ng mga heated weapons kaya kailangan kong gumamit ng pera paminsan-minsan. Ang paggastos ng 360 million para rito ay…." Maging si Chen Gu ay nagdadalawang-isip din sa bagay na ito.

Huwag kayong mag-alala..."

Bahagyang ngumiti si Gao Feng, "...dahil hindi niyo kakailanganing gumastos ng ganoong kalaki para makabili ng isang grade A genetic medicine. Ito ay dahil mayroon akong isang kaibigan na tinuturing kong kapatid na isang advanced warlord na ngayon na nakilala ko noong sumali ako sa isang fighter squad sa mga unang araw ko bilang isang fighter! Mayroon siyang mga kakilala na puwedeng makakuha ng genetic medicine sa halagang 200 million lang."

"200 million?" Gulat na gulat sina Wei Tie, Wei Qing at Chen Gu.

"Sa halagang 200 million lang?" maging si Luo Feng ay nagulantang sa narinig niya.

Ang half price sa internet market ng Limit Home ay ang pinakamababang presyo na posibleng makuha. Kahit na half price ang genetic medicine na iyon ay kinakailangan pang magbayad ng 360 million. Pero kayang bilhin ito ni Gao Feng sa halagang 200 million lang?

"Kaya sasabihan ko ang kaibigan kong iyon na bumili para sa atin. At pagkatapos ay bayaran niyo na lang ako sa oras na maibigay ko na sa inyo ang mga genetic medicine na iyon para maniwala kayo na totoo ang sinasabi ko," natawa si Gao Feng. Pero mayroong isang bagay siyang hindi sinasabi sa mga kasamahan niya tungkol sa kanyang kinakapatid. Ang discount na iyon ay para lang sa mga kabilang sa isang internal organization na kinabibilangan ng kanyang kinakapatid na fighter.

At hindi pinapayagan ang mga miyembro ng organisasyong ito na ibenta ang kanilang mga gamit sa mga outsiders dahil puwede itong magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga gamit sa kanilang organization na magdudulot sa pagpasok nila sa iba't ibang problema.

Pero….

Handa naman si Gao Feng na magbayad galing sa kanyang bulsa para lang hindi na magpagastos ng malaki sina Chen Gu, Wei Tie, at Wei Qing. Ito na rin ay dahil siya ang pinakamayamang miyembro sa kanilang squad.

"Hindi magtatagal ay magiging isang warlord level fighter rin ang bawat miyembro ng Fire Hammer Squad" bahagyang ngumiti si Gao Feng. "Si Chen Gu ang fighter na magiging responsable sa suppression fire at iba pa, sina Wei Tie at Wei Qing naman ay magiging responsable sa pagpatay ng mga normal level soldier na halimaw habang kami naman ni Luo Feng ang haharap sa mga malalakas na commander level na halimaw! Sa pamamaraang ito ay makakapatay ang ating squad ng napakaraming bilang ng commander level na halimaw sa Forsaken Land. Ang ating kikitain ay lalaki ng sampung beses kaysa sa kinikita namin noong nakaraan."

Ang tanging naramdaman na lang ni Luo Feng ay ang masabik sa mga magagandang puwedeng mangyari sa kanilang squad kapag nagtagumpay ang planong ito ng kanilang captain na si Gao Feng.

At ayon sa sinasabi ng captain nilang si Gao Feng, ang bawat isang miyembro ng Fire Hammer Squad ay magiging mga elite fighters. Ang isang squad na kung saan lahat ng miyembro ay nasa warlord level, kasama na rin ang kanyang spiritual force...ang lakas ng squad na ito sa hinaharap ay siguradong kamangha-mangha.

avataravatar
Next chapter