26 Si Zhu Ge Tao

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Makikitang walang kalaman laman at mas maliit kaysa sa training hall sa dojo of limits ng Zhi-An section sa Yang Zhou ang 2nd floor ng villa na ito.

"Chief" malakas na bati ni Jiang Nian habang papasok siya sa 2nd floor ng villa.

"Huh?"

Nagulat si Luo Feng sa nakita niya, hindi niya pa nakikitang bumati ng ganito si Jiang Nian sa kahit na sino, maging sa punongguro na si 'Wu Tong'.

"Si Luo Feng ba ang batang nasa tabi mo ngayon Jiang Niang tama?" sabi ng mahinahong boses sa kaniya.

"Opo chief" magalang na sagot ni Jiang Nian sa kaniyan kausap.

Maingat na tumingin sa paligid si Luo Feng. Nakita niya na may limang tao lang ang nakatayo maliban sa matandang beterano. Ang apat sa kanila ay nakasuot ng white suits. Silang apat ay nakatayo sa likod ng isang middle aged na lalaki na nakasuot ng itim sa Tang suit. Payat, may baluktot na ilong at ang kaniyang mga mata ay punong puno ng pagtanggap at kasiyahan; Makikita sa kaniya ang napakabuting loob nito.

Mabilis na tumingin si Jiang Nian kay Luo Feng kaya napagtanto agad nito ang lahat at bumati: "Hello po Chief"

"Sige"

Bahagyang tumango ang middle aged na lalaki at nagsalita "Puwede na kayong magsimula matandang Bai. Sukatin niyo ang lakas ng batang ito"

"Masusunod po" magalang na sagot ni Uncle Bai sa lalaki.

Nagisip si Luo Feng sa kaniyang sarili; "Hindi binati ng guro na si Jiang Nian ang punongguro na si 'Wu Tong' ng ganito. Iginagalang ito ng husto maging ni Uncle Bai na may mataas ding posisyon sa dojo of limits kaya…. Sino ang tinatawag nilang chief na ito?"

Bahala na, basta malinaw sa akin na ang chief na ito ay may mataas na katungkulan sa dojo of limits.

[DI!]

Ang lahat ng mga switch sa fist strength tester machine at speed tester machine ay inon.

[WU~~]

Ang lahat ng mga security camera sa training hall sa 2nd floor ay bumukas para irecord ang performance ni Luo Feng. Nagsimula na ring gumalaw ang apat na lalaki at babae na nakawhite suits ang iba ay gumamit ng laptop at ang iba naman ay chineck kung maayos ba ang mga machine na gagamitin.

"Wala na po kaming nakikitang problema Uncle Bai" sabi ng batang babae.

"Sige" matapos nito ay tumingin si Uncle Bai kay Luo Feng at sinabing "Magsimula ka na sa pagsusulit Luo feng. Simulan mo sa iyong strength"

Huminga ng malalim si Luo Feng at nagpunta sa fist strength tester. Kahit na si Jiang Nian, Uncle Bai, ang apat na babae at lalaki na nakaputing suits o ang high chief ay nakatingin kay Luo Feng. Si Luo Feng na kaninang makikitang kalmado ay biglang sumabog na parang isang panther.

[PENG!] At ang kanyang kamao ay tumama na sa machine.

Tiningnan agad ni Luo Feng ang numero na nakalagay sa screen—'3110kg'

"Magaling bata" sabi ng tahimik na chief habang tumatango "Next category"

Kasunod nito ang pagsukat niya ng kaniyang bilis at reaction speed at ang mga resulta nito.

Speed--58m/s

Reaction speed--beginner warrior, perfect score. Intermediate warrior, excellent

[Phew]

Naglakad na si Luo Feng paalis sa pulang bilog ng reaction speed tester at huminga ng maluwag matapos niyang makita na maayos naman ang resulta ng kaniyang mga test "Ayos, mabuti nalang hindi ako pumalya sa mga oras na ito". Nakapagrelax na rin ang guro nitong si Jiang Nian na nakapuwesto sa tabi ni Luo Feng. Dahil alam nila pareho na hindi naipapakita ng marami ang kanilang tunay na lakas kapag nakakaramdam sila ng matinding pressure mula sa paligid.

"Ang iyong reaction speed ang pinakamagandang nakita ko sa tatlo" nakangiting sabi ng lalaking nakasuot ng Tang suit habang tumatango.

"18 years old lang din siya na pumapasok sa ating restricted range"

Nakangiting tumingin kay Jiang Niang ang lalaking nakasuot ng Tang suit at nakangiting sinabi na "Isang henyo ang nagmula sa iyong Zhi-An section. Magaling Jiang Nian"

Wala nang ibang maipakita ang mukha ni Jiang Nian kundi kasiyahan: "Hanggang nagsisikap si Luo Feng sa kanyang pagsasanay ay magpapatuloy ang kaniyang paglakas"

"Sang ayon ako diyan"

Matapos nito ay tumingin ang lalaking nakasuot ng Tans suit kay Luo Feng "Gusto mo bang sumali sa aking dojo of limits Luo Feng? Sigurado akong nasabi na ni Jiang Nian sa iyo ang lahat ng kondisyon"

"Gusto ko pong sumali sa inyo" sinabi ni Luo Feng nang walang pagdadalawang isip.

"Napakagaling"

Pumalakpak naman ang lalaking nakasuot ng Tang suit at sinabing "Ayon sa mga rules, puwede kang pumili ng villa dito sa main sector o sa Yang-Zhou city. Maaari kang tumira pero wala kang karapatan para ibenta ito. Ang lahat ng mga villa sa aming dojo of limits area ay tinitirhan ng mga fighters"

"Maliban pa diyan ay makakakuha ka ng 20 million dollars! Kasama ng Dao Yin technique, blade scroll at agility scroll nang libre hangga't ang presyo ng tatlong ito ay hindi hihigit sa 50 million" tumatawang sabi ng lalaking nakasuot ng Tang suit "Tama ba ako?"

"Opo" tumatangong sagot ni Luo Feng.

Matapos nito ay tumingin naman ang lalaking nakasuot ng Tang suit sa babaeng nakasuot ng white suit at sinabing "Kunin mo ang kontrata pero baguhin mo ang isang kundisyon dito. Puwede nang pumili si Luo Feng ng kahit anong Dao Yin technique, agility scroll at offensive scroll ng libre hangga't nagkakahalaga ang tatlong ito ng 100 million, Ako na ang magbabayad sa sobrang 50 million"

"Opo chief" gulat na gulat na tumingin ang babaeng naka white suit kay Luo Feng at umalis para kunin ang kontrata.

"Chief….." gulat na gulat na sabi ni Luo Feng.

Bago iyon, ang tatlong scrolls ay dapat magkaroong ng halaga na hindi hihigit sa 50 million para maging libre. Pero ngayon ay tumaas na ito sa 100 million at babayaran ng chief ang sumobrang 50 million sa kontrata.

"Magaling na bata ka Luo Feng" nakangiting sabi ng lalaking nakasuot ng Tang suit "Gusto kita bata kaya sana ay tanggapin mo ang munting regalo kong ito sa iyo"

"Munting regalo?" nasusurpresang tanong ni Luo Feng.

Mula sa 50 million hanggang 100 million, sa madaling salita, magbabayad ang chief ng milyones pero nasasabi niya pa rin na munting regalo lang ito? Kahit na siguro ang isang general level fighter ay walang ganito kalaking halaga para ipamigay.

"Maraming salamat po chief" pasasalamat ni Luo Feng.

Ngumiti naman ang lalaking nakasuot nang Tang suit. Mabilis na inilatag at pinirmahan ang kontrata ng lalaking naka Tang suit. Matapos nito ay dinala na ng babaeng naka white suit ang kontrata kasama ng ballpen kay Luo Feng "pumirma ka dito, dito at dito"

Tiningnan ni Luo Feng ang kontrata. Malinaw ang mga nakasulat sa kontrata, diretso ring sinabi ang mga kondisyon at benepisyong nakalagay sa kontrata. Wala siyang kahit anong jargon na nakita at matapos niyang basahin ito ay agad niyang pinirmahan ang kontrata.

"Welcome sa dojo of limits family Luo Feng!" nakangiting sinabi ng lalaking nakasuot ng Tang suit at matapos nito ay itinaas niya ang kaniyag kamay para makipagkamay kay Luo Feng.

Itinaas rin ni Luo Feng ang kaniyang kamay at sila ng chief ay nag shake hands.

"Mula ngayon ay puwede ka nang lumipat sa villa area ng mga fighter" nakangiting sinabi ng lalaking naka Tang suit "Makukuha mo naman ang iyong pera at mga scrolls kapag naging isa ka nang opisyal na fighter. Ang pera mo naman ay itatransfer namin sa iyong fighter account"

Tumango si Luo Feng.

"Oh, muntik ko nang makalimutan, ang pangalan ko pala ay Zhu Ge Tao. Huwag na huwag mong kalilimutan iyan bata" nakangiting sabi ng lalaking nakasuot ng Tang suit. Matapos nito ay umalis na siya kasama ng apat na mga lalaki at babaeng nakaputing suit.

Mabilis na nabakante ang 2nd floor ng villa, tanging si uncle Bai, Jiang Nian at Luo Feng na lang ang natira rito.

"Phew, Hindi ako masyadong makahinga kanina dahil sa presensiya ni Chief" malakas na tawa ni Jiang Nian.

"Wala rin akong kaalam alam na darating ang Chief ngayon para manood" sabi ni uncle Bai.

At biglang napatanong sa kanila si Luo Feng "Guro, uncle Bai, sino po ang chief na iyon?"

"Hahaha masuwerte ka bata. Nakita ni chief ang iyong guro at dinoble ang iyong cap" sabi ni uncle Bai habang nakatingin kay Luo Feng "Pero ang pinakanakakagulat dito ay sinabi ng chief sa iyo ang kaniyang pangalan! Mukhang nagustuhan ka talaga niya"

"Pangalan?" Hindi alam ni Luo Feng ang kahalagahan ng pagbibigay sa kaniya ng pangalan ng chief kani kanina lang.

Walang naging gaanong reaksyon si Luo Feng matapos niyang marinig ang pangalang Zhu Ge Tao. Huminga siya ng malalim sa kaniyang sarili….. napakadalang kung tutuusin ang pangalang 'Zhu Ge'.

"Ang gurong iyon ay isa sa Big Four ng Jiang-Nan dojo of limits Luo Feng" nakangiting sinabi ni Jiang Nian.

"Big Four?" Kinikilabutang tanong ni Luo Feng nang marinig niya ito.

Tumingin si uncle Bai kay Jiang Nian at mahinang sinabi na "Satin satin lang ito. Pero sa loob ng dojo of limits headquarters ay pinamumunuan ng chairman, kasunod ng tatlo pang mga chiefs! Ang chairman at tatlong chiefs ay tinatawag ng marami bilang Big Four! Ang bawat isa sa kanila ay may napakataas na katungkulan at kapangyarihan. Kung gusto mo maging isang chief ay kinakailagan mo munang maging isang 'Elite General' level fighter. Kasama ng napakataas na dojo contribution at suporta mula sa iba pang mga general level fighters!"

"Talaga?" nasusurpresang tanong ni Luo Feng.

May tatlong bagay ang kinakailangan mo para maging isang chief: lakas, contribution at suporta.

"Walang wala para sa chief ang 50 million na ibinigay niya sa iyo kanina Luo Feng" mahinang sinabi ni Jiang Nian "At para sakin, kaya ka siguro binigyan ng chief ng ganoon kalaking halaga ay dahil napakabata mo pa. 18 years old! Alam niyang mayroon kang pagasa na maging isang general level fighter. Kaya naginvest siya sa iyo ng 50 million para matulungan kang makapagsimula"

Tumango si Luo Feng.

Tumatawa namang sinabi ni Uncle Bai na "Pero huwag kang magpadalos dalo Luo Feng. Mayroon kang angking talento pero talagang napakahirap para maging isang general level figher! Naisip ng chief na baka mayroon kang malaking tiyansa para maging isang general level fighter"

"At dahil sa napakaliit na tiyansa para maging isang general level fighter ay binigyan niya ako ng 50 million?" nagbubuntong hinignang sabi ni Luo Feng.

Napakastriko ng mga rules sa dojo. Kabilang na rito na ang dapat ang presyo ng tatlong scrolls ay hindi dapat lalampas ng 50 million. Hindi ito kayang baguhin kahit ng chief kaya siya na lang ang nagbayad ng sumobrang 50 million mula sa kaniyang bulsa para madoble ang unang cap na 50 million. Ang type ng scroll na ginagamit ay may malaking impact sa mga fighters na nagpapalakas sa kanilang mga pangangatawan."

"Huwag mon a munang isipin ang mga bagay na iyan Luo Feng. Ang dahilan kung bakit ka binigyan ng chief ng special treatment ay nangangahulugan ng maraming bagay. Napakalawak ng mga koneksyon ng mga ito maging ang army man, ang grupo ng mga malalakas na fighters, ang gobyerno at ang iba't ibang mga maiimpluwensiyang mga pamilya…. Ang bawat isang chief may may sarili niyang mga koneksyon. Ang Chief ay isa sa mga pinakamaimpluwensiyang tao sa buong Jiang-Nan city" Wala nang magawa si Jiang Nian kundi sabihin ito sa nagiisip na si Luo Feng.

Tumango naman si Luo Feng nang marinig niya ito.

Ang pagbibigay sa kaniya ng special treatment ng chief ay isang magandang bagay kaya anong magandang rason para pag isipan ito ng kung ano ano. At dahil tinulungan siya ng chief ay maghihintay na lang siya ng tamang panahon para makabawi rito.

"Kailan ka nga pala lilipat sa fighter area sa Yang-Zhou city Luo Feng? O baka mas gusto mo bang lumipat dito sa main sector?" tanong ni Jiang Nian.

Bahagyang nagdalawang isip si Luo Feng habang iniisip kung saan niya gustong lumipat….

Ang kaniyang mga magulang at lahat ng kaniyang mga kaibigan ay nakatira sa Yang-Zhou city. Kasama na ang mga malalapit niyang mga kaibigan.

"Lilipat po ako sa Ming-Yue sector" sagot ni Luo Feng.

avataravatar
Next chapter