25 Ang Level ng Isang Fighter

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ginamit ng gurong si Jiang Niang ang kaniyang pribelehiyo bilang isang fighter para makasakay sa tren papunta sa main section ng city ng libre. Binubuo ang Jiang-Nan City ng isang main section at walong surrounding sections.

Ang tanging uri ng transportasyon para makapunta sa iba't ibang mga sections ay ang pagsakay sa tren. At kung ang isang tao ay gustong makasakay rito, kinakailangan niyang bumili na ng ticket tatlong araw bago ang kaniyang byahe. Napakamahal din ng presyo ng ticket papunta sa iba't ibang mga sector. Kaya ang pagpunta sa iba't ibang mga city ay hindi maiisip gawin ng karamihan dahil sa mahal ng presyo nito. Kaya hindi makakaalis basta basta ang karamihan sa 200 million na mga nakatira sa Jiang-Nan city.

������������

Sa Main section ng Jiang-Nan city.

Magkabilang naglalakad sina Jiang Nian at Luo Feng sa sidewalk.

"Napansin mo ang pagkakaiba ng main section sa Yang-Zhou Luo Feng?" nakangiting tanong ni Jiang Nian habang tumuturo sa iba't ibang mga lugar sa Jiang-Nan. Tumitingin din si Luo Feng at tumatango sa bawat lugar na ituro ni Jiang Nian sa kaniya "Wala naman po gaano, mas marami lang po ang tao at mga sasakyan dito maliban sa napakalawak na sidewalk" Talagang wala naman gaanong makikitang espesyal sa nilalakararan nilang lugar sa mga oras na iyon.

Nakangiting sinabi ni Jiang Nian na "Wala kang makikita gaanong pagkakaiba ngayon. Mamaya ay ikaw mismo ang makakapansin ng mga iyon."

.

Agad na sinagot ni Jiang Nian ang kaniyang cellphone nang magring ito "Hello?"

"Gaano pa katagal bago kayo makarating dito Jiang Nian?" makikita mula ang matandang beterano sa screen ng cellphone ni Jiang Nian sa mga oras na ito.

"Nandiyan na po kami sa loob ng sampung minuto" nakangiting sagot ni Jiang Nian.

"Sige, Andito na ang lahat ng mga namamahala kaya huwag na huwag mo akong ipapahiya mamaya" paalala ng matandang beterano.

"Ang pinaka kinauukulan?" gulat na gulat na tanong ni Jiang Nian.

Habang sila ay naguusap sa cellphone, napansin ni Luo Feng ang napakalaking area sa harapan niya. Mayroon itong puti at silver na mga haligi at isang napaka laki at napakataas na dark blue skyscraper. Makikita sa skyscraper na ito ang apat na malalaking letra na makikita kahit ilang milya ang layo mo mula rito.

--Dojo of Limits*

*Note mula sa TL: Chinese: 極限會館

"Ito ang main headquarters ng dojo of limits! Ang aming headquartes sa Jiang-Nan city" sabi ni Jiang Nian.

"Talagang napakaraming sundalo ang nakabantay dito" sabi ni Luo Feng matapos huminga ng malalim.

Makikita sa labas ng dojo of limits headquartes ang batabatalyong sundalo na may mga dalang matataas na kalibre ng mga baril. Talagang mararamdaman mo ang kaba at pagdadalawang isip sa paggawa ng mali habang nakatingin sa main headquarters na parang isang military fortress na napapalibutan ng libo libong mga sundalo.

"Ito ang army ng dojo of limits" nakangiting sabi ni Jiang Nian "Napakataas din ng seguridad sa loob ng building na ito."

"Halina't pumasok na tayo" dinala ni Jiang Nian si Luo Feng papunta sa main gate ng headquarters.

"Papasukin ninyo sila!" sabi ng sundalo na putol ang isang kamay at punong puno ng peklat sa kaniyang mukha habang winawagayway ang kaniyang nagiisang kamay, sa ilang saglit lang ay umatras ang lahat ng mga sundalong nakaharang sa gate ng main headquarters. Makapigil hininga ang prosesong ito para kay Luo Feng nang masaksihan niya ito.

Ngumiti ang sundalong putol ang isang braso kay Jiang Nian at sinabing "Matagal na tayong hindi nagkita matandang Jiang, puwede naman sigurong maginom tayo ng kaunti mamaya"

"Walang problema" Nakangiting sabi ni Jiang Niang habang tumatango sa sundalo. At tumingin siya kay Luo Feng at sinabing "Siya ang iyong senior na si uncle Lu Luo Feng, batiin mo siya"

"Uncle Lu" malakas na bati ni Luo Feng. Nararamdaman niyang isang napakalakas na fighter ang lalaking ito.

"Magaling bata" tumatanong sagot ng sundalo habang nakangiti kay Luo Feng.

"Nagmamadali kami kaya mamaya na lang tayo magusap. Hinihintay kami ni Uncle Bai sa loob" mabilis na dinala ni Jiang Nian si Luo Feng papunta sa courtyard ng headquarters na maihahalintulad sa isang napakalaking park. Naguumapaw ang mga bulaklak, mga artipisyal na mga bundok at dumadaloy na mga ilog sa paligid. At habang naglalakad ay nararamdaman ni Luo Feng na espesyal ang bawat taong kanilang masasalubong o madadaanan.

Napabuntong hininga si Jiang Nian habang naglalakad siya kasama si Luo Feng "Isa sa mga mabubuting kaibigan ko si Uncle Lu na nakikipaglaban kasama ko hanggang kamatayan noong araw. Maraming mahihirap na pinagdaanan ang uncle Lu mon a iyon. Kabilang na diyan ang pagkawasak ng isang itim na gorillang gawa sa metal sa kaniyang braso sa isang hampas lang"

Tahimik na nakinig si Luo Feng sa kuwento ni Jiang Nian sa kaniya.

"Talagang nagkakaisa ang lahat ng mga fighters sa aming dojo of limits" matapos nito ay tinuro ni Jiang Nian ang skyscraper "Tingnan mo Luo Feng, ang building na iyan ay ang headquarters ng mga fighters sa Jiang-Nan City! Ang lahat ng mga taong pumapasok at lumalabas diyan ay isang fighter"

"Kahit isang tao?" sabi ni Luo Feng habang humihinga ng malalim.

Makikita sa salamin ng building na may halos 100 katao ito sa loob.

"Mayroong 200 million na populasyon ang Jiang-Nan city kaya paanong kinulang tayo sa mga fighters?" tumatawang tanong ni Jiang Nian "ang unang palapag ng building na ito ay para sa pagkain at pakikipagusap. Ang 2nd hanggand 9th floor ay para naman sa warrior level training. Ang 10th hanggang 19th floor naman ay para sa mga general level fighters. At ang 20th floor naman pataas ay para sa mga conferences na idinadaos dito.

Naguluhan si Luo Feng ng bahagya sa sinabing iyon ni Jiang Nian at nagtanong "guro, paano pong nahahati ang mga fighter sa warrior at general level?"

"Nahahati talaga ang mga fighter sa warrior, general at ang pinakarare na battle lord level!" tahimik na paliwanag ni Jiang Nian, "Ang karamihan ng mga tao ay nasa warrior level! At marami sa mga fighters ay nananatili na lamang sa pagiging warrior level habambuhay. At nahahati sa tatlo ang warrior level bilang beginner warrior, intermediater warrior at elite warrior. Ang mga fighters na kakapasa lamang sa kanilang mga exams ay nabibilang sa beginner warrior level!"

"At base sa iyong lakas Luo Feng, nakikita ko na nabibilang ka sa intermediate warrior level" sabi ni Jiang Nian.

Tumango si Luo Feng nang marinig niya ito.

Makikitang kahit gaano kalaki ang inilakas niya ay nasa ibabang level pa rin siya ng mga fighters.

"Puwede kang makapatay ng mga warrior level fighters gamit ang mga heated weapons"

"Pero mo kayang makapatay ng mga general level fighters gamit ang mga heated weapons" sabi ni Jiang Nian "Halimbawa ay ginamitan mo ng heavy machine gun ang isang general level fighter, madali niyang maiilagan iyan dahil sa kaniyang bilis at reactions speed! Kinukunsidera bilang mga elites ang mga general level fighters"

"Kahit na may angking talento ka ay napakabata mo pa at maituturing ka pa rin bilang isang baguhan" tumatawang sabi ni Jiang Nian.

Napakamot ng ulo si Luo Feng nang marinig niya ito.

Maraming alam si Luo Feng tungkol sa mga malalakas na mga fighters. Halimbawa na rito ang fighter na humati sa black crowned golden eagle sa dalawa sa TV…. Kahit na gamitan niya ito ng spiritual force ay hindi niya mahahawakan maging ang buhok nito.

"Ang mga fighters na nasa itaas ng general level ay mga battle lords!" humahangang sabi ni Jiang Niang "Sila ang mga tunay na malalakas na mga warriors! Kaya nilang maglakad habang pinapaulanan sila ng bala. Kasing bilis din ng kidlat ang kanilang mga bilis at ang kanilang reaction speed ay talagang kahanga hanga. Ang isang suntok o sipa nila ay kayang makawasak ng isang buong apartment. Battle Lord! Iyon ang mga battle lord"

Makapigil hiningang nakinig si Luo Feng sa paliwanag na iyon ni Jiang Nian.

Warrior..... General..... Battle lord!

Ang lakas niya ngayon ay maibibilang lamang sa isang intermediate warrior! Kung gagamitan niya siguro ng spiritual force ay kaya niyang makapagpalakas ng husto para mapabilang sa general level ng mga fighters.

"May mga mas mataas na level pa po ba kaysa sa mga battle lord guro?" tanong ni Luo Feng.

"Meron"

Nakangiting sagot ni Jiang Niang habang ito ay tumatango "May mga taong mas mataas pa sa mga battle lord level. Ang bawat isa sa kanila ay may napakatindi at hindi mapapantayang lakas! Kahit na ang mga bansa ay nagbibigay galang sa mga fighter na ito. Pero mayroon lamang mangilanngilang tao ang nakakatungtong dito. Kahit na ang napakalaking bansa ng China ay mayroon lamang dalawa hanggang tatlong tao na nakatungtong dito.

Natigilan si Luo Feng nang marinig niya ito.

Kahit ang china na isa sa limang mga bansa ay mayroon lamang dalawa hanggang tatlong tao na lumampas sa battle lord level?

"Kaya ang mga fighters ay nahahati lamang sa warrior, general at battle lord categories!" paliwanag ni Jiang Niang "Sigurado akong ginagamit ng mundo ang iyong fist strength, bilis at reaction speed para masukat ang lakas mo. Pero ang hindi mo alam, ginagamit din nila ang iyong battle records para masukat ang tunay na lakas mo.

"Ano pong Battle records iyon?" nalilitong tanong ni Luo Feng.

"Oo Luo Feng, base sa pangangatawan mo ay dapat ka nang mapabilang sa intermediate warrior level! Pero pagkatapos mo maging isang fighter ay kailangan mo munang mapabilang sa beginner warrior technically! Kinakailangan mo munang makapatay ng sapat na dami ng mga malalakas na mga halimaw para makatungtong sa intermediate warrior level" bumubuntong hiningang sabi ni Jiang Nian "Dahil ang ibang mga tayo ay may mas magagandang technique habang ang iba naman ay may mas magagandang pangangatawan. Ang iba ay may iba't ibang paraan sa pagpatay ng mga halimaw. At para masukat din ang kanilang lakas, ginagamit ng mundo ang standard ng battle record!"

Tumango si Luo Feng matapos marinig ang paliwanag ng kaniyang guro.

Oo… kahit na ang kanilang pangangatawan ay mahina, kaya pa rin ng mga ito pumatay ng mga malalakas na halimaw kasama ng mga taong may mga magagandang pangangatawan!

"Magsikap ka para makatungtong sa general level! At magiging pride ka ng ating Yang-Zhou city" tumatawang sinabi ni Jiang Nian "Ang kapatid na Yan Luo na nakita mong kasama ko noong nakaraan ay isang general level fighter"

"Talaga" sabi ni Luo Feng habang tumatango ng bahagya.

Gaano kaya kalakas ang kaya niyang abutin kung gagamitin niya ang kaniyang spiritual force? Maikukumpara kaya siya sa isang general level fighter? Tanging oras lamang ang makapagsasabi nito.

…..

Habang naguusap si Luo Feng at Jiang Nian ay mabilis silang nakarating sa isang three story villa. Napakalaki ng nasasakupan ng villa na iyon. Isang kalbong beterano na may edad na ang sumigaw mula sa balkonahe ng 2nd floor: "Bilisan niyo na Jiang Nian at pumunta na kayo rito"

"Halina Luo Feng at pumunta na tayo doon"

Mabilis na dinala ni Jiang Nian si Luo Feng papasok sa villa.

avataravatar
Next chapter