70 Ang Den este Battlefield

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang ikatlong araw ay umalis na sina Luo Feng at Chen Gu sa Ming-Yue sector upang makipagkita kina Gao Feng, Wei Tie at Wei Qing sa HR alliance market bago sila sabay-sabay na pumunta sa resupplying base sa southeast.

Mas malaki ng husto ang military sector na ito sa southeast kaysa sa northern military sector ng Jiang-Nan city!

"Ang resupplying base na ito ay mas malaki kaysa sa resupplying base na napuntahan natin sa northern military sector," matapos kuhanin ang susi ay napabuntong hininga na lang sina Luo Feng at ang mga kasama niya habang naglalakad sa loob ng resupplying base. Nalampasan ng resupplying base na ito ang bilang ng mga villas na matatagpuan sa resupplying base ng northern military sector. At sa isang tingin mo lang ay makikita mo na agad ang napakaraming bilang ng fighters na nakakalat sa loob nito.

Kung ang lakas ng mga fighters ang pagbabasehan ay nalampasan na ng husto ng mga fighters dito ang lakas ng mga fighters sa northern military sector.

"Siyempre naman ay mas malakas ang mga ito kung ikukumpara sa mga fighters sa resupplying base na iyon!" sigaw ni Gao Feng, "Malapit sa dagat ang #003 city kaya napakaraming halimaw na nakatira sa dagat ang humahati sa kontinenteng ito at nagbabanta sa mainland mula sa Huang Pu river. Ginawa ang resupplying base na ito para labanan ang mga sea monsters na iyon kaya ang karamihan sa mga fighters na makikita mo rito ay nanghuhuli at nakikipaglaban sa mga halimaw sa loob ng #003 city."

Kung ikukumpara ang mga halimaw na nakatira sa lupa at dagat, ang mga halimaw na nakatira sa dagat ay mas nagbibigay banta sa sangkatauhan kaysa sa mga halimaw na nakatira sa lupa.

Dahil….. mas malaki ang nasasakupan ng dagat kaysa sa lupa at ang dagat ay nasa ilalim ng kontrol ng mga halimaw na nakatira rito. Maiisip na siguro ng kahit sino kung gaano na karami ang bilang ng halimaw na nakatira rito.

"Tingnan niyo, isa iyong 'poison devil gun' hindi ba?"

"Hmhm ay shit, hindi ba't isa iyong wargod? Napakadalang makita ang mga wargod level fighters sa northern military sector, pero kararating pa lang natin dito at nakakita na agad tayo ng isa."

"Huwag ka ng magulat dahil ang #003 city ay isa sa mga malalaking kampo ng halimaw sa buong Eurasia. Maging ang mga propesyunal mula sa iba pang headquarter cities ay nagpupunta rin dito, hindi lang sa ating Jiang-Nan City. Kaya hindi na bago kung makakakita tayo ng malalakas na tao rito."

Nasurpresa ang buong Fire Hammer Squad noong tumingin sila mula sa rooftop ng apartment na kanilang tinutuluyan.

Ang mga fighters na pumupunta rito ay galing nga talaga sa iba't ibang parte ng mundo!

"Pagkatapos nating magtanghalian ay pupunta na tayo sa #003 city," sabi ni Gao Feng.

Matapos ang ilang sandali ay umalis na ang limang armadong miyembro ng Fire Hammer Squad sa resupplying base.

"Hindi ba iyon ang Fire Hammer Squad? Pumunta rin sila rito ngayon?"

"Naririnig ko na ang rookie nilang si Crazy ay may ipinapakitang potensyal bilang isang fighter. Isa na siyang beginner warlord ngayon kaya sigurado ako na lalakas pa siya ng lalo."

Nagtawanan ang mga tao sa loob ng resupplying base habang pinaguusapan ang Fire Hammer Squad at si Luo Feng.

"Si Crazy?" Hindi maiwasan ng nakikipagusap na si Wan Dong sa ilalim ng puno na lumingon nang marinig niya ito. Sa mga oras na ito, ang limang miyembro ng Fire Hammer Squad ay patungo sa gate ng resupplying base.

"Dong, hindi ba magkabatch kayo ng Luo Feng na iyan?" sabi ng matipunong lalaki na nasa tabi ni Wan Dong.

"Oo."

Tumango si Wan Dong, "Nasa iisang grupo kami noong sabay-sabay kaming maging fighter noon. Nakita ko pa nga siya noong pagsabog ng isang grade three rat tide nitong nakaraan lang. Hindi ko maisip na pupunta siya dito sa military sector sa southeast," Namatay ang captain ng orihinal na fighter squad ni Wan Dong dahil sa rat tide na iyon kaya sumali si Wan Dong at ang iba pa sa isang bagong figher squad bago tumungo rito.

"Pagbutihin mo lang Dong, huwag kang papatalo sa Luo Feng na iyan," sabay tapik ng malakas ng matipunong lalaki sa dibdib ni Wan Dong.

Pinanood ni Wan Dong ang dahan-dahang paglaho ng anino ni Luo Feng sa gate habang nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na bagay dahil dito.

Pareho silang iniscout ng mga dojos noong kumuha sila ng fighter combat exam ng sabay! Sino ba namang makakapagsabi na sa loob lang ng isang kisapmata ay agad nang nakagawa ng pangalan si Luo Feng sa circle of fighters habang siya ay isa pang rookie na kinakailangan pang magsikap at magpalakas. Kung sino man ang magsabi ng 'Crazy mula sa Jiang-Nan city' ay agad itong makikilala ng karamihan ang tungkol sa sinasabi mo.

Alam nating lahat na napakahirap talagang gumawa ng pangalan para sa iyong sarili!

Maaari itong mangyari depende sa isang makapigil hiningang labanan na harapin mo!

O hindi kaya umasa sa isang special battle record! Gaya ng ginawa ni Luo Feng kung saan ay nakapatay siya ng 10,000 na halimaw sa loob lang ng dalawang buwan.

O hindi kaya ay unti-unting gumawa ng pangalan sa paglipas ng nakakapagod na buwan at napakahabangbtaon! Halimbawa na rito sina Chen Gu at Zhang Ke na gumugol ng isang dosenang taon para gumawa ng pangalan sa circle of fighters!

Pero ngayon ay nabibilang na si Luo Feng sa isang tao na unti-unting sumisikat.

"Noong una ay magkapantay lang kami ng Luo Feng na iyan pero ngayon ay nakagawa na siya ng pangalan sa circle of fighters kaya hindi ako puwedeng magpatalo sa kanya!" isinara ni Wan Dong ang kanyang mga kamao habang tinitingnan ang kanyang target na si Luo Feng. Hindi niya magawang magrelax sa mga oras na ito.

Naglakad sa highway sina Luo Feng at ang iba pa niyang kasamahan ng dalawang araw bago nila marating sa wakas ang labas ng #003 city.

Makikita ang kalangitang kulay gray habang maingat na umaabante ang Fire Hammer Squad "Tara na at maghanap ng isang bahay!" sigaw ni Gao Feng.

Whoosh! Whoosh! Whoosh! Mabilis na pumasok si Luo Feng at ang iba sa isang shop sa tabi ng kalsada.

"Tweet tweet~~"

"Quack quack~~"

Maingat silang lumabas nang matapos dumaan ang ilang daang ibon sa kanilang itaas.

"Dito nagtitipon-tipon ang mga halimaw galing sa iba't ibang lugar. Ito ang pinakamalaki nilang kampo sa buong Eurasia. Hindi lang mga land monsters ang makikita mo rito, may makikita ka ring mga lumilipad na halimaw sa lugar na ito," mahinang babala ni Gao Feng, "At malapit din ito sa dagat kaya makakakita rin tayo rito ng mga amphibious na halimaw kaya huwag kayong magdadalawang-isip na mag-ingat lalo na sa lugar na ito!"

"Understood po captain," tumango si Luo Feng at ang mga kasama niya.

Alam ng lahat kung gaano kapanganib ang lugar na ito. Dahil kung nakita lang sila ng mga lumilipad na halimaw kani-kanina lang, ang tanging pag-asa lang nila para mabuhay ay ang terrain at ang kapangyarihan ni Luo Feng.

"Ang target natin ay isang maliit na sector dalawang milya pa ang layo mula sa atin na tinatawag na 'Wan-Ke Dream City'," mahinang sinabi ni Gao Feng, "Napakalaki ng nasasakupan ng Wan-Ke Dream City na ito dahil ilang milyong tao ang nakatira rito dati. Sa ngayon ay makakakita na tayo ng mangilan-ngilang mga halimaw habang papunta doon. At dahil labas pa lang ito ng #003 city ay hindi pa tayo gaanong makakakita ng mga gumagalang horde leader na halimaw. Maganda para sa atin na mag-ikot-ikot muna doon ng sandali."

"Okay," tumango ang ibang miyembro ng Fire Hammer Squad.

"Mag-iingat kayong lahat dahil maaaring lumabas sa kahit anong direksyon ang mga halimaw na lumilipad, naglalakad sa lupa, o maging ang mga halimaw na nakatira sa ilalim ng lupa," ikinaway ni Gao Feng ang kanyang kamay at sinabing, "Tara na."

Hawak na ni Luo Feng ang kanyang ghost blade habang ang RG112 heavy machine gun naman ni Chen Gu ay handang magpaputok sa kahit anong oras. Maingat na naglakad ang limang miyembro ng Fire Hammer Squad. Hindi nagpatumpik-tumpik ang ni isa sa mga miyembro nito dahil napakalaki ng pinagkaiba nito kaysa sa isang maliit na country level city na pinuntahan nila noon.

"HOWL~~" "GROWL~~" "Mamatay ka na!"

Yumanig ang lupa dahil sa isang ungol ilang dosenang milya ang layo mula sa kanila. Maririnig din nila ang pagsigaw mula sa isang tao na tila ba nakikipaglaban.

"Jusko, anong halimaw iyon?" hindi maiwasan ni Chen Gu na mapalingon sa pinanggagalingan ng tunog na kanilang naririnig.

"Papunta na iyon sa city sector kung saan makikita ang mga totoong ichthyosauruses at alligators. Bukod din iyan ay makikita mo ang mga horde leader level na halimaw at mga wargod level fighters na nanghuhuli doon sa loob," mahinang sinabi ni Gao Feng, "Kung wala kang lakas na katulad sa isang wargod ay maituturing ko na pagpapakamatay ang pagpasok mo diyan sa loob! Hindi lang mga malalakas na fighter mula sa China ang makikita sa loob ng #003 city. Makikita mo rin dito ang mga malalakas na fighters mula sa Russia at India!"

Tumango si Luo Feng at ang iba pa niyang mga kasama nang marinig nila ito.

Para sa layong dalawang milya, kaya nila itong abutin ng wala pang isang minuto kung tatakbuhin nila ito. Pero inabot sila ng kalahating oras bago marating ang Wan-Ke Dream City sector na inabandona ilang dosenang taon na ang nakalilipas. Sa kalahating oras na ito ay nakapatay na sina Luo Feng ng dalawang snake type na mga halimaw, 30 na regular soldier level na halimaw at isang low level commander!

"Naririnig ko ngang mapanganib daw dito pero hindi ko naman akalaing magiging ganito kapanganib ang lugar na ito! Napakaingat na natin sa lagay na ito pero nakaengkwentro pa rin tayo ng isang low level commander," kumislap ang mga mata ni Chen Gu at sinabing, "Ano bang dapat nating asahan sa #003 city."

"Bilisan niyo umakyat sa taas!"

Kinaway ni Gao Feng ang kanyang kamay.

Maingat at mabilis na pumasok si Luo Feng at ang iba pa niyang mga kasama sa loob ng isang apartment building. Mayroon itong 18 floors, at sa unang 12 floors nito ay nakaengkwentro na agad sila ng sampung halimaw.

Ang 12th floor ay mayroong isang kuwarto na may sukat na 100 square meters.

"Ito ang magiging pansamantala nating pahingahan habang nandidito tayo sa #003 city," sabi ni Gao Feng.

Maging si Luo Feng ay tumango nang marinig ito.

Hindi gaya ng ibang cities, ang #003 city ay pinamumugaran din ng mga flying type na halimaw kaya hindi kayo maaaring magpahinga sa rooftop dahil kamatayan ang aabutin niyong lahat kung gagawin niyo ito.

"Tingnan niyo doon!" tumayo si Gao Feng sa maalikabok na balkonahe at tumuro sa timog na bahagi ng kanilang puwesto, "Tingnan niyo, nababalot ang lugar na iyon ng ambon."

Lumakad sina Luo Feng at ang iba pa sa kinatatayuan ng captain nilang si Gao Feng.

Nakita nga nila na hindi halos makita ang iilang mga building na may sampung milya ang layo dahil sa ambong bumabalot dito; napakaimposible nang makakita ng kahit anong bagay paglampas sa sira sirang sign doon. Hindi maipaliwanag na nabalot ang lugar na iyon ng ambon kasabay ng naririnig nilang pagalulong ng lahat na klase ng halimaw at ibon. At kasama rin ang pagdagundong ng hindi mabilang na dami ng halimaw!

"Iyon ang core ng sector na ito. Dati iyong convenience store ng Knorr bago ang Grand Nirvana Period pero pugad na ito ng isang 'high level horde leader' ngayon," mahigpit na sinabi ni Gao Feng, "Kahit na anong mangyari ay hinding hindi tayo lalapit sa lugar na iyan! Naririnig ko na mayroong dalawang low level horde leader na alalay ang high level horde leader na halimaw na iyon kasama ang napakaraming commanders at hindi mabilang-bilang na soldier level na halimaw sa kanilang paligid. Siya ang namumuno sa lahat ng lugar na may layong 20 to 30 miles mula sa kanyang kinatatayuan!"

Napahinga ng malalim si Luo Feng nang marinig niya ito.

Isang high level horde leader at dalawa pang low level horde leaders? Anong klaseng grupo ito?

"Dito lang sila siyempre puwedeng maghariharian ng ganyan. Hindi nila ito magagawa sa loob ng city dahil maraming horde leader level na halimaw doon," ikinaway ni Gao Feng ang kanyang kamay at sinabing, "Ok, magpapahinga na muna tayo ngayong gabi. Bukas ay sisimulan na natin ang paglalakbay patungo sa #003 city."

"Opo captain."

Nagpalitan ng tingin sina Luo Feng at ang mga kasama niya habang masayang nakangiti sa isa't isa.

"Tweet tweet~~"

Ilan daang mga bird type na halimaw ang ilang beses na umipad sa ibabaw ng maliit na sector, ang iba pa nga ay lumipad sa gilid ng mga apartment buildings. Ang pinakamalapit na halimaw sa kanilang puwesto ay may layong 20 to 30 meters mula sa apartment na tinutuluyan nila.

"Magsipasok na kayong lahat sa mga kuwarto niyo at magpahinga. Hindi naman gaanong kalakihan ang mga bintana ng mga kuwartong iyon kaya imposibleng makapasok doon ang mga bird type monsters kung sakaling makita nila. Chen Gu saka Wei Tie, kayo muna magbabantay ngayon."

Sa isang mapanganib na lugar gaya ng #003 city ay kinakailangan nila ng magbabantay sa kanila sa oras na matulog ang ibang mga miyembro ng fighter squad!

Walang sinuman sa kanila ang nagawang magrelax dahil isa itong amusement park para sa halimaw, isang den para sa pangkaraniwang tao at battlefield para sa fighters.

avataravatar
Next chapter