68 Si Guo Hai

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mararamdaman ang pagdadalamhati sa buong Heroes' Hall sa mga oras na ito. Mula sa mga government officials, sa mga heneral ng army hanggang sa mga wargod level fighters, ang lahat sa kanila ay nagbigay ng respeto. Maging ang national television ay patuloy na nagrecord sa mga nangyayari habang nagsasalita ang reporter nito sa harap ng camera. Ilang sandali pa ay oras na para kila Luo Feng na pumasok sa loob.

Habang papasok ang grupo ng mga fighters sa loob, ay mabilis na pumasok ang limang miyembro ng Fire Hammer Squad sa loob ng Heroes' Hall.

Makikita doon ang isang napakalaking litrato sa loob ng burol.

"Isang litrato lang, walang makikita na kahit isang parte ng katawan," manghang mangha na sinabi ni Luo Feng sa kanyang sarili. Walang duda na wala nang matitira sa iyo maging ang mga buto mo matapos mong mamatay sa walang katapusang rat tide! Buong respetong yumuko si Luo Feng at ang kanyang mga kasamahan ng tatlong beses habang napapaligiran ng mga tunog ng pagpipighati. Tahimik na nakaluhod sa gilid nila ang asawa at anak ng namayapang wargod fighter.

Agad na lumabas si Luo Feng at ang mga kasamahan niya sa Heroes' Hall.

Mas relaxed kung tutuosin ang mood sa labas ng hall kaysa sa puno ng pagdadalamhating aura na nasa loob nito.

"Napakakapos palad ni Senior Lu Gang dahil sa nangyaring ito sa kanya," nagbuntong-hininga si Gao Feng habang umiiling, "Natiyempuhan lang na nasa gitna na siya ng halos walang katapusang rat tide. At maging ang pinuno ng rat tide ay alam na isang napakalakas na fighter ng sangkatauhan si Senior Lu Gang kaya ibinigay nito ang lahat ng kanyang makakaya para mapatay ang fighter na ito! At kapag determinado ang rat tide ay wala ka ng magagawa para mapigilan ito."

Mahinang sinabi ni Luo Feng na, "Mula sa mga narinig ko tungkol sa pangyayaring iyon na nakuhanan ng mga satellites ay nakita nila na ilang dosenang mga skyscrapers ang nagbagsakan at ilang milyong mga rat type monsters na iyon ang namatay sa paglaban ni Senior Lu Gang sa walang katapusang rat tide. Maiisip ng kahit na sino ang mga nangyari sa mga oras na iyon."

Noong una ay hinabol si Luo Feng, Wan Dong at ang dalawa pa ng isang maliit na bahagi ng rat tide na kinabibilangan ng libo libong mga halimaw.

At wala man lang kahit isang commander level na halimaw sa rat tide na iyon o kung meron man, paanong hindi nahabol ng rat tide na iyon ang bilis nila Wan Dong? Maging ang isang maliit na rat tide ay nagbigay ng matinding pressure kay Luo Feng. Wala na siyang iba pang magagawa kung mapapaligiran ng mga ito kundi ang manginig. Dahil ang pangyayari na nakayanan ng isang wargod fighter na pumatay ng milyon milyong rat tide sa loob lang ng maikling oras ay nagpapakita kung gaano talaga ito kalakas.

"Kung naging maingat lang noong simula si Senior Lu Gang at iniwasan niya ang gitna ng rat tide ay hindi siya mamamatay ng ganoon," nagbuntong-hininga si Gao Feng.

Napakabigat ng kalungkutan sa labas ng Heroes' Hall at ang mga kalye sa paligid nito ay napupuno ng mga fighters, mga matataas na opisyal ng gobyerno, army at mga family corporations.

"Luo Feng," sabi ng isang boses na hindi kalayuan sa kanila.

Lumingon si Luo Feng at nakita niya si Xu Xin na nakasuot ng itim na damit malapit sa kanila. Nagbigay ang damit na suot ni Xu Xin ng isang napakalungkot na aura sa kanyang paligid.

"Wala ka bang klase ngayong araw Xu Xin?" tanong ni Luo Feng.

"Saturday ngayon kaya sumama ako sa aking pamilya papunta rito," natatawang sinabi ni Xu Xin.

Tumigil ng sandali si Luo Feng at natatawang sinabi sa kanyang sarili na, "Saturday pala ngayon, hay….. hindi ko na maalala ang mga araw mula noong magtapos ako sa highschool." Matapos mong maging isang fighter ay hindi mo na maiisip ang araw na mga lumilipas hindi kagaya noong estudyante ka pa lang na kung saan malinaw na malinaw pa sa iyo ang mga araw na nagdadaan.

"At ngayon na isang fighter na ang aking kaklase na si Luo Feng ay naiiba na siya kaysa sa iba pa nating mga kaklase," sinasadyang sinabi ni Xu Xin.

Ganito nag-usap sina Luo Feng at Xu Xin sa gilid ng kalye sa labas ng Heroes' Hall.

At nakita sila matapos ng ilang sandali ng kapatid niyang si Xu Gang na kasalukuyang nakikipagusap sa isang middle aged na babae. Napasimangot ito at humingi ng tawad sa kausap niyang babae, "May mga kinakailangan pa muna akong asikasuhin ngayon Director Zhang. Pagusapan natin ang tungkol sa dividing case na ito mamaya."

Ngumiti ang babae habang tumatango ito.

Naglakad si Xu Gang papunta sa isang puwesto malapit kila Luo Feng bago niya tingnan ang mga ito gamit ang gilid ng kanyang mga mata. Malinaw niyang nakita ang mga itsura nina Luo Feng at Xu Xin habang nag-uusap sa gilid ng kalye. Malinaw sa mga itsura nila na nag-eenjoy sila habang kausap ang isa't isa kaya lalong sumama ang mukha ni Xu Gang nang makita niya ito, "Mapride na tao ang kapatid kong ito kaya hindi ito nakikipagusap sa mga lalaking kasing edad niya kaya paanong ang Luo Feng na ito ay…"

Narating na ng kapatid niyang si Xu Xin ang tamang edad ng pagpapakasal kaya pinagtutuonan na ng pansin ng kapatid nitong si Xu Gang ang love life ng kanyang kapatid.

Kahit na ano pang mangyari…. Ay hinding hindi niya gusto si Luo Feng para sa kanyang kapatid.

"Ang isang fighter na mamamatay din balang araw ay patuloy na nangugulo sa aking kapatid? Habang lumalalim ang kanilang pinagsamahan ay mas lalong humihirap ang mga dadanasin ng aking kapatid sa hinaharap!" galit na galit na sinabi ni Xu Gang, "Sinabihan ko na iyang Luo Feng na iyang noong nakaraan. Kung naiintindihan niya ako ay dapat lang na lumayo sa siya sa aking kapatid! Hindi niya naapreciate ang kabaitang binigay ko sa kanya noong mag-usap kami!"

Galit na galit si Xu Gang noong mga oras na iyon, pero ano nga ba ang mga kaya niyang gawin kapag galit siya?

Hindi siya basta-bastang susugod na lang na pangkaraniwang ginagawa ng isang galit na tao.

"Hm?" hindi inaasahang mapatingin si Xu Gang sa isang tao hindi kalayuan sa kinatatayuan niya at matapos ang isang saglit ay sinabi niya sa kanyang sarili na, "Papakitaan ko ang Luo Feng na ito ng sakit para malaman niya kung saan dapat siya lumugar!"

Habang iniisip niya ito ay naglakad si Xu Gang sa kaliwa ng kanyang kinatatayuan.

"Master Xu," bati ng isang napakaguwapong binatang kalbo kay Xu Gang.

"Guo Hai," tawa ni Xu Gang, "Hindi ko akalaing makikita kita rito. Akala ko ay nasa Forsaken Land ka pa rin ngayon."

"Isang napakalaking bagay ang burol ni Senior Lu Gang kaya paanong hindi ako pupunta ngayon dito?" Tumingin ang guwapong binata sa Heroes' Hall habang umiiling niyang sinabi habang nagbubuntong-hining, "Noon ay kumukuha ako ng mga pointers galing kay Senior Lu Gang. Sino ba namang makapagsasabi na magiging isang napakalakas at kahanga-hangang fighter si Senior Lu Gang hindi ba…."

Naramdaman na malungkot talaga si Guo Hai noong mga oras na iyon kaya palihim niyang iniling ang kanyang ulo at sinabing, "Hindi naman ganoon kalapit si Guo Hai sa wargod na si Lu Gang noong nabubuhay pa ito kaya hindi kaya ay nagpapasikat lang ito sa akin?"

Bilang isang mangangalakal ay hindi niya maiintindihan ang mga nararamdaman ng mga fighters sa isa't isa.

Hinding hindi malilimutan ng mga fighters na lumalakad sa gitna ng buhay at kamatayan ang mga pabor na hiningi nila sa mga kapwa nilang fighter. Kaya natural na hindi niya malilimutan ang payo ng isang senior habangbuhay.

"Kasama ko nga pala ngayon ang aking kapatid Guo Hai," tawa ni Xu Gang.

"Si Xu Xin?" Malakas na kabog ng dibdib ni Guo Hai, "Nasaan?"

Pilit na tumawa si Xu Gang at itinuro ang kinaroroonan nito gamit ang kanyang mga mata, "Oh, naroroon pala siya kausap ang isang batang fighter."

Nakita ni Guo Hai ang nag-uusap na sina Luo Feng at Xu Xin at napasimangot ng kaunti. Matapos nito ay nasusurpresa niyang sinabi na, "Ang alam ko ay hindi masyadong nakikipagusap si Lady Xu Xin sa mga fighters kaya baka magkakilala na sila noon pa." Kahit na gusto niya si Xu Xin ay hindi na siya naniniwalang magugustuhan siya pabalik.

"Matagal na nga silang magkakilala," umiiling na sinabi ni Xu Gang, "Magkaklase sila noon kaya medyo matagal-tagal na rin ang kanilang pinagsamahan. Dahil kung hindi lang siguro ay hindi ito makikipagusap sa kanya!"

Tumango si Guo Hai, totoo ngang napakadalang makipagusap si Xu Xin sa mga kaedad nitong mga lalaki.

Kahit na mayroon siyang matinding self control ay hindi pa rin maiwasan ni Guo Hai na makaramdam ng selos sa dalawa.

"Binalaan ko na ang batang iyan na lumayo sa aking kapatid pero mukhang mayroon siyang binabalak sa kanyang sarili para makuha ang aking kapatid," tingin ni Xu Gang kay Guo Hai, "Hindi man lang nakikita ng batang ito ang kanyang kinatatayuan. Isang warrior level fighter, sinong nakapagsasabi kung kailan siya mamamatay. Pero pinili niya pa ring guluhin ang kapatid ko! Isang pangkaraniwang tao ang naghahabol sa isang maharlikang gaya ng aking kapatid!"

Sumimangot si Guo Hai pero hindi pa rin nito maiwasang makaramdam ng pagkaproud sa kanyang sarili.

Hindi maiwasan ng mga batang katulad niya na ikumpara ang kanyang sarili sa iba. Sa ngayon ay isa na siyang intermediate level warlord! At 21 years old pa lang siya!

"Tama ka nga Xu Gang. Ang isang warrior level fighter ay nahihirapan pa rin sa pakikipaglaban sa Forsaken Land kaya sinong makapagsasabi kung gaano kaikli ang kanyang magiging buhay," tumango si Guo Hai, "Kung nag-aalala man lang ang batang iyan kay Xu Xin ay alam na niya dapat sa kanyang sarili na hindi na niya dapat pang lapitan ito."

"Iyan nga rin ang iniisip ko!" dagdag ni Xu Gang.

Tumingin si Guo Hai kay Luo Feng at nagtanong ng, "Oo nga pala, ano ang pangalan niya?"

"Ang pangalan niya ay Luo Feng at ilang buwan pa lang ang nakalilipas since naging fighter siya," sabi ni Xu Gang.

"Luo Feng?" sumimangot si Guo Hai, "Si Crazy?"

Natigilan si Xu Gang at naghihinalang tumingin kay Guo Hai, "Anong Crazy?"

"Crazy ang palayaw niya. Ang mga fighter na nakitaan lang ng potensyal ang nagkakaroon ng palayaw mula sa iba. Pangkaraniwang hindi nakakakuha ang isang fighter ng nickname kahit na gustuhin pa nila ito," Tumingin si Guo Hai kay Xu Gang bago itong nakasimangot na magsabi na, "Nakagawa na ng pangalan si Luo Feng sa mga fighters. At minamaliit mo ata ang batang iyan. Kahit na bago pa lang siya sa pagiging isang fighter ay nakapatay na ito ng 10,000 na halimaw sa loob lang ng dalawang buwan. Naririnig ko nga na ang karamihan sa mga ito ay mga advanced level soldier na halimaw. Kaya masasabi ko na isa na siyang beginner level warlord fighter!"

"Nakapatay siya ng higit 10,000 na halimaw? Sa loob lang ng dalawang buwan?" Ikinurap ni Xu Gang ang kanyang mga mata ng dalawang beses.

"At sinasabi mo ba na isa na siyang beginner level warlord? Isang 18 year old beginner level warlord fighter?" ito ang tanging nasabi ni Xu Gang noong marinig niya ito.

Tumango si Guo Hai bilang sagot sa gulat na gulat na si Xu Gang.

Nanlaki ang mga mata ni Xu Gang habang tumitingin kay Luo Feng na masayang nakikipagusap kay Xu Xin at hindi nito napigilan ang kanyang sarili at napamura na lang, "Bwisit! Inuto ako ng batang ito na mahina siya! Sino ba namang mag-aakala na isa siyang kilalang fighter!" Ang isang 18 year old na beginner warlord kumpara sa isang 21 year old na intermediate warlord. Si Luo Feng ang lamang kung potensyal ang paguusapan.

Biglang nagbago ang attitude ni Xu Gang sa mga oras na ito.

"Sinong mag-aakalang gusto rin pala ni Crazy si Xu Xin," ngiti ni Guo Hai "Interesting ka talaga Crazy!"

"Si Luo Feng ay tinatawag na Crazy… bilang palayaw."

Hindi makapaniwala si Xu Gang sa kanyang sarili, "Pero ang pagpatay ng 10,000 na halimaw sa loob lang ng dalawang buwan! Wala na nga siya sa kanyang sarili!"

avataravatar
Next chapter