webnovel

Kabanata 12

KABANATA 12

-AMANDA-

ALAS NUEBE na ng gabi ng makarating kami sa rest house nila T sa Ilocos. Tinupad nga nung Qazen ang pangako niya na tutulungan kami. He left his men with us to help us with Cee's car. Gasolina lang naman ang kailangan.

Kaya medyo natagalan kami ay dahil hinintay pa namin sila na makabalik muli para sa binili nilang gasolina. Thanks to them we are able to continue our way to Ilocos.

Sa buong byahe ay tahimik lang kaming dalawa ni Cee. Hindi ko rin magawang kausapin siya tungkol sa mga tanong na gumugulo sa isip ko. Ayos na iyon, ganoon rin naman ang set up namin bago masiraan kaya hindi awkward sa pakiramdam.

Nang makarating kami malapit sa destinasyon namin ay agad kong tinawagan si T para masundo niya kami. Hindi ko rin naman kasi alam kung saan ang rest house nila. Dumating kami sa rest house niya na patapos na silang kumain. Ayon nga kay T ng tumawag ako ay kumakain siya.

Sobrang saya ko ng makita ko kung paano magningning ang mata ng kapatid ko ng makita si Cee. Cee greeted her with a kiss on her lips and it made me feel this unexplainable feeling.

Ang kanina ko pang gutom na sikmura ay tila nawalan ng gana. Para bang busog na busog na ako.

"Ipaghahanda ko na kayo ng pagkain Amanda." boluntaryo ni T pero nginitian ko lang siya.

"Pagod ako sa byahe T bukas nalang ako kakain." pagtanggi ko sa kanya.

"Sigurado ka?" nagaalalang tanong niya. "Ilang oras din ang naging byahe niyo. Sumobra pa nga kasi nasiraan kayo." dagdag pa niya.

Naikwento ko na rin sa kanya na nasiraan nga kami pero hindi ang iba pang detalye ng nangyari.

"Oo naman. Saka kung gutom ako bababa nalang ako." paniniguro ko.

Bunaling naman ako kay Veatrice na abala sa pagaasikaso kay Cee. She caught my glance and smiled at me as she mouthed thank you.

Anything. Anything for my sister.

"Aakyat ka na Amanda?" rinig kong tanong ni Simoun na nakatingin sa cellphone niya na mukhang naglalaro.

"Oo. Sasabay ka?"

"Yup!" he answered as he got up on his chair and walked towards me.

Muli akong bumaling kay T at nag good night. Pinitik naman nito ang noo ko kaya napadaing ako ng malakas at naagaw ang atensyon nila.

"Good night kiss kasi ang gusto ni T, Amanda hindi simpleng good night lang." pagbibiro nito saka ako inakbayan at kinaladkad palayo sa kanila.

Nakarinig pa ako ng pagbagsak ng utensils pero hindi ko na nagawang tumingin pa dahil sa pagkakaakbay sakin ni Simoun.

Malaki ang rest house nila T. Dalawang floor iyon at sa ibaba palang ay halata na ang karangyaan. Ang chandelier sa sala nila ay naghuhumiyaw sa ganda at sa mga palamuti nito. Nang matapat kami sa hagdanan ay agad na bumungad sa akin ang hagdan na yari sa salamin. Bigla tuloy akong natakot na hakbangan.

"I can buy you this kind of house too Amanda." narinig kong hirit ni Simoun.

"Hindi ko kailangan ng ganitong bahay. Saka alahas nga hindi mo ako mabigyan bahay pa kaya? Sa kuripot mong yan." biro ko sa kanya.

I heard him chuckled. Napailing nalang siya at naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakaakbay niya.

"Hindi kasi ako makapili kung anong bagay sayo." muli niyang hirit.

"Sus. Simoun. Kuripot ka lang hahaha." natatawang sagot ko at nakitawa na rin siya.

Mukhang mas tama nga ang desisyon ko na putulin ang ugnayan namin ni Cee. Ganito kami kaclose ni Simoun dati bago niya mahalata na mayroong nangyayari sa amin. Pero noong nalaman niya ay halos hindi na niya ako pansinin.

Breaking with Cee bring everything to normal. Breaking with Cee leave my heart with scars.

"Saan nga pala yung kwarto ni Veatrice?" tanong ko sa kanya.

"Ito. Katabi ng akin." turo nga niya sa katabing pinto ng kanya.

"Sino sa susunod?" tanong ko.

"You can occupy it. Tapos sa kabila si Cee. Lima naman ang kwarto dito kaya ok lang na hiwa hiwalay tayo."

"Kuripot ka na nga makapal pa mukha mo." pangaasar ko saka iiling iling na ngumiti.

"Si T na ang nagsabi. Bahala ka na nga diyan Amanda." pikon niyang tugon kaya mas lalo akong natawa.

Pumasok ako sa kwarto ni Veatrice. Nasa iisang maleta lang kasi ang mga damit namin. Dalawang araw lang naman.

Kahit may pasok ay nagfile ako ng leave at pumayag naman na magabsent si Veatrice. Okay din naman itong naisip ni T para makapagrelax si Veatrice at the same time magkaroon sila ng time ni Cee.

Napabuntong hininga ako sa isipin ko. Bakit ba ako isip ng isip ng mga bagay na nakakapanakit lang sa akin.

Binilisan ko nalang ang paghalungkat sa maleta. Kinuha ko ang off shoulder kong damit at maikling shorts. Wala pala akong nadala na pantulog. Kinuha ko na rin ang tuwalya ko at saka isinampay ito sa balikat ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng banyo para doon na maligo ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto. Iniluwa nito ang masayang masayang mukha ni Veatrice.

"Ate!"

"Uhm makikiligo muna ako dito Veatrice ah." paalam ko sa kanya.

"Sige lang ate. Magpapalit muna ako saka pupunta lang ako sa kwarto ni Cee." paalam pa niya sakin.

Nginitian ko lang siya. Wala naman na akong masabi. She has the privilege to enter his room but me, I didn't have. I didn't even have a chance. Kwarto ko lang ang pinasok niya.

Pumasok na ako sa loob ng banyo. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo dahil malamig ang tubig. Wala ring heater sa loob ng banyo nila. Siguro kasi mali ang timing ng punta namin. Panahon ng tag lamig. Hindi naman summer.

Tinuyo ko ang sarili ko saka isinuot ang mga kinuha kong damit. Binuksan ko ang pintuan ng banyo at nakitang wala pa doon si Veatrice. Marahil ay nageenjoy na siya kasama ni Cee.

Lumabas ako ng kwartong iyon at saka dumiretso sa kwarto ko. Tinanggal ko ang tuwalya na nakapulupot sa buhok ko saka pinunas dito. I applied some lotion to my skin.

Hindi pa rin tuyo ang buhok ko at hindi pa rin ako inantok. Wala ata akong pagod na nararamdaman. Kirot sa puso lang.

Wala namang gamot kasi ako ang pumili nito.

Napagdesisyonan ko na lumabas nalang muna bahay para magpahangin at magpaantok. Kinuha ko ang scarf ko mula sa handbag ko saka lumabas ng kwarto ko.

Hindi ko alam pero napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Cee.

Are they doing that thing too?

Is he whispering I love you baby in her ears too?

Is he moaning too in between their kisses?

Marahas akong umiling para iwaksi ang mga nasa isipan ko.

Ano naman ngayon kung oo?

Mag girlfriend at boyfriend sila. Normal lang iyon.

Nagtuloy nalang ako sa pagbaba sa hagdan. Nakita ko naman sa sala na nakatutok sa laptop niya si T. Akala ko ba bakasyon siya bakit parang problemado siya?

"Hey!" tawag ko sa kanya ng makalapit ako.

"Oh Amanda? Akala ko ba matutulog ka na?" tanong niya sakin saka isinara ang laptop.

"Hindi pa pala ako inaantok eh." sagot ko.

"Gutom ka kasi. Tara ipaghahanda kita." yaya niya.

"No need. Magpapahangin lang ako sa labas tapos matutulog na." pigil ko sa akmang pagtayo niya.

"Edi sasamahan nalang kita."

"Hindi na. Mukhang may ginagawa ka kaya 'yan na muna asikasuhin mo."

"Amanda."

"Taurux"

Napaismid siya ng banggitin ko ang pangalan niya. Ayaw niya kasing tinatawag siya sa pangalan niya. It's either T or Taux lang ang pwede. I don't know the reason pero kapag binabanggit ang name niya ay agad na nangangasim ang mukha niya.

"Amanda you know that I dislike hearing that name." saway niya sakin.

"Alam ko. Kaya nga kung ayaw mo marinig huwag mo na akong samahan."

Wala naman siyang nagawa. Binuksan nalang niya ulit ang laptop niya. Ako naman ay lumabas ng bahay niya.

Pagkalabas ko palang ng gate ay sumalubong na sa akin ang puting buhangin ng Pagudpud. Malalakas ang pagkumpas ng mga puno kaya ang scarf na suot ko ay hindi na nagkakwenta. Nilalamig pa rin ako. Malayo palang ay amoy na amoy ko na ang tubig mula sa beach. It's addicting. It was like it's inviting.

Kasinglakas ng paghampas ng hangin sa balat ko ang malalakas ding pag alon ng dagat. Kahit nasa malayo ako ay dinig na dinig ko ang tunog na ginagawa ng alon.

Napayakap nalang ako sa sarili ko habang humahakbang. Hindi man lang ako sinabihan ni T na sobrang lamig dito sa labas. Short shorts at off shoulder pa naman ang suot ko.

Paikli na ng paikli ang pagitan ko at ng dalampasigan. Walang masyadong tao dahil nga hindi naman bakasyon pero bukas pa rin ang mga poste ng ilaw. May mangilan ngilan pa rin sa tubig na hindi ata alintana ang lamig at ang oras.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Gusto kong matawa dahil sa mga nakikita ko. Mga magkasintahan na nakaupo sa buhanginan. Mapangasar talaga ang tadhana.

I just continue walking like I didn't see them. I can feel some waves that hit my legs. Mas lalo tuloy ako nakaramdam ng ginaw.

Medyo dama ko na ang antok ng mapagpasyahan kong tumalikod na para bumalik na sa rest house ni T. Pero ng lumingon ako sa likod ay halos manigas ako sa kinatatayuan ko sa nakikita ko.

Cee standing there.

Sinusundan ba niya ako?

Kanina pa ba siya sa likod ko?

"What are you doing here?" buong takang pagtatanong ko.

"Following you and glaring at those men who kept on staring at your legs." malamig na sagot nito.

He was supposed to be beside Veatrice now and not me!

"Nasaan si Veatrice?" pagbabalewala ko sa sinabi niya.

"I left her."

"What?!"

"Mas importante pa ba siya kaysa sayo? You're killing me Amanda damn! Seeing you talking and smiling to T. And even seeing Simoun's hand on your shoulder. Damn! It's killing me! " sigaw nito na ginulo pa ang buhok.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. I was speechless.

I am torn between comforting him and ignoring him for the sake of everyone.

"Cee. Bumalik ka na dun." utos ko sa kanya.

"I don't want." pagpoprotesta niya.

Inihakbang niya ang isang paa niya dahilan para mapaatras ako. Muli niya iyong ginawa kaya muli akong umatras. Sa pangatlong paghakbang niya ay balak ko siyang itulak ngunit naunahan niya ako. He pulled my waist closer to him making our body feel each other.

"Let me go Cee." pagpupumiglas sa kanya.

"I told you I don't want."

"Cee. Please." I pleaded but he pretended that he didn't hear me.

Mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin hanggang sa wala na akong nagawa kung hindi ang yakapin din siya. I felt my scarf beginning to fall. Wala na akong naging pagkakataon para pulutin iyon ng dumampi ang mga labi ni Cee sa balikat ko.

He planted wet kisses to my shoulders up to my neck and grabbed my lips.

Hindi ako tumugon sa halik na ibinibigay niya kahit pa gustong gusto kong matikman muli ang mga labi niya. Kinagat niya ang pangibabang labi ko ngunit hindi ako nagpaigtad. Pero mukhang agresibo si Cee. He licked my lips and then sucked it.

It made me groaned in pain that causes a way for his tounge to enter. Wala na nga akong nagawa. I respond to his kisses passionately. Inangkla ko ang mga braso ko sa batok niya habang nilulunod din ang sarili sa sensasyong ibinibigay niya.

"Damn Amanda! don't make me write jealousy as my cause of death." he said as he broke our kiss.

Niluwagan na rin niya ang pagkakayakap sakin saka tumalikod.

Pamura isa pwede?

Fuck him!

Is he playing on me now?

-XXX-