webnovel

SANCTUARY

"You looked happy," puna ni Aida kay Skylar. Ngumiti lang siya rito at nagpatuloy sa pagsusulat sa chart habang nagha-hum nang paborito niyang love song. Magmula nang pumasok si Skylar ay ganoon na ang kanyang disposisyon. Happy. Isang kasiyahan na kahit pa yata bagyo ang dumaan ay hindi mawawala ang ngiti.

"Something happened. Kwento ka naman," kulit ni Aida.

Napabungisngis siya at sinabi na lang ang mga nangyari sa Davao. Impit itong napatili nang matapos siya. Natawa si Skylar sa kaibigan. "Ang ingay mo!"

"Kaya pala happy ka! May kasamang kilig! Naku, let's talk about that again later. Babalik muna ako sa puwesto ko," anito at umalis. Iniwanan na rin nito ang mga papers ng mga inindorso niyang project dito para siya na ang mag-file.

Ngiting umiling na lang si Skylar at nagtrabaho na. Doon niya ibinuhos ang oras hanggang magtanghalian.

"Skylar? It's lunch time. Marami ka pa bang gagawin? Tulungan na kita."

Napaangat ang tingin ni Skylar at nagulat nang makita si Webster. Napatayo siya at napahagod sa sentido. "Hindi ko napansin ang oras. Wait. Ayusin ko lang ito." nagmamadaling saad niya.

Pero tinulungan pa rin siya ni Webster na ayusin ang mga gamit hanggang matapos. Ngumiti siya rito. "Sunduin na rin natin si Aida."

"Sure." anito. Pinuntahan na nila si Aida na kasalukuyang nagaayos na ng gamit. Nagulat ito nang makita si Webster hanggang sa ngumiti. Minulagatan ito ni Skylar para hindi na mangasar. Tinikom naman nito ang bibig.

Lumabas na sila. Doon nila nasalubong sa lobby si Donatello at ang ama nito. Nagtigilan ang mag-ama hanggang sa napabuntong hininga si Skylar nang makitang dumilim ang mga mukha nila saka sila nilampasan.

"Hayaan mo na," bulong ni Aida.

"Yes. Don't mind them." nakakaunawang saad ni Webster.

Tumango na lang si Skylar at humingang malalim. Pumasok na sila sa canteen at nag-order. Hindi nagtagal ay sabay-sabay na silang kumain.

"Mabuti hindi ka pinagiinitan ng mag-ama sa department niyo?" usisa ni Aida kapagdaka.

Natigilan si Webster hanggang sa umiling. "No," simpleng sagot nito habang hindi tumitingin sa kanila. Hinahalo lang nito ang pagkain.

"Let's eat," ani Webster saka dinagdagan ang ulam ni Skylar.

Kumain na silang lahat. Tahimik lang sila hanggang matapos. Nagpapahinga sila nang magpaalam si Webster. Pagbalik nito ay mayroon na itong dala na maliit na Styrofoam. Mango float ang laman noon.

"Ginawa mo?" gulat na tanong ni Aida.

"Yes." ani Webster at nilagyan siya ng mango float sa pinggan.

"Ang suwerte ni Skylar kapag ikaw ang nakatuluyan. Marunong kang gumawa ng mga ganito. Siya, hindi marunong." pambubuko ng kaibigan.

"Aida!" napapahiyang bulalas niya.

Natawa si Aida. "Totoo naman. Tagatikim ka lang," biro nito.

"Okay lang na maging tagatikim nang luto ko habang buhay," sagot ni Webster.

Kinilig tuloy si Skylar. Pati si Aida, kinilig din! Pinigilan ni Skylar na mapabungisngis sa tuwa. Webster assumed that they could be together! Ah, her heart melts…

"Ang sweet." kinikilig na komento ni Aida. Aida's comment made Webster speechless. Hindi na ito nagsalita ulit.

"Are you free this Friday?" tanong ni Webster kapagdaka.

"Yes." sagot ni Skylar.

"Puwede ba kitang i-invite sa sanctuary?" nanantyang tanong nito.

"Sanctuary?" takang tanong niya.

"Iyong nabiling lupa ni Ate Cynthia sa tabi ng lote ko, pinagawa naming maliit na park. We named it sanctuary. May magandang nangyayari sa park tuwing takipsilim. I want to show it to you," nito.

"Okay, sure." excited niyang sagot.

"Great," pigil hiningang saad nito.

"Ako? Hindi mo ba ako tatawagin?" singit ni Aida.

"Sure. Susunduin din kita." agad namang sagot ni Webster.

Natawa si Aida. "I'm just kidding! Sige na. Kayo na lang. Basta, ingatan mo itong kaibigan ko, ha?"

"Yes. Trust me." determinadong saad ni Webster.

Ngiting-ngiti na si Aida. Si Skylar naman ay lihim na kinikilig. Hanggang sa bumalik na sila sa trabaho ay ganoon ang pakiramdam niya. High sa mala-roller coaster na pakiramdam.

"He really likes you. I think he's even ready to marry you," ani Aida pagtigil nila sa area niya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Skylar. Kinilig na naman siya sa idea na iyon. "Sira," natatawang sagot na lang niya pero ang totoo ay sinseryoso na niya ang nararamdaman. Hell. Sino ba ang hindi matutuwa? Manhid lang ang hindi magiging happy doon!

Ngumisi ito. "I saw the way he treated and look at you. Naku. Huwag mo nang pakawalan 'yan." anito at tinapik siya sa balikat. Umalis na ito at mahina na lang natawa si Skylar.

Talaga! Hindi niya pakakawalan si Webster. Hindi sira ang ulo niya para gawin iyon!