webnovel

HAPPY WITH NERDY

"Ang ganda…" humahangang anas ni Skylar habang iginagala ang paningin sa buong farm resort sa Samal, Davao. Napapaligiran iyon ng mga berdeng puno at tubig. It was a great escape from the atmosphere of the city. Paraiso na iyon para kay Skylar.

"Right. Beautiful," humahangang anas ni Webster.

Napalingon si Skylar at pinamulahan ng pisngi dahil sa kanya nakatitig si Webster. Obviously ay siya ang sinasabihan nitong maganda!

Hindi na talaga nagpaawat si Webster na ipakita ang pagmamahal sa tuwing may pagkakataon. Kaninang umaga ay binigyan ulit siya nito ng mga bulaklak. Ito na mismo ang nagabot. Ginawan rin siya nito ng pancakes at hot choco. Tuwang-tuwa talaga si Skylar sa pagiging maasikaso nito.

Sa kabilang banda, nakapagpaalam na si Skylar at pinayagan na siya ng ama. Nagulat din siya ng ibalita nitong alam na nito ang tungkol sa kanila ni Webster. Itinawag daw iyon ng lalaki dito. Natutuwa tuloy ang ama niya sa pagbibigay nito nang abiso. She thought, he gained her father's respect as well.

"Sa akin ka naman nakatingin," Idinaan na niya iyon sa biro para hindi mailang. Umiinit kasi ang pakiramdam niya sa tuwing nahuhuling nakatitig ito.

"Ikaw din naman ang tinutukoy ko," masuyo nitong amin.

"Webster!" angal ni Skylar at tuluyang nag-blushed.

"Okay, okay," nangingiting suko ni Webster at hinawakan ang kamay niya. "Let's go. Baka hinahanap na nila tayo," anito.

Tumalima na si Skylar. Magkahawak kamay nilang hinanap ang mga kagrupo. Nakita nila ang ilang mga co-teachers ni Ricky na sumama para ipasyal sila sa tabing dagat. They took pictures and laugh. Panay sila biruan at kantyawan.

Matapos ay sa farm sila nagpunta. Sa kanang panig naroroon ang mga durian at punong mangga. Namitas ang ilan sa mga kasamahan nila at magkahawak kamay naman nilang nilibot iyon ni Webster.

Nang dumating ang tanghalian ay sa mismong farm sila kumain. Nag-set up ang mga staff sa isang kubo na talagang laan sa ganoon. Boodle fight ang nangyari. Tuwang nagkamay lang sila ni Webster. Naaliw talaga si Skylar dahil cowboy din pala ito.

"Ang galing mo palang kumain ng nakakamay," nakangiting komento ni Skylar.

Natawa si Webster. "Si Ate Cynthia ang nagturo sa akin. Iyon ang mahilig magkamay. Mahilig kasi siya sa seafoods." anito at naghimay ng bangus. Isinawsaw nito iyon sa toyo na may sili at kalamansi bago ibinigay sa kanya. "Here. Eat this."

Agad naman iyong sinubo ni Skylar at napatango. Nag-thumbs up siya para ipakitang nasarapan talaga siya. Agad na rin siyang sumubo ng kanin.

"Wala sa itsura mo na haharap ka sa ganito," komento naman ni Webster kapagdaka.

Natawa si Skylar. "Bakit naman?"

"You look elite." ani Webster.

"Akala mo lang 'yon. I love isaw kaya. Noong college ako, kasama kong kumakain ang mga kaibigan ko sa tabi ng university ng isaw." aniya at ngumisi.

Napamaang si Webster hanggang sa natawa. Napatitig si Skylar dito. Ang laki ng pinagbago nito sa tawang iyon. Mas lalo itong bumata at naging pogi!

"Iyon ang hindi ko talaga inaasahan. Really?" naaliw na tanong nito.

Napabungisngis si Skylar. "Why? Because I look elite?"

Nagtawanan na lang silang dalawa at napailing. Nagpatuloy sila sa kwentuhan habang kumakain. Naging magaan ang atmosphere nila at pakiramdam hanggang sa matapos. Saglit silang nagpahinga hanggang sa naglibot ulit. Gabi na nang magpasya silang umuwi.

"Did you enjoy?"

"Yes!" tuwang saad ni Skylar.

Nahigit niya ang hininga nang haplusin ni Webster ang pisngi niya. Bumilis ang tibok ng puso ni Skylar at napatitig sa guwapong lalaki.

"Me too. I love every second being with you,"

"Oh, Webster… you're so sweet," hindi mapigilang saad ni Skylar.

Masuyo itong ngumiti. "Ang tagal kitang gustong makasama ng ganoon.  I am so happy that one of my dreams came true,"

Parang mayroong mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Skylar. Gusto tuloy niya itong yakapin pero nakahiyaan na niya. "I had a wonderful time," sincere niyang saad.

"Aayain sana kita ulit bukas pagdating natin sa Manila pero sa susunod na lang. You need to rest." anito.

Gustong umangal ni Skylar pero sa huli ay pinagbigyan na lang niya ito. Naalala rin kasi niyang pagod din naman ito at kailangan din magpahinga. Magtitiis muna siya.

"Okay." aniya.

"Sige na. Pumasok ka na sa kuwarto mo." anito.

Tumango na siya at pumasok. Pagkasara ng pinto ay napangiti siya at kilig na niyakap ang sarili. 

And she knew that she's in love now.