61 231

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Noong makita niyang papaalis na si Luo Feng, humigop ng kaunti si Xu Gang sa kaniyang tasa at sinabi, "Luo Feng, oh Luo Feng. Ginawa ko na ang makakaya ko para hindi ka mapahiya. Sana ay maintindihan mo na…..hindi mo ako masisisi sa paggamit ko ng iilang paraan kung magpapatuloy ka sa panggugulo sa kapatid ko!"

Matapos nito ay tumawa si Xu Gang habang inubos niya ang wine na nakasalin sa kanyang baso.

���

"Xin, may gagawin pa ako kaya mauuna na ako," sinabi ito ni Xu Gang kay Xu Xin na nasa bar bago ito umalis sa lobby.

3rd floor ng HR alliance market, sa isang kuwarto sa loob ng isang tea house.

"Luo Feng" tumawa si Chen Gu, "Mukhang matagal-tagal din kayong nag-usap ni Xu Xin kanina ah. Hindi ka na mahihirapan dun dahil nakikita kong interesado naman siya sa iyo! At pagkatapos ay nakipagusap ka pa ng mas matagal sa kuya niya. Hahaha, mukhang kinikilala ka na rin niya bilang bayaw tama ba Feng?"

Ako bilang bayaw niya? Di mapigilan ni Luo Feng na tumawa nang marinig niya ito dahil walang kaalam-alam si Kuya Chen sa totoong pinagusapan ni Luo Feng at ng kuya ni Xu Xin na si 'Xu Gang'.

"Huwag ka nga pong magsalita ng kung ano-ano, kumportable lang po siya na kausap ako dahil dati po kaming magkaklase," natawa si Luo Feng.

Nang marinig ito ni Gao Feng ay hindi na rin nito mapigilang matawa habang sinasabi na, "Hindi ba mas madali na para sa iyo kung dati naman pala kayong magkaklase? Hindi mo ba nakikita na ang karamihan sa mga kinakasal ngayon ay dating magkaklase?"

"Oo nga Luo Feng, ipagpatuloy mo lang iyan," nagbigay si Wei Tie ng mga salitang nagbibigay ng pag-asa kay Luo Feng habang tumatawa, "Mukhang maganda nga talaga ang Xu Xin na iyon ah. May mga mangilan-ngilang fighters na pumupuri sa manager ng underground alliance tuwing Fridays at weekends. Maging ang mga manyak na fighters ay sinusubukang paglaruan ang manager na ito pero hindi nila ito magawa dahil sa background ng Xu Xin na iyon."

Tumawa na lang si Luo Feng.

Paglaruan ang madam ng Xu Family? Ang mga taong makakaisip lang niyan ay ang mga taong hindi malalaman kung paano sila namatay.

"Huwag na po muna nating pag usapan ito captain," tumawa ulit si Luo Feng, "Pag-usapan na lang po natin ang mga mas importanteng bagay na kailangan po nating mapagusapan."

"Sige," sumunod si Gao Feng, "Kayong tatlo, kumusta na ang mga body fitness levels niyo?"

Si Wei Tie ang unang nagsalita sa tatlo. Ibinaba niya ang hawak niyang tsaa at sumagot ng, "Captain, ang fist strength ko po ay humigit kumulang 9650kg, ang bilis ko naman ay 102 m/s at ang reaction speed ko naman po ay pumapantay na sa isang 'beginner warlord fighter'."

"Hmm, masasabi mo na isa ka ng beginner warlord ngayon", tumango si Gao Feng.

"Captain," sumunod naman ang kapatid nitong si Wei Qing, "Ang fist strength ko po ay naglalaro sa 9510kg, ang bilis ko naman po ay umaabot sa 106 m/s at ang reaction speed ko naman po ay pumapantay na rin sa isang 'beginner warlord fighter'."

Tumango sina Gao Feng at Luo Feng nang marinig nila ito.

"Haha, ako naman," tumawa si Chen Gu, "Ang fist strength ko ay umabot na sa 7100kg, ang bilis ko naman ay umabot sa 81 m/s at ang reaction speed ko naman ay excellent para sa isang 'beginner warlord'."

"Napakabilis ng reaction speed mo Kuya Chen," hindi mapigilang purihin ni Luo Feng ang kanyang Kuya Chen.

Tumatawang sinabi naman ng captain nilang si Gao Feng na, "Gumagamit siya ng mga baril kaya mayroon na siyang napakataas na reaction speed noong una pa lang. Napabilis pa ito ng husto noong gumamit siya ng genetic medicine. Mukhang puwede ka nang gumamit ng mga baril na may mas mataas na rate of fire ngayon Chen," Napakadalang para sa reaction speed ng isang fighter na gumagamit ng mga heated weapons na umabot sa beginner warlord level.

Pero nagawa pa rin ni Chen Gu na makakuha ng excellent score para sa isang beginner warlord.

"Ok magaling kung ganoon. Mukhang tumatalab na nga sa inyong tatlo ang bisa ng genetic medicine na ininom niyo noon," tumingin si Gao Feng kay Wei Tie at Wei Qing, "Pagbutihin niyo pa ang pagpapalakas niyong magkapatid sa inyong mga sarili! Hindi pa natatapos ang bisa ng genetic medicine na ininom niyo sa inyong mga katawan. Kaya kung magsasanay pa kayo ng maigi ay maaari pang lumakas kayo ng bahagya".

"Naiintindihan po namin," tumango sina Wei Tie at Wei Qing.

Matapos nito ay tumingin naman si Gao Feng kay Chen Gu, "Mukhang oras na para palitan mo ang iyong machine gun Old Chen."

"Oo nga captain, oras na nga para palitan ko ito," napatango si Chen Gu.

Ang mga heated weapons na ginagamit ni Chen Gu ay isang machine gun at isang heavy sniper rifle. Ang kanyang machine gun ay mayroong pinakamabilis na fire rate na 300 rounds per minute, katumbas ng limang bala kada segundo! At dahil sa bilis ng reaction speed ni Chen Gu ay kaya niyang patamain ang apat sa limang balang ito sa ulo ng apat na halimaw habang ang isa naman ay kaya niyang patamain sa katawan ng isa pang halimaw.

Sa madaling salita….

Nagmistulang mga non moving targets para kay Chen Gu ang mga halimaw na pinapatay niya ng kanyang machine gun! Para magawa ito ay kinakailangan ng isang fighter ng isang kahanga-hangang reaction speed. At ang reaction speed ni Chen Gu ay mas mabilis ng 100 to 1000 beses kaysa sa reaction speed ng mga regular na tao bago ang Grand Nirvana Period kaya hindi na nakapagtataka kung paano niya nagagawa ito.

"Mukhang kukunin ko ang type RG112 heavy machine gun. Ito ay mayroong 12.7 mm na kalibre at nagdadala ng napakalakas na fire power," nagningning ang mga mata ni Chen Gu, "Ang pinakamabilis na rate of fire nito ay umaabot sa 1500 rounds per minute. Ito ang pinakamalakas na machine gun na kayang gamitin ng isang fighter na gumagamit ng mga heated weapons dahil wala nang saysay kung gagamit pa sila ng mga baril na may mas mataas na fire rate kaysa rito." Sa ngayon….

Mayroong mga machine gun na may rate of fire na umaabot sa 7000 to 8000 rounds per minute. Ang iba pa nga ay may rate of fire na kayang humigit sa 10,000 rounds per minute!

Pero hindi ito praktikal para sa isang fighter na gumagamit ng mga heated weapons.

Para sa kasalukuyang reaction speed ni Chen Gu, kaya niyang patamain ang sampung bala na nilalabas ng kanyang baril kada segundo sa ulo ng sampung halimaw. Ito ang pinakamabisang paraan sa paggamit ng mga heated weapons!

"Bilhin mo na ang gusto mong baril at sanayin mo rin ang sarili mo. Siguraduhin mong masasanay ka sa bagong baril mong ito bago tayo bumalik sa Forsaken Land" ngumiti si Gao Feng habang tumatango, "Kayong magkapatid na Wei Tie at Wei Qing naman ay magsanay pa nang husto sa inyong mga tahanan. Kahit na napakalaki na ng inilakas niyo ay kinakailangan niyo pa rin itong sanayin para magamit sa pakikipaglaban. Siguraduhin niyo sa inyong mga sarili na magagamit niyo ang bawat onsa ng inyong mga lakas sa pakikipaglaban."

"Huwag po kayong mag-alala captain," tumango sina Wei Tie at Wei Qing.

Napangiti si Luo Feng habang pinapanood niya ang eksenang ito.

Ganito mag-isip ang mga fighter ng China—Kailangan mong maghanap ng paraan para magamit ang buong lakas mo sa pakikipaglaban!

"Maparaan mong kontrolin ang iyong lakas." Ganito mag-isip ang mga fighters na nasa silangang bahagi ng mundo.. Maging ang mga fighter sa kanluran ay mayroon ding sariling kasabihan. Pero sa ngayon… ang pinakamalakas na fighter sa buong mundo na si 'Hong' ay isang Chinese.

Ang pangalawa naman na pinakamalakas na fighter na si 'Thunder God' ay mayroong pinaghalong lahi mula sa east at sa west. Pero mayroon din ito na dugong Chinese na dumadaloy sa kanyang mga ugat. Iilan sa mga pananaw ng Chinese martial arts ay sikat sa mga fighters sa kasalukuyan.

"Captain, Kuya Chen, Kuya Tie at Kuya Qing" tumingin si Luo Feng sa apat na miyembro ng Fire Hammer Squad bago siya tumuloy, "Nagsisikap akong magsanay sa bahay sa loob ng isang buwan at nararamdaman ko naman na lumalakas ako kahit papaano pero nararamdaman ko na ang pinakamagandang paraan ng pagsasanay para sa akin ay ang pakikipaglaban sa mga halimaw!" Kahit gaano mo kagaling at kaganda gamitin ang iyong sandata ay iimaginin at iimaginin mo rin ang iyong mga kalaban kapag nagsasanay ka sa loob ng city.

Walang wala ang paraan ng pagsasanay na ito kung ikukumpara mo sa experience na makukuha mo sa pakikipaglaban sa totoong halimaw sa Forsaken Land.

"Kaya babalik na po muna ako sa Forsaken Land mag-isa para sanayin ang aking technique at blade technique," sambit ni Luo Feng.

"Ano? Mag-isa ba kamo?" agad na nagbago ang itsura ng apat na miyembro ng Fire Hammer Squad.

"Opo," tumawa si Luo Feng habang tumatango.

Sa totoo lang ay matagal na itong pumapasok sa kanyang isipan pero hindi lang siya sigurado sa kanyang sarili noon. Pero noong marinig niya ang mga sinabi ni Xu Gang ay nagkaroon siya ng lakas ng loob at magandang dahilan para gawin ito. At kung gusto niyang ituring siya balang araw bilang pinakamalakas na fighter sa buong mundo…. Ay kailangan niyang panindigan ang kanyang mga desisyon! Kaya napagdesisyunan niya na sanayin ang kanyang sarili sa pinakamabisang paraan sa lahat.

"Napakadelikado doon sa labas," nag-alala si Gao Feng.

"Hindi naman po captain. Pupunta lang ako sa #0231 country level city malapit sa military resupplying base para magsanay," ipinaliwanag ni Luo Feng, "Hindi ako magtatangka na pumunta sa mas malaki pang city kaysa rito."

"Sa #0231 country level city? Malapit sa resupplying base?"

Nang marinig nila ito ay agad na nakahinga ng maluwag sina Gao Feng, Chen Gu at Wei Jia brothers. Dahil ang mga halimaw na nakatira sa city na iyon ay sadyang mahihina. Ito na rin ay dahil hindi pipiliin ng kahit na sinong horde leader level na halimaw na manirahan sa isang city na malapit sa isang military resupplying base. Kaya ang karamihan sa mga halimaw na nakatira sa mga city na malapit sa mga resupplying base ay mga soldier level na halimaw lang. Mayroon ka ring makikita na commander level na halimaw pero ang karamihan sa mga ito ay mga 'low level commander' lang. Maging ang mga intermediate level commanders ay napakadalang sa mga city na ito. At dahil kaunti ang mga commander level na halimaw dito, ang bawat isang commander level na halimaw ay napapalibutan ng daan-daang hanggang libo-libong soldier level na halimaw na hawak nito.

Dahil mayroon ding napakaraming tagasunod ang mga kakaunting commander level na halimaw dito ay paano ito mapapatay ng mga fighter squads gustong kumita ng maganda?

Puwede nating sabihin na---

Hindi pinipili ng mga malalakas na fighter squads ang mga ganitong klase na city dahil mababa lang ang kikitain nila sa mga halimaw na nakatira rito.

"Dahil malapit po ang city na iyon sa resupplying base," tumawa si Luo Feng "Puwede po akong manghuli sa umaga para maimprove ang aking blade technique at bumalik sa resupplying base sa gabi upang magpahinga." Dahil malapit lang ito sa resupplying base at sa kasalukuyang bilis ni Luo Feng ay kaya niyang magawa ito.

"Ang #0231 country level city na iyon ay wala gaanong malakas na commander level na halimaw. Pero sandamakmak sa dami ang soldier level na halimaw," hindi mapigilan ni Wei Tie na sabihin, "Kung napalibutan ka….."

"Tie, sa tingin mo ba ay takot si Luo Feng na mapalibutan ng mga halimaw?" natawa na lang si Chen Gu.

Nanigas ang mga katawan ng magkapatid na sina Wei Tie at Wei Qing nang marinig nila ito at tumawa.

Sadyang nakakatakot nga na mapalibutan ka ng daan-daang soldier level na halimaw pero hindi natatakot sa mga ito ang mga spirit readers. Hindi lang dahil kaya nilang ubusin ang mga ito, kaya rin kasi nilang gamitin ang kanilang mga spiritual force para tumalon nang napakataas papunta sa isang apartment building. Mayroon ngang mga halimaw na kayang tumalon ng mataas, pero paano mo ito maikukumpara sa mga spirit reader na kayang lumipad?

"Magandang ideya yan," hindi mapigilan ni Gao Feng na purihin sita, "Luo Feng, dahil sayo ay gusto ko na rin magsanay gamit ang aking mga hammers pero...wala akong kasiguraduhan na makakaligtas ako kung napalibutan ako ng isang horde."

"Kailan ka aalis Luo Feng?" tinanong ni Chen Gu.

"Kung wala naman gaanong mangyayari ay maghahanda na ako ngayon para makaalis ako bukas," tumawa si Luo Feng "Captain, magsend na lang po kayo ng message kung handa na kayong pumunta ulit sa Forsaken Land."

Kinakailangan mo talagang humakbang sa panganib para marating ang dulo ng daan papunta sa lugar ng pinakamalalakas!

avataravatar
Next chapter