69 Ang #003 City

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Talagang nagulat siya sa kanyang narinig pero hindi nagtagal ay naibalik ni Xu Gang ang kanyang sarili sa pagiging objective. Habang tinitingnan niya ng maigi si Luo Feng sa malayo ay nagkaroon ito ng kongklusyon sa kanyang sarili, "Batang bata pa ang Luo Feng na ito pero isa na siyang beginner level warlord! At ang mga problema niya sa kanilang tahanan ay hindi rin biro noon kaya napakadalang na makakita ako ng isang fighter na kagaya niya! Titingnan ko ito ng ganito…. Kung magiging isang wargod level fighter man siya balang araw ay mapipilitan ang aking ama at ang iba pang miyembro ng pamilya ko na ipakasal si Xu Xin sa kanya."

"Pero…."

"Ang fighter ay isang fighter. Kaya kung namatay man ang wargod fighter na si Lu Gang ay tiyak na mamamatay din siya balang araw. Bahala na, bahala na talaga, hindi na ako mag-iisip pa. Tingnan na lang natin kung gaano pa kalayo ang mararating ng Luo Feng na iyan mula rito," isip ni Xu Gang sa kanyang sarili. Walang duda na wala lang ang isang warlord level fighter sa isang napakalaking pamilya na kagaya ng Xu Family.

Hindi pa tapos ang pagbisita sa burol ngayong araw pero nagsimula ng mag-alisan ang mga ibang fighters sa lugar.

Matapos umalis ang limang miyembro ng Fire Hammer Squad ay agad silang naghanap ng isang napakarangyang hotel na may classical style. Alam ng may-ari ng restaurant na ito na maraming tao ang aattend sa burol ngayong araw dahil nakabroadcast ang burol na ito sa buong bansa. Noong nakita niya sina Luo Feng at ang mga kasama niya kasabay ng isang fighter only car sa kanilang gilid ay agad na naintindihan ng may-ari kung sino ang limang ito at dinala sila sa pinakamagandang kuwarto ng hotel sa 3rd floor nito.

"Sige makakaalis ka na," mabilis na umorder si Chen Gu ng iilang putahe bago ikaway ang kanyang kamay para paalisin ang waiter na nakatayo sa kanilang lamesa.

Tumingin ng sandali ang pinakamagandang waiter sa restaurant at masunuring umalis sa kanilang silid.

"Jusmiyo, napakaganda na ng mood ko ngayong araw hanggang makita ko ang mga hayop na miyembro ng Tiger Fang Squad na iyon. Sila ang sumira ng araw ko ngayon!" Hindi maiwasang sinabi ni Gao Feng sa gigil niya. Dahil bago sila umalis ay nakita nila ang Tiger Fang Squad na nagpunta rin sa burol upang magbigay respeto sa namayapang wargod fighter.

"Walang magandang dahilan para magalit kayo sa mga hayop na iyon ngayon captain," umiiling na sinabi ni Wei Tie.

"Matapos nating bumalik sa Forsaken Land ay hahanap tayo ng pagkakataon para tapusin sila," nanlalamig na tawa ni Wei Qing.

Sumimangot si Luo Feng at sinimulang iiscan ang buong kuwarto gamit ang kanyang spiritual force para makasiguro na walang listening devices na nakalagay dito.

Matapos niyang makitang ganoon si Luo Feng ay tumawa siya habang sinasabi na, "Huwag kang mag-alala Luo Feng dahil high class ang restaurant na ito! Ang ibig sabihin nito ay mga importanteng tao lang ang pangkaraniwang kumakain dito kaya normal nang mayroong mapag-usapan na classified information sa lugar na ito. Kung subukin man ng may-ari ng restaurant na ito na kumuha ng kahit na anong impormasyon ay naghahanap siya ng ikamamatay niya siguro!"

Nagsalita rin si Chen Gu pagkatapos ni Gao Feng: "Ano bang pake natin kung may nakikinig sa atin ngayon. Pinaguusapan pa lang naman natin ang pagpatay ng tao pero hindi pa naman talaga tayo pumapatay. Hindi ba't puwede natin puwedeng pag-usapan iyon?"

Natawa si Luo Feng bilang pagsang-ayon kay Chen Gu.

"Captain, mayroon po bang mga tao na gumagalaw sa likod ng Tiger Fang Squad*?" tanong ni Luo Feng, "Dahil kung mayroon ay kinakailangan talaga nating mag-ingat sa gagawin natin."

*Note mula sa TL: Kahit na saan ko man ito tingnan, ang sinasabi talaga nito ay ang "fire hammer squad" pero dahil sa context ay nakasisiguro talaga akong tiger fang squad ang dapat na nakalagay diyan (Puwede na isa iyong halimbawa ng typo pero ngayon lang ako nakakita ng isang typo na kagaya nito sa lahat ng sources na tiningnan ko).

"Sino nga ba?"

Suminghal si Gao Feng na, "Hindi naman sila parang isang fighter squad ng mga anak ng wargods."

"Oo nga pala, mayroong tatlong anak ang senior wargod na si Lu Gang, dalawang lalaki at isang babae. Ang kanyang panganay na anak at ang kanyang babaeng anak ay mga warlord level experts. Ang pangawalang anak niya lang ay may average na lakas," napabuntong-hininga si Wei Tie, "Hindi parepareho ang lakas ng mga experts na ito kung tutuosin. Maging ang anak na babae niya ay sadyang napakalakas na."

"Oh, dalawa sa kanyang tatlong anak ay nasa warlord level na?" gulat na gulat na tanong ni Luo Feng.

"Normal lang iyon sa kanila."

Sabi ni Gao Feng, "Hindi mo pa masyadong alam ang lahat ng tungkol sa mga fighters Luo Feng kaya hindi ka pa sigurado sa mga nalalaman mo. Sa totoo lang ay napakalakas din ng mga anak ng mga malalakas na fighters! Isang halimbawa na rito ang anak ng pinakamalakas na fighter na si 'Hong' na lumampas na sa pagiging wargod. Ang lahat ng kanyang anak mapababae man o lalaki ay mga wargod level fighters!"

Napakurap ng dalawang beses si Luo Feng nang marinig niya ito dahil wala siyang kaalam-alam tungkol dito.

"Napakasimple lang nitong ipaliwanag kung tutuosin," tawa ni Gao Feng habang nagpapatuloy sa pagpapaliwanag, "Kapag nagsasanay ang isang fighter ay humihigop ang kanyang mga cell ng genetic energy na nakakapagpaperpekto ng kanyang mga genes sa katawan. Paganda ng paganda ang genes nito habang patuloy siya sa kanyang pagsasanay! At dahil dito, habang mas lumalakas ang isang fighter ay mas nagiging perpekto ang mga genes nito."

"At kapag nagpakasal na siya at nagkaroon ng mga anak, ang mga genes na iyon ay mapapasa sa susunod na henerasyon!"

"Normal na sa mga anak ng napakalalakas na fighters kagaya ni 'Hong', 'Thunder God', at 'Zhu Xi' na makaabot sa wargod level! Dahil napakaganda na ng kanilang genes. Pero hindi nila ito nadadala ng tuluyan. Dahil kung hindi napapantayan o nahihigitan ng mga anak ang lakas ng kanilang magulang ay patuloy na hihina ng hihina ang kanilang mga susunod na henerasyon hanggang sa maging katulad na lang ito ng genes ng isang pangkaraniwang tao."

Tumango si Luo Feng.

Napapasa nga talaga ang genes sa tuwing magkakaroon ka ng mga anak. At ang mga anak ng mga malalakas na fighters ay mayroon ng advantage sa pagsilang pa lang ng mga ito sa mundo!

Bumukas ang pinto at pumasok ang waiter na may dalang pagkain.

"Okay."

Matapos ilagay ng waiter ang mga pagkain sa kuwarto at umalis, bumuntong-hininga si Gao Feng habang sinasabi na, "Sa totoo lang, kung magpapatuloy ang sangkatauhan sa ganitong paraan ay kakalat ang mga genes ng mga malalakas na fighters sa buong mundo na nakapagpapaganda ng mga genes ng lahat ng mga tao sa buong sangkatauhan! Pero kung ang isang mahinang tao ay magpapakasal sa isang malakas na tao, ang mga anak na ibubunga ng mga ito ay katulad lang sa isang pangkaraniwang tao."

"Kaya napakahirap itaas ang kalidad ng mga genes ng buong sangkatauhan."

"Pinapalakas ng mga malalakas na tao ang kalidad ng genes ng sangkatauhan habang pinapahina naman ito ng mga mahihinang tao."

"Pero malinaw ang isang punto rito. Habang tumatagal ay magpapatuloy sa pagtaas ang genes ng bawat henerasyon ng sangkatauhan! At balang araw, ang bawat isa sa atin ay mayroon ng kakayanan na maging isang fighter!".

Bahagyang tumango si Luo Feng nang marinig niya ang kongklusyon ni Gao Feng.

"Siyempre ay walang sinuman ang nakakaalam kung gaano katagal bago ito mangyari! 500 years? 1,000 years? 50,000 years?" tawa ni Gao Feng habang iniiling ang kanyang ulo. Napakatagal kung tutuosin ang ebolusyon ng sangkatauhan.

Mabilis na naubos ni Luo Feng at ng mga kasama niya ang kanilang pananghalian at matapos nito ay umorder sila ng tsaa.

"Mukhang nasasanay na sa kani-kanilang mga lakas sina Old Chen at ang magkapatid na Wei. Tingnan natin, babalik na tayo sa Forsaken Land sa susunod na dalawang araw pagkatapos nito," sinabi ni Gao Feng habang nakatingin sa kanyang mga kasamahan, "Mayroon ba kayong opinyon dito?"

"Paano kaya kung sa samakalawa na tayo bumalik?" sabi ni Chen Gu.

Tumango si Luo Feng at sinabing, "Sige umalis tayo sa samakalawa. Pero saan po tayo pupunta ngayon captain?"

"Haha," tumawa si Chen Gu, "Sigurado akong hindi tayo pupunta na ngayon sa mga maliliit na country level cities gaya ng pinuntahan natin noong nakaraan. Mas malakas na ang squad natin ngayon kaysa noong dati," Normal lang na sabihin natin na lumakas ang Fire Hammer Squad ng sampung beses kaysa sa lakas nito dati.

"Pumunta tayo sa isang major city area," kumislap ang mga mata ng magkapatid na sina Wei Tie at Wei Qing.

Noong nakaraan ay pinipili lang nila makipaglaban sa mga prefecture-level cities.

"Paano kaya kung maging mayabang tayo at subukan natin ang #003 city?" tahimik na sinabi ni Gao Feng habang huminga ng malalim

"#003 city?"

Nagulat ng husto si Luo Feng maging ang mga kasamahan niya.

Anong nirerepresenta ng #003 city na iyon?

Puwede nating sabihin na isa ang #003 city sa mga pinakakinakatakutang cities sa buong Eurasia. Malapit ito sa dagat kaya mayroong napakaraming halimaw na nakatira sa dagat na makikita doon. Isa rin ang city na iyon sa mga city na may pinakamaraming buildings kaya nakatira sa city na ito ang nakakaalarmang bilang ng halimaw. Napakarami ring mga horde leader at maging mga halimaw na lumalampas sa pagiging horde leader na nakatira rito!

Napakaraming bilang ng mga nangungunang fighters ang pumupunta rito para manghuli ng mga halimaw!

Maging ang mga fighters galing sa mga ibang headquarter cities sa Asia ay pumupunta sa area na ito para lang sa #003 city!

Dito rin makikita ang madugong pakikipagpatayan ng mga fighters at mga sundalo sa isa't isa!

Ito ang sentro ng ekonomiya ng China bago ang Grand Nirvana Period—ang Shanghai city!

"Doon?" gulat na gulat na tanong ng magkapatid na Wei.

"Sobra naman ata noon para sa atin! Napakahirap patayin ang mga halimaw na makikita doon," hindi maiwasang sabihin ni Wei Tie, "Paano kung pumunta na lang muna tayo sa #023 city sa lumang Suzhou?" Kahit na gaano pa man sila kaarogante ay manginginig pa rin sa takot ang bawat isa sa kanila sa tuwing maririnig nila ang pangalan na #003 city. Ito ay ang lugar kung saan ka makakakita ng mga totoong dragon, ahas, at mga alligators!

Tumingin si Gao Feng sa kanyang mga kasamahan at tumatawang nagtanong na, "Takot ba kayo?"

"Sinong matatakot sa inyo kung malalaman niyo na kung sinuman ang makapunta sa #003 city ay magkakaroon ng ipagmamalaki habang buhay," kumislap ang mga mata ni Chen Gu, "Tara, siyempre naman ay sasama kami diyan! Napakalaking city din naman ng #003 city. Mga sampung beses ang laki nito kaysa sa ibang city at manghuhuli lang tayo sa border nito kaya ano pa ang dapat niyo ikatakot?"

"Ano sa tingin mo Luo Feng?" tumingin ang buong grupo kay Luo Feng dahil siya ang pinakamalakas na fighter sa buong squad!

Nag-isip ng maigi si Luo Feng. Siyempre naman ay alam ni Luo Feng ang tungkol sa legendary #003 city.

Ang turing ng mga tao ngayon at ng mga taong tumatawag dito ng Shanghai bago ang Grand Nirvana Period ay pareho, pareho itong espesyal para sa kanila!

"Sige puwede tayong pumunta doon. Pero kailangan nating magdahan-dahan sa mga mababahay na bahagi nito," tango ni Luo Feng.

"Siyempre naman ay magdadahan-dahan tayo sa mga mababahay na bahagi nito...o gusto ko na bang mamatay? Ayoko pang mamatay," tawa ni Gao Feng, "Ang ilan sa mga dati kong kaibigan ay nanghuhuli pa rin ng mga halimaw sa #003 city. Doon mo makikita ang lahat ng nangungunang fighters sa buong Asia. Hmph hmph... kinakailangan din nating simulang pumunta doon siyempre."

Ang ligtas na pagbalik mula sa #003 city ay sumisimbolo sa lakas ng bawat fighter o sa kakayahan ng isang buong fighter squad!

Dahil mayroong napakaraming bilang ng mga alligators na nakatira doon. Mayroon ding napakararaming bilang ng commander level na halimaw na nakatira sa mga subdivision dito. At mayroon ka ring makikita na iilang horde leader na halimaw sa mga ilog na dumadaloy dito! Kaya hindi nanaisin ng kahit na sinong hindi kalakasan na pumunta sa #003 city.

"Sige, magsimula na tayong magpahingang lahat dahil aalis tayo papuntang #003 city bukas," tawa ni Gao Feng.

"Ok! Sa #003 city!"

Kumulo ang dugo ni Luo Feng at ng mga kasamahan niya.

avataravatar
Next chapter