KABANATA 13
-AMANDA-
"HOW ABOUT zip line? May by pair naman na zip line so 'yun na lang muna ang una nating gawin for this day." suhestiyon ni T habang kumakain kami ngayon ng almusal.
Binuksan kasi ni Veatrice ang topic na kung ano ang gagawin namin ngayong huling araw namin dito. Bukod siyempre sa pagswiswimming. Kaya eto nga si T ang nagsusuggest.
"I'll go with Cee. Then Ate and T would go together." nakangiting sagot naman ni Veatrice.
Napatingin ako kay Cee na tahimik lang na kumakain. Para bang hindi niya naririnig ang mga pinagsasasabi ng mga kasama niya. Ako naman ay heto, walang ganang kumain at walang ganang gumawa ng kahit ano.
Mas gusto ko pang magturo kaysa magbakasyon pero ito ang kailangan ng kapatid ko.
"Oh fuck! You're making me an outcast here. Mas lalo niyong ipinaparamdam sa akin na single ako." nakasimangot na pahayag ni Simoun dahilan para bahagya silang matawa.
Marahan kong tinapik ang balikat niya kaya mas lalo siyang napasimangot. Ang tanda na rin kasi hindi pa humanap ng girlfriend.
"Hindi nalang ako sasama. Kayo nalang ni T ang magpartner." suhestiyon ko sa kanya pero agad na umangal ang kapatid ko at si T.
"Ate, bakasyon 'to. Sumama ka na please. Saka nagbibiro lang yan si Tito." pagpupumilit ni Veatrice na nginitian ko lang.
"Amanda don't be kj." ani T.
"Joke lang naman Amanda 'yung sinabi ko. Huwag mong seryosohin sige ka masasaktan ka lang."
Bahagya akong napangiti sa sinabi ni Simoun. Huwag seryosohin baka masaktan lang. May punto siya.
Umiling ako. Ayoko rin namang maggala dahil bukod sa tinatamad ako ay may kailangan pa akong asikasuhin. Hindi pa naman talaga bakasyon at ayokong matambakan ng paper works.
"May schoolworks pa akong kailangang asikasuhin. Malapit na kasi ang exam at gawaan nanaman ng test papers." pagdadahilan ko.
"Hindi mo dala ang laptop mo ate." pangongontra ni Veatrice.
Tama siya, hindi ko dala ang laptop ko kaya paano ako magtatrabaho?
"I can borrow T's laptop, right T?" baling ko naman kay T na tinanguan niya.
"Kuya T! Papasamahin nga natin siya sa paggagala tapos papahiramin mo ng laptop." pagaalburoto ni Veatrice kaya natawa nalang si T.
He shooked his head. "How can I refuse your ate?" aniya saka nakangising tumingin sakin. Ibinalik niyang muli ang tingin kay Veatrice. "Kung hindi siya sasama hindi na rin ako sasama. Kayong tatlo nalang."
"No. Sumama ka T. Bakasyon mo din ito." agad kong pigil sa kanya.
Ayokong maging kj at maging dahilan pa kung bakit hindi makakapagpahinga o makakapaglibot si T. Ayoko rin namang gumala. Kaya ang mas magandang gawin ay pilitin siyang sumama.
Isa pa gusto ko rin na magkaroon ng pagkakataon na makapagsaya si Cee at Veatrice. Kakabati lang nila galing sa away dahil nga sa babae ni Cee kaya makabubuti kung magkaroon sila ng time na magkasama silang dalawa. At habang nangyayari iyon ay ayokong maging saksi.
Sinaktan ko na nga ang sarili ko noong makipaghiwalay ako sasaktan ko pa ulit habang nakikita silang magkasama? Hindi naman ako ganoong kamartyr. Hindi naman ganoon kamanhid ang puso ko. Nakakaramdam pa naman ito ng sakit.
"Sino naman ang kasama mo dito kung lahat kami pupunta?" nagaalangang tanong ni T.
"Kaya ko ang sarili k-"
"I don't want to go too. Napagod ako sa byahe at wala pa akong tulog."
Naputol ang pagsasalita ko nang biglang magsalita si Cee. Ito ang unang beses niyang magbuka ng bibig simula noong kumain kami kaya lahat ng atensyon ay napunta sa kanya. Nakita ko ang bahagyang paglingon sakin ni T at ang pagbuntong hininga ni Simoun. Si Veatrice naman ay inosenteng nakatingin kay Cee.
She's really the real innocent in this table. We are all the guilty. Ako at si Cee ang nasasakdal at si Simoun at T ang mga nakasaksing piniling manahimik.
"Ayos ka lang? Gusto mo bang uminom ng gamot?" nagaalalang tanong ni Veatrice na sinipat pa ang noo nito.
"Wala akong lagnat babe. Magiging ayos kapag nakatulog na ako sakto sa oras." sagot ni Cee.
Hinawakan niya ang kamay ni Veatrice na nasa noo niya saka iyon inalis. Masuyo itong ngumiti sa kanya na sinuklian naman ng kapatid ko.
Umiwas nalang ako ng tingin at baka makita nila akong nakatitig sa kanila.
"Paano ba yan, mukhang hindi tayo matutuloy." bakas sa boses ni Veatrice ang kalungkutan.
Napayuko nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. This is a vacation for her but I think I ruined it. Wala rin namang silbi kung sasama ako dahil alam kong si Cee ang gustong makasama ni Veatrice.
"So much for this atmosphere. Kung ayaw niyong mamasyal, let's have a night activity later. Mamayang 6 walang malalate sa balcony." pagbabasag ni T sa katahimikang bumalot sa aming lahat.
Muling nagningning ang mga mata ni Veatrice at excited na tumingin kay T.
"Can I be the one to plan the activity?"
"Of course you can"
"Omy! Thank you Kuya T!" walang pagsidlang pasasalamat ni Veatrice.
I glanced at T and silently thanked him.
SAKTO NGANG alas sais ng katukin kami ni Veatrice isa isa sa kwarto namin. Hindi pa nga ako tapos magsuklay at kakaligo ko lang ng mga oras na iyon.
Nagsuot ako ng simpleng pulang T-shirt at tights na lagpas tuhod lang. Lumabas ako ng kwarto ko habang ginugulo gulo ang basa kong buhok at sinusuklay ng sarili kong mga daliri. Hanggang bra line lang naman ang buhok ko kaya hindi gaanong mahirap suklayin gamit ang mga daliru. Diretso ang buhok ko at hindi katulad ng kay Veatrice ay may paalon alon pa ito sa dulo.
Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang pagsarado ng pinto. Saktong nagtama ang paningin namin ni Cee kaya agad akong nagiwas ng tingin. Mas matangkad kasi siya sakin at sa tuwing iniiwas ko ang mga mata ko sa kanya ay napapatingin ako sa mga labi niya dahilan para maalala ko ang ginawa niyang paghalik sa akin kagabi. Pati na rin ang mga sinabi niya.
Isa lang ang pumasok sa utak ko sa oras na ito. Kailangan kong mauna. Hindi ko dapat siya makasabay.
Ginawa ko nga ang sinasabi ng utak ko. Binilisan ko ang paglalakad pero ramdam ko pa rin ang presensya niya sa likod ko. Dalawang hakbang ko ay isang hakbang niya. Magiging kataka taka naman kung tatakbo ako.
Ramdam ko ang pagtitig niya sa likod ko. Iyong tipong pinapanood niya ang paglakad ko. Minabuti ko nalang na huwag pansinin at magpatuloy nalang sa paglalakad hanggang sa makarating sa balcony na nasa kaparehong floor din ng kwarto namin.
Nadatnan ko doon na naghahablutan ng kung ano si Simoun at Veatrice sasawayin ko na sana kaya lang ay biglang humampas ang malamig na hangin at nanuot sa balat ko.
Wala namang pasabing pati dito ay malamig.
Nakaramdam ako ng parang may nagpatong ng kung ano sa balikat ko. Dahan dahan at kinakabahan akong lumingon sa pagaakalang si Cee iyon. But whom I saw was T. He put on a jacket on my shoulder.
"Alam kong mabilis kang ginawin." bulong niya saka umalis sa likod ko para maupo sa tabi ni Simoun.
Hindi ko alam kung ngingiti ako o ano. Half of me is thanking that it wasn't Cee who put this jacket on me. And the other half is disappointed that he was not the one.
Gusto ko mang lumingon sa kinaroroonan ni Cee pero pinigilan ko ang sarili ko. Bakit ko siya titignan?
Mauupo na rin sana ako sa tabi ni T ng biglang dumaan sa harap ko si Cee. Sinadya niya iyon dahil alam kong alam din niya na pakilos na ako. Hinayaan ko nalang siya at pinauna ng umupo sa tabi ni...
He sat down beside T and Veatrice crawled towards him. Wala na akong nagawa kung hindi ang maupo sa tabi ni Veatrice. Ang naging katabi ko tuloy ay si Simoun.
"So, shall we start this night?" tanong ni Simoun sa aming lahat.
Si Veatrice at T lang ang maganang sumagot sa tanong ni Simoun. Ako naman ay ngumiti. Si Cee? Hindi ko alam. Hindi ko tinignan.
"Go on Veatrice. Explain what we have this night." turan ni Simoun sa kapatid ko.
"Ok!"
Kinuha niya ang limang shot glass na nakahanda na sa gilid. Binigay niya iyon sa amin isa isa na agad naman naming inabot.
"Anong meron dito?" tanong ko kay Veatrice.
"I know luma na 'to pero kasi never ko pang nalaro 'to." nakayukong pahayag ni Veatrice na nakagat pa ang pangibabang labi.
"It's ok. Anong laro ba yun?" I asked.
"Truth or dare?" nagaalangang tugon niya.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi. 17 na siya pero hindi pa rin niya ito nalalaro? Imposible naman ata.
"Seryoso ka Veatrice? Madalas ito sa mga high school." natatawang sambit ni Simoun.
"Nahihiya naman kasi ako Tito Simoun. Baka kung ano ang itanong nila sa akin o kaya ipagawa kapag dare!"
"Mas kj ka pa pala kay Amanda hahaha."
"Tito Simoun!"
"Simoun." saway ko kay Simoun dahil halatang naiirita na si Veatrice.
"Ok ok. Ako nalang magpapaliwanag. Truth or dare at kapag ayaw gawin iinom ng alcohol. Yung tanong at dare nasa bowl na yan. Tama diba pamangkin?" nangaasar pa rin na tanong ni Simoun.
Naiiling nalang ako sa kanilang dalawa. Talagang mas close silang dalawa kaysa sa amin. Nakita ko namang nagsalin sa shot glass niya si Cee at akmang iinumin ito pero pinigilan siya ni Veatrice.
"Mamaya pa yan babe." pigil ni Veatrice at nagpapigil naman si Cee.
"Truth or dare nga. Ang matapatan ng bote ang bubunot dito sa bowl. Wala ng pili pili kung truth or dare basta bunot nalang. Pero ito ang twist. Ang matatapatan ang siyang immune sa dares at mga truth. Tapos yung apat sasagutin ang truth. Sa dare may pangalan lang na nakasulat." mahabang paliwanag niya na tinanguan lang naming apat.
Buti nalang at nakikisabay lang si T. Baka kasi mabored lang siya sa ganito. Lalo pa at laging action ang buhay niya. Buhay detective eh.
"So para saan ang alak?" tanong ni T.
"Wala. Kapag gusto niyo lang." ani Veatrice na may pilyang ngiti.
"Simulan na natin?" tanong ni Simoun na hindi na hinintay ang sagot namin at kusa ng pinaikot ang bote sa gitna.
Unang ikot ay natapat ito kay Veatrice. Tuwang tuwa ito na dinampot ang bowl na naglalaman ng mga tinuping papel na mukhang siya ang gumawa.
"It's a question!" bulalas niya habang nakatingin sa papel. "Who's prettier me or ate Amanda?" nagaalangang basa niya sa tanong.
Nagangat siya ng tingin at saka ngumiti. Nagaalangan siya na lumingon sa kanila.
"It's ok." tango ko.
"Sorry ate wala na kasi akong maisip na tanong kaya ito nalang 'yung sinulat ko." she said with her innocent smile.
Nakita ko naman ang tatawa tawang si Simoun kaya siniko ko siya. Si T naman ay umayos ng upo at handa ng sagutin ang tanong.
"Amanda." walang kurap kurap na sagot ni T.
"I shouldn't have ask you T." parinig ni Veatrice na mapanukso pang tumingin sa aming dalawa.
"It's you Veatrice." tugon naman ni Simoun.
Ngingiti na sana si Veatrice sa kanya at magthathank you ngunit bigla nanaman itong humirit.
"Amanda is hot. You're pretty." aniya na tumingin pa sa akin.
Babatukan ko na sana siya ngunit agad na dumausdos ang mga kamay niya sa balikat ko. Nakaakbay na siya sa akin ngayon kaya hindi ko na naigalaw ang mga kamay ko.
"Ikaw babe sino?" malambing na tanong ni Veatrice kay Cee na kasalukuyang nagsasalin ng alak sa shot glass niya.
Hindi siya agad na sumagot bagkus ay ininom muna ang alak na nasa shot glass niya.
"Of course you." tugon nito matapos maubos ang laman ng maliit na shot glass.
I smiled when I saw Veatrice blushed. Masaya na siya. I'm glad.
"Ako naman ang magsspin!" boluntaryo ni T saka pinaikot nga ang bote.
Pare pareho lang kaming nakatingin sa bote at hinihintay itong huminto. Humihiling na sana sa tapat namin ito huminto. Unti unti ngang bumagal ang pagikot ng bote. Buong akala ko nga ay sa akin ito tatapat pero hindi. Kay Simoun ito tumapat.
"Pass me the bowl Veatrice." utos niya sa kapatid ko.
Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin at saka kinuha ang bowl na inabot sa kanya ni Veatrice. Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa sa pagbunot at kinuha na ang nasa taas.
"What is the secret that only you and you're best friend knows?" pagbabasa niya sa tanong. "T?" baling niya kay T.
Bahagyang nagisip si T. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagguhit ng mga ngiti sa labi niya at ang pagkislap ng lungkot sa mga mata niya. Hindi ko naman alam kung bestfriend ba ang turing sa akin ni T pero ako bestfriend ang turing ko sa kanya.
"I love a woman but I gave up her for my brother." aniya habang nilalaro ang shot glass.
I know that story. I know the name of the girl but I don't know how she looks like. Kagaya ko ay handa rin siyang magsakripisyo para sa kapatid niya.
Kung may best brother/ sister award nga lang ay pwede na kaming manominate.
"That is so sad." komento ni Veatrice. "Ate may karibal ka pala sa puso ni Kuya T" baling naman sakin ng magaling kong kapatid.
"Veatrice! Anong karibal karibal? Kaibigan ko lang si T." saway ko dito.
"You're hurting me Amanda. Binabasted mo ako sa harap nila hahaha." natatawang pagsasakay ni T sa biro ni Veatrice.
Nanahimik nalang ako. Wala naman akong magagawa mas lalo lang nila akong aasarin. Worst kapag sumali pa si Simoun.
"Ako, ahm. My first was an accident. Hindi ko ginusto."
Nakita ko ang pagtamlay ng mukha ni Veatrice habang sinasabi niya iyon. Hindi naman ako ang klase ng tao na walang kamuwang muwang kaya alam ko ang ibig sabihin.
"You know, drunken nights." wika niya na muling ibinalik ang masiglang tono. "Ikaw naman babe." baling niya kay Cee.
"I like older woman." walang kagatol gatol na tugon ni Cee.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pagnganga sa sagot niya. Kaunti palang naman ang naiinom niya pero bakit ganoon ang sagot niya!
"Eh?" walang masabing ani Veatrice.
"I like older girls when I was a little bit younger. That's when I actually haven't met you." pagpapaliwanag niya sa girlfriend niya.
Buti hindi umiral ang katigasan ng ulo niya. Alam kong ayaw niya ring masaktan si Veatrice kaya hindi niya magawang masabi.
"Ahh ok. Ate ikaw naman."
"Wala naman akong best friend eh." pagdadahilan ko.
Hindi naman kasi pwedeng sabihin na naging karelasyon ko ang boyfriend niya. Kahit alam pa iyon ni T ay hindi pwedeng malaman ng kapatid ko.
"Binasted mo na nga ako kanina tapos ngayon pinagkakaila mong best friend mo ako." sabat ni T sa tila nagtatampong boses.
"Hindi naman sa ganun. Wala naman kasi akong maisip n--"
"Ibig sabihin alam na nila yung tungkol sa first crush mo?"
Natigil ako sa tangkang pagpapaliwanag sa kanya. Pero mas natigilan ako sa mga sinabi niya.
Oh god T huwag yun!
"Kwento na T" panggagatong ni Simoun na lumapit pa kay T.
"Her first crush was Red. Patay na patay siya kay Red noon na halos lahat ng kulay ng gamit niya may of red. Kaya lang hindi siya mapansin ni Red except kapag groupings. Si Red lagi ang leader at assistant si Amanda." pagkwekwento ni T.
Gusto ko ng lamunin ng lupa. Naaalala ko kasi ang mga panahon na ikinikwento ko iyon kay T. Para akong bata noon na nagsusumbong sa tatay. At mas lalong ayoko ng balikan kung ano ako noon. Iyong tipong patay na patay kay Red.
"I am rooting for T pero nagbabaka sakali lang, babe. Single pa ba si Red?" tanong ni Veatrice.
"No." mabilis na tugon niya.
"Sayang."
"Next spin na nga!" ako na ang pumutol sa topic namin.
Ayokong mabaling sa akin ang atensyon nila ng ganoong katagal.
"Ay sa akin ulit!" usal ni Veatrice ng tumapat sa kanya ang bote.
"To the person sitting on my right. Choose a girl that will accompany you to your room in five minutes."
It's a dare. At ang gagawa ng dare ay walang iba kung hindi si Cee.
Siya ang nasa right side ni Veatrice samantalang ako naman ang nasa left side niya.
At ang sabi, choose a girl.
Veatrice is exempted so it means ako ang kailangan niyang isama.
What the?!
"Uhm automatic na ikaw ate." baling sakin ni Veatrice.
Ngumiti naman ako. Pilit kong ipinapakita na ayos lang. Na ayos lang ako at hindi ako kinakabahan.
"C'mon" agad na aya ni Cee.
Nauna na siyang tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya. Napabuntong hininga nalang ako saka tumayo na rin para sundan siya.
Nadatnan ko siya sa tapat ng kwarto. Binuksan niya iyon at inilahad ang kamay papasok. Ako na ang naunang pumasok. Hindi ko siya binabalingan ng tingin at nagdiretso nalang sa pagtingin ng mga painting na nakasabit sa kwarto niya.
Bakit sa kwarto ko wala?
"You can sit. Mangangalay ka kakatayo." rinig kong sabi niya habang isinasara ang pinto.
I heard the clicking sound that the lock of the door made. Agad akong lumingon sa kanya.
"Bakit mo nilock!" asik ko.
"I don't want beinh disturbed." walang ganang sagot niya saka umupo sa kama. "Sit" turo niya sa pwesto sa tabi niya.
"No thanks."
"Mangangalay ka."
"Teacher ako Cee. Kahit isang oras pa akong tumayo kaya ko." madiing sabi ko saka tumalikod na sa kanya para hindi na humaba pa ang paguusap namin.
Bakit ba kasi sa lahat ng mabubunot ni Veatrice itong dare pa na ito.
Limang minuto lang naman. Kaya ko naman sigurong magtiis.
"Ano ba Cee!"
Kung ako kayang magtiis siya ata hindi. Naramdaman ko nalang na may pares ng braso ang pumulupot sa baywang ko. Ipinatong naman niya ang baba niya sa balikat ko. Pilit akong kumakawala pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya.
Ayaw niyang bumitaw.
"Cee bitaw!" sita ko sa kanya pero hindi siya sumunod.
His lips traveled to my neck leaving a soft kiss. Pinigilan ko ang sarili ko na magreact sa ginawa niya.
Ayokong bigyan siya ng dahilan na magtuloy tuloy.
Ako ang pumutol ng ugnayan namin.
Kailangan kong panindigan.
"I told you, I don't want jealousy to be my cause of death." he whispered to my ears.
"Wala ka namang dapat ikaselos." agad kong saad.
I caught him grinning. Wala akong ibang ibig sabihin doon kung hindi wala siyang karapatan pero mukhang naging assurance ata iyon para sa kanya.
"Cee. Bitaw na malapit ng matapos ang oras."
Pilit kong tinigasan ang boses ko. Pilit kong ipinapakita na ayaw ko sa ginagawa niya pero traydor ang katawan ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Naghaharumentado ang sistema ko pero ayaw niyang alisin ang mga kamay ni Cee na nakapalibot sakin.
"I'll let you go if you answer my questions correctly. Who's handsome, me or Red?" he said as he kissed my neck up to my cheeks.
"You" wala sa sariling bulong ko.
"Very good" papuri niya. "Who's handsome me or T?"
"You"
Kahit na gwapo sila sa kani kanilang paraan alam kong hindi niya gugustuhing marinig iyon. So I gave him the answers he's craving. After all, he's the most handsome man for me.
"Ok" aniya saka tuluyan na nga niya akong binitiwan.
Nakahinga ako ng maluwag. Kaunto nalang kasi ay madadarang na ako sa pangaakit na ginagawa niya. I know that he's already arouse. I can feel it. Kaya nga hindi dapat ako magpadala.
Muli siyang umupo sa kama niya. Akala ko hindi na niya ako gagambalain pa pero hinatak niya ang kamay ko dahilan para mapaupo ako sa hita niya.
Ipinulupot niyang muli ang mga braso niya sa baywang ko. Nakatagilid ako sa kanya kaya kalahati ng mukha ko ang nakikita niya.
"For me too. You're pretty. But I think Simoun is right. Veatrice is pretty and you're hot."
He said with a smirk. Tatayo na sana ako ng hulihin niya ang mga labi ko at siilin ng halik.
Mainit na halik. Halik na sabik na sabim.
Halik na alam kong kahinaan ko kaya wala na akong nagawa kung hindi tumugon.
"Be with me again Amanda. Please." he begged as he broke the kiss.
-XXX-