24 Ang Maligayang Jiang Nian

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang fist strength niya sa prospective fighter exam ay humigit-kumulang mga 1100kg. Pero sa sobrang bilis ng kanyang pagpapalakas ay umabot sa puntong nakayanan na niyang kontrolin ang 101kg Ghost Blade sa loob lang ng ilang araw? Ang ibig sabihin ba noon ay napakalaki talaga ng inilakas ng kanyang katawan?" tanong ni Jiang Nian habang siya'y napahinga ng malalim.

Mula sa araw na naging dojo instructor si Jiang Nian, patuloy na bumababa ang kanyang 'Dojo Contribution.'

Pinapahalagahan ng lahat ng fighters sa Dojo of Limits ang 'Dojo Contribution'.

Ang pinakamabilis na paraan para pataasin ang kontribusyon ay pumatay ng mga halimaw. Pero matagal na ang nakalilipas noong huling pumatay ng halimaw si Jiang Nian.

"Kung hindi ako nagkakamali, mas mabilis na nagamay ni Luo Feng ang technique sa pagsasanay ng genetic energy kaysa sa ibang fighters," hula ni Jiang Nian, "Pwede siguro akong magimbita ng ilang tao na manggagaling sa headquarters. At kung mairerekomenda ko si Luo Feng sa kanila, maliban sa pagkakaroon ng dojo contribution, may reputasyon na rin akong maipapakita sa mga ibang instructors sa ibang region!"

Wala nang ibang magawa si Jiang Nian kundi masabik.

"Ibigay mo sa akin ang pinakamalakas mong suntok Luo Feng!" utos ni Jiang Nian.

"Opo instructor!"

Tumayo si Luo Feng sa harap ng fist strength tester machine at huminga ng malalim. Inisip niya na, "Walang wala ang pangangatawan kong ito sa spiritual power na tinatanglay ko," Walang plano si Luo Feng na itago ang kanyang tunay na lakas sa iba kaya agad niyang kinontrol ang kanyang paghinga at sumuntok na parang isang dragon.

[HONG������]

Parang missile ang kanyang kamao nang tumama ito sa machine. Umuga ang machine ng napakalakas makalipas ng ilang sandali.

[DI!]

"Gaanong kalakas?" Mabilis na tumakbo si Jiang Nian sa harap ng machine para makita ang resulta nito. Gayundin si Luo Feng para malaman kung gaanong kalaki na ba ang inilakas ng kaniyang fist strength kasi wala talaga siyang alam.

Malinaw na makikita ang numerong nakadisplay sa harap ng machine—'3109kg'

"3109kg?" Napahinga ng malalim si Jiang Nian. Matapos nito ay tumingin siya kay Luo Feng na parang isa siyang halimaw.

Namangha rin si Luo Feng nang makita niya ang numero sa machine, "1100kg lang ang fist strength ko sa prospective fighter exam. Tumaas ito ng mabilisan noong sinanay ko na ang aking genetic energy, baka mga 1500 to 1800kg na yung fist strength ko noon. At pagkatapos kong matuklasan ang madilim na golden ball na iyon ay lumakas pa ako ng todo hanggang sa umabot ang fist strength ko ng 3109kg?"

Ramdam na ramdam ni Luo Feng ang pagbabago sa kanyang katawan mula noong pangyayaring iyon pero ngayon pa lang nakita ang kanyang pagbabago ng klaro.

"L-L-Luo Feng...N-Nagtagumpay ka sa unang attempt mo ng iyong genetic energy training?" tanong ni Jiang Nian.

"Opo, pagkatapos ng prospective fighter exam ay nagtagumpay po ako sa unang attempt ng aking genetic energy training," tumatangong sagot ni Luo Feng.

Wala nang magawa si Jiang Niang kundi pumalakpak at sumigaw, "Hahaha! Sa wakas ay nagkaroon na rin ang dojo sa Zhi-An region ng isang tunay na henyo! Sa unang attempt pa lang ng pagsasanay niya ay lumakas na siya ng 2000kg! Sigurado akong mayroong isa o dalawang henyong katulad niya sa buong Jiang-Nan City!"

Kapag magsisimula ka pa lang sa pagsasanay ng iyong genetic energy, isa itong nakakaibang experience para sa iyong katawan.

At dahil hindi pa nakakatanggap ng cosmic energy ang buong katawan mo ng ilang taon ay natural na nakakamangha ang kaya mong ilakas sa unang beses na magsanay ka ng iyong genetic energy!

Pero sa ikalawang pagsasanay at sa mga sumunod rito, nagiging mas kaunti na ang enerhiyang maaabsorb ng iyong katawan na magreresulta sa pagbagal ng iyong paglakas sa pamamagitan ng genetic energy. Sa unang pagsasanay lang malalaman ang fitness level ng isang tao. Normal lang sa isang tao na lumakas ng 300kg sa unang subok ng kanyang genetic energy training, above average naman ang taong lalakas ng 600kg sa kanyang unang subok sa pagsasanay.

Ang mga taong lumakas naman ng 1000kg ay makokonsidera na bilang isang elite.

Pero si Luo Feng ay lumakas ng higit 2000kg!!! Isa itong tunay na henyo!

"Halina't pumunta ka rito para masukat natin ang bilis mo. Pagkatapos ay titingnan natin ang iyong reaction speed," sabi ni Jiang Nian na para bang nakakita ng isang kayamanan kaya hindi na ito makapaghintay na makita ang tunay na kakayahan ng batang si Luo Feng.

"Opo instructor," sabik na sagot ni Luo Feng.

At nagsimula nang maglabasan ang mga resulta mula sa machine---

Strength--3109kg��

Speed--58m/s��

Reaction speed--Beginner warrior full points��Intermediate warrior excellent��

"Hahaha sa wakas, may henyo na ring magmumula sa aking Zhi-An region dojo!" sabi ni Jiang Nian habang tinitigan niya ang final grade ni Luo Feng ayon sa mga resulta. Tinapik niya ang balikat ni Luo Feng at magalak niyang sinabi, "Nakasalalay na sa iyo ang dojo contribution ng iyong instructor, Luo Feng."

Natawa ng kaunti si Luo Feng nang marinig niya ito.

"Dahil sa laki ng inilakas mo ay pwede na kitang pasalihin sa dojo ng mas maaga," sabi ni Jiang Nian, "Hindi mo na kinakailangan pang kumuha ng fighter combat exam dahil puwede na kitang pasalihin bilang isang fighter ngayon din!"

"Sumali sa Dojo of Limits?" naghihinalang tanong ni Luo Feng sa kaniyang sarili.

Ang karaniwan kasing nangyayari ay maaari ka lang magkaroon ng karapatang sumali sa isang power pagkatapos mong pumasa ng prospective fighter exam at fighter combat exam, at ideklarang fighter.

"Dahil galing ka sa Dojo of Limits ko Luo Feng, ako ang natatanging gumabay sa iyo," sabi ni Jiang Nian habang tinatapik niya ang balikat ni Luo Feng at biglang tumawa,"Aaminin ko na sa iyo na ang paglakas ng 2000kg kasabay ng malaki ring improvement sa iyong speed at reaction speed ay napakadali na lang sabihin para sa akin na...

--mayroon kang talento na kasinggaling ng isang henyo o masasabi ko na monster level. Sa loob ng 200 million na populasyon ng Jiang-Nan City, sigurado ako na mayroon lang isa o dalawang tao na kasinggaling mo."

Wala nang magawa si Luo Feng kung hindi matawa sa kaloob-looban niya…

Monster level?

Si Luo Feng lang ang nakakaalam na lumakas lang siya ng 600kg sa unang attempt ng kanyang genetic energy training. Pero matapos ang pangyayari sa kanyang diwa ay doon lang lumakas patungo sa isang nakakatakot na lebel ang kanyang buong katawan.

Pero---

Hindi iyon maiisip ni Jiang Nian dahil ang genetic energy lang ang tanging paraan ayon sa kanyang kaalaman ng mabilis na paglakas ng isang normal na fighter!

"Ang isang henyo na kagaya mo ay hinahanap ng Thunder Dojo, mga underground gangs at iba pang mga maiimpluwensiyang pamilya matapos mong ipasa ang iyong fighter combat exam," tumatawang sabi ni Jiang Nian, "At sa mga panahong iyon ay makikita mo ang iyong sarili na maaakit ng husto sa kanilang mga offer."

Napagisip-isip ni Luo Feng na kapag isa hanggang dalawa lang ang mga henyo na kagaya niya ang makikita sa kabuohang populasyon ng Jiang-Nan City ay sino ba naman ang hindi makikipagpatayan para sa kanila?

"Kaya hindi ba mas ok kung pasasalihin na kita sa amin ngayon?" tumatawang tanong ni Jiang Nian, "Huwag kang mag-alala. Maganda rin naman ang mga benepisyong makukuha mo mula sa amin! Ang isang normal na fighter ay makakakuha ng isang pribadong villa at 100,000 Chinese dollars. Kaya kailangan mong laging tingnan ang budget mo Luo Feng dahil ang mga sandata, armor, guide books at iba pang mga special weapons na may kasamang mga lessons mula sa malalakas na fighter ay hindi libre."

Tumango naman si Luo Feng nang marinig niya ito.

"Para sa isang henyo na tulad mo, bibigyan ka namin ng isang private villa kasama ng 20 million Chinese dollars! Ganyang kalaki ang matatanggap mo para mabili mo ang mga sandata, armor at iba mo pang mga kinakailangan. Kasama na rito ang pagbibigay ng Dojo of Limits sa iyo ng blade at agility scroll, kasama na rin ang isang Dao Yin technique. Hangga't ang presyo ng tatlong iyan ay hindi lalampas sa 50 million ay libre mong makukuha ang mga iyan mula sa amin. Kung lumampas naman, kinakailangan mong bayaran yung sobra."

Walang nagawa si Luo Feng kundi mapahinga ng malalim nang marinig niya ang offer na ito.

Grabe!

Ang mga normal na fighter ay makakakuha lang ng isang milyon habang siya ay makakuha ng humigit-kumulang 70 million! Napakaimportante nga naman sa mga fighters ang Dao Yin techniques, kasama na rin dito ang blade at agility techniques.

"Hindi maaaring lumampas sa 50 million ang tatlong iyan Luo Feng. Pero kung binili mo iyang tatlo sa ibang tindahan, baka kailangan mo pang magbayad ng 100 million," nakangiting sabi ni Jiang Nian. "Pero mayroon namang natatanggap na mga discounts ang mga fighter depende sa kanilang mga dojo contribution. At normal lang na kinakailangan mo ng sapat na dojo contribution kung gusto mong bumili ng mas mataas na level na scroll! Hindi mo basta basta mabibili ang mga ito kung hindi sapat ang iyong dojo contribution kahit na may pera ka. At siyempre, wala sa usapan ang dojo contribution sa mga regalong ibibigay namin sa'yo."

Napagtanto ni Luo Feng na sobrang laki ng mga benepisyong inooffer sa kanya kapalit ng pagsali sa isang dojo.

"Parepareho lang ang benepisyong ibibigay sa isang henyong kagaya mo kung sumali ka sa Dojo of Limits," nakangiting sinabi ni Jiang Nian, "At maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga kasama sa iba pang dojo kung kinakailangan mo. Maging ang aming pinuno, ang pinakamalakas na fighter na si Hong ay minsan nang namuno sa ilang mga elite fighters na nanggagaling sa iba't ibang dojo.

Matagal nang namamalagi si Luo Feng sa panahong ito kaya alam niya ang laki at lakas ng impluwensiya ng Dojo of Limits!

Isang magandang desisyon talaga ang pagsali sa Dojo of Limits.

"Sige po instructor, tinatanggap ko po ang offer niyo," tumatangong sagot ni Luo Feng.

"Hahaha," tawa ni Jiang Nian, "Siyempre ay wala akong karapatan na isali ka sa Dojo of Limits agad-agad… Ang mga taga-headquarters ang mga taong gagawa niyan para sa akin matapos ka nilang isalang sa isang test para sa mga henyong katulad mo." Matapos niyang sabihin ito ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at mahinang sinabi ang salitang 'Headquarters' na nagsignal sa cellphone na idial ito.

Matapos ang ilang sandali---

Isang tao ang makikita sa screen ng cellphone ni Jiang Nian.

"Anong maitutulong ko sa iyo Jiang Nian?" tumatawang tanong ng matandang kalbong beterano.

"Uncle Bai," sabik na sagot ni Jiang Nian, "Nakakita ako ng isang henyong fighter galing sa Zhi-An region. Lumakas ang kanyang fist strength ng 2000kg pagkatapos ng una niyang attempt sa pagsasanay ng kanyang genetic energy. Ang bilis niya naman ay 58m/s at ang reaction speed niya naman ay excellent sa isang intermediate warrior exam! Sigurado akong isa siyang monster level genius!"

"Talaga?" surpresang tanong ng kalbong beterano at nagtanong, "Sa unang beses pa lang ng pagsasanay niya ay lumakas na siya ng higit 2000kg? Ilang taon na siya?"

Habang tumatanda ang isang tao ay mas bumababa ang prayoridad nitong palakasin.

"18 years old po!" sagot ni Jiang Nian.

"Ano? 18 years old lang iyang batang yan?" biglang napatayo ang matandang beterano at sumigaw, "Bilisan mo at dalhin mo iyan sa headquarters ngayon din! Maghahanda na ako ng isang pagsusulit para sa batang iyan!"

"Opo, pupunta na po kami diyan ngayon din."

Ibinaba ni Jiang Nian ang kaniyang cellphone at nakangiting sinabi kay Luo Feng na, "Sumama ka sa akin ngayon papuntang headquarters Luo Feng."

"Opo instructor. Ibabalik ko lang po itong mga ginamit ko sa weapons room," habang nagsasalita pa lang si Luo Feng ay hinila na ito ni Jiang Nian at sinabing, "Sino ba naman ang titingin dito? Iwanan mo na lang iyan sa sahig at halika na!"

Matapos nito ay hinila ni Jiang Nian si Luo Feng at mabilis na tumakbo papunta sa hagdan, nang madaanan ang beteranong nagbabantay sa Limit Hall ay inutusan niya ito, "Old Li, baka wala akong oras para magturo mamaya, kaya ikakansela ko muna yung mga klase ko."

"Opo instructor," tumatangong sagot ni Uncle Li, at matapos niyang sabihin ito...

Wala na si Jiang Nian at si Luo Feng sa kanyang paningin.

avataravatar
Next chapter