66 Chapter 66: Ang Skill Test

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa Ming-Yue sector ng Yang-Zhou City, tahanan ni Luo Feng.

Makikita si Luo Feng na kumakain ng hapunan kasama ang kanyang mga magulang at kapatid sa loob ng kanilang villa sa Ming-Yue sector. Noong unang punta ni Luo Feng sa Forsaken Land ay nagtagal lang siya ng pito hanggang walong araw kasama ang Fire Hammer Squad. Pero nitong pagbalik niya doon ay tumagal siya ng halos dalawang buwan sa kanyang pagsasanay doon. At kahit na halos palagi naman silang magkausap sa telepono noong mga panahong iyon ay hindi pa rin nito mapapantayan ang sayang nararamdaman niya noong kasama na niya ang kanyang pamilya.

Matapos ang hapunan sa kuwarto ni Luo Hua.

"Ano yang sinusulat mo Luo Hua?" tumawa si Luo Feng matapos niyang makita ang napakahabang sinulat ng kanyang kapatid sa word document ng laptop nito.

"Nirereview ko lang ang losses ko sa stock last month at inaayos ko lang yung teorya ko tungkol sa stock market kuya," tumatawang sagot ni Luo Hua kay Luo Feng, "Ang main theory ko na ito kuya ay ginawa ko noong ilang buwan kuya. Pero sa tingin ko ay mas matagal pa ang gugugulin ko sa pagsasaayos nito para makumpleto ng tuluyan."

Tumawa si Luo Feng: "Hindi mo na kailangang sabihin sa akin iyan Luo Hua. Wala rin naman akong idea sa mga pinagsasasabi mo eh. Oo nga pala, kumusta na yung mga stocks mo nitong tatlong buwan?"

"Hindi maganda kuya dahil bumagsak ito ng 10%. Pero itong mga stock na pinili ko naman ay mga quality stocks kaya sa pamamagitan lang ng kaunting manipulasyon ay madali akong nakakuha ng 50% nitong tatlong buwan," tugon ni Luo Hua ng may buong tiwala sa kanyang sarili. Matapos niyang marinig ang sinabi ng kanyang kapatid ay napangiti rin si Luo Feng. Sa totoo lang ay mayroon nang kaunting kaalaman sa stocks si Luo Feng dahil sa pagsesearch nito sa internet.

Sa ngayon ay globalized ang buong stock market. Pero mayroon pa ring mga sitwasyon na kung saan hindi nagkakatugma ang bawat rehiyon nito. Puwedeng magcollapse ang buong stock market na magreresulta sa inflation ng ilang mga rehiyon. Maaari ring mangyari na atakihin ang ilang lugar ng mga halimaw at sumailalim sa hindi kapanipaniwalang deflation.

Sadyang napakahirap na makipagpalitan ng stocks dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari na kagaya nito.

"Talaga? Edi kumita ka ng 10 million?" nasusurpresang sinabi ni Luo Feng. Dahil kumita ng husto si Luo Feng sa pagpatay ng isang hunter tatlong buwan na ang nakalilipas, binigyan niya ang kanyang kapatid ng 20 million para iinvest sa kanyang stocks. At kahit na alam niyang risky ang pagbibigay ng masyadong malaking halaga sa stocks ay ginawa pa rin niya ito dahil malaki ang tiwala niya sa kanyang kapatid.

"Hmm, maganda yan ah."

Kinuha ni Luo Feng ang kanyang cellphone at mabilis na pumasok sa internet bank para gumawa ng isang transaction.

"BEEP!"

Matapos nito ay kinuha ni Luo Hua ang kanyang cellphone at nagulat sa kanyang nakita. Nakatanggap siya ng isang mensahe na nagbago ang balance sa kanyang bank account—" Your card ending in 3206 has increased by 50 million on 11/30 21:51."

"50 million Kuya?" gulat na gulat na tanong ni Luo Hua habang nakatingin sa kuya niyang si Luo Feng. Hindi maliit na halaga ang 50 million dahil sa ngayon ay napakalaki na ng halaga ng Chinese dollars. Ang exchange rate nito sa earth dollars ay umaabot ng 3.5 Chinese dollars per earth dollar kaya hindi makatotohanan maging sa mga mangangalakal at businessman galing China na maglabas ng 50 million mula sa kanilang mga bulsa.

"Ipagpatuloy mo lang Luo Hua, sigurado akong kaya mo yan," tawa ni Luo Feng.

Kumislap ang mga mata ni Luo Hua at seryosong tumango sa kanyang kuya.

Nagbigay ng isang sense of accomplishment kay Luo Hua ang pagkontrol ng malaking halaga ng pera sa stock market. Nagsimula niyang pag-aralan ang stock market noong mabaldado siya ilang taon na ang nakalilipas. Nasubukan na niya ang lahat ng klase ng stock mula noong magsimula siya kaya sa wakas ay confident na siya sa kanyang mga ginagawa rito.

Puwede na nating sabihin na isa na siyang master sa stock market.

Pero maging ang isang master ay puwedeng bumagsak sa stock market. Ito ang dahilan kung bakit napakataas ng psychological pressure sa larangang ito.

"Huwag kang masyadong magpuyat ha," tumatawang sinabi ni Luo Feng bago ito bumaba sa hagdan.

Wala lang para kay Luo Feng ang 50 million na ibinigay nito kay Luo Hua. Dahil kumita na siya ng higit 80 million sa pagsasanay niya pa lang sa loob ng dalawang buwan. Kahanga-hanga ang pamamaraang ito sa maraming fighters pero sa kasamaang palad ay hindi nila malaman-laman kung paano gawin ito…. dahil isang spirit reader si Luo Feng. Kung gugustuhin niyang kumita ng malaking halaga ay maaari niyang gamitin ang kanyang spiritual force para manghuli ng napakaraming halimaw.

...

Noong nakaraang gabi lang ay napakalakas ng ulan, pero ngayong gabi ay napakaliwanag ng mga bituin. Nagliwanag ang mga ito sa salamin sa kisame ng training hall sa ikalawang palapag ng villa habang paulit-ulit na nagsuswing ng kanyang blade si Luo Feng ng napakaraming beses. At sa bawat pagswing nito ay pinupush niya ang kanyang katawan sa limit nito para magawa ang dalawang stages ng Nine Stage Thunder Blade na kanyang natutunan. At dahil sa tindi ng kanyang pagsasanay na umabot ng 20 oras sa loob ng resupplying base, ang pagsuswing niya ngayon ng napakaraming beses bilang pagsasanay ay tatagal lang ng 30 minutes bago siya mapagod ng tuluyan.

Matapos noon ay sasailalim si Luo Feng sa kanyang Dao-Yin technique na tinatawag na "Nine Stage Hun Yuan'.

At sa huli ay sasailalim siya sa genetic energy training na tinatawag na 'Wu Xin Xiang Tian'.

"CHICHI~~" nakangiting nakaindian seat si Luo Feng sa sahig habang sumasailalim sa 'Wu Xin Xiang Tian' dahil ramdam na ramdam nito ang napakabilis na pagpasok ng cosmic energy sa kanyang katawan. "Matapos kong magawa ang unang stage ng Nine Stage Thunder Blade ay dumoble na ang training rate ko! At ngayong nagawa ko na rin pati ang ikalawang stage nito ay lalong dumami ang cosmic energy na kayang higupin ng aking katawan!"

Minuminutong lumipas ang oras.

Matapos ang ilang sandali.

Para bang masayang dumighay ang lahat ng cells sa kanyang katawan, hindi na kaya ng kahit isang cell niya na umabsorb pa ng genetic energy.

"Matapos kong magawa ang unang stage ay dumoble ang training rate ko! Pero hindi ganoong tumaas ang training rate ko noong magawa ko ang ikalawang stage sa instruction manual pero tumaas naman ito ng halos 30%!" Humahangang sinabi ni Luo Feng. Talagang kahanga-hanga at hindi mapapantayan ang Nine Stage Thunder Blade sa buong mundo. Lalo na kung samahan mo pa ito ng Dao-Yin technique na kayang pataasin pang lalo ang training rate ng fighter na nagsasanay sa Nine Stage Thunder Blade.

"Nagsanay ako ng husto dito sa bahay ng isang buwan at nagsanay pa ako sa Forsaken Land ng dalawa pang magkasunod na buwan kaya gaano na kaya ang inilakas ko matapos nitong tatlong buwan ng pagsasanay kong ito?" Nagtaka si Luo Feng na may kasamang pag-asa.

Walang duda na mabilis na lumalakas si Luo Feng sa bawat araw ng kanyang pagsasanay nitong tatlong buwan ang nakalilipas.

At dahil isa siyang spirit reader ay mas mabilis ang paglakas ng katawan niya sa pamamagitan ng kanyang spiritual force. Isa na ito sa mga dahilan kung bakit napakabilis lumakas ang mga spirit readers. Isama mo pa rito ang kanyang pagsasanay sa Nine Stage Thunder Blade at ang pakikipaglaban niya sa gitna ng buhay at kamatayan nitong dalawang buwan ang nakalilipas.

Kung pagsasama-samahin ang tatlong factors na ito ay mapapansin ang rate of growth ni Luo Feng na mas mabilis ng lima hanggang anim na beses kaysa sa isang above-average na fighter.

"Pupunta ako sa Limit Hall bukas para sukatin kung gaano na ako kalakas ngayon," Gustong gusto ni Luo Feng na makita kung gaano na nga ba kalaki ang inilakas niya matapos niyang magsanay ng ganitong katindi ng tatlong buwan.

���

Pagsikat ng araw, alas singko ng umaga. Makikita si Luo Feng na papunta sa Limit Hall.

"Bakit napakaaga mo namang gumising Crazy?" Mayroon ng mangilan-ngilang fighters sa sector na ito na gumagawa ng kani-kanilang mga morning practice.

"Narinig kong malaki kang kinita nitong dalawang buwan Crazy ah."

"Kung ganoon ay dapat manlibre ka naman. Ilibre mo kami ng mga kuya mo sa sector na ito ng masarap na pagkain hehe."

Natawa ang iilang mga fighters habang isa-isang bumabati sa bagong dating na si Luo Feng.

Walang sinuman sa kanila ang nakakaalam sa kinita ni Luo Feng sa pagkakapatay niya sa 'Hunter Silver Moon Wolf', pero marami sa mga ito ang nakakakilala kay Luo Feng dahil sa napakaraming halimaw na napatay niya sa mga nakaraang buwan. Isang battle record para kay Crazy ang pagkakapatay niya sa 10,000 soldier level monsters sa loob lang ng dalawang buwan.

Kaya wala nang nagtataka kung bakit naging 'Crazy' ang kanyang naging palaayaw.

At dahil din sa nagawa niyang ito ay tumaas ang tingin at respeto ng mga kapwa niyang fighters sa kanya. Kahit na gaano ka kahina sa isang labanan, ang pagpatay ng 10,000 na halimaw ang talagang makapagpapahusay sa iyo. Practice makes perfect ika nga.

"Sige walang problema, ok ba kayo ngayong gabi?" tawa ni Luo Feng.

Matapos niyang makapasok sa Limit Hall ay nakita siya ng isang reception lady at sumigaw ito na, "Napakaaga niyo po ngayon Mr. Luo, wala pa pong gaanong tao ngayon dito. Gusto niyo po ba ng maiinom? Ipaghahanda ko po kayo."

"Hindi pa ngayon pero maghanda ka ng tsaa at dessert. Kakain ako pagbaba ko mula sa taas," tawa ni Luo Feng bago ito umakyat sa taas.

Sa 6th Floor ng Limit Hall.

Laking pagpapasalamat ni Luo Feng noong makita niya ang napakalaking training hall sa 6th floor ng Limit Hall. Ito ang lugar kung saan siya kumuha ng kanyang prospective fighter exam. Sino ba namang mag-aakala na sa loob lang ng isang kisapmata, ang isang prospective fighter noon ay isa na ngayong elite fighter. Binuksan ni Luo Feng ang fist strength machine at ang speed testing machine.

Matapos buksan ang speed tester ay tumungtong si Luo Feng sa track.

"Tingnan natin kung gaano na ako kalakas.""HU!" agad na tumakbo ng napakabilis ang kaninang relax na relax na si Luo Feng na para bang bala na nanggaling sa pana. Sa loob lang ng isang saglit ay nakaikot na siya sa buong track at matapos nito ay sinimulan na niyang bagalan ang kanyang takbo.

Tumingin si Luo Feng sa display ng speed tester upang makita ang kanyang bilis—"78.6 m/s"

"Maganda yan ah," kumislap ang mga mata ni Luo Feng.

Kinakailangan ng isang fighter ng bilis na umaabot sa 60 m/s para maabot niya ang body fitness level ng isang advanced level warrior at 90 m/s naman para maabot ang body fitness level ng isang beginner level warlord.

"Tingnan natin kung gaano na ako kalakas," naglakad si Luo Feng papunta sa harap ng fist strength testing machine bago ito huminga ng malalim at ipakita ang kanyang buong lakas!

BOOM!

Tumama ang kanyang kamao sa tester na para bang isang bala ng kanyon na nakapagpayanig ng husto sa fist strength tester machine. Matapos nito ay makikita ang isang numero na nakadisplay sa screen nito—'6,121 kg'

Pangkaraniwan na 4,000 kg ang kinakailangan upang maabot niya ang body fitness level ng isang advanced level warrior at 8,000 kg naman ang kinakailangan para sa isang beginner level warlord. Siyempre ay hindi dinedefine ng numerong ito ang kabuohang lakas ng iyong katawan dahil isa lang itong estimate. Nasusukat din ang lakas ng isang fighter sa kanyang record ng mga napatay na mga halimaw sa Forsaken Land.

Isang bahagi lang ng iyong lakas ang iyong body fitness.

"Tingnan naman natin ngayon ang force exertion ng Nine Stage Thunder Blade," Huminga ng malalim si Luo Feng bago idilat ang kanyang mga mata. Naglabas siya ng force mula sa kanyang mga paa na nakapagpayanig sa buong training hall ng kaunti. Umakyat ang force na ito mula sa kanyang paa papunta sa kanyang baywang. KAKAKA~~ bumuwelo ang bawat isang bahagi ng spine ni Luo Feng habang papunta ang force na ito sa kanyang kanang braso.

Kasabay nito ay ang dalawa pang magkakonektang force exertions mula sa kanyang baywang at likod na para bang maliliit na along nililikha ng pagtama ng isang patak ng ulan sa tubig.

Connect!

Ang second stage ng Nine Stage Thunder Blade na may lakas na higit sa 210% ng iyong kabuohang lakas, lumabas ka!

Patuloy itong pumunta sa kanang kamao ni Luo Feng habang gumagalaw ito papunta sa machine. Isang shock wave ang nabuo noong tumama ang kanyang kamao sa machine.

"BOOM~~" bumagsak ang kanyang target bago ito tumayo muli ng dahan-dahan.

Huminto muna sandali ang machine bago ito magpakita ng isang number sa display—"12,928 kg"

"Ok!" ngiti ni Luo Feng. 6121 times 2.1 is equal to 12,854. Pero isa lang estimate ang numerong lumalabas sa machine kaya maaari itong tumaas o bumaba. Sa madaling salita, ang kabuohang lakas ni Luo Feng ay halos tumutungtong na sa 13,000 kg ng force.

Ang kanyang aktwal na body fitness level ay pumapantay na sa isang advanced level warrior.

Pero kung gagamit siya ng Nine Stage Thunder Blade technique ay maaabot na niya ang body fitness level ng isang beginner level warlord. At mas mataas pa ito ng husto kaysa sa kinakailangang 8,000 kg na fist strength. Ang fist strength ng isang beginner level warlord ay naglalaro sa 8,000 kg at 16,000 kg.

"Ngayon ay tingnan naman natin ang aking reaction speed "

Pumasok si Luo Feng sa reaction speed testing room at sinet ito sa 'beginner level warlord' mode bago iset ang timer nito sa 5 seconds bago magsimula'. Matapos niyang pindutin ang red button ay mabilis siyang tumakbo papasok sa circle.

Sa loob ng circle.

Matapos ang 5 seconds ay maririnig ang isang "BEEP~~BEEP~~" na tunog sa machine bago magsimulang umikot ng napakabilis ang cannon nito. Matapos nito ay nagsimula nang maglabasan ang dose dosenang mga rubber bullets mula sa muzzles ng cannon sa machine na mabilis na pumunta papasok sa red circle.

"Napakabilis," sinabi ng nakatayong si Luo Feng sa gitna ng red circle bago ito gumalaw ng napakabilis.

Napakagaan pero napakabilis ng mga hakbang na kanyang ginawa.

At napakarelaxed rin ang mga ito. Kung makakakita ka man ng isang fighter na kasing bilis ng reaction speed ni Luo Feng ay hindi mo ito makikitang nakarelax habang nasa loob ng reaction speed tester machine dahil ang mga technique nila ay hindi kagaya kay Luo Feng na tumungtong na sa Ru Wei class. At dahil sa pagiging Ru Wei class ng technique niyang ito ay namaximize niya ang kanyang ability sa pag-ilag.

PU! PU! Dalawang bala ang tumama kay Luo Feng pero hindi siya nagdalawang-isip at nagpatuloy siya sa pag-ilag.

Matapos ang isang minuto ay tumigil na sa pag-ikot ang cannon ng reaction speed tester machine.

Tiningnan ng maigi ni Luo Feng ang display ng machine. "Hm? 60 seconds, 21 hits, 0 contacts sa red light, excellent?" Manghang mangha si Luo Feng sa nakuha niyang grade dahil nakakuha ito ng excellent score sa beginner warlord reaction speed test! Doon mo malinaw na makikita na nakapasok na ang kanyang technique sa Ru Wei class!

Sa totoo lang ay sinusukat talaga ng 'reaction speed testing machine' na ito ang iyong dodging ability!

At ang iyong dodging ability ay nakadepende sa iyong speed, reaction speed, awareness, etc. Pero ito na ang pinakamagandang paraan para sukatin ito.

"78.6 m/s"

"Umabot sa 6,121 kg ang fist strength ko pero kaya ko itong paabutin ng 13,000 kg."

"At excellent sa reaction speed test para sa isang beginner level warlord!"

Kuntentong kuntento na si Luo Feng sa ipinakitang resulta. Malinaw sa kanya na umabot na sa advanced level warrior ang kanyang body fitness level pero kaya pa niyang paabutin ito sa body fitness level ng isang beginner level warlord sa tulong ng Nine Stage Thunder Blade scroll at sa kanyang Ru Wei class na technique.

Matapos niyang sukatin ang kanyang lakas ay masayang bumaba si Luo Feng papunta sa lobby ng Limit Hall. Pagdating niya roon ay nakita niya ang iilang fighters na nakaupo at nagkukwentuhan dito.

"Crazy"

"Luo Feng," tumatawang sinabi ng punongguro na si Wu Tong kay Luo Feng, "Pumunta ka ba ng maaga para panoorin ang prospective fighter exam? Hindi mo na napanood ang mga prospective fighter exam nitong mga nakaraang buwan matapos mong maging isang fighter kaya maganda kung mapapanood mo ang test namin sa mga rookies. Malay mo sa susunod ay ikaw na mismo ang sumubok sa kanila hindi ba?"

Nanigas si Luo Feng nang marinig niya ito.

Prospective fighter exam?

Nga pala, ang petsa ngayon ay 12/1. Nagaganap sa unang araw ng bawat buwan ang prospective fighter exam kung maalala ninyo.

avataravatar
Next chapter