33 Ang Home of Limits

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Masyado nang mataas ang mga kundisyon na inoffer ni Wang Heng kaya Tiningnan niya si Luo Feng nang may buong akala na sasali ito sa kanilang Thunder Dojo.

"Pasensiya na po" yumuko ng bahagya si Luo Feng "Nagpapasalamat po ako sa Thunder Dojo sa napakaganda nilang offer pero nakapagdesisyon na po akong sumali sa Dojo of Limits. At wala po akong plano na lumipat mula rito kaya pasensiya na po kayo"

Nanginig si Wang Heng nang marinig niya ito.

Tumanggi siya?

"Hindi mo man lang pagiisipan ang offer naming ito?" tingin ng matipunong lalaki habang nakataas ang kaniyang mga kilay.

"Hindi na po" tumayo si Luo Feng at nagbow "Kung wala na po akong maitutulong sa inyo Mr. Wang ay mauuna na po ako" alam ni Luo Feng kung gaano magiging awkward ang sitwasyon kung mananatili pa siya sa lugar na iyon matapos tumanggi sa kanilang offer.

Tumingin ng maigi si Wang Heng kay Luo Feng.

Hindi manlang nagpadala ang batang ito sa temptasyon. Kaya wala nang magawa si Wang Heng kundi huminga ng malalim. Kumaway siya at tumatawang sinabi "Sige, hindi na kita guguluhin pa. Pero bukas palagi ang pinto ng Thunder Dojo para sa iyo kung sakaling magbago man ang isip mo"

"Maraming salamat po Mr. Wang" nakangiting sagot ni Luo Feng bago ito umalis.

Agad na bumagsak ang mukha ni Wang Heng nang makaalis si Luo Feng at sumigaw na "Papuntahin mo rito sakin si Wan Dong"

"Opo Chief"

Umalis agad ang mga taong inutusan ni Wang Heng para tawagin si Wan Dong.

"Hindi ako makapaniwalang nawalan nanaman tayo ng isang henyo dahil sa Dojo of Limits!" Tinusok ni Wang Heng ang kaniyang baba at tumingin na parang isang tigre "Mula noong magretiro ang 'Phantom Warlord' dahil sa isang major injury ay lagi nang nahuhuli ang Thunder Dojo ng Jiang-Nan city kaysa sa Dojo of Limits. Bwisit!"

Nakakaramdam din si Wang Heng ng pagkanerbiyos!

Ang Dojo of Limits at ang Thunder Dojo ang pinakamalalaking mga dojo sa buong mundo! Ang lumikha ng mga dojos na ito ay ang pinakamalakas at pangalawa sa pinakamalakas na mga fighter! Natural na babatiin ng mga nakakataas ang isa't isa nang nakangiti, pero sa kaloob looban nila ay nakikipagkompitensiya sila sa isa't isa!"

Pero sa Jiang-Nan city, ang Dojo of Limits ang may mas malakas na impluwensiya.

"Chief" bati ng nanlalamig na teenager na si Wan Dong habang naglalakad papunta kay Wang Heng.

Makikita kahit sa itsura ni Wan Dong ang mataas na tiwala sa sarili dahil mas marami itong napatay kaysa kay Luo Feng noong Fighter combat exam at tinagurian bilang number one, dahil dito ay lalo pang tumataas ang confidence sa kaniyang sarili.

"Hm Wan Dong" nakangiting sabi ni Wang Heng "Ikaw ang pinakamagaling na bagong recruit sa ating Thunder Dojo! Pero…. sa nakikita kong lakas mo ngayon, walang wala ito kung ikukumpara mo kay Luo Feng"

"Chief" nanginginig na sinabi ni Wan Dong.

Hindi ako maikukumpara kay Luo Feng?

"Pinagdududahan mo ba ang mga sinabi ko?" tanong ni Wang Heng habang nakataas ang mga kilat nito.

Umiling si Wan Dong, alam niya na ang Chief Instructor na nasa kaniyang harapan ay isang dating advanced warlord. Kasabay ng iba't ibang mga special rights na ibinigay sa kaniya sa ilalim ng titulong 'Chief Instructor'. Ang kaniyang awtoridad ay pumapantay sa isang wargod. Kaya paanong nangyari na nagkakalat ng kasinungalingan ang taong ito?

"Sa totoo lang. Ang pangangatawan mo ay pumapantay kay Luo Feng. Pero sa gitna ng labanan, kahit magsamasama kayong tatlo ay hindi ninyo kayang matalo ang isang Luo Feng" mabigat na sinabi ni Wang Heng, "Pero kahit na mayroong puwang ako na nakita sa iyo ay hindi ibig sabihin niyan na mas mahina ka na sa kaniya sa kanit na anong bagay. Ang kailangan mong gawin ay lalong magsikap para malampasan siya"

"May nakilala na akong mangilanngilang mga henyo pero karamihan sa mga ito ang bumabagsak!"

"Naglalakad ang isang fighter sa pagitan ng buhay at kamatayan! Ang iyong talento ay magagamit mo para mabilis na palakasin ang sarili mo. Ngayon na isa na nang fighter… nagsimula na ang iyong landas! Huwag kang bibitaw kahit na anong mangyari, si Luo Feng ang natatanging unang kalaban lamang na kinakailangan mong malampasan. Sa hinaharap ay marami ka pang malalampasang mga kalaban" pagpupursiging sabi ni Wang Heng "Hinihiling ko na isang araw ay masaksihan ko ang pagsilang ng isang bagong wargod!"

Kumulo ang dugo ni Wan Dong habang nakikinig kay Wang Heng.

Oo nga, si Luo Feng ay ang una niyang kalaban lamang. Kinakailangan niyang tuloy tuloy na malampasan ang iba pa bago niya makuha ang titulong wargod!

"Sige makakaalis ka na. Buong gabi kang pumatay ng mga halimaw kaya kinakailangan mo na ngayong magpahinga" nakangiting sabi ni Wang Heng.

"Opo Chief" Buong paggalang na umalis si Wan Dong.

Nagkamot ng kaniyang ulo si Wang Heng at uminom ng tsaa. Mula noong makuha niya ang pasakit sa posisyon ng 'Chief Instructor' ay nagiisip na siya ng mga paraan para tumulong sa mga henyo na magpalakas. O hindi kaya ay ipressure sila o akitin sa pamamagitan ng pera para sumali sa kaniyang dojo.

Sa mas maraming fighters na napalakas niya ay lalong magiging solid ang kaniyang hinahawakang posisyon.

"Ang Wan Dong na iyo ay puwedeng magbigay sa aking ng isang surpresa sa hinaharap" tawa ni Wang Heng "Pero wala na muna akong hihilingin mula sa kaniya ngayon. Mas maganda kung maabutan siya ang kakayanan ni Luo Feng. Heh… isang Ru-Wei class sa edad na 18 years old at may napakagandang pangangatawan. Napakagandang binhi kung tutuisin" Umiiling na sabi ni Wang Heng at uminom pa siya g kaniyang tsaa at sinubukang huwag na muling isipin ang mga bagay na tungkol doon.

Oo, kahit na anong mangyari, si Luo Feng at Wan Dong ay maituturing na "magagandang mga binhi."

�������

Sa loob ng northern military sector ng Jiang-Nan city, makikitang naguusap habang naglalakad sina Luo Feng at Yang Wu na nakabihis ng kanilang mga panlakad.

"Crazy hindi mo ba napansin ang tingin ng Wan Dong na iyon sa iyo ngayon ngayon lang? Sinabi niya rin na gusto niyang makipagkompitensiya sayo at tingnan kung sino sa inyo ang mauuna sa pagiging warlord" nagtatakang sabi ni Yang Wu.

"Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Mukhang itinurin na ako ni Wan Dong bilang isang kalaban" Maging si Luo Feng ay naghihinala sa mga sinabing iyon ni Wan Dong.

Ang hindi niya alam ay matapos nitong makinig sa mga sinabi ni Wang Heng ay itinuring na ni Wan Dong si Luo Feng bilang una niyang kalaban!

"Kailangan kong tawagan ang pamilya ko para sabihing nakapasa ako sa exam" ngiti ni Luo Feng habang kinukuha niya ang kaniyang cell phone "Mukhang kailangan mo na ring balitaan ang pamilya mo kapatid na Yang"

"Oo nga" tumatawang sagot ni Yang Wu habang tumatango.

Agad na tinawagan nina Luo Feng at Yang Wu ang kani kanilang mga pamilya sa kani kanilang mga telepono.

…..

Sa isa sa walong mga major cities ng Jiang-Nan city, ang Ming-Yue sector ng Yang Zhou city.

"Sigurado akong makakapasa ang anak mong si Luo Feng sa kaniyang Fighter Combat Exam Hong Guo" Ang mga magulang ni Luo Feng na sina Luo Hong Guo at Gong Xin Lan ay nakikipagusap sa isang nakakalbong lalaki habang hawak hawak nila ang wheelchair ng kanilang anak na si Luo Hua.

"Hindi ba napakadelikado ng fighter combat exam?" wala nang magawa si Gong Xin Lan kundi magtanong "Sinabi naman ng anak kong si Feng na magiging ligtas naman daw ang exam niyang iyon, pero noong binasa na naming sa internet ay nakita naming kung gaano kadelikado ito"

"Oo medyo mapanganib nga ang exam na iyon" tumatangong sabi ng nakakalbong lalaki "Sabi ng anak ko, mayroon daw 3 to 5% death rate at 5 to 8% na tsansang mabaldado ka sa exam na iyon. Sa madaling salita, halos 100 na mga prospective fighters ang namamatay sa kada exam"

Nagtinginan ang magasawang sina Luo Hong Guo at Gong Xin Lan sa kaba ng mga ito dahil sa pagaalala kay Luo Feng.

"Huwag kayong magalala dahil sigurado akong maayos lang ang anak niyong si Feng ngayon" tumatawang sabi ng nakakalbong lalaki.

"Oo nga, Oo" tumatangong sagot nina Luo Hong Guo at Gong Xin Lan. Kahit na sumangayon sila sa sinasabi ng kalbong lalaki ay hindi parin mapigilan ng mga ito na kabahan sa kanilang mga sarili.

Hindi na rin makapagsalita si Luo Hua habang nakaupo ito sa kaniyang wheelchair, pero ang mga kamao nito ay mahigpit na nakasara.

Nang biglang-

Isang masayang ringtone ang nagsimulang tumunog at ang nanay ni Luo Feng na si Gong Xin Lan ay tuwang tuwang kinuha ang kaniyang cellphone at ngumiti nang makita niya ang display nito at sinabing "Number ito ni Luo Feng"

"Bilisan mo at sagutin mo na" sabi ni Luo Hong Guo.

Tumingin din si Luo Hua sa cellphone at maging ang nakakalbong matanda ay ngumiti habang nakatingin mula sa isang tabi.

"Hello" Sagot ni Gong Xin Lan.

"Pumasa po ako sa fighter combat exam ma. Makakarating po ako diyan mamayang gabi kaya maghanda po kayo ng masarap na pagkain" sabi ng isang boses mula sa cellphone at ang lahat ay nakarinig noon.

Tumawa ang tatay ni Luo Feng na si Luo Hong Guo at nakahinga na rin ng maluwag si Luo Hua habang sumasabay sa tawanan.

"Magaling, magaling, Magluluto ang mama mo ng napakaraming masasarap na pagkain mamaya anak" sabik na sabik na sinabi ni Gong Xin Lan.

�������

Kinagabihan ng August 2 sa Ming-Yue sector ng Yang Zhou city.

"Nakabalik na si Luo Feng, congratulations"

"Congratulations mo mukha mo, minani lang ni Luo Feng ang fighter combat exam na iyon sa sobrang dali."

Binati ni Luo Feng ang iilang mga fighters habang naglalakad ito. Mas kaunti ang bilang ng mga fighters kaysa sa mga regular na tao sa lipunan. Pero sa Ming-Yue sector ang lahat ng pamilya rito ay pamilya ng mga fighters. Bukod pa riyan ang pagiging miyembro ng mga ito ng Dojo of Limits kaya natural na magiging maganda ang relasyon ng mga ito sa isa't isa.

"Ma, Pa" Nakita ni Luo Feng ang kaniyang mga magulang at ang kanilang mga kasambahay na nakatayo sa harap ng kanilang pintuan papasok sa kanilang bahay.

"Kain na, Kain na" sabi ni Luo Hong Guo bago ito magsimulang tumawa.

Naging maganda ang bonding nina Luo Feng at ng kaniyang pamilya dahil mula ngayon ayon sa batas, si Luo Feng ay isa nang ganap na fighter!

Hanngang paglagpas ng 11PM

Sa loob ng recording room ni Luo Feng sa 2nd Floor ng kanilang tahanan.

"Sinasabi nila na matapos mo raw maging isang opisyal na fighter ay makakapasok ka na sa internal fighter network ng Dojo of Limits!" Nasasabik si Luo Feng sa panahong ito, ang ilan sa mga internal networks ay nangangailangan ng isang special identification para makapasok. Tangingn ang mga fighters lamang ng Dojo of Limits ang may karapatang makapasok sa internal fighter network nito na – Home of Limits!

At hangga't isa kang fighter ay maaari ka ring mag logon sa HR alliance channel.

"Home of Limits" Type ni Luo Feng sa URL box ng kaniyang browser.

Matapos ang ilang sandali ay isang napakalaking screen ang lumabas sa 200 inches na monitor sa isa sa mga dingding ng video recording room. Ang screen ay agad na nagdisplauy ng isang website na may nakalagay na 'Home of Limits'.

[beep] ang tunog matapos ivalidate ni Luo Feng ang kaniyang fingerprint.

Isang eleganteng music na parang isang dumadaloy na ilog ang nagplay sa buong video room. Kasabay ito ng paglabas ng mga profiles ng ibat ibang mga tao. Ang isa sa mga profiles na ito ay may picture ni Luo Feng ay sa ilalim nito nakalagay ang isang information form---

Name: Luo Feng

Sex: Male

Address: Jiang-Nan City, China

Fighter identification number: 426123205608010002

Level: Warrior (Intermediate)

Contribution: 0 Points

Balance: 20,000,000 Chinese dollars

avataravatar
Next chapter