webnovel

Kabanata 23

Welcome to the last chapter of Sinful Nights...

KABANATA 23

-AMANDA-

"MOMMMMMYY!" Isang sigaw mula sa malayo ang narinig ko. Pamilyar ang boses kaya kaagad akong lumingon para tignan kung sino iyon.

Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Cyvix na kasama ni T. Patakbong lumapit sa akin si Cyvix at kaagad ko naman siyang kinarga. Masyado talagang na-spoil ni T ang bata. Pauwi na rin ako bakit kailangan pa nilang pumunta dito.

"Hi Mr. Streus and Hi Miss!" bati ni Cyvix sa amo ko at sa girlfriend nito na nasa harapan ko.

"Hi Cyvix," seryosong bati nito.

"Hello!" bati rin ng girlfriend ni Sir.

Ibinaba ko na si Cyvix nang makalapit sa amin si T. Binati niya rin sina Sir Rigel saka bumaling sa akin.

"Gusto ka na daw makita ni Cyvix kaya dinala ko rito," sagot niya sa tanong ko na hindi ko pa tinatanong.

"I forgot to mention, Leox asked me to grant you a leave so I'll be granting you a one week leave," wika ni Sir Rigel dahilan para mas mawalan ako ng sasabihin.

"If that's the case mom then can we stay here in the Philippines? Please mom pleaaase," pagmamaka-awa ni Cyvix na hinawakan pa ang mga kamay ko.

As if I can say no to my son.

"Okay we'll stay here," sagot ko sa kanya.

"Yehey!" aniya saka nagtatalon talon.

Nagpa-alam ako kay Sir Rigel at sa girlfriend niya. Hinintay namin silang makasakay sa flight nila. Matapos nun ay kaagad kaming lumabas ng airport.

Tumatalon talon pa si Cyvix habang naglalakad. Makikita mo talaga ang excitement sa mata ng bata. Mabuti naman kung ganoon. Nag-aya siya na pumunta kami ng mall at pumayag naman si T. Ngayon nga ay naghihintay kami ng taxi.

"In any case did you met Cee?" T suddenly asked as we wait for a cab.

Napatingin ako sa anak ko at sa kanya. There's no use of lying.

"Yes," I answered shortly.

He smiled and messed Cyvix hair who seems to be busy watching every car that passes.

"Nakapag-usap na ba kayo?" dagdag na tanong pa niya.

"Not really."

Hindi naman talaga kami nakapag-usap ng matino. Walang nangyaring closure, walang pagtatama. He just left me that night with his remark.

Hindi ko nga alam kung magagawa pa ba niya. Ngayong nandito kami ni Cyvix sa Pilipinas malaki rin ang tsansang magkita kami.

Anong gagawin ko?

Hindi ko alam kung ano ang desisyon an dapat kong gawin. Sana lang sa oras na kailangan ko nang magdesisyon ay magawa kong piliin ang tama.

"Sasabihin mo ba sa kanya na may anak kayo?"

"Depende. Sasabihin ko kung dapat sabihin. Pero kung hindi kahit huwag na. Tahimik naman na ang buhay ko," sagot ko at hindi na muling nagtanong si T.

Nakasakay kami ng taxi at nagbyahe. Panay ang tanong ni Cyvix sa mga lugar na puwede niyang bisitahin pero kinontra ko siya na limitado lang ang araw namin dito. At isa pa biglaan ang lahat kaya baka hindi kami makapag-reserve kung saan man kami pupunta.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay nakarating na kami sa Mall. Kasama na doon ang traffic.

"Mom I'm hungry na. I want to eat!" pagmamaktol ni Cyvix ng makalabas na kami ng taxi.

"You don't want to play baby?" It was T who asked.

Umiling si Cyvix at nagpabuhat kay T. Binuhat naman siya ng huli. Nauna na silang maglakad habang ako naman ay nasa likod nila.

Noon sabi ko sa sarili ko hindi ko hahayaang kulang ang magiging pamilya ko. Hindi ko hahayaan na walang kilalanin na ama o ina ang anak ko pero nangyari na. Ang ipinagpapasalamat ko ngayon ay naintindihan ng anak ko ang lahat.

But I know deep inside him he's longing for the love of his father. Tunay na ama.

"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kanila ng makapasok na kami sa loob at maabutan ko na sila.

"I want pizza Mom!" masiglang suhestiyon ni Cyvix. Iyon kasi ang una niyang nakita pagkapasok pa lang namin.

"Ikaw T?" tanong ko kay T ngunit huminto lang siya sa paglalakad.

"Pizza is not a good choice Amanda," aniya na parang may tinititigan sa loob ng Greenwich.

Sinundan ko nang tingin ang tinititigan ni T.

Unti-unting sumilay ang mga ngiti sa labi ko sa eksenang nakikita ko. I saw her smile. It was my only wish, for her to be happy.

Hindi ako nasaktan. Hindi nadurog ang puso ko. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang ate sa balat ng lupa. I was able to make her happy.

It was a view of my sister together with Cee. And my sister was holding a stroller. Papasok rin sila ng restaurant at mukhang doon din nila balak kumain.

She was able to have a family.

"Mom, dad, is there something wrong?" Sa pagtatanong ni Cyvix ay bumalik agad ang diwa ko.

Tinignan ko siya at hinalikan sa pisngi. Ang liit lang talaga ng mundo. Para bang sinasabi niyang kailangan ko na siyang ipakilala.

"Sa iba na lang tayo kumain Cyvix," aya ni T.

"No! I want pizza dad!" pagmamatigas niya.

"But ba-"

"It's okay. Iyon ang gusto ni Cyvix doon tayo kakain," nakangiti kong pagputol sa sasabihin ni T.

Binalingan ko si T ng tingin. Ang buong mata niya ay puno ng pag-aalala. Anim na taon na ang lumipas. Nadagdagan na ng anim na taon ang edad ko.

Matanda na ako para hindi magawa ang salitang move one. Nagawa ko na siyang harapin minsan. Siguro ito na ang tamang panahon. Ito na rin siguro ang tamang panahon para husgahan kung kami ba talaga ang itinadhana.

"This will going to be tough and emotional but we need a closure. Kailangan natin ng salitang tatapos sa lahat," paniniguro ko kay T saka kinuha ang anak ko mula sa pagkakabuhat niya.

After this, I will make my own decision. Desisyon na para sa akin ay tama. Desisyon na hindi ko na isasa-alang-alang ang iba bukod sa amin ng anak ko.

-XXX-

Tara na sa Epilogue😂😂😂😂

UNANG UNA SA LAHAT SALAMAT KAY GOD KASI NATAPOS KO ANG DALAWANG CHAPTER NG ISANG ARAW😂😂.

SA MGA NAGBABASA AT MAGBABASA. SA MGA SILENT READERS, SA MGA MAINGAY SA COMMENT BOX, SA MGA NAGVO-VOTE AT SA MGA UMAASA SA MGA SHIP NILA.

SI EPILOGUE NA ANG HUHUSGA KUNG #AMCEE OR #AMTAUX ANG MAGKAKATULUYAN