webnovel

Picture Frame

General's POV

Umaga na naman..

Nagising ako sa tindi ng sikat ng araw na tumatagos sa kurtina na nagsisilbing harang ng bintana sa aking silid.

Alas-syete na pala ng umaga.

Bumangon na 'ko at tiningnan ang picture frame na nasa ibabaw ng lamesa na malapit sa kama ko

Napangiti ako sa nakangiting babaeng nasa larawan..

Hindi pa din ako makapaniwala.

Hindi ko pa din matanggap.

Tumingala na ako bago pa muling tumulo ang mga butil sa mga mata ko, saka huminga ng malalim.

Today is another day. Thank you Saya..

Maingat kong ibinalik ang picture frame sa kinalalagyan nito.

Mayamaya pa ay narinig ko na ang boses at katok sa pinto ng kasama ko sa bahay.

" Gen! Gising na, mag-almusal na tayo. Nagluto na 'ko, samahan mo na 'kong kumain. " - Rythm

Si Rythm, ang kaisa-isang tao na kasama ko dito sa bahay.

Mahilig siyang magluto, kaya siya ang nagluluto dito sa bahay.

At ako naman, mahilig lang matulog kaya ako ang tumutulong sa kaniya sa mga gastusin dito sa bahay.

Sa paglilinis naman, paghuhugas, at paglalaba may schedule kaming dalawa.

At Oo, babae siya.

Rythm ang pangalan niya pero di maganda ang boses niya.

Kasing edad ko lang din siya, mas mukha nga lang akong bata sa kaniya.

¬_¬

Pero bago pa masira ang pinto ng kwarto ko, minadali ko na ang pag-aayos ng higaan ko.

" Sige. " matipid kong sagot at saka lumabas na ng aking kwarto.

Malayo pa lamang ako sa kusina ay naamoy ko na mabangong adobo na niluto ni Rythm.

Pero hindi nakaligtas sa pang-amoy ko ang mabahong amoy na nanggagaling din mismo sa kusina.

'-.-

'jusko' napabuntong hininga na lang ako ng madatnan kong kumakain ng Durian si Rythm.

Akala ko pa nama'y magiging maganda ang umaga ko ngayon, pero hindi pala.

" Hehehehe. ^_^ kain na tayo Gen. " nakangiting sabi sakin ni Rythm habang hawak ang buto ng Durian.

T_T ---ako

" Uhmn, sorry ah. Hindi ko na kasi natiis yung Durian eh. Lalabas na lang a---." Rythm

" Nah. It's okay. Pasalamat na lang tayo sa Adobo mong mabango -_- " ako

Pagkasabi ko noon ay nagsparkle ng todo ang mata niya.

" Komawo Noona ^3^ ". Rythm

Tss. Epekto ng Kdrama

Pagkatapos namin kumain, umakyat na 'ko ulit para maghanda ng mga dadalhin ko papunta sa trabaho ko at saka naligo.

Naiwang naghuhugas ng plato si Rythm dahil siya ang nakatoka ngayong araw.

Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay lumabas na din ako at nagpaalam para umalis.

" Ingat ka, Gen ^▽^ " Rythm

Winagayway ko lang ng sakto ang kanang kamay ko at saka pinaandar ang Yamaha YZF-R3 ko.