62 Ang Nakakubling Mamamatay Tao

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahil napagdesisyunan niyang bumalik sa Forsaken Land, natural para kay Luo Feng na hindi na magdalawang-isip sa mga bagay na napagdesisyunan na niya. Kinahapunan sa Ming-Yue sector ng Yang Zhou City ay nagpaalam ulit si Luo Feng sa kanyang buong pamilya at sinabi ang kanyang pinaplanong pagbalik sa Forsaken Land ng mag-isa. Alam ng bawat isang miyembro ng pamilya ni Luo Feng noon pa lang na darating sila sa ganitong punto kaya natanggap na nila sa mga sarili nila na hindi nila palagi makakasama si Luo Feng dahil pinili nitong maging isang free fighter.

���

Noong kinagabihan, makikita ang liwanag mula sa buwan at sa mga bituin sa isang square shaped na salamin sa loob ng training hall.

Isang video ang makikitang nagpeplay sa puting pader nito. Mapapanood sa video na iyon ang isang fighter na nakikipaglaban sa isang napakalaking bear type monster na may taas na 8 to 9 meters. Makikita rin sa video ang pagbagsak ng mga matitibay na puno , ang pagkahati ng mga malalaking bato sa bundok at ang pagkabiyak ng lupa na kanilang tinatapakan habang nakikipaglaban ang fighter na iyon sa kalaban niyang halimaw. Iilan lang ito sa makikita sa napakalaking pagkawasak na nagaganap sa labanang iyon na mapapanood sa video.

Kasing bilis ng isang kidlat ang lalaking iyon habang maririnig sa kanyang blade ang tunog ng isang kidlat.

Habang nagpeplay ang video ay maririnig naman sa buong training hall ang isang taong nagpapaliwanag tungkol sa mga nagaganap sa labanang iyon. Isa ito sa mga video na nakalagay sa mga discs na kasama sa instruction manual ng Nine Stage Thunder Blade na binili ni Luo Feng.

"Ang isang A rank na halimaw, ang 'Boulder Bear Statue'. Kahit na sobrang laki ng katawan nito ay nagagawa parin nitong maabot ang speed of sound!" Pinakinggan ni Luo Feng ang nagdidiscuss sa video ng buong puso at may kasamang pagkagulat. Ito ay isang clip mula sa isang propesyunal na nakapagtapos sa pagsasanay ng Nine Stage Thunder Blade na kasalukuyang nakikipaglaban sa isang A rank 'Boulder Bear Statue' sa video. Pangalawa ang boulder bear statue sa pinakamalalakas na mga bear type na halimaw sa buong mundo.

Ayon sa classifications ng mga level---

Ang H, G at F level ay tinatawag na soldier level monsters.

Ang E, D at C level naman ay tinatawag na commander level monsters. Ang E ay low level, D ay medium level at C ay high level commander na halimaw.

At ang B, A at S level naman ay tinatawag na mga horde level monsters!

Ang boulder bear statue na kalaban ng professional sa clip ay isang medium level horde monster na may lakas na hindi mapapantayan. Maging ang isang bala mula sa kanyon ay hindi sasapat para masugatan ang malabato nitong balat na mas matigas pa kaysa sa isang diyamante! At kahit na mayroon itong napakalaking pangangatawan ay kaya pa rin nitong abutin ang speed of sound kaya natural lang na maclassify ito bilang isang horde leader….

Hindi naman gaanong nakakatakot ang pagabot ng bilis nito sa speed of sound. Pero ang lakas ng isang boulder bear statue ang talagang kinakatakutan ng mga kalaban nito.

"BOOM!"

Matapos ang ilang sandali ay maririnig ang isang tunog na parang isang kidlat at doon makikita ang ulo ng boulder bear statue na lumilipad nang napakataas sa ere.

"Tapos ka na ba magrecord? Ibenta mo yan pag nakabalik na tayo. At huwag mong kakalimutan ang copyright fees," asar ng napakalakas na fighter na pumatay sa 'Boulder Bear Statue'. Maririnig ang napakalakas na tunog na iyon sa buong training hall. Ang mukha naman ng fighter na nakipaglaban dito ay sadyang nakablur para hindi ito makilala.

KA!

At doon nagtapos ang video. Matapos nito ay agad na bumalik ang screen na nasa wall sa menu kung saan makikita ang napakaraming channels na available rito.

"Kailan kaya ako aabot sa punto na kaya kong pumatay ng isang boulder bear statue sa loob lang ng isang slash!" napaisip si Luo Feng sa kanyang sarili. Nagawa pa ng napakalakas na fighter na iyon na ivideo ang kanyang pakikipaglaban sa boulder bear statue. Dito makikita na buo ang tiwala niya sa kanyang sarili na madali niyang mapapatay ang napakalakas na 'Boulder Bear Statue'. Siguro nasa advanced level wargod na ang fighter na iyon.

Pinagbabawalan sa iilang mga channels ang mga discs na kasama sa binili niyang Nine Stage Thunder Blade.

Ang ilan sa mga kakaunting mga channels na makikita rito ay tungkol sa pamamaraan sa pagsasanay ng Nine Stage Thunder Blade. Pero sa isang channel mo lang mapapanood ang Thunder God na nagtetraining sa kanyang training hall sa kakaunting mga channels na ito. Napakasimple lang ng training scene na iyon kaya hindi makita ni Luo Feng kung ano ang espesyal sa video na iyon bukod kay Thunder God.

"Malinaw na may kakaunting bilang lang ng mga fighters na nagsasanay sa Nine Stage Thunder Blade sa buong mundo," Tiningnan ni Luo Feng ang kalangitan sa square shaped na salamin na nakakabit sa kisame ng training hall. Doon niya nakita ang walang katapusan na mabituing kalangitan.

Simula bukas ay sisimulan na niya ang kanyang matinding pagsasanay.

Sa loob ng isang sandali ay inoff na niya ang projector sa training hall at bumaba papunta sa 1st floor ng kanyang villa.

Hindi nakasarado ng maigi ang pintuan sa kuwarto ng kanyang kapatid. Noong tumingin siya ay nakita niya ang kanyang kapatid na nakaupo sa kanyang wheelchair sa tapat ng kanyang computer desk. Pero hindi ito nakatingin sa kanyang computer, nakayuko ito at naglalaro sa kanyang cellphone.

"Luo Hua," mahinang kumatok si Luo Feng.

Itinaas ni Luo Hua ang kanyang ulo at tumingin kay Luo Feng na nasa pintuan ng kanyang kuwarto, at hindi nito napigilang sabihin na "Hindi ka na marunong kumatok ngayon kuya?"

"Ikaw 'tong hindi nagsara ng pinto nang maigi," tumawa si Luo Feng habang pumapasok sa kuwarto bago isara ng tuluyan ang pinto sa kanyang likuran, "Ano iyang ginagawa mo? Tinetext mo ba yung girlfriend mo?"

"Oo kuya."

Nagpakita ng isang ngiti si Luo Hua bago ito tumawa at tumango.

Matapos makita ni Luo Feng ang nakalolokong itsura ng kanyang kapatid ay nasabi na niya sa kanyang sarili na gustong gusto talaga nito ang dalagang nagngangalang Xiao Nan. Anong itsura ng Xiao Nan na ito…. Hindi pa rin sigurado rito si Luo Feng. Pero noong minsan magpunta si Luo Hua kasama ang kanilang mga magulang sa park ay nakita nila ang isang babaeng nagngangalang Xiao Nan. At mukhang nag-iwan ito ng magandang impression sa kanila.

Marami nang pinagdaanan sa buhay ang kanyang mga magulang kaya magaling ang mga ito sa pagkilala sa isang tao. Kung naiisip nila na maganda siya ay nakasisiguro na siya na maganda nga siguro ang Xiao Nan na iyon.

"Dinala ka na ba ni Xiao Nan sa kanila para makilala ka ng mga magulang niya?" tanong ni Luo Feng.

"Masyado pang maaga para doon kuya," tawa ni Luo Hua habang iniiling ang kanyang ulo, "Freshman pa lang si Xiao Nan sa college ngayong taon kaya mayroon pa itong tatlo hanggang apat na taon bago gumraduate. Hindi rin nagmamadali si Xiao Nan na ipakilala ako sa kanyang mga magulang. At isa pa….. mayroon din akong kapansanan. Siguro ay nag-iisip pa ng paraan si Xiao Nan para maipakilala ako ng maayos sa kanyang mga magulang. Dahil magkakaroon kami ng problema kung sasabihin niya na lang ito ng basta basta. Halos lahat kasi ng mga magulang ay hindi papayag na mapakasal ang kanilang anak na babae sa lalaking may kapansanan."

Nakaramdam ng sakit sa kanyang puso si Luo Feng nang makita niya ang nanlulumong mukha ng kanyang kapatid.

Ang pagkakaroon niya ng kapansanan….. ay isa ng peklat sa puso ng kanyang kapatid. Kahit na ano pa ang gawin nito ay hindi niya pa rin kayang kumilos ng punong-puno ng tiwala sa kanyang sarili sa harap ni Xiao Nan. Sa madaling salita, mababa ang kanyang self-esteem!

"Hm, basta ipagpatuloy mo lang iyan Hua. Sigurado akong maiintindihan ka ng mga magulang ni Xiao Nan," kinomportahan ni Luo Feng ang kanyang kapatid, "Huwag mong madaliin ang iyong sarili."

...

Nakipagusap pa ng kaunti si Luo Feng sa kanyang kapatid noong gabing iyon. At noong makapagpahinga na siya ng husto ay inihanda na niya ang kanyang backpack, shield at blade para sa kanyang pagbabalik sa Forsaken Land. Pagsikat ng araw ay handa na siya sa pag-alis sa city. Pero sa mga oras na ito ay aalis siya ng mag-isa!

���

Sa northern military sector ng Jiang-Nan city.

Matapos tumigil ang tren sa military station ay agad na nagbabaan sila Luo Feng at ang iba pang fighters mula sa sinasakyan nilang bagon.

"Ang Forsaken Land," huminga ng malalim si Luo Feng habang nilakad niya ang daan papunta sa resupplying base ng mag-isa. Matapos ang ilang sandali ay mabilis naman itong nakarating sa resupplying base.

"Ikaw lang Luo Feng?"

Tumingin ang bantay sa gate ng resupplying base sa mensaheng nakadisplay sa scanner at gulat na gulat na tumingin sa nag-iisang si Luo Feng, "Noong nakaraan ay kasama mo pa ang Fire Hammer Squad kaya bakit mag-isa ka lang ngayon? Ang panghuhuli ng mag-isa sa Forsaken Land ay talagang mapanganib."

"Haha. Mukha ba akong naghahanap ng ikamamatay ko? Nakarating na ako doon noong nakaraan kaya alam ko na ang mga panganib dito. Dalian mo na at ibigay mo na sa akin ang susi," tawa ni Luo Feng.

"May punto ka nga, nakapunta ka na doon kaya alam mo na ang mga panganib na haharapin mo."

Tumawa ang bantay habang ibinigay niya ang isang susi, "H322, dahil mag-isa ka lang ay ilalagay kita sa isang maliit na villa". Noong nakaraan ay nagstay sila sa isang malaking villa sa resupplying base dahil isa silang squad. At hindi rin kinakailangan ng isang tao ang ganoong kalaking space.

"Muntik ko nang makalimutan, ako nga pala si Wang. Ok lang sakin na tawagin mo akong Kuya Wang. Huwag ka rin palang mahihiyang magbenta sa akin ng mga materials na galing sa mga halimaw na mapapatay mo. Sinisiguro kong bibigyan kita ng magandang presyo."

"Sige."

Tinanggap ni Luo Feng ang susi at agad na nagtungo papunta sa villa na kanyang tutuluyan.

Sa gilid ng isang bintana sa second floor ng isa sa mga villa sa resupplying base, nakatingin ang iilang lalaki sa kanilang baba patungo sa kinatatayuan ni Luo Feng. Pinanood nila itong pumasok sa gate ng resupplying base.

"Si Luo Feng nga iyon!"

"Si Luo Feng iyon ng Fire Hammer Squad. Gagamitin na ba natin ang pagkakataong ito captain para tapusin ang kutong lupa na iyan?" Ang nagsabi nito ay walang iba kundi si Zhang Ze Hu mula sa Tiger Fang Squad.

Naglakad ang captain ng Tiger Fang Squad papunta sa gilid ng bintana at tahimik na tumingin. Mabilis na nawala sa kanyang paningin si Luo Feng. Matapos nito ay nanlalamig niyang tinanong na, "Paano nangyaring mag-isa lang siya? Nakita niyo pa ba ang iba pang miyembro ng Fire Hammer Squad?"

"Wala po kaming nakita ni isa sa kanila bukod kay Luo Feng," umiling ang iba pang miyembro ng Tiger Fang Squad.

"Mag-isa lang ang Luo Feng na iyon," buong tiwala na sinabi ni Zhang Ze Hu, "Nakita ko siyang pumasok ng mag-isa sa gates ng resupplying base. Wala akong nakita na kahit sino na kasunod niya."

Matapos niyang sabihin iyon ay umilaw ang mga mata ni Zhang Ze Hu at sinabing, "Captain, tayo ang gumawa ng unang hakbang laban sa Fire Hammer Squad. At ang mas mahalaga pa rito ay alam nila na tayo ang gumawa noon kaya opisyal na tayong magkaaway ng Fire Hammer Squad. Ikaw na mismo ang nagsabi na kailangan na natin silang tapusin para hindi na nila tayo guluhin pa sa susunod."

"Oo nga," sumang-ayon ang iba pang miyembro ng Tiger Fang Squad.

Ang pinakamapanganib na bagay sa paggawa ng hakbang sa iba sa loob ng Forsaken Land ay hindi ang ginawang hakbang, kundi ang tiyansa nitong makaligtas at malaman kung sino ang gumawa sa kanila ng bagay na iyon!

"Huwag kayong magmadali."

Nanlamig na nagsalita ang captain ng Tiger Fang Squad, "Oo, kailangan nga natin silang tapusin lahat. At kung magkakaroon man tayo ng pagkakataon ay kailangan na natin silang tapusin sa lalong madaling panahon. Pero…. mag-isa lang ngayon si Luo Feng. At isa lang siyang normal warrior level na fighter! Kaya sigurado akong mananatili siya sa mga ligtas na lugar pagpasok niya sa Forsaken Land"

"Hindi natin gaanong mapapakinabangan ang pagkamatay niya. Lalo lang nito mapapainit ang dugo ng mga natirang miyembro ng Fire Hammer Squad kung sakali."

Tumango ang mga ibang squad members bilang pagsang-ayon sa kanilang captain. Naisip nila sa kanilang mga sarili na mayroong sense ang sinabi ng captain.

"Ang taong may malaking banta sa atin ay ang captain nilang si Twin Hammer Gao Feng!" seryosong sinabi ng captain ng Tiger Fang Squad "Napakalakas noon at kapantay na ng aking level. Sampung taon mahigit na rin siyang nanghuhuli ng mga halimaw kaya marami na itong mga koneksyon at kakilalang mga malalakas na fighter…. kaya sigurado akong pagdudusahan din natin kung gagawa na agad tayo ng hakbang sa miyembro nitong si Luo Feng!"

"Kaya hindi natin kailangan pang gumawa ng mga walang kwentang hakbang sa ngayon. At kung gagawa man tayo ng hakbang, kailangan nating siguraduhin na magreresulta iyon sa pagkamatay muna ni Gao Feng! Madali na lang nating mauubos ang natira pa nilang mga miyembro kapag tapos na tayo sa kanilang captain," sabi ng kanilang captain.

Malinaw na hindi sineseryoso ng captain ng Tiger Fang Squad ang iba pang miyembro ng Fire hammer Squad bukod sa captain nilang si Gao Feng.

"Tama nga si captain," tumango si Zhang Ze Hu. Matapos noon ay nanlalamig siyang tumawa habang nakatingin sa labas, "Pagbibigyan muna nating mabuhay ang kutong lupang ito sa ngayon".

…..

Mayroong tatlong bedrooms, dalawang lobbies at isang malaking bathroom sa loob ng H322 villa ng resupplying base. Tinanggal ni Luo Feng ang kanyang mga gamit at naligo. Matapos noon ay isinuot niya ang isang nakakarelax na robe bago lumabas sa bathroom.

"Hello, gusto ko ng isang bahagi ng #12 meal niyo na may kasamang tatlong dishes at sabaw. Pakipalitan din yung drinks ko ng tsaa," ibinaba ni Luo Feng ang telepono at humiga sa sofa.

"Pupunta na ako sa #0231 country level city pagkatapos ng tanghalian," napakalakas na kabog ng dibdib ni Luo Feng "Magsasanay ako ng husto sa loob ng dalawang buwan ng pabalik-balik dito at sa country level city na iyon. Maaari ko ring makasalubong ang mga miyembro ng Tiger Fang Squad isang araw. Hmph, susundan ko ang mga hayop na iyon ng palihim kapag nakita ko sila!"

Napuno ng intensyong pumatay ang puso ni Luo Feng noong naiisip niya ang nagawa ng mga ito sa kanyang squad! Walang pagdadalawang-isip ang intensiyon niyang ito na ubusin ang mga miyembro ng Tiger Fang Squad.

"Sinisiguro kong uubusin ko sila kapag nakabalik na kami sa Forsaken Land," tumingin sa bintana si Luo Feng at nagtingin-tingin sa labas ng kanyang tinutuluyang villa, "Tiger Fang Squad….. sana ay makasalubong ko kayo sa dalawang buwan ng pagsasanay ko na ito!"

Hindi sineseryoso ni Luo Feng ang lakas ng mga miyembro ng Tiger Fang Squad.

Dahil sapat na ang kasalukuyan niyang lakas para tapusin ang buong Tiger Fang Squad!

avataravatar
Next chapter