webnovel

Kabanata 11

KABANATA 11

-AMANDA-

"AHH SHIT! shit! Shit!" paulit ulit na sigaw ni Cee habang pinapalo ang manibela ng kotse niya na huminto sa kalagitnaan ng byahe namin.

Napabuntong hininga nalang ako na tumingin sa labas ng bintana pero mukhang mas nadismaya ako sa nakita ko. Wala akong nakikita na kabahayan sa paligid puro kakahuyan lang. Isa pa malapit ng lumubog ang araw.

"Bakit kasi hindi mo tinignan yung lagay ng kotse mo bago bumyahe" iritang tanong ko kay Cee.

Hindi sa galit ako sa kanya. Naiinis lang ako dahil hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.

"Hindi ko naman alam na may biglaan akong pupuntahan" inis din na sagot ni Cee. "Isa pa bakit ka ba nagagalit sakin Amanda? Naiinis ka ba na hindi mo makakasama yung T na yun ngayon?" dagdag pa niya para mapatingin ako sa kanya ng wala sa oras

Nahihibang na talaga siya. Nasa gitna kami ng zigzag, nawalan ng gasolina at magtatakip silim na iyon pa talaga ang naisip niyang dahilan kung bakit ako naiinis.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan Cee?" inis ding balik ko sa kanya.

"Tsk. Tell me I'm wrong eh may pangiti ngiti ka pa ngang nalalaman kanina habang kausap mo siya sa telepono!" malakas na sigaw niya na halos magsalubong na ang dalawang kilay niya.

Napailing nalang ako. Hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako o hindi sa ikinikilos niya. Matutuwa ako kung wala pa ako sa tamang wisyo at kami pero dahil mas pinili ko ang tamang gawin dapat ay hindi ko na ito pagtuunan pa ng pansin.

"Bahala ka nga diyan!" sigaw ko pabalik sa kanya at saka binuksan ang pintuan ng kotse para makalabas.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko. I dialed Veatrice's number pero wala ring kwenta dahil walang signal.

Walang kabahayan, walang signal, wala ring dumadaang ibang kotse. Saan kami hihingi ng tulong nito!

I don't want to get stuck with Cee inside the car kaya lumabas ako. Isang araw palang naman din ang nakalilipas simula ng putulin ko ang anumang ugnayan ang mayroon kami. Kaya hindi ko pa rin maiaalis sa puso ko ang parteng inuukupa niya.

Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko sa tuwing malapit siya sakin. Hindi ko pa rin maiwasang mapatitig sa kanya kaya nga habang nasa byahe kami ay hindi ko siya magawang lingunin.

Labag man sa akin ang magpaiwan para kaladkarin siya at sumama sa amin ay ginawa ko para sa kapatid ko. Ang isipin na kaming dalawa lang ni Cee sa biyahe ay hindi ko na maiwasan ang pagiging hindi kumportable. Ang maiwan pa kayang magkasama sa gitna ng biyahe.

Unti unti ng lumulubog ang araw at wala pa ring signal sa lugar na ito. Wala pa ring dumadaang kotse at malapit ng mamatay ang cellphone ko.

Nandito pa rin ako sa labas habang nasa loob si Cee. Kutis mayaman eh, ayaw magpakagat sa lamok.

"Hindi ka ba papasok Amanda?" halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Cee.

Hinanap ko ang pinanggalingan nito. Nakasilip siya sa bintana ng kinauupuan ko kanina.

"No. Nasusuka ako sa amoy ng kotse." sagot ko saka inalis ang tingin sa kanya at itinutok ang paningin sa puno sa harap ko.

"Tsk" asik niya saka muling sinara ang bintana.

This is his way of saying that he's jealous. Magagalit siya sa akin.

Pero ano naman na ang pakialam ko?

Susundin ang gusto niya tulad ng dati?

Tandaan mo Amanda, pinutol mo na ang relasyon niyo. Act as the sister of his girlfriend and not as his girlfriend.

Narinig ko ang padabog na pagsara ng pinto ng kotse. Bakit naman niya naisipang lumabas?

Umayos ako ng tayo at pagsandal sa kotse. Ayokong makita niya akong naiilang sa kanya.

"Oh, bakit lumaba-?" hindi ko na natapos ang pagtatanong ko ng biglang umihip ng malakas ang hangin.

Nanuot sa balat ko ang lamig na dulot nito dahil manipis at sleeve less ang suot kong damit. Napahawak ako sa magkabilang balikat ko at bahagyang bumuga ng hangin.

"I'm jealous Amanda pero hindi ko naman kayang papakin ka ng lamok" parang batang pag aamin niya sabay abot sakin ng suit na suot niya kanina.

My heart wanted to melt on how honest and caring he is to me. Kaya lang nakakalito na. Bumabalik kasi sakin ang alaala ng mga oras na sinabi ko sa kanya na tinangkang magpakamatay ng kapatid ko.

I saw how frustated he is that's why that day I also doubted all that he said to me. Napatanong tuloy ako kung mahal niya talaga ako.

I accepted his suit and wore it. Magpapasalamat palang sana ako sa kanya pero agad siyang nagsalita.

"Hindi ko naman hahayaang lamok ang papapak sayo imbes na ako" aniya na may kasamang nakakalokong ngisi.

"Chasel!" sigaw ko sa kanya pero mas lalong lumaki lang ang pagkangisi niya.

"Amanda, I told you that you saying my first name turns me on"

"Bahala ka nga sa buhay mo" asik ko sa kanya.

Hindi ako dapat magpadala sa lalaking ito. Kahit ganito pa kabilis ang pagtibok ng puso ko sa kanya at kahit gaano ko pa siya kamahal.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ng makarinig ako ng tatlong magkakasunod na putok ng baril. Agad akong napahawak sa tenga ko at ng akmang titili na ako ay naramdaman ko ang pagtakip ni Cee sa bibig ko. I also felt his other arm wrapped around my waist.

"Be quiet" he whispered.

I don't know but I feel safe while he's holding me. Kahit alam kong wala rin siyang magagawa kung sakali mang makita kami dito.

"W-what w-was that?! Where did it came from?" kinakabahang tanong ko.

Akala ko malala na ang mawalan ng gasolina sa gitna ng daan kung saan wala masyadong kabahayan at kotseng dumadaan. Pero mas malala pa pala dahil sa nakarinig kami ng putok ng baril.

Maswerte nalang siguro kami kung hindi nila kami makikita dito.

"I don't know but I think we will be safe if we get inside the car" sagot ni Cee.

He was about to open the door of the car when we heard a crushing sound from a car. Pareho kaming napalingon sa kotseng iyon. Kulay itim ito at halatang halata dito na mamahalin ito.

Napatigil kami pareho ng bumukas ang magkabilang pinto sa unahan ng kotse. Lumabas sa driver's seat ang isang pigura ng babae at sa kabila naman ay isang lalaki.

Medyo madilim na din at tanging ang liwanag ng buwan ang nagbibigay ilaw sa amin pero kahit sa kakarampot na ilaw ay kitang kita ang perpektong mukha ng dalawang ito.

"I told you Qase there's someone here" nakangising ani ng lalaki sa kasama niyang babae.

Napatingin ako sa babae na may suot na itim na damit. Napapitlag ako ng magtama ang paningin namin. Kakaibang aura ang inilalabas niya. Tila mas lumalamig ang paligid lalo na sa talim ng mga tingin niya sakin.

"What should we do about them, Qazen?" tanong nung babae ngunit nakatingin pa rin sa akin.

"Your choice, my sweetheart"

"Teka sandali nga! Sino ba kayo?" bakas sa boses ni Cee na natatakot siya but I admire his bravery on asking them.

"I hate the girl should I just kill her?" Seryosong saad ng babae na tinawag nitong Qase.

"How 'bout the boy?"

"Do whatever you want"

"Kayo ba yung nagpaputok?" tanong ko na rin.

Pilit kong pinipigilan ang kabang nararamdaman ko.

"Are you stupid? How can we shoot if we are inside a car?" sarkastikong tanong sakin ng babae.

I was just asking!

"So now" aniya habang itinataas ang baril na hawak niya at unti unting itinututok sakin.

Napapikit nalang ako at hinihintay na makarinig ng putok pero naramdaman ko ang mga bisig ni Cee na yumakap sakin. Napamulat ako at tumitig sa mukha ni Cee. I never thought that a trip to Ilocos with him would be our dead end.

"Don't hurt my girlfriend please" I heard him pleaded.

"Girlfriend?" rinig kong tanong nung babae dahilan para mapalingon din ako sa kanya.

"She's your girlfriend?" tanong din ng lalaki.

"Yeah" he answered while looking at me.

"Bullshit! Talk to them Qazen. I'm pissed." sigaw ng babae at saka ito muling pumasok sa loob ng kotse niya.

Napapalakpak nalang ang tinawag na Qazen nung babae saka tumingin samin.

"Let's settle this. Hindi kayo magsasalita ng kahit ano tungkol dito kapalit ng pagtulong ko sa inyo." ani lalaki habang nakahalukipkip ang mga braso niya at maangas na nakaupo sa harap ng kotse niya.

"But you killed someone" bulalas ko.

"Technically we didn't. Our men did it." parang wala lang na aniya.

"Fine. Just help us out here and we won't talk about what happened here." pagpayag ni Cee kaya nahampas ko siya ng wala sa oras.

"Good that you agreed." nakangisi niyang wika saka tumingin sakin. "And woman, drop your belief for morals just this time. Believe me, it can save you."

Natameme ako ng banggitin niya ang salitang morals. I've once forgot about it when I did those wrongful things. Pero anong nangyari, may nasaktan. Tapos ngayon pinakikiusapan niya ako na kalimutan ko muna.

This is a different situation.

Siguro dapat ko nga munang kalimutan.

"I'll take your silence as a yes" wika ng lalaki at saka pumilantik.

Nagtataka man ay hindi ko na nagawang magtanong. May isa pang itim na sasakyan ang huminto sa likod ng kotse nila. Lumabas ang 4 na lalaki na nakasuot ng itim na suit at yumuko sa tapat nung lalaki. Mga tauhan siguro nila.

"Give them want they need. And be sure not to hurt them. Malalagot kayo kay sakin." pagbabanta niya sa mga tauhan niya.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa kotse niya saka muling bumaling sa amin ni Cee.

"Be sure to keep your mouths shut. I have my own ways to hunt you if you don't. I'm serious." Madiin at may halong pagbabantang aniya.

Humigpit ang hawak sakin ni Cee na para bang sinasabing tumango ako. I know he is also afraid. He's just 20 right now. Batang bata pa. Ako ang nakatatanda dito.

Pero may kakaiba sa takot niya. Para bang kilala niya ito.

"You know that Callejo" pahabol pa nito bago tuluyang naglakad para buksan ang pintuan ng passenger seat ng kotse.

He knows Cee. There's also a possiblity that Cee knows him.

Akala ko papasok na siya pero hindi pa pala. Muli siyang lumingon sakin.

Sakin lang.

"Woman. If you have a boyfriend avoid talking to other men. Some may misunderstood. " huling aniya bago tuluyang pumasok.

What is he talking about?

-XXX-