KABANATA 22
-VEATRICE-
"GOOD MORNING Haven!" masiglang bati ko sa anak ko na ngayon nga ay karga-karga ng yaya niya.
Humagikgik ito at biglang naglikot na para bang gustong magpakarga kaya kinuha ko siya sa yaya niya. Ngumiti ako nang pagkatamis tamis habang marahan siyang sinasayaw.
It's been six months after I gave birth to her. Ang bilis talaga ng panahon.
"Nasaan ang dad niya?" tanong ko sa katulong.
"Maaga pong umalis Ma'am," sagot nito.
Tumango-tango lang ako at saka nagsimulang maglakad papunta sa garden.
Today is a special day for me pero umagang umaga umalis na siya kaagad. First anniversary namin ni Cee bilang mag-asawa at the same time ay birthday ko kahapon pero ni isa doon ay wala siyang naalala.
Ganito talaga kapag napilitan lang. Umpisa pa lang ay alam kong wala talaga akong puwang sa puso niya pero pinilit ko. Akala ko ngayong may anak na kami ay magkakaroon na ako ng pwesto sa puso niya pero wala pa rin pala.
It will always be Amanda. Ate Amanda.
"I love you baby," bulong ko sa anak ko habang karga-karga pa rin siya.
Iginalaw niya ang kamay niya na tila ba inaabot ang mukha ko. A drop of tear fell down from my eyes. Is this what it feels to be loved? Ang sarap sa pakiramdam.
"Ma'am may bisita po kayo."
Kaagad kong pinunasan ang bakas ng luha sa pisngi ko bago lumingon sa nagsalita. Wala naman akong ine-expect na bibisita sa akin ngayong araw. Napatingin ako sa lalaking nasa likod niya. Si Simoun lang pala.
May bitbit siyang isang bouquet ng pulang rosas. Para saan?
"Maiwan mo muna kami," nakangiti kong utos sa katulong at agad naman siyang tumalima.
Umupo si Simoun sa kabilang upuan na katapat lang ng kinauupuan namin ni Haven.
"Tsk tsk, hindi naman ako ang asawa mo pero ako na ang magbibigay ng bulaklak para sa'yo," panimula niya saka inilapag ang dala niyang rosas.
"Thank you Tito!" I thanked him with full sincerity.
"Happy birthday na rin pala. Kakauwi ko lang kanina kaya hindi kita napuntahan kahapon," dagdag pa niya.
"Ayos lang Tito. Buti nga naalala mo pa," sagot ko at pinilit na ngumiti.
Sa dinami dami ng tao na makaka-alala siya pa. Siya na unang nang-wasak ng puso ko.
"I'm sure naalala rin iyon ni Amanda, sadyang hindi niya lang magawang makipag-usap muli sa atin dito," he said trying to cheer me up.
"Simoun do you still love Amanda?" I asked and he momentarily stop.
I caught him off guard. I swear to him that we will never talk about this anymore but I need to clear my mind right now. Sinisimulan ko nang timbangin kung ano ba ang mas mahalaga para sa akin.
"What's w-with the q-question?" nauutal niyang sagot. "You two are my niece." pagpapatuloy niya.
"C'mon Simoun pareho nating alam na hindi mo kapatid si daddy. Maybe hindi alam ni ate pero not me. Kaya pakisagot na lang ang tanong ko," giit ko.
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin.
Okay. Alam ko na. Silence means yes. Mahal pa nga niya.
"Why do Ate always get a lot of love?" natatawa kong tanong ngunit sa loob loob ko ay gusto ko nang maiyak.
Mas matagal nakasama ni ate ang mga magulang namin. Siya ang mahal ng lalaking una kong nagustuhan. Siya rin ang mahal ng asawa ko.
At hindi ko magawang mainggit o magalit kasi ako rin mahal na mahal ko siya.
"Don't say that Veatrice. Mahal ka ni Amanda. Alam mo ba kung ilang beses siyang nagparaya para sa'yo?"
"Alam ko. Pero ilang beses rin ba akong nasaktan dahil sa kanya?" I retorted back.
"Kasi lagi mong pinipilit ang hindi naman dapat sa'yo," walang pag-aalinlangan niyang sagot.
Umiling ako at bahagyang ngumiti. Sumulyap ako sa anak ko. Hindi ko pinagsisisihan.
He used me, nagpagamit naman ako. Ipinakita niyang totoo siya at ako naman ang tangang minahal siya. Kasalan ko bang sa kanya ko lang naramdaman na minamahal ako kaya ayoko siyang pakawalan?
I first confessed my love to Simoun when I was in high school. Wala pang Cee noon. He rejected me saying he loves another woman. Hindi ko naman inakala na ang ate ko pala iyon.
Hindi ko magawang kagalitan ang ate ko kasi mas matimbang pa rin siya sa akin. Patunay? I made a deal to someone.
Nalaman kong nililigawan siya ng isang estudyante niya. Hindi ko rin naman alam na si Cee iyon. There are pictures of them. Hawak iyon ng isa sa mga estudyante rin ni ate at sinabing ipapakalat niya kung hindi ko gagawin ang gusto niya.
I was so frustrated that time. Hindi ko alam ang gagawin ko. I was just first or second year high school that time. And because I love my sister to that extent. I agreed. Walang pagdadalawang isip akong pumayag.
Bakit hindi? Since I was a baby she took care of me. Binihisan, pinakain at pinag-aaral. Utang na loob ko sa kanya ang lahat. Everyone knows about her sacrifices but no one knows what I was sacrificing also.
I lost my virginity at an early age because that was his wish.
Hindi nila alam iyon. Hindi alam ni Ate, ni Simoun at ni Cee. Walang nakaka-alam.
"Si Cee lang naman ang pinipilit kong maging akin. Masama ba iyon?"
After that incident umiwas ako sa mga lalaki. I have suitors pero hindi ko sila pinansin. My feelings for Simoun faded too and that's when Cee came.
Niligawan niya ako hanggang sa mahulog na ako at sagutin siya. I still don't know na siya ang lalaking niligawan si ate. Not until the day that they met.
Nakaramdam na ako nang panlalamig sa akin ni Cee. Noong una sinubukan ko siyang kausapin pero wala. Nagkaroon ako ng hinala at mukhang tama nga ito.
I also know what they are doing behind my back. Pero tiniis ko iyon at nagkunwaring walang alam. Bakit? Kasi alam kong sa oras na magpilian na si ate ang pipiliin niya.
I can't hate my sister too. Hindi ko talaga kaya. Pero ang hindi ko talaga alam kung bakit lagi na lang may ibang taong nakaka-alam kung ano ang mayroon sa kanila.
And again I fixed it for them. Nagtatago-taguan sila sa akin pero alam ko na ang lahat.
What triggered me to commit suicide is the thought that Cee wants to break up with me. Kaya ko naman maging legal sa harap ng iba ngunit kabit sa puso niya basta huwag lang niya akong iwan.
Kaya kong magtiis. Kaya kong magpakatanga.
I didn't mean to beg to my sister to give Cee to me but I did. Tuluyan na niya kasi akong hiniwalayan.
I can't imagine myself without him.
He brought happiness to my life. At sa pag-alis niya mawawala ang kaligayahang nararamdaman ko.
He's my happiness, my world, my everything.
"Does Cee can make you happy?" he asked and I just nodded. "Nakita ko nga. Malaki ang ipinagbago mo magmula nang maging kayo ni Cee. Kaya rin siguro nagawang magparaya ng kapatid mo," dagdag pa niya.
"Ngayong may anak ka na. Siya pa rin ba ang kaligayahan mo?"
Umiling ako. I realized that I love my daughter more than anyone else. Siguro nga hindi ako makakahanap ng lalaking mamahalin ako pero nasisiguro akong mamahalin ako ng anak ko.
"Then why are you not letting go of Cee?"
"Because I want Haven to have a complete family. Ayokong maranasan niya ang kulang ang magulang niya," I answered still looking at my baby.
"But what if you're ruining someone's supposed to be happy family?" he questioned and tbat made me looked at him.
What is he talking about?
"May anak si Cee kay Amanda," he revealed which made me froze.
Do I need to sacrifice again?
-XXX-