Chapter 36
Sophia Margie Marquez ~
Alam kong ako na ang mananalo sa labang ito dahil kanina pa sugatan ang kalaban kong shade. Tanging pagpikit lang ang alam nito at ni hindi man lang gumagalaw sa kanyang pwesto kung hindi ko pa aatakihin. Naghanda na ako sa susunod kong pag – atake. Ito na ang huli upang makalabas na ako sa dimensyong ito.
Papalapit na ako dito ng kaunting – kaunti sa pinanggalingan ko ng bigla na lang akong mapatigil, someone is manipulating my liquid inside my body. Dahan – dahan akong napatingin sa shade na kalaban ko, to find out na nakangiti ito sa akin ng nakakakilabot. How come na nalaman nya kung nasaan ako?
Dahan – dahan akong napaluhod sa aking kinalalagyan, hindi ko na rin napigilan pang magpakita sa kanya. Nahihirapan na akong huminga dulot ng unti – unting pagbabawas ng tubig dito sa katawan ko.
" You know, I am not that stupid to not know where you are! I can hear you inhaling' for air! "
Aniya sa akin, hindi naman ako makasagot dahil nakahawak ako sa leeg ko na parang sinasakal. He's killing me and I will never make it happen.
Pumikit ako ng mariin upang ipunin ang lahat ng kapangyarihan ko sa iisang parte ng katawan ko at doon ilabas. This is the last way to distract him. Malapit na ang pagpapalabas ko dito ng bigla na lang akong mapasuka sa sakit na dulot ng pagkakasipa sa akin ng halimaw na nasa harapan ko. Hindi pa ito nakuntento at sinuntok ako sa tyan. Hindi na naman nito minamanipula ang likido sa loob ng katawan ko ngunit hindi naman nito hinahayaang makakuha ako ng bwelo upang umatake sa kanya. Bugbog sarado na ang katawan ko ngunit hindi pa rin ito tumitigil, nanlalabo na rin ang paningin ko dulot ng ilang beses na pagkabagok ng ulo ko sa sahig. Hindi ko na nga maramdaman ang iba sa parte ng katawan ko.
" Who's going to win, now? "
Napairap na lang ako ng ngumiti ito ng nakakaasar, kung nasa pagkakataon lang na kaya ko pang igalaw ang mga kamay ko, sisiguraduhin kong mabubura ang mga ngiting iyon.
Sinabunutan ako nito ng napakahigpit dahilan upang mapahiyaw ako ng pagkalakas – lakas, ramdam ko ang pagdurugo nito dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa buhok ko.
" I like it when you are screaming! "
Ngiti pa nito, ngunit mabilis rin itong nawala matapos ko syang duraan sa mukha. Serves him right.
" Nakakalaban ka pa ng lagay na iyan? "
Nagtatagis – bagang na tanong nito sa akin. Nginitian ko naman ito ng nakakaasar dahil alam ko na ang paraan upang matalo sya at makakuha ng tyempo.
" Why don't you try fighting me with the same energy as yours? Natatakot ka bang matalo ulit kita dahil mas malakas ako sayo? "
Ani ko sa kanya. Hindi naman ako nagkamali ng bitawan ako nito at mabilis na ginamot gamit ang kanyang sariling kakayahan, maging sya ay ganoon din ang ginawa sa kanyang sarili.
" Well then, pareho na tayo ngayon ng lagay! Why don't we try to attack each other in one blow? "
Sabi nito sa akin ng nakangiti dahilan upang mapangiti rin ako. This time, I will make sure na ikaw ang mabubura sa ating dalawa, not me but you.
Huminga muna ako ng malalim upang maghanda sa gagawing pag – atake. Nang masiguro kong nakahanda na rin sya sa kanyang gagawing pag – atake ay saka ako sumugod sa kanya na katulad nya ay papasugod rin sa akin.
" Ahhhh! "
" Ahhhh! "
Nagbanggaan ang mga kapangyarihan naming halos sumira sa lahat ng daraanan nito. Hanggang sa kusang mawala ang mga ito. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi ng makita ang nasa harapan ko.
Jared Fortaleza ~
Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa isang bagay na nakalagay sa mga paanan ko. Hindi pa ako noon nakakalayo sa shade na humahabol sa akin ng bigla na lang may kung anong bagay ang tumusok sa likuran ko dahilan upang matumba ako sa pagkakatayo. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng malamang pang paralisa pala ito ng katawan.
" Hindi ka na makakatakas pa sakin! Hindi ka man lang ba nagagandahan sakin at nilalayuan mo ko? "
Ani ng halimaw na nasa harapan ko. Kung totoo lang sana ang babaeng ito'y matagal ko na tong pinatulan, yun nga lang at ikaw pa ang naging isa sa mga pagsasanayan namin.
" Maganda na ba ang depinisyon ng mukha mo? Kung yan kasi ang depinisyon, paniguradong tatanda ako ng mag – isa! "
Nakangiti ko pang sabi sa kanya. Sumimangot naman ito at bigla na lang akong sinampal ng paglakas – lakas, napaliko talaga ang mukha ko dahil doon. Mabuti na lang at mas malakas sumampal si Tanya, kung nagkataon ay paniguradong masasaktan ako dahil doon.
" Gusto mo pa ng isa? Ang lakas ng loob mong hamakin ang isang tulad ko? Ni hindi ka nga umabot sa isang porsyento sa mga lalaking sa tingin ko ay gwapo! "
Hindi ko na inintindi pa ang mga sinabi nito bukod doon, ang mas inintindi ko ay ang pagbabalik ng aking pakiramdam. Saglit lang pala ang pagka paralisang iyon.
" Alam mo bang ayaw ko ng pinapatagal ang mga laban ko? "
Sabi ko dito habang unti – unting nag – iitim ang kulay ng aking mga mata, hindi lang ang gitna kung hindi pati na rin kabuuan nito. Kita ko pa ang pagka – gulat sa mukha nito dahil sa nakikita, aalis na sana ito sa aking harapan ng kapitan ko ang kanyang mga binti at braso sa pamamagitan ng aking pag – iisip. I am a black eyed being, I am a kind of demon who can usually command others by making them see my black eyes.
" Wa – what are you doing? "
Nanginginig nitong sabi sa akin. Hindi rin naman kasi ito makaalis kung kaya't hanggang salita na lang ang kaya nyang gawin sa pagkakataong iyon.
" Sa tingin mo? "
Nakangiti ko pang sabi sa kanya bago ko tuluyang saksakin ang likuran nya gamit ang sarili kong mga kamay. Dumalo sa mismong mukha ko ang dugo nya, ang pinaka paborito kong parte ng katawan ng isang halimaw. Oo, isa akong demonyo pero hindi kami kumakain ng mga laman ng tao kung hindi ang sa halimaw na katulad namin. Sa pamamagitan nito, muling babalik ang aming lakas at muling babalik ang pisikal naming anyo.
" Sayang lang at hindi ka naging tao! But still, mabuti na palang hindi, dahil kung nagkataon ay hindi ko makikilala si Tanya. The one I'm serving my life to protect with! "
End of Chapter 36
Work hard for what you want because it won't come to you without a fight. You have to be strong and courageous and know that you can do anything you put your mind to. If somebody puts you down or criticizes you, just keep on believing in yourself and turn it into something positive.
-Leah LaBelle
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @Vindexia
Tumblr: @Vindexia