38 Ang Fire Hammer Squad

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagalit ng husto si Zhang Ze Hu, hindi niya lubos maisip na hindi na siya gagalangin ng baguhang si Luo Feng.

"50 million nang walang kulang?" Tumitig si Zhang Ze Hu na para bang kakainin niya si Luo Feng ng buo.

Pero walang pakialam si Luo Feng sa kaniya.

Nabasa niya sa maraming thread sa 'Limit Home' ang tungkol dito at alam niya na kung sino man ang unang yumuko ay tumatanggap ng pagkatalo! At sa uri ng sitwasyong ito, kung magkapantay ng dalawang posisyon ang dalawang tao, ang dapat na humingi ng tawad ay ang taong nagkamali.

Pero naging agressibo pa rin si Zhang Ze Hu. Ginagamit niya ang pagiging baguhan ni Luo Feng para sumunod ito sa kaniya.

Pero…. Hindi nito naapektuhan si Luo Feng.

"Sige, makinig kayo sa akin" sabi ng punongguro ng Dojo of Limits na si Wu Tong, "Titigil na kayo pareho sa pagtatalo Luo Feng at Mountain Tiger, sa halagang 30 million Chinese dollars! Hindi ba tama lang ang halagang iyon para sa iyo Zhang Ze Hu, ibigay mo sa kanya ang halagang iyon at tapos na tayo rito ngayon. Pumapayag ka naman dito hindi ba Luo Feng?"

Tumango si Luo Feng: "Gagawin natin ito ayon sa sinabi ni uncle Wu"

"Ikaw Mountain Tiger?" Tumingin si Wu Tong kay Zhang Ze Hu.

Ang lahat ay tumingin kay Zhang Ze Hu, at galit na galit na tumayo ito habang malakas na tumatawa at sinabing "Gusto nitong yumuko ako sa munting kunehong ito? Hinding hindi ko gagawin iyon kahit na sa panaginip niyo! Lao Li, mga kapatid, tara na!"

"Kung ayaw mong resolbahin ito ay kinakailangan mong magbayad ng 100 million para maprotektahan ang pamangkin mo" mahinang tawa ni Wu Tong.

"Mas gugustuhin ko pang bigyan ang isang bansa ng 100 million kaysa magbigay ng 30 million para matapos ito!!!" nanlalamig na tumingin si Zhang Ze Hu kay Luo Feng at nanglait "Hindi madaling maging isang fighter bata! Makikita mo ang mga nakakatakot na mga halimaw na kumakain ng batang katulad mo paglabas mo ng city. Darating ang mga pinakakinatatakutan mong mga pangyayari nang walang babala. At ang mga halimaw na napatay mo sa kampo ay mga basura lang kung ikukumpara mo sa mga halimaw na ito. Sana lang ay mabuhay ka ng matagal bata, kung hindi ay paano kang babalik dito para makipaglaro sa akin hindi ba? Malapit na akong maging isang warlord level fighter bata. Gaano kaya katagal bago mo maabot ang warlord level? At kaya mo kayang makasurvive ng ganoon katagal?"

Tumatawang sinabi ni Luo Feng na: "Maraming salamat sa pag aalala mo Mr. Zhang Ze Hu. Pero mukhang kailangan mo nang pagisipan kung saan mo kukunin ang 100 million na ibibigay mo sa bansa para lang protektahan ang pamangkin mo"

"Hmph" bagsak ng mukha ni Zhang Ze Hu "Tara na!"

"One hundred million kapatid, one hundred million" sigaw ng Fire Cannon na si Chen Gu gamit ang mapang asar nitong boses.

Hindi na nagsalita pang muli ang grupo ni Zhang Ze Hu at lumabas na sa kuwarto.

Naging maingay ang mga tao sa panig ng Dojo of Limits nang makita nila kung paanong umalis ang grupo nila Zhang Ze Hu sa silid na iyon.

"Ang pasensya nga ng Zhang Ze Hu na ito ay katulad nga ng naririnig nila sa mga sabi sabi: hindi na ito maipaliwanag sa sobrang sama nito. Malinaw na kasalanan ng pamangkin niya ang mga nangyari pero nagawa pa rin niyang tumanggi na yumuko sa harapan ni Luo Feng" tumawa si Wu Tong habang umiiling "Mas pipiliin niya pa raw na magdonate ng 100 million kaysa magbayad ng 30 million para maayos ang gusot na ito!"

Ang Dojo ay mayroong contribution points. Pero maging ang bansa pala ay mayroon ding sarili nitong contribution points!

Ang lahat ng nagbibigay kontribusyon sa bansang ito ay makakatanggap ng contribution points depende sa nagawa nila sa bansa. 10,000 points para maabot ang one star rank, 100,000 points para sa two star rank… kagaya sa systeme ng Dojo of Limits. Ang taon kung saan iniligtas ni Dong Nan Bao ang buhay ng libo libong mga sibilyan sa pagpatay niya sa Tiger head dragon ang isang malaking dahilan para mabigyan siya ng four star hero medal.

Kagaya rin ng pagdodonate mo sa Dojo para makakuha ng contribution points ay maaari ka ring magdonate sa bansa para makakuha rin ng contribution points mula rito.

10 thousand Chinese dollars para sa isang contribution point.

Ang 100 million Chinese dollars ay katumbas ng 10,000 contribution points na katumbas rin ng paging one star rank hero ng isang bansa!

Kung hindi gugustuhin ni Zhang Ze Hu na pakipagnegosasyon kay Luo Feng, ang tanging solusyon na lamang na natitira sa kaniya ay ang magdonate ng 100 million para maging isang 1 star rank hero civilian ang pamangkin niya. At bilang isang 1 star rank civilian ay hindi siya makukulong ng matagal dahil sa naging problema niya sa pagitan nila ni Luo Feng.

"Kahit na magdonate pa siya ng 100 million para maging isang one star civilian ang kaniyang pamangkin ay magdurusa pa rin ito sa kulungan dahil kinakailangan pa rin nitong makulong ng 3 hanggang 5 months dahil sa pagtatangka sa isang fighter!" umiiling na sinabi ng Fire Cannon na si Chen Gu.

"Kung ayaw niyang magpakumbaba ay sino pa ba ang masisisi natin?"

"Mukhang wala talaga siyang pakialam dahil marami naman siyang pera"

Nanlalamig na tumawa ang mga fighters mula sa Dojo of Limits.

"Luo Feng" tawa ng punongguro na si Wu Tong "Ayon sa utos ng ating Chief na si Zhu Ge ay kinakailangan namin na ayusin ang mga kailangan mo para pumasok sa isang warlord level fighter squad. Sa paraang ito ay madali mong masasanay ang iyong sarili sa labas ng city. Mas ligtas din ang paraang ito! Kinausap kita ngayon at inihanda na ang mga kinakailangan mo para makapasok ka sa 'Fire Hammer Squad'".

"Fire Hammer Squad?" tango ni Luo Feng.

Pinahahalagahan talaga siya ng chief Zhu Ge Tong na iyon at sa simula pa lang ay pinasali na niya ito sa isang warlord level fighter squad.

Ang mga squad na lumalabas ng city para manghuli ng mga halimaw sa mga gubat ay mayroong magkakaibang mga skill level. Pangkaraniwan na kapag ang isang team ay may miyembro na isang warlord level fighter ay masasabi na nila na ang team na iyon ay isa ng warlord level squad.

"Luo Feng" tinapok ng Fire Cannon na si Chen Gu ang balikat ni Luo Feng at malakas itong tumawa "Ako ang vice captain ng Fire Hammer Squad! Poprotektahan kita kapag kasama kita sa labas. Pero kinakailangan ko munang sabihin ang mga hindi magagandang puwedeng mangyari rito. Ang mga miyembro ng fire hammer squad na katulad ko ang magbibigay ng mga pagkakataon sa iyo para makapagsanay kang humuli ng mga halimaw sa labas, pero kinakailangan mo na magsikap at huwag umasa sa amin sa lahat ng oras. At kung hindi ka masasanay pagkatapos ng unang misyon ay wala ka kaming iba pang makakagawa kung hindi ay tanggalin ka sa aming squad"

"Naiintindihan ko po kuya Chen" tawa ni Luo Feng habang tumatango ito.

Ang isang fighter squad ay palaging nasa gitna ng buhay at kamatayan. Malaki ang magiging epekto sa amin kung mayroon kaming isang miyembro na nagiging pasakit sa amin.

"Kung naiintindihan mo ang lahat ng ito ay puwede na akong magrelax." Tumawa ang Fire Cannon na si Chen Gu habang sinasabi niya ito "nabili mo na ba ang lahat ng mga sandata at gamit na kinakailangan mo?"

"Hindi pa po, naghahanda po ako para bumili ng matataas na kalidad na mga sandata at equipment pero kinakailangan ko munang magkaroon ng isang one star contribution rank para mabili ko ang lahat ng iyon sa kalahating presyo" tila walang pagasa na umiling si Luo Feng nang sabihin niya ito.

Nagsimulang tumawa ang Fire Cannon na si Chen Gu nang marinig niya ito: "Ang simple lang ng problema mo bata. Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan mo at ako na ang bibili ng mga iyon para sa ito! Wala kang sapat na contribution points na mayroon ako! Hindi na rin ako nalalayo sa 2 star contribution rank kaya puwede ko nang bilhin ang lahat ng yan sa kalahating presyo at saka mo ako bayaran sa account ko mamaya tama?"

"Oo nga" tango ng punongguro na si Wu Tong sa isang tabi, "Ang mga gamit gaya ng cold o heated weapons ay mabibili ng iba para sa iyo ng walang problema. Siyempre, ang mga bagay kagaya ng mga scrolls ay hindi maaaring bilhin ng iba para sa iyo".

Tumango si Luo Feng.

Ito ang alam niya, halimbawa ay ang binili niyang Nine Stage Thunder Blade ay makikita sa mga database ng Dojo of Limits, Underground Alliance, ng Thunder Dojo, etc. Makikita nila na binili ni Luo Feng ang unang tatlong stages ng Nine Stage Thunder Blade. Sa paraang ito ay maaaral niya ito ng walang problema.

Pero kung ipapahiram niya ito kay Yang Wu at nahuli nila ito na nagaaral ng Nine Stage Thunder Blade na binili ni Luo Feng ay agad na mananagot si Luo Feng sa batas dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya at pagkalat ng Nine Stage Thunder Blade scroll na lumabag sa karapatan ng Thunder God sa ginawa niyang scroll na ito.

Kung hindi mo ito binili ay wala kang karapatan para aralin ito!

At kung magpapabili ka sa iba ng isang scroll na katulad nito, ipapakita sa database na ang may karapatan lang na magaral ng scroll na ito ay ang taong pinakisuyuan mo. At dahil walang kahit anong nakalagay na binili mo ang scroll na ito ay wala kang karapatan para aralin ito kahit na sa iyo pa nanggaling ang perang pinambili mo rito. Pero walang ganitong restriction sa pagbili ng mga sandata at equipment.

"Ilista mo ang lahat ng mga sandata at equipment na kinakailangan mo at bibilhin ko ang lahat ng iyan kapag nakabalik ako" sabi ni Chen Gu.

"Sige po"

Tumango si Luo Feng at agad niyang isinulat ang lahat ng mga kailangan niya sa isang pirasong papel.

���

���

All class 5 equipment, the battle uniform set's half price was 9 million, the 2nd series ghost blade's half price was 3 million, the 5th series shield was 1.5 million, and the ten 6th series throwing knives cost 1.5 million. For a grand total of 150 million. With his bag and tactical communications watch, Luo Feng was set.

Lahat ng class 5 equipment, ang kalahating presyo ng battle uniform ay 9 million, ang half price ng 2nd series ghost blade ay 3 million, ang 5th series shield ay 1.5 million at ang sampung 6th series throwing knives ay nagkakahalaga ng 1.5 million. Ang lahat ay may grand total na 15 million. Kasama ng kaniyang bag at tactical communicatons watch, ang lahat ay handa na para kay Luo Feng.

Luo Feng's home's 2nd floor in the training area.

Sa training area sa 2nd floor ng villa ni Luo Feng.

Dawn's light shone through the window which made the entire training area bright. Luo Feng was wearing a loose dojo uniform and kneeled on the floor. The training area was over 100 ping in size and was completely empty. It was just Luo Feng sitting in the middle, and in front of him was a scroll—

Agad na tumama ang sinag ng araw sa kanilang mga bintana pagsikat nito na nagpaliwanag sa buong training area. Makikita ang lumuhod sa sahig na si Luo Feng habang suot suot ang maluwag niyang dojo uniform. Mayroong sukat na 100 ping ang walang laman na training area. Tanging ang makikita mo lang dito ay ang nakaupong si Luo Feng at isang scroll sa kaniyang harapan---

"Nine Stage Thunder Blade"��

"Nine Stage Thunder Blade"

"Seems like the ��Nine Stage Thunder Blade��is very difficult to learn, I wonder why" Luo Feng opened the scroll and and looked at it.

"Mukhang napakahirap daw aralin ng Nine Stage Thunder Blade na ito, Bakit kaya?" Binuksan ni Luo Feng ang scroll at tiningnan ang laman nito.

avataravatar
Next chapter