45 Ang Commander Level na Halimaw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang ang anim na miyembro ng fire hammer squad ay matiyagang naghahanap ng isang commander level na halimaw mula sa rooftop ng isang residential building sa Blue Sky sector…. Sa isang sira sirang highway 30km ang layo sa 0201 country level city makikita ang isang six man elite fighter group ang mabilis na paparating sa 0201 country level city.

Ang lahat ng anim na miyembro nito ay mayroong medalyang hugis tigre na nakasabit sa left breast pocket ng kanilang battle uniform.

Ito ay ang kilalang "Tiger Fang Squad" ng Jiang-Nan city. Ang dalawa sa anim na miyembro ng tiger fang squad ay gumagamit ng mga heated weapon habang ang apat naman ay gumagamit ng cold weapons. Dalawa sa apat na gumagamit ng cold weapons ay mga warlord level na mga fighters habang ang dalawa pang natitira na gumagamit ng cold weapons ay mga advanced warrior level fighters! Maging ang dalawang miyembro nito na gumagamit ng mga heated weapons ay mga warlord level fighters rin!

Sa totoo lang, hangga't mayroon kang talento, experience at oras ay madali na lang sa ito na makatungtong sa warlord level gamit ang mga heated weapons.

Dahil nakadepende lamang sila sa kanilang mga baril at bala!

"Nakita mo na ba ang puwesto ng matandang lalaki na iyon Old Han?" mahinang tanong ni Zhang Ze Hu. Walang duda na isa si Zhang Ze Hu sa anim na mga miyembro ng tiger fang squad. Bukod pa riyan ang pagiging siyang advanced warrior level fighter niya. Kung titingnan base sa lakas ay talagang napakalakas ng tiger fang squad. Ang mga pinakamahihinang miyembro nito ay mga advanced warrior level fighters na malapit na ring maging mga warlord level fighters.

"Ayon sa signal flare na iniwan ko sa matandang lalaki na iyon, ay 40k na lang ang layo niya sa atin. At para sa akin, nakikita ko na nasa loob siya ng 0201 country city na iyon sa harapan natin! Sabi ng isang lalaki na may hawak na isang mala compass na itsurang gamit.

"Sa wakas nakita na rin natin kung nasaan ang matandang iyon"

"Kung mahuhuli natin sa pagkakataong ito ang matandang lalaki na iyan ay tiyak na yayaman na tayo pare pareho!"

Ang lahat ng mga miyembro ng tiger fang squad ay tumawa nang marinig ito.

Noong nanghuhuli sila ng mga halimaw matagal na panahon na ang nakalilipas ay aksidenteng may nakita sila na isang wolf type na halimaw na pinangalanan nilang 'Hunter'. Mayroong napakaraming classification ng mga halimaw ngayon. Pero bago ang Grand Nirvana period, ang karaniwang tawag lamang sa karamihan ng mga hayop na madalas nakikita sa buong mundo ng lipunan ay baboy, aso, pusa, baka at tupa. Kaya ang karamihan sa mga halimaw ngayon ay nabibilang sa pig type, dog type, cat type. Cow type, snake type, etc. Madalang namang makikita ang mga halimaw kagaya ng mga fox type, monkey type, scorpion type, wolf type, tiger type at jaguar type.

Talagang nakakatakot na ang lakas ng mga lobo, tigre at jaguar bago pa mang ang grand nirvana period kaya nang magmutate ang mga ito ay lalo pa ang mga itong naging mas kakilakilabot.

Siyempre dahil mayroong napakaraming mga regular level na mga halimaw, ang iba sa mga ito ay naging isang katakot takot na mga nilalang.

Halimbawa na rito ang isa sa mga cat type na may pangangatawan na hindi halos mapantayan ng iba pang mga nilalang. Ito ay ang Nine Lives Demon Cat!

Ang Nine Lives Demon cat ay ang pinakakinatatakutang halimaw sa buong cat type monster category. Mayroon itong siyam na buntot at may lakas na lumalampas sa lakas ng isang horde leader! Isa ito sa mga kinatatakutang mga halimaw sa buong mundo ayon sa mga rankings.

…..

Madalas namang makakaengkwentro ang mga fighters ng mga wolf type na mga halimaw mula nitong nakaraang dekada dahil sa napakataas na reproduction ability nito.

At ang 'Hunter' ay isa sa mga pinakanakakatakot na mutation sa buong wolf type monster category. Tinatawag din sila bilang hari ng mga lobo—ang 'Silver Moon Wolf', ang bawat isang silver moon wolf ay gumagala ng mag isa. Gustong gusto nilang pumatay ng kapwa nila mga halimaw at mga fighters. Misteryoso rin ang mga ito at napakabangis kaya nakuha nila ang pangalang 'Hunter'.

At ang pinakamahinang silver moon ay isang 'medium commander level monster' kaya napakalaking halaga ang katumbas ng ulo nito.

"Ang hinahabol nating hunter na ito ay isa nang 'high commander level' malamang at malapit nang makatungtong sa horde leader level! Buti na lang ay nasugatan natin ito ng husto noong kalabanin natin ito noong nakaraan kaya malaki ang tiyansa na masugatan uli natin ito ng matindi! Sabi ng kapitan ng tiger fang squad. Ang lalaking ito ay payat, maliit na tangkad at boses at may maitim na kulay. "Kaya ngayon na gumaling na ang mga sugat natin at bumalik na tayo sa ating mga lakas ay oras na para patayin ang nanghihinang 'Hunter' na ito!"

"Opo kapitan!"

Napakataas ng morale ng bawat isang miyembro ng tiger fang squad! Ito ay dahil ang halaga ng isang patay na hunter ay katumbas ng isa hanggang dalawang taon nilang kita.

������

Sa rooftop ng isa sa mga 21 story residential building sa blue sky sector.

Maingat na tinitingnan ng bawat isa sa limang miyembro ng fire hammer squad ang bawat kalye sa loob ng city gamit ang kanilang mga binoculars. Hawak ni Luo Feng sa kaniyang kaliwang kamay ang binocular habang hawak naman ng kaniyang kanang kamay ang baon niyang isang bote ng tubig. Ibinaba niya sandali ang hawak niyang binocular at uminom ng kaunting tubig. Matapos nito ay ibinalik niya ang tubig sa kaniyang bag, kinuha ang binocular na kaniyang ibinaba at nagpatuloy sa paghahanap.

"Maghihintay na lang po ba tayo dito kapitan?" tanong ni Luo Feng.

"Ano bang naiintindihan mo bata?" tawa ni Gao Feng habang ibinababa niya ang hawak niyang binoculars. "napakataas na para sa area na ito ang isang 21 story na residential apartment. Kaya malinaw nating makikita mula sa mga binoculars natin ang mga halimaw na di lalayo sa 5km mula sa puwesto naton. Gaano ba kamo kalaki ang isang country level city? Oo nga, nahaharangan ang paningin natin ng ilang mga building mula rito, dahil doon ay bumaba ng kaunti ang efficiency natin sa paghahanap. Pero sa pamamaraang ito, ang efficiency natin ay talagang napakataas. Dahil puwedeng maghanap at magpahinga ang lahat ng miyembro ng ating squad nang ligtas. Kaya ito ang pinakaepektibong paraan."

Tumango si Luo Feng.

"Captain, guys tingnan niyo ito oh!" Biglang sigaw ni Zhang Ke habang nakaturo sa isang direksyon sa ibaba ng city.

WHOOSH!

Ang apat na miyembro ay tumakbo papunta roon at mabilis na tumingin sa direksyong tinuro ni Zhang Ke gamit ang kanikanilang mga binoculars. At doon ay nakita nila ang napakaraming mga horned boars at iron fur boars na naglalabasan sa kalsada sa kanilang northwest. Mayroon siguro itong bilang na ilang daang mga baboy ramo pero hindi nila ito matiyak dahil napakarami pang mga baboy ramo ang naglalabasan sa kalye.

"Huh?" kumislap ang mga mat ani Luo Feng. Sa isa sa mga kalyeng tinitingnan nila ay mayroong isang kakaibang halimaw na mabagal na naglalakad habang makikitang tumatawag ng napakarami pang mga pig type na mga halimaw. Pulang pula ito at mistulang isang tangke.

"Ito ba ang tinatawag nilang Bloodthirsty Tank?" gulat na gulat na sinabi ni Luo Feng.

Pangalawa sila sa lahat ng mga pig type monsters—ang #2 Bloodthirsty Tank herd. Tinatawag nila itong bloodthirsty tank pero isa pa rin itong pig type na mga halimaw. Makikita sa kanilang katawan ang napakaraming mga kaliskis at kilala ito sa tigas nitong katawan. Sa unang tingin ay mukha itong isang armored tank. At ang higit pang nakamamangha rito ay ang attack at defense nito ay halos kapantay ng isang totoong tangkeng pandigma!

"Isa nga itong bloodthirsty tank!"

"Mukhang malaki laki ang mahuhuli natin ngayon ah"

"Kung titingnan po ang kulay ng mga kaliskis nito ay sigurado ako na isa itong 'low commander level monster' na malapit nang maging isang medium commander level na halimaw.

Ang ilan sa mga miyembro ng mga fire hammer squad ay nagsimula nang magtalo.

"Hmm" malaki nga talaga ang halaga ng isang bloodthirsty tank" tawa ng kapitan nilang si Gao Feng Kahit na isa lamang itong low level commander na halimaw, ang presyo nito ay hindi na nalalayo sa presyo ng isang medium commander level na mga halimaw kaya. Sa madaling salita ay mukhang malaki laki ang mahuhuli natin ngayon! Kaya tumigil na kayo sa pagtatalo!"

"Old Chen"

"Chen Gu"

Ang boses mula sa kapitan ang nakapagpadilat sa mga mata ni Chen Gu. At tumawa ito habang tumatayo sa kaniyang kinauupuan "Nakahanap na ba kayo ng isang commander level na halimaw guys?"

"Halika rito at tingnan mo ito" tawa ni Gao Feng.

Tumakbo si Chen Gu at tumingin gamit ang kaniyang mga binoculars. Gulat na gulat ito nang sabihin niya na "Wow! Isa iyong bloodthirsty tank na pumapangalawa sa mga pinakamalalakas na pig type na mga halimaw. Sobrang tibay ng katawan ng halimaw na ito kaya nakasisiguro ako na hindi ito tatagos ang mga armor piercing bullets na dinala ko sa mga kaliskis nito! Mukhang kailangan ko na ngang gamitin ang mga espesyal kong bala para sa kaniya"

"Bilisan mo na, Hindi naman gaanong kamahalan ang mga balang iyan" pagpupursigi ni Gao Feng.

Agad na tumakbo si Chen Gu pabalik sa kaniyang steel case. Doon niya kinuha ang tatlong blood-red colored na mga bala at ipinalit sa mga nakalagay nang mga bala sa kaniyang sniper rifle.

"PU!"

Dumapa si Chen Gu sa roof top at sinimulan na niyang isetup ang kaniyang silverish gray sniper rifle. Makikita ang pagkislap ng dulong barrel nito dahil sa sinag ng araw. Itinaas naman ni Chen Gu ang kaniyang kamay para maramdaman ang kaniyang magiging direksyon at nagsimula nang gumawa ng mga detalyadong mga kalkulasyon habang inaadjust ang kaniyang optical aimer device. Hindi gumawa ng kahit na anong ingay ang lima pang miyembro ng fire hammer squad.

Nang biglang---

"BANG!" isang napakalalim at napakalakas na tunog ang maririnig.

Sa loob ng halos isang kisap mata, ang balang isinalang ni Chen Gu ay mabilis na lumabas sa barrel ng sniper rifle at lumipad sa ere. Bukod sa hindi maipaliwanag na lakas ng balang ito na gawa sa alloy ay napakabilis din nito. Ito ay mas mabilis ng ilang beses kaysa sa speed of sound kaya hindi ito maririnig nang kahit na sinong halimaw na paparating na ito bago pa man sila nito tamaan.

Mabagal na naglakad ang bloodthirsty tank sa gitna ng kalye habang naguutos sa napakaraming mga halimaw sa paligid nito nang biglang…

"PU!"

Bilang sumabog ang kaliskis ng halimaw sa may gitnang bahagi ng likurang tainga at leeg nito. Matapos nito ay makikita ang isang butas na nanggaling sa balang tumagos sa napakatigas nitong katawan.

"AO~~" Sigaw ng bloodthirsty tank sa sobrang sakit ng tama nito mula sa balang tumama sa kaniya. nagsimula rin itong mawalan nang balanse kaya nagpagewang gewang ito sa gitna ng kalsada. Matapos nitong mabalanseng muli ang kaniyang sarili ay nagsisigaw ito ng pagkalakas lakas sa sobrang galit. Sa loob lang ng isang sandali ay dimumog ito ng napakaraming bilang ng mga pig type na mga halimaw na kanina lang ay nakakalat sa paligid nito habang malakas na nagsumula naman ang pagtalsik ng dugo nito mula sa sugat nitong nanggaling sa tama ng bala. Nagpatuloy ito sa pagsigaw at pagalulong pero hindi nito malaman kung saan nanggaling ang balang tumama sa kaniya.

...

Sa rooftop, bahagyang itinaas ni Chen Gu ang kaniyang ulo at inalis ang kaniyang optical aimer device mula sa kaniyang mata bago buong tiwala sa sarili niyang sinabi na "Sinuswerte ako ngayong araw dahil tinamaan ko agad ang vital spot ng halimaw na iyon. Hindi agad namatay ang bloodthirsty boar na iyon dahil napakahaba ng buhay ng halimaw na iyon pero nakasisiguro akong babagsak iyan sa loob ng limang minuto". Ang unang shot ang pinakaepektibong shot sa long range sniping dahil hindi handa ang halimaw para rito.

Pero isang malaking problema para sa kanila kung hindi tumama ang unang balang iyon sa vital point ng bloodthirsty boar.

At napakalakas ng depensa ng isang commander level na halimaw kaya mainam kung gagamitan mo ito ng mga magagandang armor piercing bullets. Dahil diyan, ang karamihan sa mga pinakamalalakas na bala ay mga armor piercing bullets at hindi ang mga explosive types dahil anong point ng pagpapasabog kung hindi naman nito kayang sirain ang armor ng target nito.

"Magaling, hindi ka pa rin pumapalya ah" tawa ni Zhang Ke habang binibigyan niya si Chen Gu ng isang thumbs up.

"Napakatigas din ng bungo ng isang bloodthirsty tank. Kaya kung dito tatama ang bala ay hindi ito maapektuhan ng masyado, kahit na tumagos pa ang ginamit mong bala sa kaliskis nito" tawa ni Gao Feng "Napakaganda talaga ng baril mong iyan Chen Gu". Dahil malalagay silang lahat sa peligro kung papalya si Chen Gu kasi kung nangyari ito ay kinakailangan nilang patayin ang lahat ng mga halimaw na nakabantay dito!

"Huwag mo akong purihin masyado"

Tawa ni Chen Gu "Ngayon ay isipin niyo nang lahat kung paano tayo makakalusot sa daan daang mga halimaw na iyon para makalapit sa bangkay ng bloodthirsty tank. Kailangan din natin bilisan dahil puwede rin tayong maunahan ng ibang fighter squad.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan! Mayroon sigurong dalawa hanggang tatlo pang mga fighter squads ang nasa loob ng siyudad na ito" tawa ni Gao Feng "Tara na at bilisan na nating magligpit para makuha na natin agad ang bangkay na iyon".

avataravatar
Next chapter