webnovel

FIREFLIES AND US

"Here's our sanctuary," pigil hiningang saad ni Webster nang tumigil sila ni Skylar sa gitna ng wooden bridge. Halos hindi na niya pansin si Webster dahil busy si Skylar sa pagtanaw sa buong paligid. Maraming puno at tanim na bulaklak. Sa gitna naroroon ang maliit na man-made lake at nasa ibabaw ang wooden bridge. It was indeed a sight to behold.

"Ang ganda…" humahangang anas ni Skylar saka nakangiting nilinga si Webster. "Thank you for bringing me here." grateful niyang saad.

Halos hindi nakatulog si Skylar ng ilang gabi. She was really looking forward. Hindi naman siya nabigo dahil mesmerized siya sa buong paligid. Romantic din ang dating dahil kasama niya si Webster.

"Salamat at nagustuhan mo," relieved na saad ni Webster.

Napangiti si Skylar. "Oo naman. Simple things makes me happy,"

"And that's makes you more charming." puri nito saka hinawakan ang kamay niya. Bumilis ang tibok ng puso ni Skylar. "I prepared something over there. Let's go." aya nito at naglakad na sila papuntang puno ng akasya. Napangiti si Skylar nang makitang may nakalatag na kumot. Sa ibabaw noon naroroon ang wine at dalawang kopita.

Naupo sila at pinagsalin siya ni Webster ng wine. "Don't tell me ikaw din ang gumawa ng wine."

Mahinang natawa si Webster. "Hindi. Binili ko ito. But this is my favorite wine."

Napatango si Skylar. Agad niyang isinaisip at puso ang paborito nito. Natutuwa rin siya dahil sa pag-share nito ng mga gusto. Ibig lang sabihin ay talagang gusto nitong makilala niya nang lubos.

Natigilan si Skylar nang mapansing nagkaroon ng alitaptap. Padami iyon ng padami habang papadilim na. Napatayo siya at maang na iginala ang paningin.

"Ito ang gusto kong makita mo," ani Webster.

Ngiting nilingon niya ito. "It's beautiful! This is my first time!" manghang bulalas niya at pinagmasdan ulit ang mga alitaptap.

Napahagikgik si Skylar nang magliparan sa paligid niya ang mga alitaptap. Hindi siya gumalaw. Hinayaan lang niya ang mga iyon. She didn't even bother to get her camera and catch the moment. She was enjoying it!

"God… you're so beautiful…" anas ni Webster.

Napalingon si Skylar dito at parang binayo ang dibdib niya nang makitang buong paghanga at pagibig siya nitong pinanonood.

"Webster…" anas ni Skylar. She didn't know what to say! He looked at her as if she was the most beautiful woman on earth and it flatters her.

Dahan-dahan itong naglakad palapit. Her heart pounded but she just stood there. Napalunok siya nang marahang haplusin ni Webster ang pisngi niya. Namigat ang talukap ng mga mata niya nang madama ang mainit nitong palad. Naikiling niya ang ulo. Parang matutunaw na siya sa palad nito.

And he kissed her. Bigla ang dagsa ng boltahe sa buo niyang katawan. Lumutang din ang kanyang pakiramdam. She didn't know that kissing Webster would make their hearts intertwined. Closer. Tighter. 

Napasinghap si Skylar nang kusang gumalaw ang bibig ni Webster. Mas pinalalim pa nito ang halik. He tasted her lips like an expert. She moaned and sighed like a kitten. When his tongue finally touched hers, she groaned in delight. She felt some fireworks in the sky.

His minty breath made Skylar cling on that moment. Ayaw na niyang matapos iyon. Ganoon din ang pakiramdam niya kay Webster. He was still holding her close, like he didn't want to let her go.

And both of them didn't end it. They just kissed while fireflies were flying all over. Pareho silang nalunod sa pag-ibig. Ni hindi na nila napansing minuto na ang lumipas habang magkasanib ang kanilang mga labi.

"Webster…" langong anas ni Skylar nang pakawalan nito. Both of them were breathing heavily.

"I love you," anas nito at siniil ulit siya ng halik.

Ah, her heart felt warm. He loves her! Ang sarap pakinggan at sa pakiramdam na hinahalikan siya ni Webster na puno ng pagmamahal at paggalang. It really enhanced the romantic feeling. It really made them more connected and tangled.

And right there and then, Skylar knew that she was completely in love with him and they were both heading for something romantic…