webnovel

Chapter 37

Chapter 37

Tanya Chan ~

Hindi ako makalaban ng maayos sa shade na ito dahil sa bagay na nakalagay sa katawan ko. It is like a tattoo but a mark instead. It is a mark of curse, a curse where I will never be able to fight to the one I'm fighting with.

" That's right! Just keep absorbing my attack on you! After all, you will never win in that state of yours! "

Wala akong magawa kung hindi ang sanggain lang mga atake nya na nanggagaling sa iba't – ibang direksyon. Masakit na rin ang buo kong katawan but still, I can manage to suppress the pain.

Isa pang tadyak ang natanggap ko dahilan upang maputol ang kwintas ko na nakatago sa loob ng damit ko. Hindi maaari!

" A beautiful necklace! Kanino naman nanggaling ang walang kwentang bagay na to? "

Tanong nito sa akin kapantay ang mukha ko.

" Nakikiusap ako! Hindi ako lalaban, just let me have the necklace! "

Pagmamakaawa ko dito. Yun na lang ang natitirang bagay na meron ako na iniregalo sa akin ni Jared.

" Okay! "

Dahan – dahan nito sa aking iniabot. Napangiti na lang ako ng mahawakan ko ito, ngunit ganoon din ang gulat ko ng bigla itong maging abo.

0_0

" Naniwala ka naman talaga? Hahaha! I never thought that you are that stupid? Hahaha! "

Ang kwintas ko. Ang kwintas na ibinigay sa akin ni Jared, its gone. Wala na ang kwintas ko.

" What the hell? Are you crying because of that stupid necklace? O c'mon? You're kidding me! "

Magbabayad ang halimaw na ito. Magbabayad sya sa ginawa nyang paninira sa gamit ko. Magbabayad sya.

Third Person's Point of View ~

Napalayo ang shade na iyon matapos makaramdam ng kakaibang kapangyarihan na nanggagaling sa babaeng kanina lamang ay umiiyak. Wala nang ekspresyon ang mga mata nito at alam nyang tanging ang kapangyarihan lamang nito ang kumokontrol dito. Mabilis syang sumugod dito upang hindi na matuloy pa ang pagkontrol ng kapangyarihan ng babae sa kanyang katawan, ngunit hindi pa noon nakakalapat ang kanyang kamao sa mukha nito, ay agad sya nitong naunahan. Halos masira ang buong mukha nya na gawa sa bato dahil sa lakas nito. Hindi pa sya noon nakakabangon ng bigla na naman sya nitong sugurin at suntukin sa kanyang sikmura. Dumaloy ang dugo ng shade na iyon sa mukha ng babae. Ngunit katulad nga ng nasa isip ng shade, wala na itong pakiramdam dahil tanging kapangyarihan na nito ang kumokontrol dito. Muli na namang nagpakawala ng isa pang suntok ang babae na agad naman nyang nailagan, ngunit hindi naman nya nailagan ang sumunod nitong atake dahilan upang mabutas ng tuluyan ang kanyang sikmura. Napatumba na lang sya sa kanyang kinatatayuan hawak ang kanyang sikmurang butas. Huli na bago pa nya mailagan ang isa pa nitong pag – atake sa kanyang likuran. Naputol ang ulo ng shade at umagos mula doon ang dugo nitong kulay luntian. Nawalan na rin ng malay ang babae ngunit bago ito mawalan ng malay ay napangiti ito at sinabing –

" I've got it back! I've got it! "

Jack Vandolph Suarez ~

Mabuti na lang at dagat ang setup ng dimensyong ito. Maayos akong nakakagalaw dulot na rin ng tunay kong anyo. Hindi rin naman sa akin sagabal ang paglubog mula dito dahil kaya kong huminga sa tubig.

Nagpalinga – linga akong muli upang hanapin ang shade na iyon na aking kalaban. Kung ako ang nasa tubig, sya naman ang nasa himpapawid. Kalahati itong ibon at tao. Muli pa akong luminga – linga upang makita lamang itong nakatingin sa akin sa malayo. Kita ko pa ang pagngiti nito ng nakakaasar. Hindi naman ako apektado bagkus ay mas natutuwa pa nga ako sa nangyayari. Ang mga ibon ay hindi habang buhay na lumilipad, may pagkakataon rin itong lumalapag sa mga sanga. Yun nga lang at tanging tubig lang ang meron dito.

" Hindi ko alam na may pagkabaliw ka pala! You're smiling like you're a crazy young man! "

Napalingon ako sa likuran ko. Nandoon sya at lumilipad. Nakangiti rin ito sa akin na akala mo, na sa kanya na ang kamay ng tagumpay.

" Like you! You're smiling like a virgin woman! "

Biglang nawala ang ngiti nito sa kanyang mukha at bigla na lang sumeryoso, kung akala nyang maasar nya ako sa mga ganoong paraan ay nagkakamali sya. Ako yata ang pinaka malakas mang – asar sa grupo kahit minsan ay tahimik ako.

" As if naman na totoo yung sinasabi mo no? I am pure and clean, not like you men! You are just a sucker of temptation and lust! No breeding! "

Nakairap na sabi nito sa akin.

" Pumapatol naman kayo kaya walang mali! Tama naman ako di ba? "

Napanganga naman ito sa sinabi ko at sobrang namula ang pisngi. Akala nya ha?

" You will pay for what you've said! "

Mabilis itong bumulusok papunta sa direksyon ko. Hindi naman ako gumalaw bagkus ay hinihintay ko lang na mapalapit ito sa akin o sa tubig man lang. Ang mga basilisk na katulad ko ay may kakayahang kontrolin ang anu mang uri ng tubig na galing sa inang kalikasan. Nang malapit na ito sa akin upang dagitin ako ay saka ko kinontrol ang tubig na nasa likuran nya. Kita ko pa ang pagkagulat nya ng bigla na lang syang nilamon ng tubig na nasa likuran nya. Die bitch.

Lumubog ako upang sundan sya, ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita itong wala na dito. Paanong –

" As if na kaya mo kong kalabanin? "

Bumaon sa balat ko ang mga kuko ng ibon dahilan upang maging pula ang kinalalagyan ko. Masama ito, maaari akong maamoy ng mas malalaki pang hayop sa paligid.

0_0

Nanlalaki pa ang mga mata ko ng makita ko ang isang Charybdis na papalapit sa aming kinalalagyan. Isa itong live disaster na whirlpool. May buhay ito katulad ng halimaw na nasa ilalim nya, tanging dugo lamang ang bumubuhay sa kanila katulad ng sa mga bampira. Sa ilalim nito makikita ang legendary Loch Ness Monster.

Mabilis akong humiwalay sa kanya ng makitang malapit na ito sa amin. Sinuswerte ka nga naman at sya pa ang binigyang pansin ng whirpool na iyon. Unti – unting nagkapira – piraso ang mga balat nya at sumambulat ang masagana nitong dugo.

Kawawang nilalang.

End of Chapter 37

Life is full of beauty. Notice it. Notice the bumble bee, the small child, and the smiling faces. Smell the rain, and feel the wind. Live your life to the fullest potential, and fight for your dreams.

-Ashley Smith

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts