60 Ambisyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

October 7, 2056, Sabado, ang araw kung saan nagkasundong magkita ang limang miyembro ng Fire Hammer Squad sa HR alliance market.

Tanghaling tapat.

Ang isang sports car na may napakagandang hugis na nagpapaelegante sa bawat madaanan nito ang mabagal na umandar papasok sa HR alliance market plaza hanggang sa tumigil ito sa tapat ng gate sa lobby ng HR alliance skyscraper. Bumaba sa sports car na ito si Luo Feng kasabay ng kasamahan nito na si Chen Gu. Agad naman silang binati ng doorman noong makapasok sila sa 1st floor ng building na iyon.

"Ok po, sandali lang po mga sir."

Humakbang si Luo Feng papasok sa lobby at sa loob lang ng isang tingin ay nakita niya agad ang napakaprofessional na itsura ni Xu Xin na nakasuot ng puting pantaas na nakangiting nakikipagusap sa iilang fighters. Hindi niya maiwasang hindi mapansin ang isang anino na papalapit sa bar. Agad namang napuno ng saya ang mga mata nito nang tingnan niya kung sino ang papalapit na iyon sa kanilang puwesto.

"Luo Feng," sumigaw si Xu Xin habang nakangiti.

"Xu Xin," ngumiti si Luo Feng habang nakatayo sa harap ng bar, "Puwede mo ba akong bigyan ng isang tasa ng pu-er tea. Oo nga pala, libre ka ba mamaya? Para makapagusap naman tayo hindi ba?"

Nagdalawang-isip sandali si Xu Xin bago ito tumawa habang tinatanong ang isang waiter. Matapos nito ay naglakad siya palabas sa bar at tumatawang sinabi na, "Wala naman kaming gaanong guests ngayong araw Luo Feng. Kaya tara, doon tayo magusap oh." Sa mga oras na ito ay nakita ni Luo Feng ang kasama niyang si Chen Gu na binibigyan siya ng isang thumbs up habang nakaupo sa isang upuan malayo sa kanilang kinatatayuan.

Magkaharap na umupo sina Luo Feng at Xu Xin sa isang tahimik na sulok ng bar na iyon.

"Kailan ka pa nakabalik mula sa Forsaken land Luo Feng? Ngayon ngayon ka lang ba nakabalik?" Tahimik na umupo si Xu Xin habang hawak-hawak ang isang tasa ng tsaa. Ang transparent na tasa na may lamang green tea na hawak nito ay umilaw ng berde matapos nitong tamaan ng ilaw.

"Matagal-tagal na rin mula noong makabalik ako rito," sagot ni Luo Feng.

Nagpakita ng isang ngiti si Xu Xin habang hindi mapigilan ang kanyang sarili na tumawa at sabihing, "Matagal ka na palang nakauwi rito pero hindi ka man lang pumunta rito para makita ang dati mong kaklase. O baka…. ganito na lang talaga kababa ang tingin mo sa akin tama ba? Ikaw lang ang nagiisa sa ating magkakaklase na naging isang fighter, kaya gusto kitang ipagmalaki kapag naging kilala ka na balang araw."

"Hahaha, saang college ka na nga pala nagaaral ngayon Xu Xin?" tinanong ni Luo Feng.

Malayang nag-usap sina Luo Feng at Xu Xin nang mga oras na iyon. Pinagusapan nila ang iba't ibang mga bagay na nangyari sa kanilang mga buhay mula noong magtapos sila sa high school. Pero kahit na may gusto si Luo Feng kay Xu Xin na alam naman ni Xu Xin…. walang kahit isa sa kanila ang pumunta sa topic na ito. Umupo lang sila roon habang nag-uusap ng normal at tahimik.

Nakuntento na si Luo Feng sa kanyang sarili sa pakikipagusap ng normal sa crush niyang si Xu Xin.

Makikita sa mga oras na ito ang isang batang lalaki na nakasuot ng itim na pangtaas at pangbaba na bumaba sa elevator. Noong tumingin siya sa gilid ng bar, doon niya nakita ang nag-uusap na si Xu Xin at Luo Feng.

"Sino ang kausap ni Xin na iyon?" sumimangot ang binata habang kinikilala kung sino ang lalaking iyon, "Mukhang si Luo Feng iyon ah, ang elite student na kaklase ni Xu Xin sa kanyang senior class hindi ba?" Alam niya ang karamihan ng tungkol sa highschool na pinanggalingan ni Xu Xin at tungkol sa mga kilalang tao doon gaya ni Luo Feng at Zhang Hao Bai.

Nagpakita ng isang nanlalamig na ngiti ang binata at sinabing, "Nasabi na minsan ni Xin ang Luo Feng na iyan habang kumakain kami sa bahay dati. Mukhang mayroon siguro silang relasyon ng lalaking iyan."

Tahimik na umupo ang binata sa kabilang bahagi ng bar.

Napasarap na sa kwentuhan sina Luo Feng at Xu Xin nang biglang may tumawag sa pangalan nito sa bar. Nang marinig ito ni Xu Xin ay agad siyang tumayo at humingi ng tawad kay Luo Feng: "Pasensya na Luo Feng pero kailangan ko nang bumalik sa trabaho."

"Sige lang huwag mo na akong isipin," tumawa si Luo Feng.

"Kaibigan mo ba iyan Xin?" maririnig sa mga oras na ito ang boses ng isang lalaki. Lumingon si Luo Feng at nakita niya ang isang guwapong binata na kamukha ni Xu Xin. Tumayo ang binata sa isang tabi at ngumiti kay Xu Xin. Matapos nito ay tumingin naman ito at ngumiti sa nakaupong si Luo Feng. Masayang nagulat si Xu Xin sa mga oras na iyon "Pumunta ka rin pala sa market ngayon kuya. Oo, ito nga pala ang dati kong kaklase na si Luo Feng. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho ngayon kuya kaya puwede mo munang kausapin si Luo Feng habang wala ako."

"Sige, magtrabaho ka na muna," tumawa ang binata habang tumatango. Matapos nito ay lumingon siya kay Luo Feng at sinabing, "Hello Luo Feng. Hayaan mo munang ipakilala ko ang sarili ko. Ako nga pala ang kapatid ni Xu Xin na si Xu Gang".

Kuya?

Ito ang magiging bayaw ni Luo Feng kung sakaling magkatuluyan sila ni Xu Xin hindi ba?

"Hello," tumayo si Luo Feng at nakipagkamay sa binatang kausap niya.

"Hello Luo Feng," tawa ni Xu Gang habang siya ay paupo sa harap nito, "Narinig ko na ang pangalan mo matagal na panahon na ang nakalilipas. Mula pa iyon noong high school pa lang ang kapatid kong si Xu Xin kaya alam ko na isa ka sa tatlong elite members ng high school na iyon! Narinig ko rin mula kay Xu Xin na isa ka na raw na ganap na fighter ngayon hindi ba?"

Tumawa si Luo Feng habang tumatango.

"Ah, nakamamangha talaga ang isang 18 year old na fighter na gaya mo." Bati ni Xu Gang at tumatawang sinabi na, "Hindi ba mapagkuwento sa kanyang buhay ang kapatid ko noong high school pa lang kayo?"

"Hindi po, kaya walang nakapagsasabi na napakayaman pala ng pamilya niyo," tawa ni Luo Feng. Napakasimple at tahimik lang ni Xu Xin noong mga panahong iyon.

Nang marinig niya ito, isang ngiti ang makikita sa mukha ni Xu Gang bago sabihing, "Nag-aalala kasi ang lolo namin baka masyadong maispoiled ang madam of the family namin. Kaya pinag-aral niya lang ito sa isang normal sa school kaysa sa isang elite school para matuto siyang makipagsalamuha sa mga pangkaraniwang tao! Ngayon ay nakita ko na maganda ang naging performance ng aking kapatid noong high school pa lang siya."

Sumimangot ng kaunti si Luo Feng nang marinig ito. Madam of the family? Alam na niya na si Xu Xin ang madam of the family mula noong ikuwento ito sa kanila ng driver nila papunta sa HR alliance market.

"Hindi ba nasabi sa iyo ng kapatid ko ang tungkol sa aming pamilya?" nagtatakang tanong ni Xu Gang.

"Hindi po, pero alam ko na ang Xu Family," kalmadong ngumiti si Luo Feng, "Isa sa 12 na pamilya ng HR alliance sa buong bansa." Naiintindihan ni Luo Feng ang meaning ng mga sinabing iyon ni Xu Gang. Hindi niya direktang sinabi ito pero ginamitan niya ito ng ibang topic para mapagusapan ang tungkol dito---

Si Xu Xin ay ang madam ng Xu Family!

"Oh, alam mo na pala," nagpapasalamat na sabi ni Xu Gang, "Alam mo sa totoo lang, kahit ang isang napakalaking pamilya na gaya namin ay mayroon ding mga malalaking problemang hinaharap. Halimbawa, minsan ay hindi naming puwedeng pakasalan ang kung sino mang gustuhin namin. Sa ngayon ay may mangilan-ngilang mga gifted na binata na nanliligaw sa aking kapatid. Gaya ni Wang Xing Ping mula sa Kyoto City at ang isang 21 years old na intermediate warlord level fighter mula sa ating Jiang-Nan City na nagngangalang 'Guo Hai'."

Nabigla si Luo Feng nang marinig niya ito.

May mga lalaking naghahabol na kay Xu Xin?

"Medyo may pagkabastos nga lang ang Guo Hai na iyon," insulto ni Xu Gang habang umiiling, "Hindi ba isa lang siyang warlord level fighter? Anong iniisip niya? Nakikipaglaro ba siya sa Xu family na may mataas na estado sa buong mundo? At paano namin hahayaang magpakasal ang madam of the family sa isang walang pag-asang fighter hindi ba? Malay mo ay mamatay na lang bigla ang fighter na iyon sa Forsaken Land isang araw."

Napasimangot si Luo Feng sa kanyang narinig.

"Hindi ka ba sang-ayon sa sinabi ko Luo Feng? Alam ko na alam mo na palaging nasa bingit ng kamatayan ang buhay ng mga fighters kaya malaki ang tiyansa nitong mamatay sa loob ng Forsaken Land. Kaya bakit ko hahayaang magpakasal ang aming madam of the family sa isang fighter hindi ba?" tawa ni Xu Gang habang nagtatanong kay Luo Feng. Noong makita niya ang itsura ni Luo Feng ay natawa siya at sinabing, "Oh, huwag mo sanang masamain ang sinabi ko. Hindi ito tungkol sa iyo."

Nasira ng husto ang mood ni Luo Feng sa mga oras na ito.

Hindi ito tungkol sa akin?

Bigla na lang binuksan ng Xu Gang na ito ang topic na ito para bigyan si Luo Feng ng malinaw na mensahe—Walang kahit na anong tiyansa ang isang fighter na puwedeng mamatay kahit saan para mapakasalan ang madam ng kanyang Xu family. Kaya mas mabuti pang itigil na niya sa lalong madaling panahon ang kanyang mga pinaplano sa kapatid nitong si Xu Xin.

"Sa totoo lang," nagpapasalamat na sabi ni Xu Gang, "Kung ikukumpara ko silang dalawa ay mas boto ako kay Wang Xing Ping. Dahil si Wang Xing Ping ang batang master ng Wang Family sa Kyoto. Malaki rin ang hawak na kayamanan ng Wang family. Pwede siyang manatili lang sa kanilang tahanan habang nag-uutos sa mga fighters na nagsisilbi sa kanila kaya hindi na nito kailangan pang itaya ang buhay niya para makuha ang anumang gustuhin niya."

"Bilang isang kuya, mas gugustuhin ko na makita ko na maayos ang pamumuhay ng aking kapatid na si Xu Xin." nagbuntong-hininga si Xu Gang, "At kung ikukumpara mo rin sa isang fighter, ang mga batang masters ay mayroong napakaraming yaman kaya mas pipiliin ko ang mga ito para sa aking kapatid kaysa sa isang fighter."

"Isang fighter?"

"Matanong kita, sa tingin mo, sino sa tingin mo ang walang mga warlord level fighters na nagsisilbi sa ilalim nila? Ang Xu family ba? O ang Wang family? Hindi ko na kailangan pang sabihin ang napakaraming warrior level na fighters na hawak ng mga pamilya," tawa ni Xu Gang habang iniiling ang kanyang ulo. Wala masyadong pakialam si Xu Gang sa mga fighters. Kaya mas wala itong pakialam sa mga warrior level na fighters na kagaya ni Luo Feng.

Dahil mayroon siyang kayamanan para kumuha ng mga ito!

Bilang isa sa mga 12 na pamilya ng HR alliance, natural na may hawak ito na maraming bilang ng mga warlord level na fighters bukod pa riyan ang napakaraming hawak nito na mga warrior level na fighters.

"Luo Feng" tumawag ang isang boses malayo sa kanilang kinauupuan.

Lumingon si Luo Feng at doon niya nakita na dumating na pala sina Captain Gao Feng at ang Wei Jia brothers habang nakaupo sa tabi ni Chen Gu sa mga oras na ito. Sumigaw si Luo Feng at sinabing, "Papunta na po ako diyan Captain."

"Young master Xu Gang," tawa ni Luo Feng habang nakatingin kay Xu Gang.

"Hm?" ngumiti si Xu Gang.

Sa totoo lang matapos niyang sabihin ang mga iyon, naniniwala si Xu Gang na malinaw niyang naibigay ang kanyang mensahe sa kanyang kausap. Minaliit ng kanyang pamilya ang isang 21 year old intermediate level warlord fighter. Kaya alamin mo ang lugar mo Luo Feng bilang isang rookie fighter at tigil-tigilan mo na ang kapatid ko.

"Talagang kahanga-hanga ang inyong Xu Family, young master Xu Gang. Dahil kaya niyong kumontrol ng ganoon karaming mga warlord level na fighters," ngiti ni Luo Feng, "Pero naiisip ko lang kung kaya ba ng inyong Xu family na magutos sa isang wargod level fighter?"

Nanigas ang katawan ni Xu Gang nang marinig niya ito.

Isang wargod level fighter? Ilang wargod level fighter lang ba ang makikita sa Jiang-Nan City? Mayroon ngang isang wargod level fighter ang kanyang Xu family pero nagagawa lang nila ito dahil binabayaran nila ang fighter na ito ng napakalaking halaga.

"Naiisip ko rin kung nakakita na ba ang iyong Xu family ng isang fighter na lumampas sa lebel ng wargod?" dagdag ni Luo Feng.

Lalong sumama ang itsura ni Xu Gang nang marinig niya ito.

Ang isang fighter na lumampas sa lebel ng wargod gaya ng pinakamalakas na fighter na si 'Hong'. Ang isang fighter na katumbas ng isang buong army. Maging ang kanyang pamilya ay gustong gusto na makilala ang pinakamalakas na fighter sa buong mundo pero wala silang karapatan para gawin ito. At wala silang karapatan na ipantay ang kanilang mga sarili sa mga fighter na ito.

Dahil isang langgam ang Xu family kung ikukumpara mo kay "Hong" at kay "Thunder God"!

"Bilang kaibigan ay pinapaalalahanan kita young master Xu Gang…. Huwag mong mamaliitin ang mga fighters," tiningnan ni Luo Feng si Xu Gang ng maigi. Hindi siya nirespeto kaya bakit siya rerespetuhin ni Luo Feng?

Matapos niyang sabihin ito ay tumalikod si Luo Feng at lumakad papalayo sa kanya.

Ang malamig na air conditioner sa lobby na sinabayan ng napakahinang musika na dumadaloy na parang isang ilog ay sapat na upang kumalma ang isang tao. Pero nagliliyab pa rin ang galit sa puso ni Luo Feng "Matanong kita, sa tingin mo, sino sa tingin mo ang walang mga warlord level fighters na nagsisilbi sa ilalim nila? Ang Xu family ba? O ang Wang family? Hindi ko na kailangan pang sabihin ang napakaraming mga warrior level na fighters na hawak ng mga pamilyang iyan," Paulit-ulit na naririnig ni Luo Feng ang mga salitang ito galing kay Xu Gang sa kanyang isipan.

"Xu Gang!"

"Hindi ba sinabi mo ang mga ito para tigilan at layuan ko na ang iyong kapatid?" nanlalamig na tingin ni Luo Feng, "Huwag kang mag-alala dahil ako, si Luo Feng ay makakarating sa pinakatuktok ng mga fighters! Isang fighter na katumbas ng isang buong army ng isang bansa! Sa panahong iyon ay tatanggapin niyo ako sa inyong Xu family ng may ngiti sa inyong mga mukha!"

Siyempre ay maghahabol siya kay Xu Xin...

Pero kinakailangan niya muna na matanggap sa Xu family ng may ngiti sa mga mukha nito dahil sa baba ng tingin nila sa kanilang mga sarili kung ikukumpara sa kanya!

"Ang mga fighters ay ang natatanging lakas ng sangkatauhan sa mundo!"

"Walang wala ang mga tinatawag nilang mga super families na ito sa harap ng mga pinakamalalakas na fighter sa buong mundo!"

At sa panahong ito!

Tanghaling tapat ng October 7, 2056!

Ang oras kung saan nakilala ni Luo Feng ang kapatid ni Xu Xin na si Xu Gang ay nagliyab sa kanyang ambisyon!

avataravatar
Next chapter