67 Ang Namatay na Wargod, 'Lu Gang’

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Natawa na lang si Luo Feng nang marinig niya ito. Napakainteresting talaga ng mundong ito dahil limang buwan pa lang ang nakakaraan mula noong nagpunta siya sa dojong ito para kumuha ng prospective fighter exam. Noong mga panahong iyon ay nakatira pa ang kanyang pamilya sa isang maliit na apartment sa loob ng isang malaking apartment complex. Pero sa loob lang ng isang iglap ay nakatira na sila sa isang malaking villa sa loob ng Ming-Yue sector habang kumikita ng milyon milyon ng walang kahirap-hirap!

"Kayo pa rin po dapat ang sumubok sa kanila uncle Wu. Pupunta na lang po ako mamaya para tumingin sa mga rookie na susubok sa exam," tumawa si Luo Feng habang papaupo sa isang tabi. Agad na dinala ng isang waiter ang tsaa at desserts na inorder niya kanina.

"Crazy," natatawang sinabi ng isang lalaki na nakasuot ng dojo uniform, na isa ring instructor sa Dojo of Limits, "Narinig ko na nakapatay ka raw ng higit 10,000 na halimaw nitong nakaraang dalawang buwan? At ang karamihan sa mga iyon ay mga high soldier level monsters kung di ako nagkakamali? Kung gayon ay naabot mo na ba ang beginner level warlord level?"

"Mukha nga," tumango ang isang taong katabi ng instructor na ito.

Tumango rin si Wu Tong at sinabing, "Napakaimposible para sa isang advanced level warrior na madaling makapatay ng ganoong karaming halimaw. Kahit na hindi pa man nakakatungtong ang kanyang body fitness level sa pagiging beginner level warlord ay masasabi pa rin nating nakatungtong na siya sa level na ito dahil sa mga halimaw na napatay niya. Naalala ko rin na nagsasanay si Luo Feng sa Nine Stage Thunder Blade kaya mukhang nakikita ko na ang epekto nito sa iyo ngayon."

Nanigas si Luo Feng nang marinig niya ito.

Hindi ba iyon ang dahilan?

Sa pagkakapatay niya ng 10,000 na halimaw sa loob lang ng dalawang buwan na karamihan ay high level soldier monsters ang nakapagbigay ng idea sa kanila na nakatungtong na siya sa 'beginner warlord level' dahil hindi ito kakayanin ng sinumang fighter na may body fitness level ng isang advanced level warrior.

"Talagang napakahirap sanayin ang Nine Stage Thunder Blade bukod sa napakamahal na presyo nito," sabi ng ibang fighters.

"Oo nga mahirap nga," tawa ni Luo Feng habang tumatangong sinabi na, "Nakatiyamba lang ako na magkaroon ng iilang accomplishments sa pagsasanay noon."

"Talaga?"

Napansin ng kahit na sinong fighter na nasa lobby kabilang ang punongguro na si Wu Tong ang kakaibang itsura ng mga mata ni Luo Feng. Itinuturing na isang ultimate instruction manual ang Nine Stage Thunder Blade. Iilang fighters lang ang bumili at nagsanay sa instruction manual na ito at ang karamihan sa mga ito ay hindi nagawa ang unang stage ng instruction manual. Ang pagsasanay sa instruction manual na ito ay nangangahulugang…. Magkakaroon ka ng kakayanang maging lamang sa bawat pakikipaglaban na haharapin mo!

"Luo Feng," sabi ng isang boses na galing sa labas. Lumingon si Luo Feng at nakita niya ang kanyang Kuya Chen.

"Narinig ko na nakabalik ka na Luo Feng pero hindi ko naisip na nandito ka na ng ganito kaaga," tawa ni Chen Gu habang naglalakad papasok sa lobby, "Oo nga pala, balak mo bang pumunta sa burol ni senior Lu Gang bukas?"

"Isa itong malaking bagay kaya pupunta kaming lahat. Aasahan namin ang pagpunta mo doon bukas Luo Feng," sabi ni Wu Tong.

Nagbuntong-hininga na puno ng emosyon si Luo Feng bago ito tumango.

Siyempre ay kinakailangan niyang dumalo sa mga ganoong event.

Isang napakalakas na wargod ang namayapang senior nila na si Lu Gang dahil sa isang grade 3 rat tide! Kahit na hindi niya naranasan na makaengkwentro ng isang rat tide ay nasa loob siya ng Forsaken Land noong maganap ito… Ang tanging nagawa na lang niya ay manghinayang sa namayapang fighters. At natural na kailangang pumunta ni Luo Feng sa burol ng kanilang senior para magbigay respeto sa mga nagawa nito.

Pinanood ni Luo Feng ang prospective fighter exam ngayong araw. Tatlo sa walong tao ang pumasa at naging ganap na prospective fighters.

Mayroong isang tao na kilala si Luo Feng sa walong ito. Isang elite member mula sa Dojo of Limits ng Zhi-An region pero sa kasamaang palad ay hindi ito nakapasa.

Pagsikat ng araw kinabukasan ay mararamdaman ang napakalamig na panahon sa isang burol sa Heroes Hall ng Jiang-Nan City. Makikitang napakahigpit ng seguridad dahil napakaraming tao ang dadalo para magbigay respeto sa kanilang senior na si Lu Gang.

Magkakasamang pumunta ang limang miyembro ng Fire hammer Squad habang nakasuot ng damit na kulay itim.

"Kakaunti pa lang ang tao ngayong araw," sabi ni Chen Gu habang nilalanghap ang hangin. Tumingin si Luo Feng sa kanyang paligid at nakita niya na napuno ang mga kalye sa paligid ng Heroes Hall ng mga taong dumalo para magbigay respeto kay Lu Gang. Napakaimportante ang unang araw ng burol kaya ang mga fighters, mga miyembro ng pamilya ng namayapa, mga high ranking government officials, at iba pa ang pinahihintulutang makapasok sa loob.

At mula kinabukasan hanggang sa ikapitong araw ay pahihintulutan ang mga pangkaraniwang tao na magbigay respeto sa namayapang wargod fighter.

At kahit ganoon nga ay mayroong 10,000 na tao na nagtipon-tipon dito ngayon, ang karamihan sa mga ito ay ang matataas na tao sa Jiang-Nan City. Ang iilan sa kanila ay ang mga pinuno ng mga malalaking negosyo, ng gobyerno at ng army. Mayroon ding napakaraming fighters na dumalo ngayon dito. Kasama na sa mga fighter na ito ang mga napakalakas na wargod level fighters!

Pangkaraniwan na nagbibigay respeto ang mga wargod level fighters sa kapwa nilang wargod level fighter na namayapa sa mundo.

"Maging ang national television ay nagpunta rin ngayon dito," sabi ni Luo Feng habang pinapanood ang news vehicle na papasok sa Heroes hall.

"Ang burol ng isang wargod ay pangkaraniwang binobroadcast sa buong bansa," nagpapasalamat na sinabi ni Gao Feng, "Bihirang namamatay ang mga wargods sa buong China taon taon."

Ang mga fighters na may ranggong wargod pataas lang ang may pribilehiyong maibroadcast sa buong bansa. Kaya natural na hindi makakatanggap ng ganitong uri na trato ang mga fighters na nasa warrior at warlord level. Maging ang mga nangungunang heneral ng army ay nakakatanggap din ng ganitong pribilehiyo mula sa bansa.

"Tingnan mo, iyon ang mayor ng Jiang-Nan City. Ayon siya oh, palagi iyan nagpapakita ng mukha sa telebisyon."

"Hmmm, tingnan mo naman doon, iyon ang head ng Xu Family na isa sa 12 families ng HR alliance."

Noong marinig ito ni Luo Feng ay agad siyang napatingin sa Xu Family. Doon ay nakita niya ang isang matandang lalaking maputi ang buhok, may pagkataba at may edad na nasa 80 to 90 years old. Pero nararamdaman ng lahat ang isang aura ng awtoridad sa paligid niya. Makikita sa kanyang likuran ang apat na kanyang subordinates.

"Makikita naman dito ang napakalakas na wargod fighter na si Zhu Ge Shan. Siya ang kapatid ng ating chief instructor na si Zhu Ge Tao."

Makikitang nag-uusap ang karamihan sa mga fighter sa kanilang paligid.

Talagang napakaimportante ang mga tao na dumalo sa unang araw ng burol ng namayapang wargod. Maging sa larangan man ng gobyerno, army, negosyo o fighters. Ang lahat sa kanila ay humahawak ng napakataas na posisyon sa larangang kanilang pinasukan.

"Magsisimula na ang burol," sabi ni Gao Feng habang nakatingin sa kanilang harapan, "Pero kinakailangan pa nating maghintay ng kaunti bago tayo makapasok sa loob."

"Maghintay na muna tayo dito tutal hindi natin masyado ring nakikita ang mga importanteng tao," tawa ni Chen Gu.

Tumayo si Luo Feng at ang kanyang mga kasamahan sa kalye at naghintay sa likod ng napakaraming bilang na fighters. Nagsimula nang magsipasok ang mga VIP sa burol.

"BEEP!"

Isang fighter aircraft na may itsura na parang isang dark saucer ang dumating mula sa malayong lugar. Hindi ito hinarangan ng army na nakapaligid sa lugar. At maging ang mga napakalakas na wargod fighters, ang mayor ng Jiang-Nan City at ang mga matataas na opisyal ng army at ng gobyerno ay nagsilabas mula sa burol upang batiin ito.

"Dumating na ang big one," kumislap ang mga mata ni Chen Gu.

"Grabe, anong klase ng tao ang dumating ngayon?" maging si Gao Feng ay nagulat sa kanyang nakita.

Ang mga tao ngayong araw ay ang mga taong nangunguna na sa upper class society ng China. Halimbawa, ang mga wargod fighters ay ang mga nangunguna sa mga fighters, ang mayor ng Jiang-Nan city ay walang duda na isang top official. Mayroon lang anim na headquarter cities sa buong China kaya mas importante siya kaysa sa isang gobernador bago ang Grand Nirvana Period.

Pero lahat sila ay nagsilabasan para batiin ang taong nakasakay sa aircraft na ito.

"Sino siya?" tiningnan ito ng maigi ni Luo Feng. Tumingin din ng maigi ang lahat ng mga fighters sa kanyang paligid maging ang mga reporters sa national television. Walang sinuman sa kanila ang gumawa ng kahit na anong ingay.

Isang nakakabinging katahimikan ang maririnig sa buong lugar sa mga oras na ito.

Dahan-dahang lumapag ang fighter aircraft na ito at pagkatapos ay bumukas ang mechanical door nito.

Isang payat na lalaki na mayroong kurbadong ilong at nakasuot ng itim ang bumaba sa hagdanan ng fighter aircraft. Mukhang hindi siya masaya. Makikita rin sa mga mata nito ang kanyang luha. Ang mga taong may layo na 10 meters mula sa kanya ay nakaramdam ng matinding kalungkutan mula sa taong ito.

"Mr. Zhu," sabi ng isang napakalakas na wargod fighter.

Nagbuntong-hininga ang lalaking may kurbadang ilong at hindi nagsalita. Tumango naman ang mayor ng Jiang-Nan city at ang mga matataas na opisyal galing sa Kyoto City at sa army bago pumasok muli sa loob ng heroes hall.

Sumunod sa mga ito ang iilang tao na kanilang kasama.

Ang kumpletong katahimikan ay maririnig pa rin hanggang sa mga oras na ito.

Nagsimula lang magusap-usap ang mga tao sa labas noong makapasok na ang mga importanteng tao na ito sa loob ng Heroes Hall.

"Sino ang lalaking iyon?" takang taka na tanong ni Luo Feng. Walang duda na nakapuwesto sa pinakatuktok ng China ang lalaking iyon. Napakadalang sa mga wargod fighters na bumati sa isang leader ng bansa at pangkaraniwan para sa kanila na hindi rumespeto ng mga high ranking officials mula sa gobyerno.

"Hindi ko alam," umiiling na sagot ni Chen Gu at ng iba pa nilang kasama.

Gumalaw ng kaunti ang mga tainga ni Gao Feng at tahimik na sinabing, "Narinig ko sa isang iyon sa harap na ang pangalan daw ng lalaking iyon ay Zhu Xi. Narinig ko na ang pangalang Zhu Xi noon. Isa siyang kilalang wargod level fighter. Pero wala na akong narinig sa kanya mula noon dahil madalang lang itong magpakita sa publiko. Nabasa ko sa internet na nalampasan na ng Zhu Xi na ito ang wargod level at isa sa mga pinakamalalakas na fighter sa buong mundo."

"Isang fighter na nakalampas na sa wargod level?" huminga ng malalim si Luo Feng at ang mga kasama niya.

Wow.

Ang isang tao na kagaya niya ay kayang humarap sa isang buong bansa! Nararapat lang na yumuko ang isang buong bansa sa mga ganitong klase ng tao na isa sa mga pinakamakapangyarihan na tao sa buong mundo. Hindi na magtataka ang kahit sinuman kung bakit naglabasan ang mga matataas na tao mula sa business, gobyerno, army at maging mga wargod fighters para batiin lang siya.

Puwede nating sabihin na---

Ang isang tao na kagaya niya ay para nang isang diyos sa buong sangkatauhan.

avataravatar
Next chapter