KABANATA 21
-CHASEL-
WHY CAN'T I tell what I really desire? Maybe because I don't know what I truly want.
I poured some red wine on my glass and pick it up. I walked towards the balcony of my room and stared at the starless sky.
So dark. So dark just like what my feelings are. Sa sobrang dilim hindi ko makita o maramdaman ang totoong nasa puso ko.
After six years I met her again. After six years muli na naman gumulo ang puso ko. Muli na namang tumibok ang puso ko na hindi ko alam kung normal pa ba. Muli na naman akong nalito.
Mahal ko pa rin siya. Iyan ang unang pumasok sa isip ko kaya walang sabing hinalikan ko siya. She responded which makes me more hungry pero siya rin ang huminto.
I can't understand myself. Ang gulo gulo na ng utak ko.
It's been six years since she let go of me. I was ready to fight for her and yet she chose to leave.
"I already chose you Amanda bakit aalis ka pa?" I asked almost pleading.
Kung kailan nagawa ko na siyang piliin saka pa siya aalis? Ano bang ginawa ko?
Kung gusto pa nga niya ay luluhod ako rito. Gagawin ko ang lahat huwag lang siyang umalis.
"Cee, may mga bagay na hindi talaga natin puwedeng ipilit. Mahal kita oo pero ayokong may ibang masaktan," she answered while caressing my cheeks.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
"So it's all about Veatrice again?" seryosong tanong ko.
On our last day to Ilocos I begged to her to let me go. I said sorry. I also told her hat she can resent me but not her sister.
Sa madaling salita ipina-alam ko sa kanya ang relasyon namin ng ate niya. Ramdam ko sa sarili ko na mahal at mas mahal ko si Amanda. Hindi ko gagawin iyon kung hindi.
"I don't want to hurt the only family I have Cee. I swear an oath to my parent's grave that no matter what I'll be rooting for my sister's happiness," aniya habang unti-unting lumalayo sa akin.
Ngunit bago pa siya makalayo ay hinawakan ko ang mga kamay niya para pigilan siya.
"Paano naman ako? Tayo? Lalayo ka na naman? Magtitiis ka na naman?" mariing pagsumbat ko sa kanya.
Tao kami hindi santo o santa. Hindi sa lahat ng sitwasyon ay dapat tama ang laging gawin.
"Oo. Kaya kong magtiis para sa kanya. Ganoon siya ka-importante."
"Ako? Hindi ba ako importante?"
"Cee naman. Alam mo kung gaano kita kamahal. Alam mo kung gaano ka ka-importante."
Ngumiti ako. Isang ngiti na hindi kailaman aabot hanggang sa mga mata ko. Isang ngiti na sumasalamin sa kalungkutan.
"Mas importante lang talaga siya 'di ba?" tanong ko at walang pag-aalinlangan siyang tumango.
"I believe in destiny Amanda. Kung tayo, tayo. I will let you leave but if you comeback and we meet again. Akin ka na. Hindi ko hahayaang makawala ka pa."
That was my final wish before I turned my back to her.
Along the way I am asking myself. Magkikita pa kaya kami?
Two years passed. Wala akong naging balita sa kanya. Pero kahit ganoon ay ramdam ko pa rin sa sarili ko na mahal ko siya.
I was so desperate that time to know any news about her. Mababaliw na ako kakaisip kung may iba na ba siya. Kung ako pa rin ba ang mahal at kung anu-ano pang hindi magpakali sa akin.
And just like what happened before. I used Veatrice again. Dati I used Veatrice para mapalapit kay Amanda ngayon naman gagamitin ko ulit siya para mapalapit kay Amanda.
Hindi na ako nadala.
Pero wala ring nangyari. Pati siya ay walang balita sa ate niya. She always received her monthly allowance but no words from her sister. I suggested to ask her uncle pero maging ito ay tikom ang bibig.
Wala na ata talagang pag-asa. Doon na-realized ko na siguro nga ako ang mas nagpakumplikado ng lahat. Kung hindi ko sana ginamit si Veatrice.
So I just continued to be with her until now.
But she's back. We met again. And just like what I said. Hindi ko siya hahayaang mawala ulit sa akin.
Pero paano nga?
Things get complicated again.
Once she learned about my relationship to her sister siya na mismo ang lalayo ulit.
I will chase her that's right!
However as I walked farther from her I started to feel this familiar feeling.
Kaya ko pa ba?
Magagawa ko ba?
Sa loob ng anim na taon maraming pwedeng mangyari. That's why I have a lot of doubts.
Noon pa man, noong pinapapili niya ako ay mayroon na akong pag-aalinlangan. Nawala iyon nang magawa kong makipagkalas kay Veatrice. At ngayon nararamdaman ko na naman.
Makakaya ko pa bang makipagkalas kay Veatrice?
Six years ago when I said that no matter what I will get her back I was so confident. Saan napunta iyon?
Bakit parang nanghihina ako ngayon. Bakit parang ayoko na?
Naguguluhan na naman ako.
"Cee," narinig ko ang isang pamilyar na boses na tumawag sa akin.
Kaagad akong lumingon dito at nakita ko ang lungkot sa na bumabalot sa mga mata niya kahit nakangiti siya.
"Tulog na si Haven. Matutulog na rin ako. Mukhang malalim ang iniisip mo kaya hindi na kita hihintayin," pahayag niya habang nakatingin sa hawak kong wine glass.
Hindi na ako nakapagsalita dahil humiga na siya sa kama. Tinalukbong niya ang comforter sa kabuuan ng katawan niya.
I know under that comforter she's silently crying again.
I'm really fuck up! I don't want to see her crying. I don't want her to be sad. I know I love Amanda but why am I feeling this?
I'm fuck up!
I'm such a jerk.
I am torn between the one I love and...
and...
and the mother of my daughter.
-XXX-
Okay sabaw wews😂 Inuna ko kasi ang Epilogue.
Hoping by this day matapos ko na ito. Dalawang chapters na lang kasi tayo. So ano na Cee? Tinuhog mo na nga ang magkapatid inanakan mo pa pareho😂😂 Grabe ka😂
So ayun mobile lang ito kaya hindi ko madedicate😂😂 pero special thanks po kay Me0wkyu para sa pagbibigay nang kailangan kong link😂😂