59 Ang Pagiging Obsessed

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kahit na nasurpresa ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad na sina Wei Tie, Wei Qing at Chen Gu sa suggestion ng kanilang captain ay napapayag din naman ang mga ito sa huli. Ito ay dahil malinaw din para sa kanila na mapapagiwanan sila kung hindi sila makakasabay sa napakabilis na paglakas ng isang miyembro ng Fire Hammer Squad…

Matapos nito ay naghiwahiwalay na sina Luo Feng ng Fire Hammer Squad sa HR alliance market at sumakay ng tren pauwi sa kani-kanilang mga tirahan.

Sa Ming-Yue sector ng Yang-Zhou city.

Malalim na ang gabi sa mga oras na ito. Nang pumasok ang isang fighter-only car na isang Volkswagen Touareg SUV sa sector. Hindi naman ito nakaengkwentro ng gulo galing sa kahit sino noong papasok ito sa guwardiyadong sector.

"BEEP!"

Tumigil ang Volkswagen Touareg sa harap ng entrance papasok sa Limit Hall. Ang mga tirahan nina Chen Gu, Zhang Ke at Luo Feng ay halos magkakatabing nakatayo malapit sa entrance papasok sa Limit Hall. Maging ang tirahan ng mga guro sa dojo kagaya ng punongguro nilang si Wu Tong ay nakatayo rin malapit dito.

Binuksan ni Luo Feng ang pinto at bumaba sa sasakyan. Ang unang nakita niya matapos niyang bumaba ay ang kanyang nanay at tatay na nakatayo kasama ang kanyang kapatid na nakaupo sa kanyang wheelchair.

"Kuya!" naunang sumigaw ang kapatid niyang si Luo Hua.

"Hua! Pa! Ma!" agad namang niyakap ni Luo Feng ang kanyang mga magulang at ang kanyang kapatid. Ramdam na ramdam ni Luo Feng sa mga oras na ito ang sayang nararamdaman ng kanyang mga magulang noong makita siyang ligtas na nakauwi mula sa napakapanganib na Forsaken Land. Maging sina Chen Gu at Zhang Ke ay sinalubong ng kani-kanilang mga pamilya. Pero ang mga mata ng pamilya ni Zhang Ke ay napuno ng luha nang makita nila ang sinapit ng kanilang padre de pamilya.

Naiyak ang mga ito kahit na alam na nila na naputulan ng braso ang kanilang haligi ng pamilya na si Zhang Ke.

"Mahal, anak ko, makakasama ko na rin kayo sa wakas habambuhay." Wala kang kahit anong kalungkutang makikita sa mukha ni Zhang Ke sa mga oras na ito.

"Kuya Zhang," panakaw na tingin ni Luo Feng kay Zhang Ke. Mayroong napakalaking tiyansa na balikan ng Tiger Fang Squad ang kahit na sinong miyembro ng Fire Hammer Squad dahil sa away sa pagitan niya at ni Zhang Ze Hu.

"Sa wakas ay nakauwi na naman ng ligtas ang tatlong bayani ng ating dojo. Lumalalim na ang gabi kaya kailangan na nating lahat na magpahinga. Lalo na kayong tatlo," tumawa ang punonggurong si Wu Tong. Tumawa naman ang grupo habang sila ay naghiwahiwalay patungo sa kani-kanilang mga tirahan. Isa na sa mga ito si Luo Feng at ang kanyang pamilya.

Sa wakas ay nakapagrelax na rin si Luo Feng matapos ang ilang araw na paglalakbay sa Forsaken Land. Dahil dito ay pinili niyang magpahinga na muna noong sumunod na araw kaysa magpatuloy sa kanyang pagsasanay. Naglakad-lakad siya sa loob ng sector suot ang kanyang maluwag na dojo uniform.

Noong kinahapunan ay napakahapdi pa rin ng init mula sa araw sa buwang ito ng September.

"Pumunta ka Luo Feng sa dojo ngayon," sabi ni Chen Gu sa kabilang linya matapos nitong tawagan si Luo Feng, "Naririto si captain."

"Sige, papunta na ako riyan."

Agad na nagmadaling pumunta si Luo Feng sa Dojo of Limits.

Matapos ang ilang sandali ay makikita na magkasamang nakaupo sa loob ng isang bar sa 1st floor ng Dojo of Limits sina Luo Feng, Chen Gu at Gao Feng. Nakasara naman ang kurtina sa bintana sa kanilang tabi para hindi makapasok ang napakainit na sinag ng araw sa labas.

"Ito na ang dalawang 9th series throwing knives na pinapabili mo sa akin noon Luo Feng," tumawa si Gao Feng habang inaabot ang mga ito sa kanya, "Nagkakahalaga ang dalawang iyan ng 45 million kaya bilisan mo na at itransfer mo na ang bayad mo sa akin. Tumatanggap din ako ng tip kung hindi mo alam, lalo na mula sa isang napakayamang fighter na katulad mo."

"Ito na ang mga 9th series throwing knives?" Agad na tinanggap ni Luo Feng ang balot na balot na box na naglalaman ng dalawang 9th series throwing knives.

Nakita niya ang pagkakahati ng box na iyon sa dalawa nang buksan niya ito. Sa bawat isang bahagi nito makikitang nakalagay ang isang itim na kutsilyo. Humingi ng tulong si Luo Feng sa captain nilang si Gao Feng upang makabili ng dalawang 9th series throwing knives noong humingi ng tulong sina Chen Gu at ang Wei Jia brothers ng tulong mula rito sa pagbili ng kani-kanilang grade A genetic medicine.

Patuloy na nagtataas ang presyo ng mga gamit mapathrowing knives man o iba pang mga sandata!

Ang mga throwing knives ang pinakamura sa mga sandatang mabibili mo sa market dahil kakaunti lamang ang mga materyales na ginagamit sa mga ito. Pero kahit ang isang high level horde leader na halimaw ay mahihirapang sumira ng isang 9th series na mga throwing knife dahil sa bilis, liit at tibay ng mga ito.

"Naitransfer ko na po ang 45 million sa inyo captain," direktang itinransfer ni Luo Feng ang pera gamit ang kanyang cellphone.

"Hindi ka man lang nagbigay kahit one dollar bilang extra," panghihikayat na sinabi ni Gao Feng.

"Napakarami mo nang pera ngayon Luo Feng kaya bakit hindi ka kaya bumili ng mas magandang blade? O isang mas magandang battle uniform?" tumawa si Chen Gu. Maganda ang mood nito dahil nahawakan na niya ang kanyang genetic medicine galing sa kanilang captain.

Iniling ni Luo Feng ang kanyang ulo at sinabing, "Napakagaan lang kasi ng mga throwing knives at hindi gumagamit ng napakaraming materyales kaya nabili ko ang mga ito. Ang isang blade? O maging ang isang battle uniform? Ang isang 9th series Ghost Blade ay nagkakahalaga na ng hindi bababa sa 3 billion Chinese dollars. At ang napakamahal naman na 9th series battle uniform naman ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa 9 billion Chinese dollars. Kaya kung susumahin, ang presyo ng dalawang ito ay nagkakahalaga na ng 12 billion Chinese dollars! Kaya paano ako makakabili ng mga ito?" Sadyang napakalaki ng pinagkaiba ng presyo sa pagitan ng warrior level, warlord level at wargod level na mga sandata.

Kaya napagdesisyunan niyang bumili na lang muna ng mas magandang klase na throwing knives!

Hindi ba normal lang na maging napakamahal ng mga battle uniform na hindi kayang masira ng mga napakalakas na horde leader level na halimaw?

At kahit na magsuot siya ng 8th or 9th series battle uniform ay kaya pa rin ng mga halimaw na ito na mawasak sa isang atake lang ang mga internal organs ni Luo Feng dahil mayroon lang siyang advanced warrior na body fitness level! Hindi mo maituturing na isang maharlika ang isang pulubing nakasuot ng mga mamahaling robes. Gayundin sa mga fighters, sayang lang ang isang wargod level battle uniform kung isang warrior level fighter lang ang susuot nito!

"Napakamahal talaga ng battle uniform kung ikukumpara mo sa mga throwing knives sa kaparehong series," tawa ni Gao Feng, "Tama nga si Luo Feng na nararapat lang para sa kanya ang kanyang 5th series battle uniform sa ngayon."

"Luo Feng," sabi ni Gao Feng.

"Po?" Tumingin si Luo Feng sa kanilang captain.

"Sa ngayon ay gagamit si Chen Gu at ang magkapatid na Wei Jia brothers ng genetic medicine. Kaya nangangailangan sila ng isang buwan bago makita ang epekto nito sa kanilang mga pangangatawan. At pagkatapos nito ay nangangailangan pa sila ng dalawa pang buwan para masanay sa kanilang mga bagong lakas! Kaya sa tingin ko… ay magpapahinga muna tayo ng dalawa hanggang tatlong buwan bago bumalik sa Forsaken Land," sabi ni Gao Feng.

Tumango si Chen Gu nang marinig niya ito.

"Naiintindihan ko po," tawa ni Luo Feng habang tumatango, "Gagamitin ko rin ang pagkakataong ito para makapagsanay na rin ng husto. At ngayong malaki na ang inilakas ko mula noong maglakbay tayo sa forsaken land ay sisiguraduhin kong sasanayin ko ng husto ang sarili ko sa panahong ito."

"Sige," tumawa si Gao Feng habang tumatango, "Kung gusto mong makipagkita sa akin sa susunod ay magkita naman tayo sa main city sector. Dahil napakalayo para sakin na pumunta dito mula sa bahay ko."

"Sige po."

Tumango si Luo Feng at Chen Gu nang sabihin ito ng kanilang captain.

Ang main sector city ay ang sentro ng buong headquarter city. Kaya mas malapit ang pagpunta rito mula sa kahit na anong city na nakapalibot dito kaysa sa pagpunta sa isang city mula sa isa pang city na nakapalibot dito.

Matapos umalis ang kanilang captain ay dinala na ni Luo Feng ang kanyang dalawang bagong throwing knives pauwi sa kanyang tirahan.

Noong gabing iyon.

Makikita ang isang transparent na salaming may haba at sukat na isang metro sa kisame ng training hall sa loob ng villang tinitirhan ni Luo Feng. Dahil dito, kasing linaw ng isang malinis na tubig ang tumatagos na ilaw mula sa buwan sa salaming iyon. Sa salaming ito rin nakikita ni Luo Feng ang walang hanggang kalangitang napupuno ng bituin habang nakaupo siya sa gitna ng training hall.

"HU~~HU~~" ang dalawang itim na throwing knives ay umikot-ikot sa paligid ni Luo Feng.

"Ang dark golden ball na iyon ay nasa aking diwa parin habang hawak-hawak ang napakalaking bahagi ng aking spiritual force! Hindi lang talaga kaya pa ng aking katawan ang ganoong kalakas na spiritual force kaya hindi pa ito lumalabas ng tuluyan," nag-isip si Luo Feng mag-isa, "Kaya ang dapat kong gawin ay pataasin ng pataasin ang aking body fitness level sa lalong madaling panahon!"

"Kasabay ng paglakas ng aking katawan ang kusang paglakas ng aking spiritual force! Patuloy itong lalakas hanggang na mawala ang dark golden ball sa aking diwa!"

Matapos noon ay nagsimula na niyang seryosohin ang kanyang pagsasanay at magsanay ng husto gamit ang instruction manual at ang mga kasamang DVD ng Nine Stage Thunder Blade na binili niya matapos niya maging isang fighter.

Ang technique na 'Liu Guang', ang Dao Yin technique na 'Nine Stage Hun Yuan' at ang blade technique na 'Thunder Blade'.

At nakumpleto na ni Luo Feng sa wakas ang unang stage ng Thunder Blade habang nakikipaglaban sa loob ng Forsaken Land!

"PU!"

"PU!"

Habang malalim na ang buwan ay ginagamit ni Luo Feng ang force exertion techniques mula sa Nine Stage Thunder Blade sa bawat chop, uppercut, o slash na gawin niya sa pagsasanay niyang ito. Ang bawat pag-atake ay binubuo ng dalawang stages ng force exertion, ang ibig sabihin nito ay agad na magpapakawala ang kanyang mga muscles ng isa pang force kasunod ng unang force na binitawan ng kanyang katawan sa kanyang bawat pag-atake.

Malaking pasakit sa kanyang mga buto, muscles, cells, at iba pa ang agad na pagpapakawala ng isa pang force kasunod ng unang force na pinakawalan ng kanyang katawan!

Matapos niyang magsanay ng kalahating oras ay agad na napagod ang kanyang buong katawan. Sa sobrang pagod niya ay hindi na niya nagawa pang gumalaw habang siya ay nakaupo sa sahig ng training hall. Napakalaking pasakit para sa kanyang katawan ang mga force exertions mula sa Nine Stage Thunder Blade na kanyang sinasanay! Kaya matapos niyang magpahinga ng limang minuto ay sinimulan naman niyang sanayin ang Dao Yin technique na Nine Stage Hun Yuan. Matapos ang ilang sandali ay naging malambot at kumportable ng husto ang kanyang buong katawan na para bang nagrerelax sa isang hot spring.

Matapos sanayin ang blade at Dao Yin technique ay sa wakas---

Masisimulan na rin ni Luo Feng ang pagsasanay sa pinakabasic na genetic training technique na kinakailangang sundin maging ng mga pinakamalalakas na fighter sa buong mundo: ito ay ang 'Wu Xin Xiang Tian' technique.

"CHICHI~~"

Matapos niyang magsanay ay naramdaman ni Luo Feng ang pagkagutom ng bawat cell sa kanyang buong katawan. Ito ang dahilan kung bakit humigop ng napakaraming genetic energy ang kanyang mga cells habang ginagawa ito. At sa bawat subok niya rito ay tumataas din ang limit na kayang iabsorb ng kanyang katawan. Mula sa one minute, two minutes…. Lalong nagugulat si Luo Feng sa kanyang sarili habang nagpapatuloy sa pagtaas ng limit ng katawan niya. Hanggang sa hindi na ito makapagabsorb pa ng genetic energy dahil sa kabusogan ng husto ng bawat cell sa kanyang buong katawan.

"Dumoble ang dami ng genetic energy na naabsorb ko ngayon kaysa noong nakaraan!" manghang-mangha na sinabi ni Luo Feng.

"Sinasabi sa instruction manual na habang sinasanay ko ng husto ang aking sarili sa Nine Stage Thunder Blade ay lalo ring dadami ang genetic energy na kaya kong iabsorb. Pero hindi ako makapaniwalang ganito naman karami ang kaya kong iabsorb!" Hindi naisip ni Luo Feng na magiging ganitong kalaki kahit na naipaliwanag na ito ng instruction manual na kanyang binasa.

Dahil sinasabi rin dito na kinakailangang magsanay ang isang fighter hanggang sa hindi na ito makagalaw sa sobrang pagod-

Ang ibig sabihin nito ay mayroong napakaraming Ru acid sa kanilang mga muscles kapag napagod ang mga ito! Hindi naman gaanong ginagamit ni Luo Feng ang kanyang katawan at mga cells nito sa pagsasanay pero dahil sa mga force exertions ng Nine Stage Thunder Blade technique ay nagagamit din ang mga ito sa pagsasanay.

Parang ang paglakas sa pagkain ng kahit sino matapos nilang magexercise ng matagal.

Kapag gumamit ang kanyang mga katawan at mga cell ng napakaraming energy para sa pagsasanay ay lalong nakapagpapataas ng gana nito na nagreresulta sa pagabsorb sa mas maraming genetic energy kaysa sa mga naunang pagsasanay!

"Nasa unang stage pa lang ako pero napalaki na ng itinaas ng limit sa genetic energy na kayang iabsorb ng katawan ko. Paano pa kaya kapag naabot ko na ang ninth stage nito? Bukod sa pagbilis ko sa aking pagsasanay, lalakas din ng husto ang blade na gamit-gamit ko. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit kaya ng kahit na sinong makatapos sa scroll na ito na maging pinakamalakas na fighter sa buong mundo. Ang Fighter na nangunguna sa bilis at sa lakas," huminga ng malalim si Luo Feng sa sobrang kasabikan.

Ano bang ibig sabihin kung mabilis na tumataas ang iyong body fitness level?

Para kay Luo Feng, ang ibig sabihin nito ay mas lalaki rin ang spiritual force na makakayanan niyang makontrol!

Matapos ang araw na ito ay naaabot ni Luo Feng ang limit ng kanyang katawan habang sinasanay niya ang kanyang sarili araw-araw. At nalaman na rin niya ang pinakamabisang paraan para sanayin ang kanyang sarili, ito ay sa pagsasailalim sa 'Liu Guang' habang siniswing niya ang kanyang blade! Hindi kinakailangang maging mabilis ang kanyang pagswing pero kinakailangan nitong maging seryoso kasabay ang kanyang mga hakbang. At matapos niyang mapagod ng husto sa kanyang pagsasanay ay magsisimula naman siya sa pagsasanay sa Dao Yin technique.

Matapos gawin ang Dao Yin technique training na iyon ay babalik ang karamihan sa lakas na kanyang ginamit sa pagsasanay na iyon.

At pagkatapos ay sasanayin niyang muli ang kanyang technique at ang blade technique! Matapos nito ay sasanayin niyang muli ang Dao Yin technique!

Pagkatapos lang ng mga ito ay sisimulan oa lang niya ang kanyang genetic energy training. At ang pamamaraang ito ang pinakamabisang paraan ng pagsasanay para kay Luo Feng! Ang buong proseso naman nito ay aabutin ng anim na oras, ito ang pinakamagandang paraan para mapataas niya ng mabilis ang kanyang body fitness level!

Sa totoo lang ay natural nang mabilis ang paglakas ng kanyang katawan sa tulong ng napakaraming spiritual force ng isang spirit reader. At mas bibilis pa ito ng husto dahil sa pagsasanay ni Luo Feng ng isa sa mga 'ultimate' technique sa buong mundo, ang Nine Stage Thunder Blade technique. Nagkaroon ng katakot-takot na improvement ang pangangatawan ni Luo Feng sa bawat araw na lumipas. At para bang isang kisapmata lang na lumipas ang isang buong buwan.

"HU!" "HU!" Lumikha ng napakalakas na hangin ang bawat swing na gagawin ni Luo Feng sa loob ng kanyang training hall na naglilikha ng malalakas na tunog sa tuwing tumatama ito sa mga pader ng kuwarto. Ang villa na ito ay dinesenyo ng Dojo of Limits kaya natural na pinagplanuhan ng maigi ang training hall ng bawat isang villang ito.

"Huh? Isang tawag mula sa captain?"

Naglakad si Luo Feng papunta sa isang tabi at sinagot ang telepono.

"Isang buwan na ang nakalilipas Luo Feng at lumakas na ng husto ang mga kasama nating sina Chen Gu, Wei Tie at Wei Qing matapos inumin ang kani-kanilang mga genetic medicine. Kaya iniisip ko na kailangan na natin sigurong magkita ng mas madalas kaysa noong dati hindi ba?" tanong ni Gao Feng sa kabilang linya. Sa totoo lang, ang pinakamalakas na miyembro ng Fire Hammer Squad ngayon ay si Luo Feng. Kaya magiging stable pa lalo ang posisyon nito sa fighter squad sa mga darating na panahon.

Kaya pinili ni Gao Feng na hingiin muna ang opinyon ni Luo Feng bago magdesisyon para sa grupo.

"Sige lang po at matagal-tagal na rin mula noong huli tayong nagkita-kita," tawa ni Luo Feng habang tumatango. Naging obsessed din kasi siya sa pagsasanay nitong nakaraang buwan. Pero nagdulot naman ito ng napakalaking improvement na nakapagpaginhawa sa kanyang pakiramdam.

"Sige, tingnan natin. Magkita-kita na lang tayo sa HR alliance market dahil sila ang may pinakamagandang serbisyo sa lahat," sabi ni Gao Feng, "Pero kailan kaya ang magandang araw para sa atin?"

"Hmm….."

Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Luo Feng noong maalala niya ang sinabi ni Xu Xin sa kanya noong nakaraan—"Magsisimula na ang klase ko sa susunod na araw. Pero pagdating ng college ay magiging manager na ako muli rito every Friday at sa weekend."

"Sa tingin ko ay puwede tayong magkita-kita ngayong Saturday, captain," sabi ni Luo Feng.

"Sabado ba? Sige magkita-kita tayo ngayong sabado."

avataravatar
Next chapter