39 Ang 10 Stages ng Force

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos niyang buksan ang unang page ng "Nine Stage Thunder Blade" instruction manual*…

*Note mula sa TL: Mula ngayon ay babaguhin ko na ang ginamit kong salita na scrolls papunta sa instruction manuals.

"Bilis!" ito ang pinakamalaki at pinakanakikitang salita sa unang pahina. Natigilan si Luo Feng na para bang humaharap sa isang paparating na blade. Masasabing isa lamang itong kopya ng orihinal na Nine Stage Thunder Blade pero sapat na ito para matulala si Luo Feng.

Naiimagine ng kahit sino sa pagbabasa pa lamang nito kung gaano katakot takot ang fighter na gumawa ng manual na ito na si Thunder Lord.

Nagpatuloy sa pagbabasa si Luo Feng.

"Sa lahat ng mga martial arts, ang tanging bagay na hinding hindi masisira kailanman ay ang bilis"

"Habang pabilis ng pabilis ang iyong blade hanggang sa umabot ito sa hangganan nito ay paliit ng paliit din ang tiyansa ng iyong pagkatalo" Inilipat ni Luo Feng ang pahina papunta sa Title Page nito at nakita ang isang napakagandang sulat "Kapareho rin ng sulat na ito ang sulat sa instruction manual ng Destroyer na ginawa ni 'Hong', ang pinakamalakas niya ring galaw ay ang pagabot sa hangganan ng iyong bilis. At sa isang galaw lang ay kaya niyang wasakin ang kalangitan at durugin ang buong mundo nang walang natitirang buhay, kahit sino"

"Mayroon lamang akong isang sikreto sa likod ng "Nine Stage Thunder Blade" na nilikha ko: ito ay walang iba kundi ang bilis!"

Nilipat ni Luo Feng ang manual papunta sa pangalawang pahina.

"Paanong kang makakalikha ng nakapangwawasak na lakas sa pamamagitan ng bilis?"

"Una, Kung mas mabilis ang pag galaw ng iyong blade kaysa sa iyong kalaban ay kaya mo itong gilitan ng leeg bago pa man nila maitaas ang kanilang hawak na sandata! Magagamit mo rin ito kung ang lakas mo ay 1/10 lang ng lakas ng iyong kalaban dahil hindi kaya ng kanilang leeg na protektahan ang sarili nila mula sa napakatalim mong blade. Kaya ang iyong bilis ang makapagbibigay sa iyo ng pagkakataon na tamaan ang weak point ng iyong kalaban."

"Sumunod, kaya ng bilis na lalo pang mapalakas ang iyong blade"

"Kung gagamitin nati ang energy calculation formula—ang attack power ng isang blade ay katumbas sa 0.5mv^2, sa madaling salita, kung gagamitin mo ang iyong blade sa panahon at sitwasyon kung saan ay hindi ito mahahadlangan ng kahit na anong forces galing sa kalikasan, ang magiging lakas ng iyong blade ay nakabase sa bilis ng paggalaw nito! Maging ang mabilis na agos ng tubig ay kayang tumagos sa matibay na bakal. Bilis din ang natatanging dahilan kung bakit nakakayanan ng papel na humati ng bakal na sadyang mas matibay kaysa rito!

"Ang bilis ang natatangi ring susi para makalusot sa depensa ng iyong kalaban!"

"Ang bilis ang tunay na makapagpapalakas sa iyo sa paggamit mo ng blade! Tingnan mo man ito sa anggulo ng pagatake sa weak points ng iyong kalaban o maging sa katotohanang na ang lakas ng iyong blade ay nakabase sa bilis ng paggalaw nito!"

Tumango si Luo Feng habang binabasa niyo ito. Alam ng karamihan sa mga fighter ngayon ang puntong ito ng Thunder Lord. Ang natatanging susi lamang para maging pinakamalakas sa lahat ay ang pagpapabilis sa iyong mga galaw!

"Marami ngang mga fighter ang nakakaintindi nito pero kakaunti lamang sa kakaunti ang may kayang makagawa ng nakasaad sa puntong ito!" Punong puno ng confidence ang pagkakasulat ng Thunder Lord sa instruction manual na ito "Ang Nine Stage Thunder Blade na ginawa ko ang nagbigay sa akin ng pinakamabilis na blade sa buong mundo! Binigyan din ako nito ng pinakamabilis at pinakamalakas na katawan!"

Kumislap ang mga mata ni Luo Feng nang mabasa niya ito.

"Kasama sa Nine Stage Thunder Blade ang agility technique na 'Liu Guang*', ang buong Dao Yin technique set ng 'Nine Stage Hun Yuan' at ang buong blade technique set ng 'Thunder Blade'. Ang Dao Yin technique ang pinakaimportante sa tatlong ito!"

*Note mula sa TL:Ang literal na ibig sabihin ng 'Liu Guang' ay flowing Light.

"Sa pamamagitan lamang ng Dao Yin technique ka makakakuha ng mas malakas na pangangatawan!"

"Ang iyong pangangatawan ay ang core!"

"Nangangailangan ang Blade technique at ang agility ng tuloy tuloy na pagsasanay at matinding pangintindi!"

Nagpatuloy si Luo Feng sa paglipat niya ng mga pahina habang masusing binabasa at iniintindi ang bawat mga nakasulat sa bawat isa ng mga ito. Ayon sa instruction manual, mayroong siyam na volume ang 'Nine Stage Hun Yuan" Dao Yin technique. Ang instruction manual na binili niya ay mayroong unang tatlong volume ng blade technique at agility technique. Binasa at inintindi ng buo ni Luo Feng ang bawat isang salita na nakasulat dito.

Matapos niyang itingala ang kaniyang ulo…..

Ay mataas na ang sikat ng araw sa buwan ng Agosto na lalong nakapagpaliwanag sa buong training hall.

"Wow!! Nakamamangha"

Kinain na ng husto si Luo Feng ng Nine Stage Thunder Blade na ginawa ng Thunder Lord. Sapat na ang unang tatlong stages para mapanganga si Luo Feng. At ang pagkukumpara ang instruction manual na ito sa mga tips na makikita mo sa internet ay parang pagkukumpara sa ilaw mula sa alitaptap sa ilaw na nagmumula sa araw.

"Sisimulan ko nang subukan ang technique na ito"

Maingat na inilagay ni Luo Feng ang instruction manual sa isang sulok ng training hall. Matapos nito ay kinuha niya ang kaniyang ghost blade at nagsimula na sa pagsasanay. Maririnig sa ghost blade ang "CHI" sound habang ginagamit ito ni Luo Feng. Ang ghost blade ni Luo Feng ay may habang 101cm, habang ag blade nito ay may habang 78cm at may lapad na 5.2cm. Hinasa ito ni Luo Feng kani kanina lang. Ito rin ay gawa sa second Ke-Luo alloy.

Ito rin ay may half price na 3 million at may bigat na 112kg.

"Start!"

[HU!] [HU!] Makikita sa gitna ng training hall ang nakatayong si Luo Feng habang mabilis na ginagalaw ang blade na kaniyang sa kaniyang kamay.

Nakadepende ang Nine Stage Thunder Blade sa isang espesyal na pamamaraan para magexert ng force.

Masasabi natin na ginagamit ng isang regular na tao ang 100% ng kanilang buong lakas sa oras na simulant na nailing iswing ang hawak nilang blade! Pero kung gagamitan mo ito ng Nine Stage Thunder Blade training, matututo ang isang tao na magswing ng blade gamit lamang ang 70% ng kanilang kabuohang lakas. Kung susundin ang nakasulat sa manual, pagkatapos na pagkatapos ng una mong pagakatake ay kailangan mong magpakawala muli ng isa pang pagatake gamit 70% ng iyong kabuohang lakas. Kung pagsasamahin ang dalawang pagatakeng ito, ang lakas na naibigay mo sa iyong kalaban ay may kabuohang lakas na 140%!

Mayroong siyam na stages ang Nine Stage Thunder Blade technique.

Kung maaaral at masasanay mo ng matagumpay ang unang stage, magkakaroon ka ng kakayahang magpakawala pang muli ng isa pang stage, ang kabuohang lakas na maibibigay mo ay may halaga na 140%!

Magkakaroon ka naman ng kakayahang magpakawala ng dalawa pang stages kung maaaral at masasanay mo ang second stage. Ang kabuohang lakas na iyong mapapakawalan ay nagkakahalaga ng 210% ng kabuohang lakas ng iyong katawan!

Sa pangatlong stage naman ay makakayanan mo nang magpakawala ng tatlo pang mga stages na may halaga na 280% ng kabuohang lakas ng iyong katawan!

…..

At sa pangsiyam na stage ay maaari ka nang magpakawala ng siyam pang mga stages at ang lakas na kaya mong pakawalan ay 720% ng kabuohang lakas ng iyong katawan! Ang ibig sabihin nito, kung makukumpleto mo ang technique na ito ay maaari kang magpakawala ng mga atakeng pitong beses na mas malakas kaysa sa orihinal na kabuohang lakas ng iyong katawan.

Ano ang ibig sabihin nito?

Ang ibig sabihin nito, kung matapos ng isang beginner warrior na aralin ang buong siyam na mga stages ng Nine Stage Thunder Blade technique ay kaya na niyang tapatan ang isang beginner level warlord fighter!

"Napakahirap nga gaya ng sinasabi ng iba maging ng reminder na nanggaling sa internet. Napakahirap matutunan ang Nine Stage Thunder Blade na ito. Hirap na hirap na akong aralin maging ang introductory part nito" nagpatuloy sa pagswing ng blade ng daan daang beses ni Luo Feng. Sa bawat swing ni Luo Feng ay sinusubukan niyang gawin ang pangalawang stage nito pero hindi niya ito magawa.

Napakahirap talaga!

Ang duration ng isang swing ay nagtatagal ng isang saglit lamang, At ang mas mahirap pa nito ay matapos mong maglabas ng lakas sa iyong unang swing ay kinakailangan mo uling maglabas ng lakas para magawa ang ikawalang swing ayon sa nakasulat sa instruction manual.

"Mukhang hindi ko kinakailangang maging sakim at laktawan ang iba pang mga nakalagay sa unang stage ng Nine Stage Thunder Blade technique. Ayon sa manual, mayroong 18 techniques ang unang stage ng Nine Stage Thunder Blade technique at kung sasanayin ko ang mga ito ng husto ang lahat ng ito ay malalaman ko ang paraan kung paanong mapapakawalan ang unang stage ng technique na ito." Tango ni Luo Feng, Mayroong isang kasabihan ang nagsasabing "After reading a book a hundred times, the meaning will show itself".

Siguro ay kung matatapos niyang sanayin ng maigi ang 18 techniques na ito ay maiintindihan niya ang ibig sabihin sa likod ng unang stage ng Nine Stage Thunder Blade technique.

"Kakain na tayo Feng"

"Feng dalian mo"

Sabi ng kaniyang nanay at tatay mula sa baba ng kanilang tahanan.

"Pababa na po" Agad na binalik ni Luo Feng ang kaniyang Ghost blade sa lalagyan nito at isinabit ito sa dingding ng ng kaniyang kuwarto bago bumaba para kumain.

�������

Ilang oras ang lumipas at kahit kasali na si Luo Feng sa Fire Hammer squad ay wala pa rin siyang kinakailangang gawin dahil nasa break ito. Ginamit niya ang pagkakataong ito para sanayin pa ng husto ang kaniyang sarili sa Nine Stage Thunder Blade technique, agility, at Dao Yin technique. Maganda naman ang naging bunga ng pagsasanay na ito kay Luo Feng dahil lumakas muli ng histo ang pangangatawan nito.

Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natututunan ni Luo Feng kung paano gawin ang unang stage ng "Nine Stage Thunder Blade" technique.

Kahit na hindi niya matutu tutunan ito ay malinaw para kay Luo Feng na lalong naging mabilis ang kaniyang mga galaw kasabay ng pagimprove ng husto ng kanyang lakas at control sa paghawak ng kanyang blade.

"Atleast ay mas nacocontrol ko na ng mas maigi ang aking mga muscles kahit na hindi ko pa rin matutunan kung paano gawin ang unang stage ng Nine Stage Thunder Blade technique." Magisang tumayo si Luo Feng sa loob ng training hall habang tahimik na isinusuot ang kaniyang battle uniform. Matapos nito ay naglagay siya ng limang throwing knives sa magkabilang bulsa ng kaniyang battle uniform. Matapos nito ay sinimulan niya na ring isuok ang kanyang alloyed battle boots.

Isinuot niya na rin ang kaniyang vest na nagpakita sa kaniyang mga balikat at ang mga wrist guard na isinuot niya sa kaniyang magkabilang braso.

Dala dala na rin niya ang kaniyang backpack, hexagonal shield at ghost blade sa kaniyang likuran. Makikita ring nakasuot sa kanang wrist ni Luo Feng ang kaniyang tactical communications watch. Dala dala niya rin sa kaniyang bag ang isang bote ng tubig at pagkaing may mataas na carbs.

"Ngayong araw, August 28, ay ang unang araw na lalabas ako ng city para simulan ang pinakauna kong misyon bilang isang fighter" buntong hininga ni Luo Feng.

Walang duda…

Ngayon ang unang araw na lalabas ang Fire Hammer squad kasama si Luo Feng!

"Luo Feng!" sigaw ng Fire Cannon na si Chen Gu sa labas ng kanilang tahanan.

"Paparating na" sagot ni Luo Feng. Agad siyang tumakbo pababa nang makita niya ang nanay at tatay nitong sina Luo Hong Guo at Guong Xin Lan na nakatayo sa kanilang sala sa baba. Tahimik din siyang tinitingnan ng kaniyang kapatid na si Luo Hua na nakaupo sa kaniyang wheelchair. Alam nila na ito ang unang araw na lalabas si Luo Feng ng city para manghuli ng mga halimaw sa Forsaken Land*.

Note mula sa TL: Napagdesisyunan ko na gamitin ang salitang Forsaken Land* pamalit sa salitang Wilderness mula sa chapter na ito dahil wala na akong makitang mas malapit pa na salita rito sa Filipino ayon sa description nito sa istorya.

Ang lupain sa labas ng city ang tawag ng mga tao sa kagubatang tinitirhan ng mga halimaw. Makikita rin dito ang mga sira sirang mga siyudad, bayan, bundok, kagubatan, lawa, etc.

"Magiingat ka Luo Feng" Wala nang ibang magawa si Gong Xin Lan kundi sabihin ito.

"Huwag kang magalala ma" tawa ni Luo Feng. Tumango siya sa kaniyang tatay at tumingin sa kaniyang kapatid na si Luo Hua.

"Baka puwede mo nang makain ang mga wedding candy ko pagbalik mo kuya" at nagsimula na ring tumawa ang kapatid nitong si Luo Hua.

"Wedding candy? Ang bilis naman. Dalawang buwan pa lang naman kayong magkakilala ng babaeng iyon" tawa ni Luo Feng.

"Ano naman kuya kung mabilis? Kung maganda naman ang aming relasyon diba?" Tawa ni Luo Hua.

"Sige kakainin ko yang wedding candy mo pagbalik ko kaya siguraduhin mong masarap iyan ha!" tawa ni Luo Feng habang hinahawakan ang ulo ng kaniyang kapatid "Mauuna na po ako Ma, Pa, Hua. Babalik ako pagkatapos ng ilang araw". Matapos niyang sabihin iyon ay tumakbo na siya palabas ng kanilang bahay para sumama kay Chen Gu na naghihintay sa kaniya sa gate ng kanilang villa.

Tahimik na pinanood ng pamilya niya ang nakabattle uniform na si Luo Feng habang mabilis itong tumatakbo papunta sa isang matipunong lalaki na nakasuot din ng kaniyang battle uniform.

"Halika na Luo Feng, dadaan muna tayo sa HR alliance market para makipagkita sa atling leader at iba pang mga kasama natin sa panghuhuli. Sabay sabay tayong lalabas ng city"

"Opo Kuya Chen"

Mabilis na pumunta si Luo Feng pasakay sa pribadong sasakyan na pagaari ng Dojo of Limits na kung saan nakasakay si Chen Gu at isang lalaki na may bitbit na spear na gawa sa bakal sa kaniyang likuran.

avataravatar
Next chapter